Homepage/MY MYSTERIOUS HUSBAND/
SPECIAL CHAPTER
||•Third Person's POV•||
"Sir, andito na po siya," wika ng sekretarya ng matandang Villaluna.
Hindi ito umimik at hinintay lang ang taong kaniyang inutusan. Ilang segundo lang ay nakatayo na ito sa harapan niya.
"Magandang araw po sa inyo, Mr. Villaluna," bati nito sa kaniya.
"What's the update?" seryosong tanong ng matanda.
"Sinubukan ko po, sir pero hindi talaga. Walang tumatalab sa kaniyang mga salita at kahit na gawa. Lumalapit-lapit ako sa kaniya pero sa tuwing magkasama kami ay hindi niya maiwasang banggitin ang kaniyang asawa. Tila'y pinapaalala niya sa aking may asawa na siya kaya hanggang magkaibigan na lang talaga kami," paliwanag nito sa matanda. Walang naging reaksyon o emosyon man lang ang matanda. "Heto po ang ilan sa mga recording na nakuha ko habang magka-usap kami."
Nilabas niya ang kaniyang cellphone at inilapit sa matanda. Pinindot niya ang record at pinarinig sa matanda ang mga nakuha.
"So, sabi mo sa akin may asawa ka na, ba't parang hindi ko siya nakikita sa condo unit mo? Hindi ba kayo magkasama sa isang bahay?"
"Hindi. Busy siya sa trabaho. Hindi kami magkasama sa isang bahay dahil 'yon ang gusto namin para sa isa't-isa. Pareho naming desisyong hindi magsama," sagot ng babae.
"Pwede ba 'yon?"
"Siguro, dahil ganun ang ginagawa namin ngayon."
"Hindi niyo ba nami-miss ang isa't-isa?"
"Nami-miss, syempre. Minu-minuto kaming magka-usap sa cellphone kaya wala na mang problema."
Hanggang doon lang ang recording kaya nilipat na ulit nito sa isa pa.
"Kapag ba wala kang asawa, may pag-asa ba ako sa 'yo? You know, sa panliligaw?"
"Wala."
"Bakit na man wala?"
"Kasi may asawa na ako."
"Kunwari lang na man na wala kang asawa."
"Ayoko nga. Heto lang ang masasabi ko sa 'yo, may asawa na ako, Calvin."
Sunod na recording na man ang ipinarinig nito.
"Cal, ano ang ginagawa mo rito?"
"Food? Umorder kasi ako ng maraming pagkain kaso wala akong kasama kaya dito na lang ako. Pwede ba?"
"P-Pasok ka."
"Ang ganda pala ng unit mo. Malawak atsaka napakaayos ng mga gamit."
"Dito ka."
"Pansin ko lang, wala kang wedding photo kasama ang asawa mo?"
"Wala."
"Bakit wala? Hoy! Sagutin mo na man."
"Ayoko."
"Heto na man ohh! Akala ko ba magkaibigan na tayo?"
"Hindi pa rin ako kumakain, kaya kumain na tayo. Gutom na ako."
"Sige. Gutom na rin ako."
"Kain na, bitawan mo na 'yang cellphone mo."
"Sorry po, kakain na po."
Pinatay na niya ito at pinindot ang pinakahuling recording.
"Ohh! Andito ka na naman? Kahapon lang ay nagdala ka ng pagkain, ngayon na man ay pagkain ulit."
"Mas masaya kasi kapag may kasabay ka sa pag-kain."
"Pasok ka."
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Naglilinis at nag-aayos."
"Walang magawa?"
"Oo, kaya naglinis na lang ako para may magawa."
"Kain na muna tayo."
"Wait lang."
"Hmmm! Ang sarap na man neto. Saan mo binili 'to?"
"Nabili ko 'yan sa restaurant ng pinsan ko. Sarap 'di ba?"
"Oo, sobra."
"Sabi ko na magugustuhan mo ehh."
"Nakuha mo ang taste ko."
"Buti na man. Ehh ako, hindi mo ako taste?"
"Ehh kung suntukin kaya kita?"
"Biro lang na man."
"Mahal mo ba ang asawa mo?"
"Ano'ng klaseng tanong 'yan, Cal?"
"Wala. Natanong ko lang na man. Hindi ba pwede?"
"Syempre mahal ko ang asawa ko."
"May mag-asawa na mang hindi nagmamahalan."
"Sila 'yon, iba ako."
"Swerte ng asawa mo sa 'yo. Nakakainggit. Hoping na katulad mo ang magiging asawa ko."
"Makakahanap ka rin kaya maghintay ka lang, hindi mo na man kasi kailangang magmadali."
"Totoo 'yan."
"Yan na po ang huling recording, Mr. Villaluna," wika ng lalaki atsaka kinuha ang cellphone.
"Maaari ka nang umalis," sambit niya sa lalaki kaya tumalikod na ito at lumabas ng opisina.
Nakapag-isip-isip ang matandang Villaluna. Hindi man niya nakikita ang babaeng ito na kasama ng kaniyang anak, naniniwala siyang mahalaga ang anak sa babae. Base nga sa mga inutusan niya, hindi makikitaang may kasama itong ibang lalaki, maliban lang sa pamilya nito. Gaya nga ng mga sinabi sa kaniya ng isa sa mga inutusan niya, na si Calvin, laging binabanggit ng babae ang kaniyang anak kaya naniniwala siyang hindi nito pagtataksilan ang anak.
Ngayon, sigurado na siyang isang faithful wife nga ang asawa ng anak. Nagawa niya lang na man ang lahat ng ito para malaman niya kung mapagkakatiwalaan ba ang asawa ng anak para sa kaniyang anak na bunso. Ayaw niyang masaktan ang anak na si Xandre dahil kahit hindi sabihin o ipakita, sarili niya lang ang nakakaalam kung gaano niya kamahal ang nag-iisang anak na lalaki. At ngayon, titigil na siya sa pagmamanman kay Yana. Sigurado na siya at hindi na mababahala.
-THE END-
•••
AUTHOR'S NOTE: Thank you sa lahat ng bumasa at sumuporta sa first ever story na ginawa ko dito. Sana ay mas suportahan niyo pa ako at ang iba ko pang mga gawa in the future. Again, maraming maraming salamat.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (206)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.
14/07/2022
0i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)
18/05/2022
0Very Nice
18/12
0Tingnan Lahat