logo text

Chapter Thirty-one

"Sa'n mo na gustong pumunta?" tanong ko rito bago muling kumagat sa hawak kong siopao.
Kagagaling lang namin sa park at kumain din kami saglit sa convenient store na malapit. "Wala naman kasing masyadong tourist spot dito."
Napatigil ako sa paglalakad nang bigla siyang tumigil. "Open na kaya ang mall?"
Tumango ako at dumiretso kami sa sakayan ng jeep. Mabilis lang ang naging biyahe dahil wala namang traffic ngayon at malapit lang din ang mall.
Dumiretso kami sa isang store na puro damit ang binebenta. Nakwento ko kasing next month na ang birthday ni kuya at gusto niya raw magbigay ng regalo.
"Hoodie kaya?" tanong niya habang naglilibot sa hoodie section. He scanned all the hoodies and got a gray one. "Nagsusuot siya ng gan'to?"
"Sure ka ba? Ang mahal ng mga damit dito, eh," bulong ko rito. Tiningnan ko kasi ang price tag at lagpas limang daan ang mga hoodie rito.
"Tingin tayo sa kabila." aya ko sa kaniya dahil sigurado akong papatayin kami ni Tita kapag nalaman niyang gumastos kami ng ganito kalaki para lang sa isang hoodie. 
Umabot kami ng mga ilang oras sa paghahanap lang ng ireregalo kay kuya. In the end, pinilit ko siyang bumili ng shirt sa bench para makatipid siya. Hindi rin naman choosy si kuya, eh.
"Saglit lang," hinila niya 'ko papasok ulit ng bench store. Mukhang may bibilhin pa siya dahil dumiretso siya sa female clothing section. "Maganda?" ipinakita niya sa 'kin ang isang pink shirt na may illustrated design sa harapan.
"Para kanino 'yan?" tiningnan ko ang hawak niyang damit ng mabuti.
"Pangit ba?"
"'Di naman. Pero medyo off 'yung pagka-pinkish." sagot ko bago tumingin-tingin sa ibang mga damit. "Para kanino ba 'yan? Sa nililigawan mo?"
Narinig ko ang kaunting pagtawa niya dahil sa sinabi ko. "Ako ang nililigawan nila."
Pabiro ko siyang tinarayan. "Bilisan mo na. Nagugutom na 'ko, eh."
"Magkapareho kayo ng taste sa damit. Ikaw nga mamili. Kasing size mo lang din siya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero sinunod ko naman ito. Nagugutom na kasi talaga ako.
I picked a grayish shirt na may minimal design sa harapan. "Ito gusto ko. Ewan ko lang sa pagbibigyan mo."
Agad niyang kinuha ang hawak kong damit at dumiretso sa counter. Ni hindi manlang niya pinag isipan kung babagay ba 'yung pinili ko sa pagbibigyan niya o hindi.
Hinila ko siya agad papuntang Mcdo nang makalabas kami ng store. Lagpas ala una na kasi at hindi pa ako nag agahan.
"Anong gusto mo?" inilapag niya ang nga paperbags sa isang upuan.
"Chicken, fries, at ice cream." sagot ko rito.
Iaabot ko na sana ang dala kong pera nang umiling siya. "Sagot ko na 'to."
Umangal pa ako dahil ako ang nagyaya sa kaniyang gumala tapos siya pa ang manlilibre, pero hindi talaga siya pumayag. He insisted on paying kaya hinayaan ko na lang din.
"Umiinom na si Niccolo ng milktea?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng fast food restaurant.
"Ang dami mo ng nagastos ngayon, hinay-hinay lang!" reklamo ko rito. Baka kasi mamaya ay maubusan siya ng pera. "Saka wala si kuya sa bahay ngayon. Nakikipag-date 'yon panigurado." biro ko rito
"M-May... girlfriend siya?" 
Nilingon ko siya at para bang bigla siyang nalungkot at bumagsak din ang balikat niya. "Joke lang. May part time siya ng linggo." 
Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. Narinig ko rin ang mahina niyang buntong hininga. "Uy, ayos ka lang?" puna ko rito. Maputla kasi ang itsura niya.
"Oo," ngumiti siya sa 'kin bago ako inakbayan. Hindi naman mabigat ang braso niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Napatigil kami sa paglalakad nang mabunggo siya ng isang lalaki. Nabitawan niya ang mga paperbags na dala namin kaya tumulong ako sa pagdampot. "Oh, sorry."
"Ayos lang, pre."
Pamilyar ang boses ng nagsalita pero hindi ko na lang pinansin. Nang mailagay na namin ang mga nalaglag na damit sa paperbags ay saka ko lang tiningnan kung sino ang nakabungguan namin.
Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa harapan namin.
"Jen," rinig kong bati niya.
Tipid ko siyang nginitian. Ibinalik ko ang tingin kay Ethan at napansing nakatingin siya kay Vince. When I looked back at Vince, he's looking at Ethan too. Nakatayo lang kaming tatlo sa gitna ng maraming tao habang hindi nila pinuputol ang tingin sa isa't isa.
"T-Tara na, 'Tan." bulong ko rito. Nilingon niya naman ako at tinanguan. Ngumiti siya sa 'kin bago ako muling inakbayan.
Alam kong nakatingin pa rin si Vince sa'ming dalawa. Pasimple ko siyang tiningnan at tama nga ako. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihing pinsan ko si Ethan o hindi.
"U-Una na kami, Vince." sambit ko bago hinila si Ethan palayo. 
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makauwi kami. Ang tingin lang ni Vince sa 'kin at kay Ethan ang laman ng isip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nahuli niya 'kong may ginagawang mali kahit na wala naman.
Kami lang dalawa ang nasa bahay dahil may duty si Papa ngayon at umalis naman si Kuya.
Dumiretso ako sa kuwarto para makapagbihis na. Plano ko ring matulog dahil pagod na pagod na ang katawan ko sa kakalakad kanina. 
"Jen," I heard him knock when I finished changing my clothes.
"Bukas 'yan." sambit ko habang inaayos ang pagkakaipit ng buhok ko.
Dahan-dahan siyang dumungaw sa kuwarto bago pumasok. Iniabot niya ang isang paperbag na may lamang damit na binili namin. 
"Anong meron?" inilapag niya ang hawak niyang paperbag sa kama nang hindi ko 'yon tinanggap.
"Sa 'yo yan," sambit niya. "Para sa pagsama mo sa 'kin."
Pabiro ko siyang tinarayan, "Hindi naman 'yan kailangan. Para ka namang iba!"
He chuckled before sitting on my bed. "Uuwi na pala 'ko. Ilock mo na 'yung pinto sa baba."
Tinanguan ko naman siya. Sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang sa pinto. "Next month ka babalik, 'no?"
Tumango siya at ngumiti. "Sige na, lock mo na."
Nang makaalis na siya ay agad kong sinarado ang pintuan. Paakyat na sana ako ng pinto nang makarinig ng busina galing sa labas.
Agad kong binuksan iyon at nakita ko ang kotse ni Kuya Ez na nakaparada. Bumaba siya ng sasakyan niya at agad akong nginitian nang makita niya ako.
"Wala si Kuya Nic dito, Kuya." panimula ko.
I heard his small chuckled. "Kaya nga ngayon ako pumunta, eh." sambit niya. "We need your help."

Komento sa Aklat (185)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata