"Sa'n mo gustong kumain?" Inilagay ko ang hawak kong cookies sa basket na dala niya. It's actually full. Kanina pa kasi ako lagay ng lagay ng kung ano-anong pagkain. "Ikaw na lang mamili, kuya." sagot ko habang naghahanap pa ng maidadagdag na pagkain. Tiningnan ko kung may cookies and cream flavored ice cream sila rito kaso ay wala kaya dumiretso na lang ako sa ibang stalls. "Are you hanging out with your friends? Ang dami na nito, ah." his gaze were fixed on the basket that he's holding. "Edi bawasan," Aalisin ko na sana ang mga ibang chichirya nang pigilan niya ang kamay ko. Tingnan mo 'to, kanina nagrereklamo siya. "I can pay for all of this, gusto ko lang malaman kung kaya mo 'tong ubusin." "Syempre, ako pa," pagmamayabang ko kahit na alam naming parehong aabutin ng ilang linggo bago ko maubos ang lahat ng 'to. "Sabi mo, 'e," he let out a small laugh before going to the counter. Sinundan ko siya at nagtitingin tingin pa rin sa paligid kung may maidadagdag pa ba ako sa bibilhin niya. Sayang naman, libre 'to, 'e. Ang sabi niya kasi ililibre niya 'ko ng snacks, edi nilubos lubos ko na. He pays for everything. Akala ko ay magrereklamo siya dahil umabot ng isang libo ang mga pinapabili ko sa kaniya, buti na lang at hindi. He also insisted to carry the bags full of snacks. Kahit anong pilit kong ibigay niya sa'kin dahil magaan lang naman 'yon ay ayaw niya talaga. "Do all girls like necklace or such?" he randomly asked while we're walking out of the grocery store. "Tingin ko hindi lahat, pero kung si Ate Nami, then I think it's a yes." He stopped walking and looked at me. Para siyang nabigla sa sinabi ko. Mabilis din siyang umiwas at tinuloy ang paglalakad. "How do you know it's for her?" Pilit kong tinago ang ngiti ko. Ayaw kong asarin siya at baka ako ang pagbayarin niya mamaya. Wala pa naman akong dalang pera. "Ewan," inunahan ko siya sa paglalakad at dumiretso papasok ng isang restaurant. Lumingon ako sa bandang likuran para hanapin kung nasaan na siya at nakitang papasok na siya ng restaurant. Agad akong naghanap ng vacant table. Luckily, mayro'n pang bakante kaya dumiretso agad ako ro'n. "Chicken, fries and ice cream?" tanong niya habang inilalapag ang mga pinamili namin sa isang bakanteng upuan. Nginitian ko ito at tumango. Ang tatlo kasing iyon talaga ang madalas kong orderin kapag kumakain ako sa labas. Binuksan ko muna ang Facebook account ko nang umalis na si kuya para mag order. Messages from my gc's popped up. Binuksan ko agad ang gc namin nina Zari at nagbackread sa usapan nila. They kept on mentioning me lalo na kapag ang movie screening ang usapan. @Jen: nasa mall na kayo? Ilang saglit lang ay nagseen agad si Zari at nagreply, @Zari: oo @Zari: ikaw? @Jen: same Inabala ko ang sarili ko sa pakikipag-usap kay Zari hanggang sa makabalik na si kuya. He bought a scipy chicken for him and for me, kasama ang fries and ice cream. We started talking while eating. We're talking about random things. "Tingin mo magugustuhan niya kapag kuwintas?" Napatigil ako sa pagkain ng fries dahil sa tanong niya. His tone and expression seems so serious. "Marunong ba siyang maka appreciate ng maliliit na bagay?" tanong ko bago kumain muli ng fries. Hindi naman kasi kami close ni Ate Nami at talagang madalang ko lang siyang makitang kasama ni kuya. Sabagay, she's a busy person. "Yeah," he answered "Then she will." sambit ko bago inubos ang natitirang fries. After an hour of choosing, nakapili rin siya ng ireregalo. Hindi rin namin napansin na gabi na pala dahil sa tagal naming mamili. "Kuya, ikaw bahala kay Papa, ah!" paalala ko rito habang nagdadrive siya. Pauwi na kami at madilim na talaga. It's almost eight in the evening. Pinaalam naman ako ni kuya, pero kinakabahan pa rin ako. "Just trust me," he calmly said while driving. Napanatag ako sa sinabi niya. Basta kapag napagalitan o na-grounded na naman ako, siya talaga ang sisisihin ko! Nang itigil ni kuya ang sasakyan sa harap ng bahay namin, kasing bilis na ng takbo ng mga kabayo ang tibok ng puso ko. Nakapatay na kasi ang mga ilaw sa loob ng bahay at baka tulog na si Papa. Sumunod ako kaagad sa kaniya nang lumabas siya ng sasakyan. Nauna siyang maglakad papuntang pintuan. "Kuya," He looked at me and smiled, "Tara na," Binuksan ko ang pinto gamit ang dala kong susi. Lahat kasi kami rito sa bahay ay may hawak na double key para iwas hassle. Nang makapasok na kami ay agad kong hinanap si Papa. Wala siya sa sala kaya baka nasa kuwarto na siya. "Kuya, aakyat na 'ko." paalam ko rito Tumango siya at inabot ang pinamili naming mga pagkain. "Patawag na lang si Niccolo, Jen." Nang makaakyat ako, agad kong kinatok si Kuya Nic. I know that he's not sleeping dahil gumagawa siya ng plates ng ganitong oras. "Kuya, baba ka raw sabi ni Kuya Ez." sambit ko mula sa labas ng pintuan niya. Paalis na sana ako ng buksan niya ito at lumabas. He's wearing a gray shirt and shorts. His hair is messy too, at mukhang puyat na puyat siya. "Matulog ka na." hindi niya ako tiningnan at naglakad diretso pababa ng hagdan. Galit ba siya sa'kin? Bakit parang pakiramdam ko may ginawa akong masama? "Kuya," "hm?" He looks so tired. Siguro ay dahil sa dami ng ginagawa niya. I'm still mad at him pero I can't deny the fact that his feature concerns me. "W-Wala," dumiretso ako papasok ng kuwarto at agad na sinara ang pintuan. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagscroll sa newsfeed ko habang nakahiga. Kuya Ez' chathead's popped up. I opened it and saw his messages, Ez: I already talked to Tito Ez: he's not mad Ez: matulog ka na Parang nabunutan ako ng tinik dahil sa nabasa. Iniisip ko kasi kung dapat ba 'kong kumatok sa kuwarto ni Papa para sabihing nandito na 'ko. Buti na lang at tinulungan ako ni Kuya. I replied to him immediately, Jen: salamat Jen: pati sa foods Nagising na lang ako dahil sa malakas na katok na narinig ko. Agad akong tumayo para pagbuksan si Kuya. Siya lang naman kasi ang ganito kalakas kung kumatok. "Kumain ka na raw." he said I noticed that he's all dressed. A brown shirt and pants, neat hairstyle with his glasses, siguradong aalis 'to. "Sa'n punta mo?" Iniwanan kong bukas ang pinto at dumiretso sa kama ko para magligpit. "Birthday ni Nami, sama ka?" Tinanguan ko ito at itinuloy ang pag aayos ng kama. "Pasabi happy birthday. Next time na lang yung gift." "Ayaw mong sumama?" I looked at him and shook my head. "Wala naman akong kilala ro'n." "You sure?" he asked and I just nodded. "I'll just buy you some food later then." "Thanks," Habang inililigpit ko na ang mga unan ko, tumunog bigla ang phone ko. I looked at it and saw Vince's message, Vince: can we talk later?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (185)
Cristine Garcenila Carpio
Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤
24/05/2022
0
Arnelsept
Keep the good work!
17/05/2022
0
ZyidricJvarzov
i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)
Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤
24/05/2022
0Keep the good work!
17/05/2022
0i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)
13/05/2022
0Tingnan Lahat