logo text

Chapter 3: Realization

Chapter 3: Realization
Unknown Character Point of View
Nasa ibabaw ako ng tubig dahil kanina pa ako lumalangoy kasama ang ate ko. Pinaguusapan naming ang naiibigan ko. Apaka bait niya kahit hindi halata sa itsura niya. Kinikilig ako.
"Anong nangyari kagabi? Nag date ba kayo?" tanong ni ate habang naka kapit sa balikat ko.
"Tanga, hindi" natatawang sagot ko bago lumangoy pailalim.
Nag paunahan kaming makarating ng gate at kung sino ang mauna ay bibigyan ng dare ang natalo. Ganito lang lagi sa ilalim ng tubig. Ang tahimik. Minsan umiingay dahil sa pag gamit ng dinamita ng mga tao sa panghuhuli ng isda kahit illegal 'yon...
Marami akong nakasalamuhang tao na gusto maging isang sirena. Akala ng iba masaya. Madali. Walang trabaho at tanging pag langoy lang sa tubig ang ginagawa. Akala nila na Malaya kami. Na hindi kami kumakain dahil sa immortal kami.
Hindi nila alam na kayang mapawalang bisa ang pagiging immortal mo sa hindi lang pag kain ng golden seeds. Sa pamamagitan ng pag ibig sa tao. Hindi nila alam na boring dito at mas maganda sa lupa.
Hindi lang isa ang lugar sa karagatan. Hindi lang buhangin at bato, corals at mga laman ng dagat ang nasa ilalim nito. Limang kaharian o realms ang dagat. Hindi mo basta-basta makikita at mapupuntahan 'yon dahil naka tago ito at may mga susi para mabuksan. Pero kung sirena ka ay makikita mo sila dahil sa core mo.
"Ano na girl? Mag co-confess kana ba sa taong 'yon? Yung pogi?" sasagot na sana ako ng bigla kaming tumalsik ni ate dahil sa sound waves na nangyari. Umikot kami paitaas para umatras.
Nilingon naming 'yon at Nakita naming si ama. Hawak niya ang plauta na nag mula pa sa panahong wala pangkasaysayan.
Kaya nito kumontrol ng kahit anong yamang tubig at sariling pinag mulan nito. Gawa sa coral at golden core ng ninuno namin na may sariling kaluluwa na kayang bumuhay ng tao.
"Anong magtatapat? Kanino? At sino sa inyo?" istriktong tanong ni ama. Mababatid mo ng istrikto siya dahil sa tono ng boses niya.
"A-ako po" nag aalangan kong sabi at yumuko.
"Tumigil kana! Wala ng pag asa pang umibig ka lalo na sa mga mortal. Pinag bigyan lang kita dahil nangako kang gagampanan mo ang posisyong iiwan ng iyong ina sa kahariang ito!" napa kagat ako sa ibabang labi ko bago umiwas ng tingin.
"Ayos lang sa akin na magalit ka. Pero ginagawa ko 'to para sa kapakanan ng kaharian at ng sarili mo" patuloy niya sab ago lumapit sa akin.
Umiwas ako at napa tingin sa gintong buntot ko, "Bakit ama? Bakit pinagpipilitan niyo laging gawin ko ang hindi ko naman gusto? Andyan pa naman si kuya ah, si ate. Pero bakit ako? Taglay din nila ang golden core kung anong meron ako" paliwanag ko pero seryoso lang siyang tumingin sa akin bago buksan ang gate patungo sa kaharian.
"Alam mo ang pinag kaiba mo sa mga kapatid mo. Nananalantay sa dugo mo ang huling ugat ng dagat" nilahad ni papa ang kamay niya sa akin pero hindi ko 'yon tinanggap at umiling.
"Noong una si ate maria pero anong ginawa niya? Hindi ba hinamon niya ang diyos ng dagat? Na kinasanhi ng pagkamatay niya. Pinaglalaban niya lang ang gusto niya ama, gusto mo bang dumating rin ako sa puntong 'yon?" mangiyak-ngiyak kong sabi at pinanghihinaan na.
Binigyan niya ako ng isang tingin bago pumasok sa gate. Pinapalibutan ito ng enerhiya na kapag pumasok ka ay mapupunta ka sa ibang mundo. Hindi talaga ibang mundo. Nasa dagat pa rin kami pero ayon ang kahariang tinatago mismo ng tubig na hindi nakikita ng mata ng tao.
Hindi ako sumunod sa kanila at mabilis na ihinampas ang buntot ko sa tubig at lumangoy palayo sa kanila.
Naka upo ako sa isang bato dito sa isang kweba ng isang isla. Sa ilalim nitong kweba ay may daan at parang swimming pool ang itsura nitong tubig sa loob. At sa itaas nito ay makikita mo ang bilog ng buwan dahil naka sentro sa kwebang ito ang buwan.
Hating gabi na pero andito pa rin ako...
Kamusta kana kaya? Sana naman kumakain ka ng maayos. Hindi kita malapitan at tanging pag mamasid lang ang kaya kong gawin mula sa malayo.
"Isaiah..." bulong ko at nag simulang umawit ng kanta. Walang pangalan ang kantang 'to. Hindi ko rin alam kung saan ko nalaman. Pero ang pagkaka alam ko lang ay bawat sirena na isinisilang sa mundo, ay tinataglay na nila ang boses na kasing dalisay ng tubig.
May sarili na silang mga kantang ina-awit.
"Aaaaaaahhhoooo..." napatigil ako at napalingon sa ilalim ng tubig. Isang itim na likido ang nag hari sa light green na tubig.
"Hello, swettie" andito na naman siya.
Isang magandang babae ang bumungad sa harapan ko. Ang mata niya ay kasing itim ng buhok at buntot niya. May guhit sa noo niya na kulang violet.
Sabi ng mga elders siya ang pinakamatandang sirena sa buong angkan at lahi. Kaibigan siya ng ninuo namin na siyang gumawa ng creel. Anv plauta na tinutukoy ko kanina.
Nadaanan na niya lahat ng henerasyon ng mundo. Lahat ng lengwahe ay alam rin niya. Pero may isa siyang sikreto na hindi niya pinapaalam sa lahat. At ako... Alam ko 'yon.
"You really love isaiah, right? Then fight for him, fight for your love!" Pag pilit niya sa akin na may matigas na tono na ipinaglalaban niya.
Tinignan ko siya at umiling, "alam ko ang balak mo amira" marahan kong sagot bago siya lapitan.
"Gusto kong maging tao. Kahit pansamantala lang, kaya mo ba?" Tanong ko na nag mamaka-awa sa kaniya.
"Of course I can," nakangiting sagot niya pero nag seryoso itong bigla, "sa isang kondisyon."
"My golden tail, or my golden core? Sabihin mo at kaya kong ibigay 'yon."
Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa likod, "ang ugat ng dagat," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko in-expect na ayon ang hihilingin niyang kapalit.
Lumingon ako sa kaniya, "hindi pwede."
"Alam mo ang kaparusahan pag umapak ka sa lupa ng walang pahintulot ko," inis na sabi niya.
Hindi siya masamang sirena. Hindi rin siya mabait. Ang alam ko lang, wala siyang puso. Ang mismong ugat ng pinang galingan niya ang buhay niya.
"Kapag umapak ka sa lupa, your immortality will be gone!"
Isaiah's Point of View
Isang araw na lang pasukan na. Pero ito pa rin ako, laging puyat at hindi maka tulog. Patuloy pa rin na may bumubulong sa akin kada sasapit ang gabi.
I didn't see it scary beacuse her voice is sweet and soft. Yeah, it's she.
Nagigising na lang ako gabi-gabi ng kinakabahan at naghihinala dahil sa boses na naririnig ko. She keeps messing up with me every night.
But thanks to her, she always save me with my nightmares.
Umupo ako sa sofa at tinanaw ang dagat dito sa bintana. Gusto ko maligo. Kaso... I has trauma in the water. Every time na aabot hanggang tiyan ko yung tubig. Nanginginig ako at hindi ako maka lakad.
Kaya buti na lang din at naka lipat kami. Kasi last year summer non and nasa swimming club ako para ihatid ang mga kick board nila and someone accidentally push me then pag dilat ko nasa ilalim na ako ng tubig at nalulunod.
Patuloy na pumapasok sa ilong ko yung tubig at parang pinapatay na ako sa ilalim non. I heard them laughing kahit na sumasabay ang tunog ng tubig.
Then... I woke up and I realized that I am home. Narinig ko sila mom na lilipat na kami. Nalulugi na ang company ni papa. Kaya hindi na niya kami kayang ipasok pa sa private school na 'yon.
Isa pa, wala naman silang pake. Puro bully ang mga student sa school na 'yon. And may ibang hindi na lang nakikisali and as much as possible hindi sila nakikipag interact sa mga rich kid. Kasi alam na nila ang mangyayari.
Karamihan sa kanila may kapit. Mayaman kasi kaya malaki ang nadodonate sa school. Binabayaran nila ang grades nila.
Dito mo talaga makikita na walang pantay na katayuan ang tao kahit sa mata ng diyos lahat tayo ay pantay-pantay.
Kapag may pera ka, papasa ka, matalino ka, at pwede mong gawin ang lahat. Pero pag mahirap ka kahit matalino ka, wala silang pake sa grades mo.
Mas priority ng ibang private school ang mga mayayaman. Kaya hindi na ako mag tataka kung ganon talaga ang nangyari.
"Isaiah tulala ka na naman" isang kamay ang bumungad sa akin habang tinitignan ang dagat. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si naomi na naka ngiti at basa na naman.
"Wala lang, 'bat lagi ka na lang basa pag pumupunta ka sa 'kin?" Tanong ko pero hinampas niya lang ako at tumawa.
"Anong laging basa, hindi kaya. Pag kumakain ba tayo basa ako? Tara na nga sama ka samin nila kuya kian" pagyaya niya at hinawakan ang palad ko para hilain.
"Saan ba?"
"Sasakay ng mahabang saging" ano daw? Anong mahabang saging? Hinayaan ko siyang hilain ako habang ako ay ini-isip yung sinabi niya.
Nakarating na kami sa dagat at white sand ito kaya maganda. Napa lingon na lang ako sa kaliwa ko ng tawagin nila ako.
What the F? Banana boat pala 'yon pota. Natawa na lang ako ng palihim bago sumunod sa kanila. Pinasuot nila kami ng life jacket bago umandar.
Nag hihiyawan sila habang umaandar yon. Habang ako ay pinapaanod lang ang paa ko sa hampas ng tubig.
"Saih, okay kapa ba?" Sigaw ni kuya sa harapan kasama si aya. Nag thumbs up na lang ako at nakita naman niya 'yon.
"Kuya pwede na ba tumalon?" Parang batang tanong ni naomi at huminto na yung banka sa harapan.
Napa hinto ako ng tinanggal niya ang ipit niya sa buhok at bumagsak ang itim niyang buhok. Bago tanggalin ang life jacket niya at tumalon.
"Wait, bakit niya tinanggal 'to?" Tanong ko. Gusto ko man siyang sundan sa ilalim pero hindi ko magawa. Bakit ba kasi nagka trauma pa ako sa tubig.
"Don't worry isaiah, she's a great swimmer"
tumango-tango na lang ako bago siya pagmasdan.
Ang ganda niya lumangoy. Her white long skirt are dancing with the water. She looks like mermaid in her swim. Umiikot-ikot siya at parang sumasayaw bago siya umahon.
"Isaiah, tara! May nakita akong coral na kukay grey sa baba, tignan natin!" Sabi niya at nilahad niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko 'yon kinuha.
"Isaiah?"
Yumuko ako at hindi siya pinansin. Ayokong makita niya na mahina ako kasi kakaawaan na naman niya ako. And I hate the way she felt that.
"Naomi, I'll challenge you na sumisid ng 30 seconds sa tubig and I will treat you sa street food" hindi pa lang nag start ang time ay bigla na siyang sumisid na kinatawa ni aya at kuya.
Hindi ko na lang sila pinansin at nilaro-laro ko na lang ang tubig sa paa ko.
I wish... I can swim like her.
___
Nandito na ako sa loob ng kwarto ko at naka higa. Napagod ako sa mga nangyari kanina and I met a new friends. Her name is malia and alejandro at nalaman ko rin na student sila sa school. Transferee like me.
May narinig akong kumatok sa pinto ko kaya agad akong tumayo para buksan 'yon. Bumungad sa akin ang mukha ni mama na seryoso at pumasok sa loob ng kwarto.
"Isaiah"
"Po?"
"We're in province and I want to tell you this. Do it right and better, be a responsible student, galingan mo at patumbahin mo matatalino sa grade level mo."
Nag taka ako at parang nasiyahan ako sa sinabi ni mom, I didn't expect this will happen that she will encourage me to work harder.
"Para naman mapansin ka ng mga tao," nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya, "wag mong papayihain ang apelyido ko dito. You know that, right? Dinadala mona ang last name ng papa mo at middle name mo ang sa 'kin. Kilala nila kami dito bilang matatalino at responsable. Kay sinasabi ko sa 'yo isaiah, galingan mo. Gayahin mo ang kuya mo."
Binigyan ko na lang siya ng tango. Sa mga sinabi niyang may diin bawat salita ang nag paiyak sa akin.
I don't want to cry but I can't help it. Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Agad kong sinara ang pinto ng kwarto ko at humiga bago mag talkubong nv kumot.
Ayokong may makarinig sa akin na umiiyak. Especially kay kuya at naomi.
Bakit ba ang hirap ng situation ko? Ang hirap ng buhay ko. Laging nacocompare sa iba. Kailangan pag sabihan na gawin yung hindi mo naman gusto.
"Isaiah..."
"Isaiah... please, dont be sad..." I smiled and close my eyes when I heard her voice again and her angelic song.
Maybe I'm not the kind of student that can be a good and always at the top. Students are not the same. We can be a better student, but being good isn't.
And I realize, we don't need to feel sad because we are different with them. We should smile and be happy beacuse we're unique.
To be continued...

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Ker Quillope

    yes

    19/07/2024

      0
  • avatar
    ConsulChristian

    Nice Author and GOD BLESS..nabitin aq sa story..😊

    23/10/2022

      0
  • avatar
    LariosaJovelyn

    Soo interesting

    02/10/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata