Homepage/MY MYSTERIOUS HUSBAND/
CHAPTER NINE
||•Yana's POV•||
"Walong taon ka ring nanirahan dito," malungkot na wika ni Madam Delia, ang landlady ng tinitirahan ko.
Noong una kong tira dito ay masungit ito, laging galit, mainitin ang ulo. Pero, nang tumagal ay naging masayahin ito, nabawasan ang pagiging mainitin ang ulo at alagang-alaga ako sa kaniya na tinuring niyang sariling anak.
"Bibisita naman ho ako, wag ho kayong mag-alala," sambit ko rito at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
"Basta bumisita ka ha, alam mong mami-miss ka namin ng mga anak ko."
"Opo," nakangiting tugon ko at niyakap ito. Ang kaniyang tatlong anak ay nasa eskwelahan kaya hindi na masasaksihan ang pag-alis ko. Malapit din ako sa mga 'yon.
Nakapag-ayos na ako ng mga gamit at handa nang umalis. Mami-miss ko ang lugar na ito kung saan ako nagsimulang tumayo sa sarili kong mga paa. Ang nagsaksi ng pagod at pagsisikap ko mag-isa.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Binigyan ako ng babaeng nakilala ko sa malaking gusaling iyon ng address ng condong titirhan ko. Sabi niya sasalubungin niya ako sa lobby ng condominium.
Sumakay na ako ng taxi at sinabi ang address at agad naman akong hinatid nito. Higit isang oras din ang byahe at nakarating na kami.
"Nandito na po tayo, ma'am," sabi nito.
"Salamat po!" nagbayad na ako at bumaba. Ibinaba rin ng driver ang mga gamit ko.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng gusali. Napanganga ako sa laki at taas nito. Hindi ko inaakalang maninirahan ako sa ganitong lugar. Hindi ko napigilang mamangha.
Pumasok na ako at namataan ang papalapit na babae. Trabaho niya talagang salubungin ako.
Pinakuha niya ang mga gamit ko at pinadala sa isang lalaki.
"Ang kwarto mo ay nasa 8th floor, unit number 804," wika nito at tumango lang ako.
Tinungo na nga namin ang kwartong sinabi nito. Binigay niya sa akin ang card na makakapag-unlock sa pinto nito.
Pumasok na kami at namangha ako sa ganda at lawak ng buong lugar. Inilibot ko ang paningin ko.
"Dito ba talaga ako titira?" tanong ko rito.
"Yes, ma'am," sagot nito. "Heto po, ma'am," wika niya sabay abot sa akin ng isang paper bag.
Naguguluhan man ay kinuha ko ito.
"Pinabibigay po sa inyo 'yan ni boss, ay este ng asawa niyo," paliwanag nito.
"Salamat!" tugon ko.
"Maganda po ang singsing niyo ma'am, bagay na bagay sa inyo," sambit nito.
Mabilis ko namang tiningnan ang singsing na kanina ko lang sinuot. Kasyang-kasya ito sa akin, tila ba'y sinukat sa aking daliri bago bilhin.
Nginitian ko lang ang babae.
"Aalis na po ako ma'am. Atsaka, kung may kailangan ho kayo, tawagan niyo lang ho ako," saad nito.
Nakatalikod na ito nang tawagin ko.
"Sandali lang," at lumingon muli ito.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko.
"Thelma," maikling sagot nito.
"Salamat, Thelma." At tuluyan na itong lumabas.
Ilang sandali lang ay nag-ayos na ako ng mga gamit. Inilagay ko na ang mga damit ko sa aking walk-in closet. Ang mga gamit ko sa banyo ay inayos ko na rin. Ang mga sapatos as sandals ko ay maayos nang nakalagay sa lalagyan. Naglinis na din ako ng bahay. Gabi na din nang matapos ako. Dahil sa pagod, mabilis kong ibinigay ang sarili sa malambot at malaking kama.
Ilang sandali lang ay tumunog ang tiyan ko, nagpapahiwatig na gutom na ako. Agad naman akong bumangon at pumunta sa kinalalagyan ng ref. Titingnan ko ang laman nito sakaling may pwede akong mailuto at makain.
Nang makalapit ako ay agad kong napansin ang kulay asul na papel na nakadikit dito.
"Don't try to open it, wala pa itong laman. Kung sakaling gutumin ka man, tumawag ka sa food service ng building at umorder ka ng kahit anong gusto mong kainin. P.S.: HINDI KO NA NILAGYAN NG LAMAN ANG REF DAHIL HINDI KO ALAM ANG MGA PAGKAING GUSTO MO. BUKAS NA BUKAS DIN AY MAMILI KA."
YOURS TRULY,
ASAWA MO
Tumunog na naman ang sikmura ko matapos mabasa ang mensahe ng taong ito. Wala na akong nagawa pa kundi ang puntahan ang kinaroroonan ng telepono at tumawag sa food service. Umorder na ako at ilang sandali lang ay dumating din kaagad.
Kumain na ako. Gutom na gutom nga yata ako dahil sa ang dami kong nakain. Iba't-ibang putahe at sobrang masasarap pa. Nang matapos ay saglit akong nagpahinga bago tunguhin ang bath tub.
Matapos magpa-relax sa bath tub, lumabas na ako. Nagsuot ako ng robe at nagsipilyo, pagkatapos ay namili ako ng damit pantulog. Natapos na din ako sa pagbibihis, kaya agad tinungo ang kama. Hihiga na sana ako nang mapansin ang paper bag na bigay ni Thelma sa akin kanina. Inilapag ko ito sa may bed side table kanina at hindi na napansin pagkatapos 'nun.
Kinuha ko ito at sinilip ang laman. Isang kahon ang bumungad sa akin. Kinuha ko ito at binuksan. Sa pagbukas ko, unang bumungad sa akin ang asul na papel na nakadikit parehas ng asul na papel na nakadikit kanina sa ref.
"This will be your phone from now on. Nakalagay na diyan ang number ko at number ng sekretarya ko. P.S.: FEEL FREE TO CALL ME ANYTIME."
YOURS TRULY,
ASAWA MO
Pagkatapos basahin ay binuksan ko na ang kahon. Nakalagay dito ang isang cellphone na sa tingin ko ay sobrang mahal. Namangha ako. Nahiya ata ang cellphone ko na dala-dala ko nang ilang taon.
Ini-on ko na ito. Ilang sandali lang ay nagulat ako sa pagtunog nito.
CALLING...
ASAWA MO
Nagulat man ay nagawa ko pa rin itong sagutin.
"He...llo?" mahinahong wika ko.
Ilang saglit lang ay narinig ko ang baritonong boses sa kabilang linya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito na ikinagulat ko.
Heto na naman ang puso ko.
"O-Oo, k-kumain na ako," sagot ko.
"Good," ma-otoridad man pero nararamdaman ko ang sinseridad sa tono nito. "How's your stay in the house?" tanong muli nito.
"Okay lang naman," maikling sagot ko.
"It feels like you are not okay with it. Just tell me kung ayaw mo sa bahay, maghahanap ako ng bago na mas okay sa'yo," wika niya.
"H-Hindi...h-hindi na kailangan. Napakaganda ng bahay, malawak atsaka gustong-gusto ko," paliwanag ko rito.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.
"Okay! Matutulog ka na?" muli nitong tanong.
"Oo," maikling sagot ko.
"Good night," sabi niya.
Sa puntong iyon ay bumilis na naman bigla ang tibok ng puso ko.
"G-Good night," huling wika ko at ibinaba na ang cellphone.
Ilang saglit lang ay inilapag ko na sa bed side table ang cellphone at umayos na ng higa.
Ilang segundo lang ay naisip ko muli ang baritonong boses nito na ikinangiti ko.
•••
||•Xandre's POV•||
"Good night," 'yan ang huling mga salitang narinig ko bago niya ibinaba ang telepono.
Her voice makes me feel happy. Medyo may nginig ang boses nito habang kausap ako pero alam kong nababaguhan pa ito kaya hinayaang ko na lang.
Hindi ko man lang alam kung ano ang sasabihin ko sa unang pag-uusap namin. Kinakabahan man pero tinapangan ko at nagawa ko.
Ilang sandali lang ay naghanda na ako sa pagtulog. Nag shower, nagsipilyo at nagbihis muna at tinungo ko na ang higaan upang makatulog na.
Nakapikit na ako nang tumunog ang cellphone ko. Dali-daling kinuha ko ito nagbabaka-sakaling ang asawa ko ang tumatawag but it made me feel upset and disappointed sa pangalang nakita ko sa screen.
Wala na akong nagawa kundi ang sagutin na lang ito.
"Xandre," bungad na wika nito.
"What do you want, Kriesha?" malamig na tanong ko.
"Inutusan ako ng daddy mo na tawagan ka. We will have a family dinner tomorrow night," she said.
"Kailangan ba talagang kasama ako sa family dinner na 'yan? Besides, kayo lang naman ang magkakaintindihan," wika ko.
"Of course kasama ka, you're a family, Xandre," I fake a smile because of what she said. FAMILY. "And we will discuss a very important matter, so be there, please."
I deeply sighed. Here we go again with this family dinner. Ano pa nga bang magagawa ko kundi dumalo kahit labag sa kalooban ko.
•••
||•Yana's POV•||
Tanghali na din akong nagising. Nag alarm naman ako pero pinatay ko lang ito at bumalik na lang sa pagkakatulog.
Humikab ako sabay abot ng aking mga braso sa kalangitan.
Napahawak ako sa aking tiyan dahil nagrereklamo na ito. Nagugutom na ako. Tumayo ako at tinungo ang ref, huli ko nang naisip na wala pala itong laman. Naalala ko naman ang telepono. Dali-daling tinungo ko ito at tumawag na agad namang sinagot ng nasa kabilang linya.
Umorder na ako at ilang sandali lang ay dumating na. Sobrang sarap talaga ng pagkain nila. Sa sobrang saya ko at busog na rin ako, napapakanta na lang ako at napapasayaw.
Ilang sandali pa ay tumunog ang aking cellphone.
CALLING...
THELMA
Hindi na ako magtataka kung bakit may numero ako ni Thelma. Ngayon ko lang na-realize, sekretarya pala siya ng asawa ko.
"Thelma," maikling sambit ko.
"Papunta na ako ngayon diyan, ma'am. Maghahatid ako ng perang pang-grocery niyo," wika nito.
"S-Sige," maikling sagot ko bago pinatay ang tawag.
Naligo na lang muna ako para sa oras na dumating na si Thelma ay nakapag-ayos na ako at madaling tunguhin ang grocery store.
"Heto po ma'am. Tawagan niyo lang ho ako sakaling kulang at madadagdagan ko. Pino-proseso pa ho kasi ang ATM niyo kaya ako muna ang nagdala ng pang grocery niyo," paliwanag niya.
"Salamat," atsaka ito umalis.
Kinuha ko na ang aking sling bag at lumabas. Naglakad na lang ako dahil buti na lang malapit lang ang pamilihan kaya makakatipid ako sa pamasahe.
Gulay, prutas, mga inumin at junk foods, biscuits, toiletries at huli kong pinuntahan ay ang meat section. Pumunta na ako sa cashier nang makakuha na ng mga kakailanganin ko.
"6,582 pesos po lahat, ma'am," wika ng cashier.
"Po?" gulat na sabi ko. "S-Sandali lang po," kinakabahang wika ko.
Lagot! Five thousand lang ang perang dala ko at wala akong extrang pera dito. Naalala ko naman ang sinabi ni Thelma sa akin kanina.
"Tawagan niyo lang ho ako sakaling kulang at madadagdagan ko."
Dali-dali ko itong tinawagan. Buti may load pala ang cellphone ko.
"Yes, ma'am?" tanong niya sa kabilang linya.
"A-Ano kasi...kasi sobra sa 5,000 ang naipamili ko at kulang ang pera ko. Wala akong nadalang extrang pera," nahihiyang paliwanag ko. "Andito nga pala ako sa pinakamalapit na grocery store sa tinitirahan ko."
"Papunta na po ako diyan, ma'am," saad niya.
Ambilis naman. Papunta na siya agad dito eh kakatawag ko lang? Ibang klase talaga.
Ilang minuto lang ay dumating na si Thelma.
Ibinigay ko sa kaniya ang perang dala ko at siya na ang nagdagdag at nagbayad.
Lumabas na kami ng grocery store at buti na lang walang masyadong tao ngayon dahil nakakahiya naman sa mga nakapila kung ganun.
"Salamat nga pala Thelma," wika ko.
"Walang problema, ma'am. Trabaho ko ang tulungan ka," tugon niya. "Gusto niyo 'bang tulungan na kita sa pagbitbit ng mga pinamili mo?" tanong niya.
"Hindi na kailangan," sagot ko. Ngumiti na lang ito at umalis na.
Pumara na ako ng taxi dahil medyo marami-rami din ang ipinamili ko.
Nang makarating sa condo ay agad na may nag-alok sa akin ng tulong para bitbitin ang mga pinamili ko. Hindi ko alam kung may nag-utos sa kaniya o trabaho niya talaga 'to pero nagpasalamat ako nang makarating na kami sa unit ko.
Pumasok na ako at inisa-isang ipinasok ang mga pinamili sa ref. Ang iba naman ay sa kani-kanilang mga paglalagyan. Ayan na, organized na lahat kaya nagpahinga muna ako pagkatapos.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (206)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.
14/07/2022
0i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)
18/05/2022
0Very Nice
18/12
0Tingnan Lahat