Chapter Ten

“Saan daw?” tanong ko rito
“Sa may milk tea shop lang sa malapit.” sagot nito
“Oo nga pala, bakit hindi ka nag practice noong naakaraang araw? Hinahanap ka ni Coach. Sabi ko na lang ay masama ang pakiramdam mo.” tanong ko rito
“May nangyari lang…” mahinang sambit nito habang nakapangalumbaba.
Sa itsura niya ngayon ay alam kong may pinagdadaanan ito.
“Pwede kang magkwento… Kung gusto mo lang naman.”
Tipid niya akong nginitian bago umiling, “Wala ’to, katulad lang ng dati.”
Tumango ako bago sinimulang iligpit ang mga gamit ko.
Natapos ang exam at sembreak at nakayanan kong hindi pansinin si Raine. Noong una ay madalas niya akong subukang tawagan o kausapin, pero after lang ng isang buwan ay tumigil din siya. Kahit sa practice ng volleyball ay hindi niya na rin ako sinusubukang kausapin.
Siguro ay nagsawa na rin siya sa pangungulit at itinuon na lamang ang atensyon kay Ian. Ang bali-balita kasi ay sila na.
“Nagtext na siya. Papatapos na raw ang practice nila.” imporma nito
Tumango ako at niyaya na siyang umalis. Nandito kami ngayon sa room at uwian na rin.
Si Zari na ang kasa-kasama ko madalas. Nakilala ko siya dahil lumipat sila sa lugar namin at halos magkatabi lang ang mga bahay namin.
Mas naging close kami noong sembreak dahil madalas akong gumawa ng paraan para magkalapit sila ni Von. Minsan ay aayain ko ang dalawa na manood ng movie sa bahay namin o kaya’y gumala.
At syempre, naging successful ang pagpapakahirap ko. Naging close nga sila. Technically, kaming tatlo ay naging close sa isa’t isa, kahit na ang balak ko lang naman ay maging bridge ng dalawa.
“Libre mo naman kami ng milk tea!” sambit ko nang makitang papalapit na si Von sa puwesto namin.
May practice kasi siya dahil nakapasok siya sa basketball team ng school. Wala namang nakapagtataka roon. Alam naman halos ng lahat na magaling talaga siya sa larangang ito.
“Ikaw dapat ang manlibre. Ang yaman mo kaya.” pang asar nito
Tinarayan ko na lamang ito at itinuloy ang pag scroll sa news feed ko dahil alam kong magiging third wheel lang ako ngayon.
“Oh, bayaran mo.”
Napalingon ako sa nagsalita at tiningnan ko ang inilapag niya sa lamesa,
“Oreo, large, 75% sugar.” imporma nito.
Mabilis ko itong kinuha at ininom. Grabe, the best talaga ang milk tea!
“Walang thank you?”
Napatigil ako sa pag inom at tinignan ang lalaki. Prente itong nakaupo sa may harapan ko at nakataas pa ang isang kilay.
“Sabi mo ay bayaran ko. Bakit ako magt-thank you?” palabang sambit ko na ikinatawa niya lang.
Marahan niyang sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri at pinigilan ang pag ngiti.
Amoy na amoy rin hanggang sa puwesto ko ang mabango nitong perfume. Light scent lang pero ang bango talaga.
“Saan mo nabili ’yang pabango mo?”
“Why? Do you like it?” sambit nito sa mapang-asar na tono.
“Yeah,” maikling sambit ko bago muling uminom sa milk tea ko. “So, saan mo nga nabili?”
“Bibili ka? Gagamitin mo?” sambit niya na may bahid pa ng pagkamangha.
I rolled my eyes, “Of course not. May pagbibigyan ako. I think it suits him well.” walang muwang na sambit ko bago kinuha ang phone ko.
Malapit na kasi ang birthday ni Kuya Ez at naisipan kong pabango na lang ang ireregalo ko rito. Tingin ko ay bagay nga sa kaniya ang ginagamit na pabango ni Vince.
Balak ko sanang kulitin pa ito at itanong ulit kung saan niya binili ang perfume, pero padabog itong tumayo at marahas na kinuha ang bag niya.
“Ewan. ’Di ko alam. Nakalimutan ko.” rinig na rinig ko ang pagkairita sa boses nito.
What’s with him? Nagtatanong lang naman ako kung saan ako makakabili ng pabango niya!
“Then don’t! Nagtatanong lang, eh!”
Dahil sa pagkainis ko ay halos maubos ko na ang large milk tea dahil sa tuloy-tuloy kong pag-inom.
“Hey,” napalingon ako sa tumawag at nakitang nakatayo ito malapit sa may kalsada.
Sa may labas kasi kami ng milk tea shop nakatambay kaya kalsada na mismo ang katabi nito.
“Ano?” iritang tanong ko
Matagal itong tumitig sa akin na para bang may mali sa itsura ko bago nagsalita, “Pangit mo.”
Halos maibato ko sa kaniya ang hawak kong milk tea dahil sa pagkainis. Nilalait ko ba siya? Akala mo naman ay napakagwapo niya!
Hindi na ako nakapang-asar sa kaniya dahil may isang babaeng lumapit dito at nakipag-usap.
“Jen!”
“Oh?” inis na bulyaw ko
“Galit na galit? ‘Vince effect’ na ba ’yan?” asar pa nito
Tinarayan ko na lang siya at hindi na sumagot pa. Masisira lang ang araw ko dahil sa dalawang unggoy na ’to.
Pansin ko ang pagsaway ni Zari rito na ikinatahimik naman ng lalaki. Good boy pagdating kay Zari, gano’n?
Umupo silang dalawa sa bakanteng upuan sa tabi ko habang umiinom din ng milk tea.
“Tingnan mo ’to, nilibre si Zari, ako hindi. Traydor!” pag aakusa ko
“Sabi ni Vince ay siya na raw ang bahala sa milk tea mo, kaya ’di ka na namin binilhan.” depensa nito
Ininom ko na lamang ang natitirang laman habang nagkekwentuhan kami.
Ganito kasi kami madalas. Tambay saglit kapag may free time at gala o movie marathon kapag Linggo.
“Jen, nagpaalam na ako kay Mama. Puwede raw kayong mag overnight basta hindi ilolock ’yong pinto.”
I smiled, “Sure. Yun lang pala.” sagot ko. “Akala siguro ni Tita ay rapist si Von, ano?” pang aasar ko pa rito.
Agad na kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. “Hindi mo lang alam, pero in good terms kaya kami ni Mama. Nakapunta na nga ako sa kanila, eh.” pagmamayabang nito
Kaltok ang inabot nito kay Zari. As usual, nagsimula na naman ang asaran nila na normal na para sa aming tatlo.
So ako, nandito sa isang tabi, nagce-cellphone habang hinihintay silang matapos mag-asaran.
Napagpasiyahan naming maglakad na lang pauwi at iyon nga ang ginawa namin. Hindi naman din sobrang init dahil hapon na.
“Von, review our presentation for tomorrow, ha! Baka magisa tayo ni Sir.” paalala ko sa kaniya.
He salute like a police that makes us laugh.
“Pasok na ’ko.” paalam ko sa dalawa bago naunang pumasok sa bahay.
As soon as I opened our door, I saw Kuya Nic crying. Mabilis akong lumapit sa kaniya, “What’s wrong? Why?”
Kitang-kita ko ang pagkabigla sa itsura niya. Mabilis niyang pinunasan ang mga takas na mga luha at pinilit ang sariling ngumiti.
“I-It’s nothing, Jen…”
Hinayaan ko na lang siyang dumiretso sa kuwarto niya at hindi na nagtanong pa.
I know that there's something wrong… What happened?

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata