I smiled widely. “Talaga, Pa? Sigurado na, ah! Kuya!” Nagmamadaling pumasok si kuya at mukhang naalarma sa pagsigaw ko. “Pumayag na siya, kuya!” balita ko. His concerned look turned into a happy one. Napunta kay Papa ang tingin niya. Lumapit siya rito at marahang hinawakan ang kamay niya. “Pa, tama ’yan. Kaming bahala sa ’yo. Hindi ka magugutom. Ibibigay namin lahat ng kailangan at gusto mo, ’di ba, Jen?” I nodded enthusiastically. “Syempre,” Narinig namin ang nanghihinang tawa ni Papa na mas lalong nakapagpangiti sa amin. “Talaga kayo, oo…” Napatingin ulit si Papa sa akin na para bang may naalalang bagay. “Ang boyfriend mo pala, nasaan na? Hindi mo kasama?” mahina niyang tanong. My smile slowly faded as I remembered Sky. “Ah, Pa… wala na kami.” I don’t want to lie. Hindi rin maganda kung malalaman pa nila sa ibang tao. My heart felt like it got pinched a little. May maliliit ding karayom ang tumutusok rito. “Nasa ibang bansa na po siya,” lakas-loob kong sambit. They are both went silent. Alam kong hindi nila alam ang dapat sabihin dahil sa biglaan kong balita. I chuckled lightly to ease the awkwardness. “Matagal na po kaming hiwalay, okay na po ako.” Tipid akong ngumiti. “Dahil ba sa… mga magulang niya?” Mabilis na nawala ang ngiti ko dahil sa tanong ni Papa. Marahan akong tumango. “Yes, Pa.” Nasabi ko kasi sa kaniya dati na hindi pa ako tanggap ng mga magulang ni Sky, at hindi ko inaasahang natatandaan niya pa iyon. “P-Pa, ’di ba kailangan mo nang uminom ng gamot? Upo muna tayo tapos kailangan mo na ulit um-idlip saglit. Kulang ka pa sa tulog.” Dahan-dahang tumango si Papa at sumunod kay kuya. Tumulong din ako sa pagpapainom ng gamot at pagpapatulog ka Papa. “Jen, labas muna tayo,” bulong niya nang masiguradong tulog na si Papa. I followed him and we went sat in front of the room. May upuan kasi rito para sa mga kasama ng pasyente. “Kailan pa?” he asked while looking straight at the door. “Hindi ka nagsasabi…” I smiled weakly. Nakatingin lang din ako sa pintuan ng kuwarto ni Papa. “Ilang buwan na rin,” sagot ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago napagdesisyunang sabihin ang dahilan ng hiwalayan namin. Alam ko kasing hindi niya iyon itatanong. “Hindi niya ako pinagkatiwalaan… Pinag…” I tried to chuckle to prevent myself from tearing up. “Pinagbintangan niya ’kong may iba.” Mabilis niya akong nilingon at halata ang galit at inis sa itsura niya. “Pinagbintangan? Ibig sabihin, hindi totoo. Sinabi mo ba ang side mo? Ano bang nangyari? Bakit ganito? Akala ko pa naman hindi siya ganitong klaseng tao.” “Boses mo, kuya,” bulong ko. Lumalakas na kasi ang boses niya at napapatingin na sa amin ang ibang mga dumadaan. “May… May nagsuhol sa kaniya, and obviously, mas naniwala siya ro’n. Pero ayos lang. Ayos na… I’m already trying to move on.” He sighed but eventually nodded. Halatang nagpipigil lang siya ng inis dahil kitang kita ko ang nakakuyom niyang kamao. “Kayo ni Ethan…” I started. I saw a glimpse of sadness in his eyes. Dumaan din ang sakit sa kaniyang mga mata. “Wala na kami. Matagal na rin…” Tumingin siya sa baba. “Pareho naming na-realize na hindi talaga ’to tama… Kahit na mahal namin ang isa’t isa, hindi na dapat naming ituloy.” He looked at me and smiled sadly. “But we’re good. Maayos ang hiwalayan namin. Tanggap na namin na mali talaga, at dapat naming tigilan. Sana lang makahanap siya ng taong mamahalin siya higit sa ginawa ko…” Ang mga huli niyang salita ay halos pabulong na at hindi ko na marinig ng maayos. I smiled at caressed his back. “You both did the right thing,” ani ko. I do support them, but I am also aware that even they are just step cousins, we are still in the same family. Pamilya, at wala nang hihigit pa. Masaya akong na-realize nilang pareho iyon… After a while of talking, we decided to let one of us go to our house to get some clothes. Mukhang bukas pa kasi makakalabas si Papa rito. “Saglit lang ako, kuya,” paalam ko bago lumabas ng kuwarto ni Papa. Habang nasa biyahe ako pauwi ng bahay, napaka raming ala-alang bumabalik sa akin. Halos buong lugar kasi rito ay may ala-ala kaming natanim… Lalo na ang daan papasok ng lugar namin. This is so nostalgic… “Manong, dito lang po.” Nang makababa at maiabot ko ang bayad ay agad kong tinungo ang daan pauwi. Hanggang kanto lang kasi ang tricycle na nasakyan ko kaya kailangan kong maglakad hanggang sa bahay. Hindi naman iyon ganoon kalayo kaya okay lang. “Jen?” Nilingon ko agad ang tumawag at nakita si Liam. He’s walking towards me, smiling. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako o maiinis? Sa pagkaka-alala ko pa lang sa ginawa niya kay Denise ay kumukulo na ang dugo ko. “Liam,” “Kamusta? Bumalik ka na rin pala rito sa atin? For good na ba o bumibisita ka lang?” “Bisita lang muna ngayon,” sagot ko. “Ikaw ba? Rito ka na talaga? Hindi ka na babalik sa Maynila? Wala ka bang… naiwan do’n?” I asked, hinting something. Nabawasan ang laki ng ngiti niya na para bang alam niya ang tinutukoy ko. He cleared his throat before smiling again. “Wala akong naiwan sa Maynila, ako kasi ang iniwan.” Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. I don’t really know their whole story, so I don’t have the right to judge him. Naiinis lang talaga ako dahil mukhang hindi man lang siya nakokonsensya na ilang beses umiyak si Denise nang dahil sa kaniya. “Sige, una na ’ko. Kailangan ko na kasing umuwi.” Tumango naman siya at nagpaalam na rin. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makarinig ako ng boses ng isang babaeng tumatawag sa pangalan ni Liam. “Nandito ka lang pala! I’m looking for you since earlier!” Liam looked at me again and smiled awkwardly. Umiwas agad ako ng tingin at ipinagpapatuloy ang paglalakad. “Denise is right. It really looks like you don’t have the right to see her child.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (184)
Cristine Garcenila Carpio
Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤
24/05/2022
0
Arnelsept
Keep the good work!
17/05/2022
0
ZyidricJvarzov
i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)
Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤
24/05/2022
0Keep the good work!
17/05/2022
0i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)
13/05/2022
0Tingnan Lahat