logo text

Chapter 16: The Sealed Power

Chapter 16: The Seald Power
Isaiah's Point of View
Lumalangoy ako ngayon sa indoor pool ng school dahil mamaya na ang pagpili sa makikipag compete sa ibang school. Pero sa totoo lang wala na akong gana mag practice, but I always remember what naomi's promise kaya hindi ko pwedebg baliin ang pangako kong iyon.
Ugh! Bakit ba kasi kailangang mangyari pa 'to sa amin. Pwede namang sa iba na lang. I think I need to talk to cedar in sunday, may pakiramdam ako na may alam siya sa nangyayari.
He also told me I am part of the future, na hindi ko alam kung ano bang mangyayari. Hindi ko rin naman alam ang nangyari sa nakaraan, so how should I know what he's talking about?
"Isaiah! It's your turn," Natauhan ako sa tawag ng couch namin kaya agad akong humarap sa tapat ng pool and we dive together with other competitors na ka club ko din lang.
After a couple of hours nag announce na si sir, "to the representative of swimming competition this summer with other school is..." Pabitin na sabi ni couch, "ISAIAH HARRISON!" napangiti naman ako dahil ako ang napili. They congrats me pa rin kahit na magkakalaban kami kanina.
Natapos ang practice namin at pagpili ng representative ng school kaya nag sibalikan na kami sa mga room namin. I stopped when I saw pearl walking inside the our room, at agad ko siyang sinundan para silipin.
She's still looking at the painting. I can see her pain kahit na nakatalikod siya, base on how she look at the painting kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong ayon ang nararamdaman niya.
"Ate... Bakit kailangang masundan pa ang nangyari sa 'yo? Anong gagawin ko kung pati ang bunso nating kapatid ay mauwi sa sitwasyon na kinaharap mo noon?" Pagtatanong niya sa picture. Kumirot ang dibdib ko ng marinig ko ang naghuhumalong na boses niya, and I know who is she talking about— it is naomi.
Natulala ako ng biglang umilaw ang picture at may isang tubig na hugis bilog ang pumalibot kay pearl, "kapatid, alam mong isa lang ang makakatulong sa kalagayan niya, bakit hindi mo lapitan ang taong 'yon?" Boses na nagmula sa bolang tubig.
Napalunok ako ng sabihin niyang may isang tao ang kayang makatulong sa situation ni naomi ngayon. I don't know kung malala ba 'yon o ano, pero sana naman hindi. I want to come inside para mag tanong pero ayokong makagulo, mamaya magulo ko lang ang plano ni naomi.
"Sino?! Ang lalaking 'yon?! Siya nga ang dahilan kung bakit sapilitang naiuwi si naomi sa kaharian," Mataas na tonong sabi nito sa bolang tubig na nasa harapan niya.
"Pearl, hindi siya ang tinutuioy ko kung hindi ang minamahal ng bunso nating kapatid," Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy nila? Agad akong yumuko at nag tago ng mapansin nila ako, susubukan ko pa sanang tumakbo ng biglang lumitaw si pearl sa harapan ko.
"I-isaiah?!" Gulat na tanong niya sa akin. Anong problema nito? Tinignan niya ako ulo hanggang paa na para bang may sinusuri sa bawat parte ng katawan ko, "b-bakit na sa 'yo?" Takang tanong niya.
"Ang alin?"
"Ang kapangyarihang taglay ni naomi, at ang ugat-" naputol ang pagsasalita niya ng may marinig kaming yabag ng paa na papalapit ng room, "mag uusap tayo mamaya!" Napangiwi na lang ako dahil sa kaniya, kahit hindi naman siya galit pero kung mag salita iisip mo na laging naghahamon ng away.
Bago pa siya umalis sa harapan ko ay may binulong siya sa akin.na nag pangiti sa labi ko. Kahit pala wala siya sa tabi ko at hindi ko siya nakikita ay patuloy niya pa rin akong binabantayan. Thanks for the support naomi.
Nag simula na ulit ang klase namin ngayong hapon at gaya ng dati ay natapos itong maayos. Ang kaso nga lang ay may kulang dito. Hindi man alam ng iba pero ako, ako alam ko ang kulang sa paaralang ito– ang babaeng gusto ko.
Hindi ko kasabay si kuyang umuwi ngayon. Maglalakad din lang ako dahil wala si mom ngayon, nasa trabaho. Balak kong bumalik ng ancient forest para kay naomi. I want to know the truth kung bakit bawal kaming mag kita, and only one person who can answer my questions.
Nag madali akong umuwi at nag ayos ng gamit. Ayokong ipahalata sa kanila ang balak ko dahil alam kong pipigilan nila ako. Inilagay ko sa bag ang lahat ng kakailanganin ko sa paglalakbay sa ancient forest. Alam ko namang madali ang makapasok doon, pero sabi nila ang mga normal na tao ay agad na maliligaw once na pumasok sila sa entrance.
Sinisiksik ko ang bag ko ngayon sa ilalim ng kama para walang makakita ng biglang bumukas ang pinto, “anong ginagawa mo apo?” takang tanong na bungad sa akin ni lola. Umiling-iling naman ako at nginitian siya, “‘wag kang mag sinungaling sa akin apo.”
“K-kasi lola… balak ko pong bumalik sa ancient forest,” pagsasabi ko ng totoo. Pero base sa mukha niya hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Ano ng gagawin ko ngayon? “Feeling ko po kasi may naiwan akong importante sa gubat na ‘yon.”
Nang matapos akong sumagot ay sumilay sa mukha niya ang isang ngiti, “kung ganon. Pahihintulutan kitang pumasok muli doon, pero mangako ka sa akin na kahit anong mangyari ‘wag kang papayag sa mga sasabihin niya,” parang banta sa akin ang sinabi sa akin ni lola at nag lakad na palabas ng kwarto ko. Gustuhin ko pa mang mag tanong, bali wala na rin dahil hindi niya rin naman sasabihin ang totoo.
Lahat na lang talaga ng taong nakikilala ko pa mysterious.
***
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Linggo na at 3am pa lang ng madaling araw ay nag simula na kaming bumyahe papuntang ancient forest. Malayo pa ang lalakbayin namin at ang mas nakakatakot pa ay ako na lang mag isang lalakbayin ang gubat.
Gaya ng dati ay pinapanood ko lang ang tanawin sa labas mula dito sa loob ng sasakyan. I’ve missed this view. Napangiti ako ng madaanan namin ang familiar na village, “naomi look!” pag turo ko at nilingon ang katabi– ako nga lang pala ang tao dito.
Pumalumbaba na lang ako at tinignan ang mga puno na nadadaanan namin ng driver. Habang tumatagal ay bumabalik ang mga memories naming magkakasama noon, ang saya pa namin nang araw na ‘yon. Nasira lang ng biglang tumawg sila mom sa amin na nasa ospital si dad.
Habang nasa malalim ako na pagiisip ay biglang sumubsob ang mukha ko sa likod ng front seat ng driver dahil sa biglaang preno niya. What the! I looked at him at mag rereklamo sana ako ng bigla itong bumaba, kaya sumunod na rin ako sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng may makitang nakahandusay na babae sa harapan ng sasakyan. God! Did we hitted her?! Pero maayos naman ang itsura niya at mukhang walang bali.
“Manong ipasok na lang po natin siya sa van and dumretso na po tayo sa ospital,” sabi ko sa kaniya at sinakay na niya sa loob yung babaeng nasagasaan ba namin o ano.
“Sir, may alam po akong malapit na pagamutan, doon na lang po tayo,” sabi niya at sumakay na sa van. Sumunod ako sa kaniya ng makaramdam na ako ng panlalamig sa buo kong katawan dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Pinagmasdan ko ang itsura ng babae. Naka jacket siya at pantalon may bag din siyang dala. Maamo ang mukha niya at maganda, at mukhang familiar ang mukha niya sa akin.nakita ko na ba siya? Kung oo man, saan ko siya nakita?
Ilang minuto lang ay narating na namin ang sinasabi niya na gamutan. Napanganga ako noong una ng makita ko ang itsura nito. Puro kubo at matatanda ang halos nakikita ko. Mga albularyo ba sila?
Pinagmasdan ko muna ang buong paligid habang ang babaeng nakita namin ay pinasok sa isang kubo. Halos lahat ng bahay at kagamitan ay gawa sa kahoy, kakaunti lang ang nakikita kong mga bato. Parang nasa sinaunang panahon ako napadpad ng makababa ako ng sasakyan. Ang mga tao rin ay kakaiba manamit. Para silang mga igorot sa pananamit nila.
“Isaiah,” tawag sa akin ng isang lalaki. Nagtataka man ako kung pani niya nalaman ang pangalan ko ay nilapitan ko pa rin siya. Nagulat ako ng hawakan niya ang dibdib ko. Nag pumiglas ako kaagad pero agad din niyang nabawi. Parang may pinapakiramdaman siya sa dibdib ko, “naka selyadong kapangyarihan…” bulong niya.
Anong ibig niyang sabihin sa naka selyadong kapangyarihan? Well,interesting sa tenga ang sinabi niya sa akin pero may ibig kayang sabihin ‘yon? Or trip lang niya? Nakakailang ang paghawak niya sa akin, hanggang sa palad ko na huminto ang kamay niya kasabay non ang maliit na karayom na pag tusok sa palad ko.
“D-dugong bughaw?!” gulat na reaction nila ng makita ang kulay ng dugo ko. Ang pagkagulat nila ay agad napalitan ng seryosong mukha, “kung gusto mong mabuksan ang selyado mong kapangyarihan maaari kitang tulungan,” sunod na sabi nito sa akin.
Ano namang meron sa kapangyarihan ko if ever na totoo nga, ano namang gagawin ko? Makikita ko ba si naomi- baka pwede nga!
“P-pano po? G-gusto ko pong mabuksan!” I know na mukha akong ignorante at disperado pero kung makikita ko naman uli si naomi dahil sa kapangyarihang ‘yon, why not?
“Pumunta ka sa sinaunang kagubatan na hindi nalalayo sa lugar na ‘to at hanapin mo ang tagapangalaga ng gubat na nag ngangalang-” hindi ko na siya pinatapos dahil kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.
“Cedar,” sagot ko at ngumiti sa kanila. Nagulat sila sa sinagot ko at agad din namang nag bago ‘yon. I know na maraming alam si cedar, at siya ang kailangan ko kaya pupunta rin ako sa gubat. Kaya lang naman gusto kong mabuksan ang kapangyarihang naka selyado sa katawan ko.
Umaasa akong magiging dahilan ‘to ng pagkikita naming muli. Sinabi ko sa kaniya na I can wait. Kaya ko namang mag hintay, pero habang tumatagal ay hindi kona kinakaya. Parang pinapatay na ako ng dahan-dahan.
To be continued…

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Ker Quillope

    yes

    19/07/2024

      0
  • avatar
    ConsulChristian

    Nice Author and GOD BLESS..nabitin aq sa story..😊

    23/10/2022

      0
  • avatar
    LariosaJovelyn

    Soo interesting

    02/10/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata