Chapter Fifty-six

“Good morning,” I greeted him as I answered his morning call. Madaling araw pa pero ayos lang. Baka ngayon lang siya may oras para makatawag. Ang huling usap din kasi namin ay halos ilang araw na rin ang nakalipas. “How’s your—”
“How can you do that to me… It’s has been just a week, but… but…”
“Ano? Sky, what’s happening?” Napatayo ako sa kinahihigaan nang marinig ang malalakas niyang hikbi mula sa kabilang linya.
“How can you… How… Jen, babalikan naman kita diyan… Sinabi ko sa ’yong pakakasalan pa kita, pero… Bakit?” His voice cracked.
My heart broke as soon as I heard him cry even louder. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya, pero alam kong nasasaktan na siya ng sobra.
“Babe, tell me what’s happening? Alam ko namang babalikan mo pa ’ko—”
“Then why?!”
Napabalikwas ako dahil sa gulat nang lumakas ang boses niya. “W-Why are you shouting?”
This is the very first time that he raised his voice at me like this. May nagawa ba akong mali? I’m just… waiting for him here.
“Jen…”
I could feel how he tries to calm himself even if he’s still crying loudly. Durog na durog na ang puso ko nang marinig ko kung paano niya paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko.
“S-Sky, tell me clearly what’s the problem on us, on me. Hindi kasi kita maintindihan…”
“Let’s break up. I know you’re—”
Mas lalo akong naalarma sa narinig ko. I walked towards somewhere because of panic. “Ano bang meron? Bakit biglaan naman, Sky? Sabi mo babalik ka pa? Bakit—”
“Alam ko na, Jen. Hindi mo na kailangang magsinungaling…”
“Anong alam mo? Ano bang sinasabi mo? Puwede ba, Sky, linawin mo naman. Litong lito na ’ko rito!”
Hindi ko na magawang pigilan ang inis na nararamdaman ko. I’m trying to wait for him patiently. I’m trying to be understanding, and caring… I’m trying to be better for him, but this… this…
“I know you’re seeing Vince again. May nagsabi sa ’kin…”
My mouth slightly opened in disbelief. Hindi ako makapaniwalang sa kaniya ko ’to mismo maririnig…
“So you believe that someone, but you don’t believe me?” Sakrastiko akong napatawa. “At sinong nagsabi? Sigurado ka bang totoo ’yang sinasabi niya?” Pigil na pigil ko ang maiparinig sa kaniya kung gaano na ako nangangatal dahil sa kaiiyak. “Sky… I’m not cheating on you. Ginagawa ko ang lahat para hindi siya kausapin. Alam mong lumalayo na ako sa kaniya. Sky… can’t you believe me?”
Napapikit ako nang mariin nang biglang natahimik ang kabilang linya.
This day… This day just started, but it felt like its going to end already.
“I saw your photos on… on his car. He’s driving you home, and you two even look so intimate—”
I chuckled bitterly. “So tumawag ka para akusahan akong nagloloko? Hindi mo man lang ba naisip na tanungin muna ako kung totoo ’yon? Hindi mo lang ba…” Inilayo ko ang sarili ko sa hawak na telepono nang hindi ko na mapigilan ang mga hikbing kusang lumalabas. “Hindi mo lang ba ’ko tatanungin kung bakit gano’n ’yung nasa litrato? Wala talaga, Sky? Pagbibintangan mo talaga ako?”
I couldn’t contain my irritation. How could he accused me of cheating just like that? He really believed that? Wala na bang kuwenta ang rason ko? Bakit gano’n-gano’n na lang siya kung maniwala sa ibang tao? Paano naman ako… Paano naman ang side ko?
“You still want to deny it?” Rinig na rinig ko ang sakrastiko niyang tawa. “There’s even a photo of him in front of your place—”
“So all this time, you really think that I’m that low?” Natigil siya sa kasasalita, habang ako naman ay hindi na matigil sa kahihikbi. “Sky, I’m trying my best to wait for you even if I know you’re going to take so long!” Marahas kong pinunasan ang mga takas kong luha.
“That Vince—”
“I’m trying my best to do everything that you want me to do! You want me to not talk to him? Fine. You want me to not even look at him? Sure! Sky… ginagawa ko naman ang lahat, ah? Niyaya na kita ng kasal para mapakita ko sa ’yong seryoso ako sa relasyon na ’to. Na sa ’yo lang ako! Pero pagbibintangan mo lang ako ng ganito?” I laughed sarcastically. “Do you really trust me from the start?”
“May tiwala ako sa ’yo, Jen! Pero sa lalaking ’yon, wala! Siya—”
“Kung may tiwala ka talaga sa ’kin, bakit mo ’ko pinagbibintangan ng ganito? You’re not even asking if it’s true, you’re assuming it already!”
My voice growl in my place. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapasigaw. This is just too much!
“Fine! Then what’s that? Sige nga, explain it! Why did someone caught you two in the same car—”
I closed my eyes intently. Hindi ko na ’to kaya… Sobra na.
“That night when I went home with him, that’s the time when I was about to get harassed by a drunk man.” I gulped hardly. “That night… I don’t know how to go home, because there’s no, not even one, bus or jeep. That’s also the night that I’m silently praying that you’re there for me to protect and give me the comfort that I need, but no… you’re not here. Pero nagreklamo ba ako? Hindi! Kasi naiintindihan ko! Your family needs you more!”
“Jen…”
Alam kong naririnig na niya ang malakas kong iyak, pero wala na akong pakialam. “Vince was the one who offered help, and because you’re not here, I couldn’t refuse. I don’t want to be harassed again… I don’t want to…”
Ilang araw na ang lumipas matapos ang gabing iyon, pero hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa akin kung gaano ako kinabahan at natakot nang lumapit ang lasing na lalaking ’yon. And even if I don’t want to, Vince is the person who helped me. He’s the person who’s just blocks away from me, because my own boyfriend is not here…
“I-I didn’t know… ”
“Of course you don’t,” Muli akong napatawa ng mapakla. “And I also has something that I didn’t know…” I tried to keep my voice stable. “Your ignorance. I didn’t know that you’re this ignorant.”
“Jen—”
Agad kong pinatay ang tawag bago ko hinayaang umagos ang kanina ko pang sinusubukang pigilang mga luha.
Saktong tumunog ang phone ko. I was about to decline the call when I saw that it’s Raine.
“He’s so selfish… Siya lang ba ang nasasaktan sa mga nangyayari? Ako rin naman, ah? Araw-araw akong nag o-overthink na baka hindi na niya ako balikan dito… pero hindi ako nagreklamo ni isang beses, kasi may tiwala ako sa mga sinabi niya. May tiwala ako sa kaniya…”
She leaned towards me and pull me into a tight hug. Mabilis ko naman siyang niyakap at hinayaan ang sariling umiyak… nang umiyak.
She continued on caressing my back. “Hush… Sigurado akong tatawag siya mamaya para magkaayos kayo. Wala ka namang ginawang mali, naniniwala ako, kaya siguradong mare-realize niya rin ’yon…”
“Kahit na. Dapat hindi niya pinagbintangan ng gano’n si Jen. Simula pa lang hindi ko na talaga gusto ’yang—”
“Elise! We need to comfort her. ’Wag mo nang siraan ’yung isa!”
“Totoo naman kasi,”
Bumitaw ako sa pagkakayakap at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. “Sorry… Nadadamay pa kayo…”
“Ano bang sinasabi mo? Nandito lang kami para sa ’yo.” Kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha, nakita ko pa rin kung paano umupo sa tabi ko si Elise at marahang hinawakan ang kamay ko.
Raine held my other hand and squeezed it lightly. “Dapat nga parati mong sinasabi sa ’min ang mga ganitong problema. Tutulungan ka naman namin kung kaya… Don’t hesitate to call us when you’re at your lowest. Kahit bangin, tatalunin ko matulungan ka lang.”
Nanghihina na ako dahil sa sobrang pag-iyak. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Raine habang hinahayaang lumabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
“Ang sakit na kasi talaga… Nahihirapan na rin naman ako…” Mas lalo akong naiyak nang yakapin nila ako. I couldn’t even hide my sobs. “Hindi ko na alam…”
“’Wag mo munang isipin, Jen. Sigurado namang tatawagan ka niya mamaya o bukas. Baka nadala lang din siya kasi nga magkalayo kayo. Alam mo na… overthinking.”
“Tama si Raine, kahit na ayaw kong kampihan ’yang boyfriend mo. Baka talagang sobra na ang pressure at stress na mayron siya.”
I sighed before drinking on my can of beer. Nagdala kasi sila ng isang balot na alak kanina nang marinig nilang umiiyak ako.
“Come on, let’s just drink.” Dinampo ni Elise ang alak niya at pinag untog iyon sa hawak kong alak. “Cheers!”
I could feel how they tried to cheer me up, kahit na maski mga biro nila ay hindi ako mapigilan sa kaiiyak.
I just couldn’t stop crying. Ang sakit na kasi talaga… Pakiramdam ko ay tinraydor niya ako. Pakiramdam ko kahit kailan ay hindi niya ako pinagkatiwalaan sa mga ganitong bagay… Hindi ko na alam.
“Oh! Hinay-hinay lang! Mukhang kulang ’tong mga nabili natin, Raine.“
“Hindi, tama na ’to. Lunes na bukas. Siguradong pipilitin na naman niyang pumasok.”
“Jen! Talaga naman!” I tried to reach for my drink when Raine snatched it away from me.
“Kung matulog ka na kaya? Lasing ka na… Ikaw lang nakaubos ng lahat ng ’to.” Elise pointed on the cans scattered on the floor.
“No… Hindi pa siya tumatawag…”
Hilong hilo na ako. Sumasakit na rin talaga ang ulo ko, pero hindi pa ako puwedeng matulog… Hindi pa niya ako tinatawagan ulit…
“Ah, Jen… Baka busy lang? You know he needs to take care of his father—”
“I know. I fully understand that,” Sinubukan kong humugot ng hininga dahil pakiramdam ko ay kinakapos na ako. “But can’t he even say that he’s sorry? That he’s wrong? Kahit ilang minuto lang… Hahayaan niya na lang akong ganito? Natitiis niya ako, Raine… Kaya niya…”
I heard them whisper to each other, but I couldn’t hear them clearly. Para bang maski ang mga tainga ko ay nahihirapan na ngayon.
My heart is sinking… My eyes is blurry… I barely breathe… The now, my ears…
“You really need to sleep already. Hindi mo na kaya.”
They tried to help me standing, but I removed their hands. “Kaya ko pa,”
“Jen…”
Kahit na nahihilo, sinubukan kong tumayo at maglakad ng maayos papunta sa kuwarto ko.
“Jennelyn!”
Bumagsak ako sa sahig, at umalingawngaw sa buong paligid ang tunog, pero hindi ko maramdaman ang sakit.
Manhid na manhid na ang katawan ko…
“Let us help you. Come on, Jen. ’Wag matigas ang ulo.”
Nang maitayo nila ako ay sinubukan nilang ihatid ako sa kuwarto ko. I’m trying to stop my tears while thinking of how numb I am right now.
Hindi ko na napansing tuloy-tuloy na pala ang pagbagsak ng mga luha ko nang makarating kami sa higaan.
“It hurts…”
“Huh? Saan? Elise, pakuha naman ng first aid kit—”
“Dito,” I pointed on my chest over and over again. Madiin ang ginawa ko, pero hindi ko pa rin maramdaman ang sakit nito. All I can feel right now is my aching heart. Wala ng iba…

Komento sa Aklat (185)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata