logo text

Her Pain and Betrayal

Isaiah's Point of View
Natapos ang mga kailangan kong gawin simula kanina ng utusan nila akong itanim ang core na ginawa ko sa ilalim ng dagat. Nakumbinsi ko ang mga sirenang naisalin ko ng buo 'yon but I lied... I didn't transfer the core under the sea.
"Isaiah," narinig kong tinawag ako ni Cedar kaya dali-dali akong pumunta sa kaniya ng matapos ko ang pinagkakaabalahan ko. I still don't know if I will start to call him dad, or Cedar na lang ba talaga.
"Anong ginawa mo?" seryoso ang tono ng boses niya, kaya agad akong umiwas ng tangin. Kahit alam kong kakampi ko siya, I still don't want anyone know what I did under the sea. Nabigla ako ng biglang may liwanag na lumabas sa dibdib ko at nang lumingon ako ay ang core na ginawa ko ang lumabas. Bigla itong lumipat sa kamay ni Cedar at tinitigan ako na para bang sinasabi niyang "Ano 'to?"
Napangiti na lang ako ng pilit at pilit binawi sa kaniya 'yon.
"Kung tunay kasing na tanim mo ang core na 'yan. manunumbalik ang akas ko kasabay non ang pagkabuhay muli ng kagubatang ito."
Napatigil ako sa pag bawi ng core sa kaniya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. I forgot. I forgot na connected pala ang life niya sa ugat ng ancient forest. It means... Siya na lang ang natitirang dahilan kung bakit nananatiling buhay pa din ang ibang nakatanim sa gubat na ito, at kung hindi ko agad ito naagapan, may posibilidad na mamatay siya...
"What if mamatay ka?" wala sa sariling tanong ko. Medyo natatakot din akong mawala siya dahil siya lang ang taong nag silbing magulang ko. Kahit naman kasi sabihin kong maayos na kami nila mama at papa- ang hirap nilang pagkatiwalaan. I mean, we're okay now pero hindi ibig sabihin non ganoon na ka 100 percent ang trust ko sa kanila
Ang hirap kasi eh. Yung tipong maayos na kayo noong una pero biglang may hindi magandang nangyari, then nagka-ayos uli parang hindi na ganon ka tibay yung tiwala niyo sa isa't isa.
"Hindi ako mamamatay, Isaiah. Hindi pa kami nagkakasama ng mag ina ko," natatawang sabi niya at binalik sa akin ang core. Sabay naming pinagmasdan ang mga nakalbong puno dahil sa kagagawan ko. Kitang-kita na ang asul na langit dahil wala na ang matatayog nap uno ay mga dahon nito,
"Sabihin mo, sino ba ang nanay ko?" dahil sa kuryosidad ay tinanong ko na siya. Hindi kami nakatitig sa isa't isa dahil patuloy lang naming pinapanood ang langit at ang paligid sa kagubatan
"Alam mo na pala?" medyo natatawang wika, "kailan pa?"
Napangiti ako ng tanungin niya sa akin ang bagay na 'yon. Noong una pa lang wala talaga akong idea na tatay ko siya. Ang weird din kasi na pag punta ko dito, I discovered a lot of impossible things, like magic, god, immortals, mermaids, and more. Parang fantasy lang eh.
Until I met Cedar. Ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Siguro dahil na rin sa tinuruan ako ni Naomi na makipag communicate sa ibang tao. He taught me a lot of things na hindi ko alam. To find out my real identity, to unsealed the power inside me, to cultivate my power, he though me everything about the world. Parang si Naomi din lang, they both nice and wonderful person.
"Do you remember when I first saw your face and eyes? Noong nalaglag ang tela sa mata mo?" Tanong ko at umupo sa malaking bato sa gilid namin. Tinignan ko ang lawa na dati naming pinagliguan nila Naomi na ngayon ay madumi na.
"Noong sinabi ko sa 'yo ang propesiya?"
"Oo ata? HAHAHA. May kakaibang pakiramdam akong naramdaman ng titigan ko ang mga mata ko. Then when we tried to unsealed my power, pagkatapos non ay naging blue din ang kulay ng mata ko, same with the color of your eyes," Paliwanag ko. Hindi lang dahil sa color ng mata ko ang dahilan, dahil marami kaming similarities na dalawa. At isa na don noong narinig kong sinabi niyang anak niya ako, I heard that even I'm at the top of mountain.
Tumingin lang siya sa akin na para bang sinasabi niya na kilalang-kilala ko iyon. Pilit kong inalala ang sinabi niya sa akin na first love niya, yung babaeng minahal niya na siya rin mismo ang nagkulong kay Cedar sa gubat na 'to.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng nasa isipan ko. Ibig sabihin ba nito? Siya ang nanay ko?! Ang ancient mermaid na may ginintuang buntot, ang tagapangalaga ng ancient forest, ang huling ugat ng dagat sa katawan ng isang sirena, ang dugong bughaw, ang aqua veins, ang blue corals... Lahat ng 'yon connected sa akin sa mga nilalang na nasa paligid ko.
Ibig sabihin lang non... "Si maria?!" Gulat na tanong ko? Tumango ito at muling inangat ang tingin sa langit. Hinawakan niya ang tela na nakapalibot sa ulo niya para takpan ang mata niya at bigla itong nasunog at naging abo na nilipad ng hangin.
Muli kong nasilayan ang asul niyang mga mata. "Tapos na ang papel ng telang iyon," Wika niya at lumingon sa akin.
"Ano bang meron sa telang iyon at bakit lagi mong suot?" Tanong ko. Hindi kasi pumasok sa isip ko ang bagay na 'yon kung bakit siya may tela sa ulo niya para pagtakpan ang mga mata niya.
Nakatitig ako sa kaniya habang siya ay pinagmamasdan ang abo na nililipad ng hangin sa ere. "Ang telang 'yon ang sumisimbolo sa pagtataksil ko sa aking angkan, upang takpan rin ang mga mata kong walang nagawa para sa pamiya ko. Pero sa tingin ko, tapos na ang papel ng telang 'yon sa buhay ko, dito na nagtatapos ang kwento ng telang ilang libong taon kong suot-suot."
"Buti naman inamin mo din," Napatigil kami sa paguusap ng may marinig kaming tinig ng babae sa likuran naming dalawa. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Pearl na nakatayo sa tabi ng puno.
"Anong ginagawa mo dito-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang may nakakasilaw na liwanag ang umilaw sa harapan ko. At pag mulat ko ng aking mata ay nasa harapan na niya si Cedar at may nakatutok na espada sa leeg ni Pearl.
Parang kidlat lang ang naging kilos niya dahil sa bilis niya. Hindi ko man nakita ang buong pangyayari, naramdaman ko naman ang kilos ni Cedar dahil sa hangin.
"Papatayin mo ako?" Nakataas na kilay na tanong nito kay Cedar bago ibaling ang tingin sa akin, "bago ang lahat. Humanda ka Isaiah. Balak ng mga ninuno ng mga sirena na patayin ka at ialay ang dugo mo upang buhayin si ate Maria."
Halos hindi ako makagalaw sa gulat dahil sa mga narinig ko. Papatayin nila ako, para buhayin ang mama ko? Wait! Kung ganon... Tita ko si Naomi?!, What the heck! Anong klaseng love story ba ang binigay sa amin ng diyos?
"Hindi nila mahahawakan ang anak ko!"
"Hindi mo alam ang kaya nilang gawin, Cedar. Kung nagawa nilang paghiwalayin kayo ni ate noon, ang patayin pa kaya si Isaiah?" Nakaka sindak na sabi nito at inilayo ang espadang nakatutok sa kaniya.
"Andito ka ba para ibigay ako sa kanila?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya sumagot bagkus ay lumapit pa siya sa akin bago ilahad ang palad niya at may nakita akong ginintuang perlas doon.
"Kunin mo, makakatulong 'yan para mabilis na bumalik ang kapangyarihan ni Naomi," Sabi niya kaya agad kong kinuha sa kamay niya ito. "Kapag may narinig kang tinig ni Naomi sa isipan mo at pinapapunta ka niya sa tabing dagat, huwag kang pupunta, isa lang patibong ng mga ninuno 'yon."
Sa tono ng pananalita niya ay sigurado akong nagsasabi nga siya ng totoo kaya tumango-tango ako bilang sagot bago ibaling ang paningin ko kay Cedar.
"Uuwi muna ako."
Naomi's Point of View
"Anak siya ng ni Cedar, panigurado akong nananalantay din sa katawan niya ang dugong bughaw," napatigil ako ng mapagtanto kong si Isaiah ang tinutukoy nila ngayon. Kasalukuyan akong nagtatago dito sa kweba kung saan nagtipon-tipon ang mga sirena upang pagusapan ang mangyayaring pag paslang kay Isaiah.
"Mahal na hari. Siguraduhin niyong hindi mangingi-alam ang dalawa niyong anak sa plano namin," Binaling ng isang matandang sirena ang atensyon kay papa na kasalukuyang naka-upo sa malaking bato at nakikinig.
"Bakit ba kasi kailangan pang paslangin ang batang 'yon? At bakit mangingi-alam ang mga anak ko?" Seryosong tanong niya na kinataas ng balahibo ko. Ang a-ano nila ngayon ah! Bakit ganito sila mag usap? Hirap na hirap akong nag tungo dito dahil sa sobrang hina ng katawan ko bilang matanda tapos ganitong usapan ang maaabutan ko?!
"Mahal na hari, naging kaibigan ng mga prinsesa ang anak ni Cedar," Singit ng isang matandang babae.
"Isa pa, iniibig ng bunso niyong anak na si Naomi ang binatang 'yon. Kaya may posibilidad na kumontra siya!" Sigaw ng ninuno naming lahat kaya napatigil ang nga nagbubulung-bulungan.
"Anong kaganapan dito?" Napabaling kami ng tingin sa itim na sirena na papunta sa kanila. Si amira, ibang-iba ang dating at awra niya ngayon.
"Ninunong Amira, isa ka ding kaibigan ng mga taksil na 'yon, hindi ba?!" Biglang tumalim ang titig ni amira sa kaniya ng sabihin iyon at dali-daling lumutang ang tubig na hugis kamay at biglang sinakal ang masungit na lalaking 'yon.
"Kalapastanganan."
"Amira, huminahon ka," Utos ni ama. Kaya agad din niyang binitawan ang bwisit na lalaking 'yon. "Hindi pwedeng patayin ang binatang iyon, isa na siyang diyos ngayon kaya isang kaparusahan sa langit ang binabalak niyo."
"Mas importante ang buhay ni Maria, kesa sa kaniya!"
Umiinit na ang dugo ko sa kanila dahil pilit nilang kinakampihan si ate na akala nila wala na, e buhay pa naman. Dahil sa inis ay hindi ko mapigilang lumabas sa pinag tataguan ko at nag pakita sa kanila.
Rinig ko ang bulungan nila na kung bakit daw may nakapasik na tao dito. Natatawa ako habang naiinis na lumapit sa kanilang lahat.
"Sino ka?!"
"Walang gagalaw kay Isaiah."
Pagbabanta ko. Napatigil silang lahat sa sinabi ko at binato ako ng makahulugang tingin. Hindi nga siguro nila ako nakikilala dahil sa itsura ko.
"Sino ka para utusan kam-"
Hindi ko na siya pinatapos dahil baka prituhin ko pa ang bwisit na lalajing 'yon pag may sinabi pa siyang masama tungkol kay Isaiah.
"Hindi ba ako naman talaga ang susunod na magiging reyna? Pinapaaga ko lang. Ang kauna-unahang utos ko ay walang gagalaw kay Isaiah, kahit sino sa inyong lahat!"
Nasindak silang lahat sa sigaw ko kaya naman napatigil silang lahat. Tinitigan ako ni papa na para bang sinasabi niyang 'wag kong gawin ito. Pero malas niya, pagod na ako.
Pagod na ako sa kanilang lahat. Pagod na akong sundin ang mga utos at patakaran ng karagatan. Kung mabubuhay man lang sana ako sa susunod na panahon, sana... Sana normal na tao na lang ako. Ayokong maging sirena na tagapagmana ng trono, ayokong maging sirena na walang kamatayan. Ayokong maging prinsesa na nililimitahan ang mga ginagawa, gusto kong maging malaya.
Ayon lang naman ang naging hiling ko sa sarili ko simula pa nung una. Ang maging malaya. Malaya sa kaharian, sa dagat, sa mga patakaran at batas, mga utos nila, at ang pag dedesisyon sa buhay ko.
"Prinsesa Naomi, bakit kaba nag kakaganyan? Masunirin ka namang bata, ah? Ganyan ba ang naging dulot sa'yo ng binatang iyon?" May inis na tanong ng isang mayandang babae na sirena sa akin.
"Bakit kayo gan'yan? Gan'yan ba talaga ang mga sirena sa karagatan? Ang kinikilala lang ang isang nilala sa kaya niyang gawin? At pinapahalagahan lang ang nilalang na may pakinabang? At pag nakuha na ang gusto niyo ay papaslangin niyo na lang?" Tanong ko sa kanilang lahat. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa mga pag iisip nila. Hindi pantay ang tingin nila. Akala ko sa ibabaw ng lupa lang ang mga ganon, akala ko mga tao lang ang mapangahas at sakim, pero pati rin pala ang mga sirena. Katulad lang din nila ang mga nilalang na nakapaligid sa akin.
"Hindi mo kami naiintindihan, prinsesa. Kapakanan lamang niyo at ni Maria ang iniisip nami-" pinutol ko ang sasabihin niya bago pa siya mag salita. Ang kaninang pinipigilan kong luha sa gilid ng mata ko, ay matagumpay na bumuhos sa pisngi ko.
"Kapakanan?! Hindi ba andito na ako?! Bakit kailangang si ate pa? Wala akong problema sa kaniya. Pero bakit? Natatakot ba kayong hindi ko mapamunuan ng maayo ang kaharian? O ayaw niyo lang talaga sa akin na isang sirenang umibig sa taga lupa?"
Uminit ang tensyon sa pagitan naming lahat. At nag hari na naman ang bulung-bulungan sa paligid namin. Alam ko naman kasi noong una pa lang. Na ayaw nila sa mga sirenang umiibig sa taga lupa- gaya ni ate Maria.
"Mahal na hari, wala ba kayong gagawin?" Sabay-sabay nilang tanong na kinailing ko at napatawa ako ng bahagya.
"Kilala niyo naman ako eh... Mabait ako. Mabait ako," Paulit-ulit na sabi ko at nilingon sila, "wala akong problema sa inyo, dahil ang tanging problema ko lang ay ang mga pag-iisip niyong lahat! Ayan ang problema, nag dedesisyon kayo sa buhay ng iba!"
Tahimik lang silang lahat kaya wala na akong ibang ginawa kung hindi tumalon sa tubig at nag palit ng anyo bilang sirena at lumangoy pabalik sa tabing dagat.
Kaya lang naman kasi ako nag layas ay dahil sa kanila. Hindi maganda ang ugali nilang lahat, pareho lang sila. Noong mga panahong nasa kaharian ako ay ganon silang lahat, kaya wala akong ibang magawa kung hindi sundin sila kahit labag sa loob ko.
Pumikit ako habang dinadamdam ang lamig ng tubig sa dagat na bumalot sa buo kong katawan. Kasabay non ang mga boses na pumasok sa utak ko...
"Ituloy ang plano..."
To be continued…

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Ker Quillope

    yes

    19/07/2024

      0
  • avatar
    ConsulChristian

    Nice Author and GOD BLESS..nabitin aq sa story..😊

    23/10/2022

      0
  • avatar
    LariosaJovelyn

    Soo interesting

    02/10/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata