logo text

Chapter 2: Music of the Sea

Chapter 2: Music of the Sea
Isaiah point of view
Kakababa ko lang ng sasakyan dahil nandito kami sa bagong papasukan namin ng magaling nilang anak. Sumunod lang ako dahil kukunin daw yung uniform naming dalawa sa office na pinagawa nila.
Habang nag lalakad ako ay may ibang estudyante na tumitingin sa amin. Lalo na kay kuya at sa akin. Agad kong sinuot ang hood ko at nag pamulsa bago yumuko para sundan sila. Naiilang ako lalo na sa tingin ng babaeng 'yon.
Nakangiti siya at pinagmamasdan ako sa kalayuan. She gave me creeps, God!
Nakarating kami sa office at kumatok muna si mom bago buksan ang pintuan. Nag usap pa sila nung principal at may tinawag na isang lalaki yung principal para I-guide muna kami sa buong school ni kuya.
Habang nag lalakad kami palibot ay mas lalong dumadami ang tingin nila sa akin. May mali ba sa suot ko? Nakaka ilang, gusto kong tumakbo.
"Well, ito nga yung school na nag viral sa twitter dahil sa nag suicide na mag jowa. At si mia lang ang alam kong umiyak sa nangyari," pag ki-kwento ng lalaking nag pakilalang josh. Siya ang student president ng buong school at yung binabanggit niyang mia is ang secretary na nagugustuhan niya.
"Ano bang dahilan? Hindi ko naman kasi binasa nng buo," kumento ni kuya at halatang interesado siya sa kwento ng lalaking 'to. Hindi na nga niya ako napansin eh. Feeling may pake sa 'kin nung nasa bahay.
Kumaliwa sila sa corridor at ako naman ay kumanan para layuan sila. Hindi naman kasi ako belong sa usapan nila. Lahat ng tao may sari-sariling mundo at yung mga gusto lang nila ang pinapapasok nila sa mundong 'yon.
Pero ako. Kahit saang mundo wala at walang makakapansin sa existence ko. I'm not belong with any worlds that they have. For them, my existence isn't existed. So, hindi na ako mag tataka kung hindi nila mapasin na nawala ako sa tabi nila.
Ganon naman silang lahat. Nararamdaman at kinakausap lang nila ako kapag may kailagan sila. Nakakaalala lang ba. Sanay naman na ako pero minsan masakit pa rin. Yung feeling na hindi mo magawa yung favor nila at sila pa yung magagalit.
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa isang kwarto. Walang tao dito at maganda ang ayos ng bintana. Kita ang kabuoan ng dagat. Hanggang sa makita ko ang mga isda na malayang lumalangoy.
Kung iisipin. Mas okay na ang maging isda. Malaya ka sa lahat, malayang Malaya kang makakalagoy saang lupalop man ng karagatan. Ang saya siguro non. Lumalangoy kayo ng mga kaibigan mo na magkakasama. Pero nakaka inggit. Kahit hayop wala akong maging kaibigan.
"Baka iniisip mo na gusto mo na lang maging isda," natatawang wika ng isang babae. Hindi ko siya niligon at hinintay na lumapit siya sa bintana kung saan ako naka dungaw.
"Ano sa palagi mo? Hindi ba Malaya sila na nakakalangoy?"
"Hindi ko alam kung tanga ka o bobo ka," seryosong sagot niya at lumapit rin sa bintana. Nakikita ko ang kagandahang taglay niya at kapagitan ng ugali, "inniisip mo rin ba ang buhay nila sa ilalim ng dagat? Na akala mo madali lang ang buhay nila? Na Malaya sila? Hindi. Dahil maraming mga tao na ginagawang pangkabuhayan ang mga buhay nila. Iniisip mo lang kasi ang sarili mo," suno-sunod niyang sagot sa akin kaya wala akong maikumeto sa mga sinabi niya dahil tama rin naman siya.
Makasarili nga siguro ako. Sarili ko lang ang ini-isip ko.
"Isa pa, 'wag kang feeling na walang may gusto at nakaka pasin sa 'yo. Malay mo may mga taong gusto kag maging kaibigan pero sinarado mo lang ang puso mo sa kanila," pangaral niya na kinatahimik ko lalo at napatingin sa buong tubig ng dagat.
Baka nga ako lang talaga ang nag iisip na walang gusting kumaibigan sa akin dahil ganito ako. Hindi socialize na tao.
"Just like the seas? Bukas sa lahat ng tao hanggang kailaliman ng tubig, ngunit sa lalim nito ay may mga batong hindi pwedeng sisirin," tanong ko.
"Sino namang tanga ang sisisirin ang bato?" pagtataray niya, "may mga tubig na pwede mong sisirin. May mga dagat na pwede mong languyin kahit saan mo gustuhin, pero lahat ng 'yon may limitasyon. Kaya hind sa lahat ng pagkakataon nagkukulong ka lang at walang kasama dahil may limitasyon 'yon. Malay mo may isang tao na kayang wasakin ang shell kung saan mo kinulong ang sarili mo."
Nilingon ko siya ng puno ng pagtataka pero bigla itong ngumiti. Halos mapunit ang mukha niya sa sobrang lawak ng ngiti niya.
"Paan-" isang nakakasilaw na liwanag ang umagaw sa atensyon ko kaya binaling ko ang tingin ko don. Pag silip ko sa bintana ay may isang kumikinang na liwanag na nagmumula sa dagat. Nagiging kulay ginto ang tubig dahil sa liwanag na 'yo.
And it weird. I feel someone looking at me. Observing my actions right here. Right now.
"Uhm, nakikita mo ba 'yon?" I ask but when I look at my back she's gone. Kasabay non ang pag layo ng mala gintong ilaw sa dagat. Nag fi-fade ito na parang papailalim ng pailalim ang ilaw na 'yon.
"Saih, kanina pa kita hinahanap," napabaling ang tingin ko kay kuya na nag bukas ng pinto. Tinanguan ko lang siya bago tignan muli ang dagat dito sa loob ng kwarto.
Who are you? I know someone looking at me. Who are you?
"Uwi na?" tanong ko at tinanguan niya pa ako bago Akbayan. Pero nagulat ako sa nangyari. Hindi dahil sa akbay ni kuya. Kung hindi dahil hindi ako umilag sa pagkakataong ito.
Kada kasi aakbayan niya ako ay automatic na iiwas ang braso't katawan ko. Pero ngayon... Hindi ako umiwas.
Baka nga totoo ang sinasabi niya kanina. Sinara ko lang ang pinto sa puso ko kaya walang makapasok na taong tunay na nag mamalasakit sa akin.
Maybe kuya kiel is the one who can break the shell behind me.
"YUPS!"
_____________
Pauwi na kami pero naka tingin pa rin ako sa dagat na natatanaw ko mula dito sa bintana ng sasakyan. Hindi ko pa rin kasi maka limutan yung nangyari kanina.
"Labas tayo mamaya" ay ani kuya kaya ngumiti na ako at sumangayon. Bihira lang kami nakakalabas ni kuya dahil malayo ang loob ko sa kaniya. Pero kahit na pinapansin ko siya ngayon, hindi ibig sabihin non ay pinagkakatiwalaan ko na siya.
Madali tayong magkaron ng kaibigan pero mahirap ibigay ang tiwala natin sa kanila.
Bumaba na ako at papasok na sana sa loon ng makita ko si naomi na basing-basa ang buong katawan. For sure nag swimming na naman siya. Kada kasi lalabas ako galing siya sa dagat at nakikipag laro sa mga batang naliligo don kung minsan naman ay mag isang naka upo sa malaking bato.
Pumasok ako sa loob at dali-daling kumuha ng tuwalya para ibigay sa kaniya. Kung mag tatagal siyang basa ang katawan baka matuyuan siya at magka sakit pa.
Pag labas ko ay naabutan ko pa siyang naka upo sa isang puno sa may batuhan.
Tumakbo ako papunta sa kaniya, "oh tuwalya," saad ko bago ibigay sa kaniya.
"Salamat."
"Siya nga pala, may kwento ako," pag uumpisa ko bago umupo sa tabi niya. Ewan ko. Pero sa lahat ng tao na nakakausap ko. Sa kaniya kang ako komportable.
"Ano 'yon? Problema ba?"
Umiling ako, "nope, may naka usap kasi ako sa school kanina na babae. Ang sungit niya. Sinabi ko lang naman kasi na siguro malaya lahat ng mga isda."
"Hahaha, pano hindi ka tatarayan kung binanggit mo isda. Lahat ng tao tingin sa isda ay malaya, pero sa kapwa isda nila ay hindi. Dahil dumadaan sila sa araw-araw na pag subok ng buhay, gaya ng buhay ng tao." Paliwanag niya.
"Edi kilala mo yung babae?" Tanong ko habang naka tingin sa mukha niya.
"Base sa kwento mo, oo. Si ate pearl lang ang ganon na kilala ko eh,"
Nag tawanan na lang kami at nag tampisaw sa dagat. Puro kwentuhan at paglilibang ang ginawa namin buong mag hapon hanggang sumapit na ng gabi kaya umuwi na kami.
Andito ako sa hapag kainan ng pamilya ko. I mean ng pamilya nila. Wala si aya at naomi dahil may pinuntahan silang kaibigan ni aya.
"Mom, sa sunday na po kami papasok. Nabilan niyo na ba kami ng school supplies?" I ask them again. And as always. They didn't response me. What the fvck.
"Ma..."
"Paaa..."
Mag sasalita pa sana ako ng biglang mag salita si kuya, "ako na bahala. Isasabay ko pag bumili ako ng sa akin."
Binigyan ko siya ng matipid na ngiti at tumayo na para umakyat sa kwarto ko.
Napansin kong gusto pa akong kausapin ni kuya dahil sa titig niya pero hindi kona siya pinansin.
Hindi sa galit ako sa kaniya. Nahihiya na ako. Para kasing stranger ako eh. Hindi man lang nila ako pansinin.
Habang paakyat ako ay nag ring ang phone ko sa bulsa kaya agad ko 'yong kinuha at sinagot dahil baka importante.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.
(Hi isaiah, ako 'to si naomi)
I can feel her happiness in her voice.
"Oh?"
(Anong oh? Sabihin mona kung ano mga gusto mo. Dahil lilibre kita.)
"Libre ng ano?" Takang tanong ko pero may narinig akong tumawa sa call at nag buntong hininga.
"Hindi ko alam kung tanga ka o slow," sabi na nga ba. Boses 'yon nung pearl na kwinento ni naomi kanina. Bakit naman kaya sila magkasama?
"Ewan ko."
(Planner na nga lang bibilin ko sa 'yo. Wama ka naman ihh parang wala kang plano sa buhay)
"Insulto ba 'yon?" Pag taas ng boses ko.
(Hahaha medyo. Wala ka kasing goal eh. So ibig sabihim wala ka pang goal ngayong taon.) Narinig ko pa siyang tumawa bago tumahimik muli, (basta ang goal ko ay maprotektahan ang taong pinaka iingatan ko. At gusto kong ipakita sa kaniya yung yung kagandahan ng kalikasan.)
"Sino ba kasi 'yan?" Inis na tanong ko kahit wala akong pake sa taong tintukoy niya. Baka yung crush niya na kwinento niya sa 'kin na ang pogi raw.
(Malalaman mo din, basta ano pang ipapadagdag mo?) Tanong niya kaya nag isip na akong pwedeng kainin.
"Ikaw na bahala, basta pagkain, bye."
Pinatay ko ang telepono at umakyat na sa taas para matulog. Wala naman na kasi akong gagawin. Gusto ko rin matulog ng umaga dahil alam kong kakatok na naman si kuya o di kaya si naomi.
________
"Isaiaaah..." may narinig akong bumubulong sa akin.
"Haaaaaaaa..." the voice... I know I know this sounds.
Th-the sirens song! Bago pa ako maka apak sa buhangin ay hindi ko maintindihan kung bakit lumiko ako at diniretso ang dagat.
Hanggang sa kailaliman. Hinahatak ako pababa. Hindi ako makahinga.
"ISAIAAAAHHH!" bigla akong napabangong sa gulat ng may sumigaw sa tenga ko at dumagan sa tiyan ko.
Arghh! Sino naman 'to ngayon?!
Inis na binaling ko ang tingin ko sa kanan ko at nakita kong nakangiti si naomi. Hindi ko alam kung nang i-inis ba siya sa ngiti niya o kinakabahan.
"Ano ba 'yan akala ko naman hindi kana magigising," nakangusong sabi niya at hinampas ang braso ko, "akala ko tuluyan ka ng kukunin ng dagat hahaha"
Ano naman kaya yung about sa dagat? Kahit kailan talaga walang connect mga pinag sasasabi nito.
"Ano bang nangyari?" tanong ko at tumayo para sumilip sa bintana at madilim pa. Pa tingin ko naman sa wall clock ay mag aalas-kwatro na.
Ang aga naman magising nito.
"Ang himbing ng tulog ko sa dulo ng kwarto tapos may narinig akong umuungol. Pero di naman siya ungol talaga. Parang mumakanta ng acapella tapos sinundan ko kung san nang gagaling hanggang sa makumpirma ko na ikaw 'yon kaya ginising kita kasi akala ko binabangungot ka." Kwento niya at umupo sa kama ko.
Well, hindi naman siya nag kamali don. Muntik na akong hindi makahinga dahil sa bangungot na 'yon.
"Thank you, tara labas may binili kang pagkain diba?" Pagyaya ko at tumango naman siya bago lumabas.
Tumingin ako sa labas ng bintana bago isara 'yon pero pasara pa lang ako ng marinig ko uli ang kantang 'yon.
Inaakit ako ng kanta na sisirin ang dagat. Kakaiba siya, naka bakance ang tunog ng musikang iyon na sinasabayan ng flute. Mabagal at parang tinutunaw ka.
"Who are you?" At sa pagkaka taong ito tinanong ko na naman ang musikang iyon ngunit pareho lang ang sinasagot.
'Isaiah'
To be continued...

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Ker Quillope

    yes

    19/07/2024

      0
  • avatar
    ConsulChristian

    Nice Author and GOD BLESS..nabitin aq sa story..😊

    23/10/2022

      0
  • avatar
    LariosaJovelyn

    Soo interesting

    02/10/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata