logo text

Chapter Thirty-six

"Mga talandi kayo! 'Wag PDA sa harap ng mga single, oh!" rinig kong reklamo ni Raine.
Pabiro ko itong tinarayan, "Balikan mo na kasi si Ian. Ilang buwan ka na no'ng sinusuyo, ah!" buwerta ko rito na nakapagpatahimik sa kaniya.
"Love," ininom ko ang iniabot niyang milktea. Napaka-init kasi at bagay na bagay ang milktea sa panahon ngayon. 
"Ay, oo nga pala! Alis na 'ko, ah. May gagawin pa pala 'ko." pagpapaalam ko rito bago isinukbit ang bag at tumayo. "Una na 'ko!" paalam ko sa kanilang lahat. Den waved her hand and smiled. Busy kasi siya sa paggawa ng plates.
"Teka, sabay na 'ko!" Agad niyang kinuha ang mga dala niyang gamit bago lumapit sa akin. "Tara na." 
"Hatid ko na kayo," sambit ni Vince na inilingan ko naman.
"Tapusin mo muna plates mo. Tawagan na lang kita later." I waved at him before leaving the nipa hut. Mukha kasing aalma pa ito kaya agad ko siyang tinalikuran.
We hang out here para makakuha sila ng idea na gagamitin nila sa paggawa ng plates. Magkaka-block mate kasi sina Denise, Vince, at Von kaya mas madaling naplano kung saan kami magkikita kita.
They're so lucky to be in the same block. Ako lang kasi mag isa ang nag accounting kaya wala akong masyadong kilala sa mga ka-block mates ko. Pero ayos na rin 'yon. I met new people and gain new friends.
"Ang tagal niyo na rin, 'no," she randomly said while we're walking. "Sana gan'yan din kami..."
Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingi siya. She's not looking at me but I know that she's talking about the tought that Vince and I built a strong relationship.
We've been together for almost two years now. May ups and downs pero hindi namin hinahayaang maging dahilan 'yon ng pagkasira namin.
"'Wag ka kasing makipaghiwalay madalas. Baka mamaya mapagod na si Ian sa kakahabol sa 'yo." biro ko rito. I saw how her smile fades. "Uy, biro lang 'yon..."
Binalingan niya ako ng tingin bago muling ngumiti. Her smile can't hide the sadness in her eyes. "Alam mo naman kung bakit gan'to kami, eh," itinuon niya sa ibang direksyon ang tingin niya. "Mas madaming magaganda kaysa sa 'kin..."
She's so insecure about herself. Sa totoo lang ay maganda talaga siya. She's smart and athletic, too. Hindi ko nga maintindihan kung saan nanggagaling ang mga insecurities niya. "Pinaparamdam... niya ba sa 'yo 'yan?"
Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. "H-Hindi... Pero nararamdaman ko pa rin..."
Inakbayan ko siya at hinila papuntang milktea shop. "Tama na nga 'to! Tara, milktea!" I tried my best to cheer her up. Hindi ko lang sigurado kung gumana ba.
We bought three large milkteas. Nasa bahay kasi si Ethan kaya naisipan ko siyang bilhan. Tinutulungan niya rin kasi ako sa mga projects ko kaya maliit na bagay lang 'to.
"Don't be insecure about yourself. Isang malaking package ka na kaya!" sambit ko rito bago nginitian.
She smiled back before bidding her goodbye, "Una na 'ko. Ingat." Nang makaalis ang sinasakyan niya ay sumakay na rin ako para makauwi.
It's Saturday at wala naman akong klase ngayon kaya ngayon ko naplanong ayusin ang projecg ko. May partner ako pero may pasok siya ngayon so ako muna ang magtutuloy.
"'Tan," tawag ko sa lalaki nang makita siyang nakaupo sa may sofa. Hindi ko nakita si kuya sa sala kaya baka nasa kuwarto niya ito. "Oh." iniabot ko sa kaniya ang binili kong milktea.
"Ano 'to, suhol?" pang aasar niya nang tanggapin ang binili kong milktea.
"Ibalik mo na lang kung ayaw mo!" pabiro kong sagot sa kaniya. He chuckled before drinking it.
Umupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang ulo sa sofa. Nakakapagod! "Kamusta thesis mo?" tanong ko rito
"Umuusad na. 'Yung iyo?" Napadilat ako at tiningnan siya ng tanungin niya ang tungkol sa feasib ko.
"Itutuloy ko ngayon." Tumayo ako at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig. Pakiramdam ko kasi ay kulang na sa tubig ang buong katawan ko.
"Babe," Parang may biglang pumitik sa tenga ko nang marinig ang boses ni kuya Nic.
Kasama niya ba girlfriend niya? Agad akong lumabas para makita kung sinong sinasabihan niya. But he doesn't have any guest.
Nilingon ko siya at tiningnan ng masama, "Sinong babe?" halata ang pagkakaba sa itsura niya. "'Wag mong sabihin si Ethan sinasabihan mo, ah!" biro ko rito
It looks like they caught off guard when I said it. Gulat na gulat ang mga itsura nila. "Uy, joke lang!"
Pareho nilang iniwas ang tingin sa 'kin. They look... suspicious. Parang may mali rito. Hindi ko sigurado kung ano pero parang may mali talaga...
"M-May kausap ako," ipinakita ni kuya sa 'kin ang phone niyang nakapatay. Dahan-dahan ko naman itong tinanguan.
Even though he said that he's talking to someone on the phone, there's something suspicious about how they react on my joke. Hindi naman siguro... hindi, 'no! Ano bang katangahan 'yang iniisip mo, Jen!
Sinusubukan kong alisin ang mga naiisip ko habang umaakyat ako ng hagdanan. Ang dumi na ng utak ko!
While doing my project, someone knocked on my door. "Bukas 'yan." sambit ko habang itinutuloy ang ginagawa.
"Ang sipag, ah." Nilingon ko ang nagsalita and it's Vince. He's smiling ear to ear and it looks like he's teasing me.
"Tapos mo na plates mo?" Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa dahil ayokong mawalan ng focus.
He sat on my bed, as if it's his own. "Ang dumi ng kuwarto mo. Maglinis ka naman!"
Napatigil ako sa pagtipa sa laptop ko. I looked around. Maayos naman ang mga damit na nasa to cabinet ko at wala namang kalat sa sahig. Kahit ang mga kumot ko ay nakatupi rin.
"Malinis naman, ah! Wala nga ni isang kalat!" bulyaw ko rito nang maharap siya. He's laying on my bed while his eyes closed. Nakangiti rin ito at mukhang nang aasar talaga!
Kinuha ko ang isa kong unan at malakas na hinampas ang mukha niya. Agad siyang napatayo at malakas na napatawa. Talagang nang aasar 'to, ah! "Lumabas ka na! Binabadtrip mo na naman ako!" iritang sambit ko bago sinubukang hatakin ang braso niya para palabasin.
His laugh becomes more loud when I can't pull him. Mukhang nag eenjoy talaga siya sa pang aasar sa 'kin! "I'll, I'll stop," he tries to stop himself from laughing. "Tatahimik na 'ko."
Tumayo ako ng tuwid sa harapan niya habang nakapamewang. Tinaasan ko ito ng kilay na nakapagpatahimik sa kaniya ng tuluyan. "'Wag kang magulo, inaayos ko feasib ko." seryoso kong sambit bago bumalik sa ginagawa. I sat and tried to keep myself focus. Hindi ko 'to matatapos kung madidistract ako.
While doing my work, I felt his breath on my neck. His hands rest on my waist. "Aalis na 'ko. I just checked if you're home already." he gave me a kiss on my cheeks before making a gap between us.
Nilingon ko siya at nakitang isinusukbit na niya ang dalang bag. Naglakad ako papalapit sa kaniya at iniharap siya sa 'kin. When he looked at me, I leaned forward and gave him a quick peck on the lips. I smelled the scent of his perfume.
When I'm about to go back to my desk, he held my waist, and pull me closer. He lifted my face and gave me a soft kiss. My heart pounded hard when my lips met his.

Komento sa Aklat (185)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata