Homepage/Waves of Farewell/
Chapter 22: His Lost
Isaiah’s Point of View
“Are you okay?” tanong ni kuya sa akin habang tinatahak namin ang daan patungong school. I just gave him a nod at sumandal sa backseat ng sasakyan.
“Isaiah, saan ka ba kasi nagpupunta kada sabado at linggo? Minsan napapansin ko pang late ka na kung umuwi at kadalasan ay hindi ka na nga umuuwi. Saan ka ba talaga pumupunta?” nag aalala na tanong ni mama sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil nung matagal na rin simula ng magka ayos kaming dalawa. Wala din akong masagot dahil maski ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko, bawal ko rin sabihin ang totoong ginagawa ko pag wala ako sa bahay.
Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa bago mag salita, “ma, hindi ba sinabi ko sa’yo na may practice kami sa darating na competition? Nasa bahay naman ako ni coach at kasama ko ang ibang members ng club kaya okay lang ang ako,” pagsisinungaling ko sa kanila. Nagkatinginan lang sila ni kuya mula sa mirror ng sasakyan at tumango na lang na halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.
Ginulong ko ang ulo ko patagilid at pinagmasdan ang kalangitan na magbubukang liwayway na. Nakikita ko na ang mga ibon sa langit na malayang lumipad, maski ang mga nagsisitalon na isda sa dagat ay natatanaw ko na rin na para bang ang sigla sigla nila.
Nagpakawala ako ng hininga at ipinikit ang mata ko. I'm to tired for those things... but I don't know why I felt happy whenever I see something like that. Parang sinasapuso ko na ang mga likha ng diyos, at mga likha ng kalikasan. Pagtititigan mo ang environment ng bayan na ito ay mapapangiti ka na lang sa ganda at nanaisin na sana lahat ng lugar ay ganito kalinis at kinaiingatan ang lugar.
Hanggat maaari ay iniiwasan din ng mga tao diro ang pag gamit ng mga sasakyan, pagsusunod ng mga plastic, at iba pang may masamang dulot sa mundo dahil na rin sa kumalat na babala ng mga sayantipiko o dalub-agham tungkol sa nakababahala at mapanganib na epekto ng pagtaas ng produksyon ng mga fossil fuel at iba pang polusyon sa kapaligiran.
Kaya sana lahat ng tao ay maging maingat din at pangalagaan ang kalikasan. Dahil kung wala ang mindo natin, wala tayo ngayon sa kinatatayuan natin, wala tayo ngayong nilalanghap na hangin, kinakain, pinagkukunan ng pangkabuhayan. Dahil ang mundo ang mas nauna sa ating mga tao ng ilikha ito ng diyos sa kawalan.
I thinks human should be the one who change and not the climate change, dahil sino ba ang may kasalanan? It is US- the people, we are the one who's ruining the earth. If Naomi's here, hindi niya hahayaan na maging ganito ang mundo and kahit na wala siya dito I know what she's going to say, 'THE WORLD NEES US!'.
Napakuyom na lang ako ng aking kamao ng biglang hindi ko magalaw ng maayos ang buo kong katawan dahil sa sobrang pagod ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, marahil sa kulang sa kain at tulog. Minsan pa ay nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at nahihirapan huminga kahit wala naman akong asthma.
Hindi ko alam kung kakayanin ng katawan ko ang laban ko ngayong araw. Ngayong araw na kasi ang competition at sa school naman namin gaganapin. Balita ko ay may makakalaban kaming taga private school. Kinakabahan ako dahil kilala ko kung kaninong school ang makakalaban namin.
Huminga ako ng malalim at pinipigilang hindi bumagsak ang aking mata dahil sa antok. Pakiramdam ko parang babagsak na agad ako kahit wala pa ako sa auditorium dahil sa nararamdaman kong hilo. Dapat pala talaga nag pahinga ako kahit isang araw lang bago ako sumabak dito, ayon nga lang ay hindi ako nag iisip ng maayos.
“We’re here, bumaba na tayo,” bungad ni mama sa amin kaya agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Nag inat ako nv katawan at tumalon-talon para magising pero mas lalo lang akong napagod kaya tumigil na ako.
'What the hell ks happening?' ang tanong ko sa aking sarili at nag lakad na papasok. Bagsak balikat akong nag tungo sa club room para mag bihis ng may maka bangga akong lalaki. Magkasing height lang kami pero medyo mataba siya. Agad akong humingi ng pasensya at naglakad na palayo ng marinig ko siyang mag salita.
"Long time no see, Isaiah," Wika nito na kinatigil ko. Biglang nagising ang natutulog kong diwa at inaantok na mga mata dahil sa pamilyar na boses ng lalaking 'yon.
"Iko?" Tawag ko sa pangalan niya ng lumingon ako sa kanila. Nakasuot din sila ng swim trunks habang hawak ang googles at swim camp nilang dalawa.
"What about me saih, do you still remember me?" Malapad na ngiting tanong ng kasama niya na mas mapayat kesa sa kaniya. Singkit ito ay may mga black heads and pimples sa bandang pisngi, pansin ko din ang mapang-asar niyang mukha na hindi bumagay sa kaniya dahil ang pangit niya.
"Yeah, I still remember the both of you," sabi ko at lumapit sa kanilang dalawa at tinignan sila ulo hanggang paa, "so kayo ang makakalaban ko? Galingan niyo na lang."
Tumalikod na ako at nag simulang maglakad patungo sa club room para mag bihis. Nakita ko sila sa salamain na naghihimutok sa galit, at parang gusto na akong sugurin.
Kahit na wala akong time na patulan sila ay nagawa ko na dahil sa hindi ko makalimutang ginawa nila sa akin. Napatawad ko naman na sila dati pa since Naomi's told me na 'wag mag tanim ng sama ng loob sa tao, I should forgive them kahit hindi sola deserving sa pagpapatawad ko. Kasi kung anong pinapakita ko sa kanila, ay ganon din ang tingin sa akin ni god.
Nang matapos akong mag bihis ay agad akong lumabas ng club room na may suot na jacket para hindi ako lamigin dahil for sure hindi mag magsisimula ang laban pag punta namin doon. Nang makarating ako sa gymnasium- and gaya nang dati ay indoor pool na naman kami.
Pero minsan ay pinag practice na din kami ni coach sa lake or hindi kaya sa dagat para masanay din daw kami at hindi masanay sa pool.
"Okay, sa tingin ko ay lahat ng makikilahok ay nandito na. Kaya simulan na natin," anunsyo ng speaker kaya naman nag simula muna kaming mag stretching. Because It helps athleticism, increases flexibility and guards against the risk of injury. Ang swimming kasi ay all body workout, kaya we're always stretch all of the major muscle groups before we swim.
Nag simulang mag count down ang speaker at pumosisyon na kami sa mga pwesto namin. Kinakabahan naming hinintay ang pagtunong ng bell na isang hudyat na simula na.
Isang nakakaalarmang tunong ang narinig namin sa buong gymnasium- kasabay non ang sabay-sabay naming pag dive sa tubig para lumangoy.
Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko muli ang malamig na tubig na yumakap sa buo kong katawan. Ilang buwan na rin akong hindi nakakalangoy, kaya nahihirapan akong makipag sabayan sa kanila. Binilisan ko pa lalo ang pag padyak na para lamang akong tumatakbo at patuloy na hinahawi ng dalawang kamay ko ang tubig upang bumilis ang paglangoy ko.
Malapit na ako sa kabilang side kaya agad akong nag turn of at humugot ng malaks na pwersa sa tiles nito at lumangoy pabalik sa kabilang dulo. Patuloy lang ako sa paglangoy, rinig na rinig ko ang paghampas ng tubig ng biglang nanigas ang kanang paa ko na kinatigil ko.
Naningkit ang mata ko at napahawak sa binti ko ng biglang hindi ko nabalanse ang bigat ng katawan ko at tumaob ako sa ilalim. Hindi ko napigilang hindi mapabuga ng hangin na dahilan para pumasok sa ilong at bibig ko ang tubig ng pool na dahilan kaya nahirapan akong huminga
Sinubukan ko pang umahon dahil nalulunod na ako. Pero parang walang pumapansin sa akin. Kahit na nasa ilalim ako ay rinig ko ang bulungan at sigawan nila- lalo na ang sigaw ni mama at kuya na batid kong nag aalala.
Habang ang iba... Makikitid pa din ang utak.
"Anong ginagawa niya? Ang tanga, lumangoy na siya!"
"Ano 'to? Feeling main character na naman at mananalo kahit na huminto?"
"Oo nga, parang nung ginawa niya dati, ang yabang."
"Hindi niya deserve yung prize dati eh, sinwerte lang dahil mahihina ang kalaban."
Gusto kong magalit sa kanila pero hindi ko magawa dahil sa paglanghap ko ng hangin sa ilalim ng tubig dahilan para sumakit ang ulo ko. Hindi nag tagal ay dahan-dahan na lumabo ang paningin ko hanggang sa kusa na itong mag dilim.
***
Napamulat ako ng bata at bumangon kaagad para ilabas ang tubig sa lalamunan ko. Dinuwa ko ito sa gikid at napapunas sa aking bibig at mata dahil basa oa rin ang katawan ko.
'Asan ako?' ang tanong ko sa aking sarili at nilibot ang paningin ko. Maraming tao ang nakapaligid sa lugar na ito lalo na sa akin, kasama na doon si kuya at mama. Doon ko lang napagtanto na nasa competition pa rin pala ako kaya agad akong bumangon.
"Isaiah, ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nila sa akin. Tumango lang ako sa kanila at nilapitan ang speaker para kausapin siya.
"Sir, can I still swim? Ulitin po natin dah nagkaron lang ng accident," pagpupumilit ko sa kaniya beacuse I can't lose here, hindi pwedeng matalo ako dahil ang pangako ko kay naomi ay laging manalo and that's her only wish for me too. Kaya hindi ako papayag!
"Nako, Mr. Harrison hindi na po pwede. Kahit na ulitin ay hindi papayag ang nakataas dahil sa kalusugan at aksidente niyo kanina at nabalitaan din namin na wala kayong masyadong tulog at pahinga, kaya pasensya na po," ang tanging sagot lang nito bago bumalik sa pwesto niya para I-announce ang winner.
Tulala lang akong nakatayo mag isa doon at hindi makagalaw at makapgsalita. Nakakahiya! Nahihiya na ako... Parang wala akong isang salita sa kaniya, hindi ko na natupad ang gold medals para sa kaniya. Alam ko naman isang talo lang 'to, pero kshit isa lang ay alam kong dapat kasama 'to sa promise at gusto niya. But I ruined everything...
May narinig akong yabag ng paa patungo sa akin bago ako makarinig nb mahknang hagikgik, "ang yabang mo naman, Isaiah. Nag bago ka nga, but you still a loser for us."
Parang saksak sa puso ko ang mga sinabi nila sa akin. Marahil tama nga sila dahil masyado akong nagpakampante ay hindi ko naisip na may posibilidad na may aksidenteng maganap.
Pilit kong hindi pinapansin at pinapakinggan ang mga bulung-bulungan nila tungkol sa akin, that I don't deserve to win last time's competition. Nag lakad na ako palayo para lumabas ng madaanan ko ang dalawang babaeng pinaguusapan ako na may halong paghihinayang at inis dahil na rin sa hindi ko naipanalo ang school namin.
Nilingon ko sila at ngumiti ng bahagya, "sorry for that incidents, gagalingan ko na lang sa susunod," wika ko sa kanila at ngumiti din naman sila pabalik na para bang naiilang pa.
But deep inside I don't care about them, wala akong paki sa sasabihin ng iba sa akin. I kept sorry to naomi because of the promises we made to each other's that now is broken.
Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha ko da gilid ng akin mata. Mukhang kailangab kong mag lahinga ngayong araw. Lumabas na ako ng gymnasium at pumuntang club room para mag bihis. Matapos iyon ay dumiretso na ako sa sasakyan kung saan kanina pa naghihintay sila kuya at mama.
"Isaiah," tawag nila sa akin sa loob ng kotse. I didn't give a glance at them dahil wala akong gana makipav usap sa iba. Hindi na nila hinintay ang sagot ko fahil alam nilang hindi rin naman ako sasagot kaya pinaandar na ni mama anv sasakyan palabas ng school ag dumiretso na sa bahay.
Tulala lang akong pinagmamasdan ang paligid ng dagat na may mga munting alon na para bang sinasabayan ang lungkot na nararamdaman ko. When I missed her I always looked at the sky, at the trees, the ocean- including it waves, and the bracelet she gave at me.
All of the view I seeing reminds me of her. Kaya gusto ko na lang ipikit ang mata ko dahil naguguilty ako na sa ganong competition lang natalo ako. Ito ang problema sa akin eh, I'm always confident pagdating sa kaniya, at nakakalimutang may possibilities na magkaron ng accident.
Nang makarating kami ng bahay ay agad akong bumaba ng kotse at nag tungo sa tabing dagat. Habang naglalakad ako patungo room ay nakakasalubong ko ang ibang batang naglalaro, then I saw the kids na nakalaro namin ni naomi noon.
Umupo ako sa buhanginan kung saan naaabot ng tubig ang paa ko. Tahimik lang akong tumingin sa kawalan na walang iniisip na kahit ano. Wala ako sa mood sa kahit saang bagay, ang gusto ko lang ngayon ay ang makita siya.
Kung nasa tabi ko lang siguro siya, maiintindihan niya ako. She's the only person who can understand my situation right now. I wished makita ko siya ngayong araw...
Napatigil ako sa paghikbi ng maramdaman ko ang isang presensya ng isang tao napapalapit sa direksyon ko, "Isaiah? Okay ka lang?"
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yes
19/07/2024
0Nice Author and GOD BLESS..nabitin aq sa story..😊
23/10/2022
0Soo interesting
02/10/2022
0Tingnan Lahat