logo text

CHAPTER TWENTY-ONE

||•Xandre's POV•||
I really hate it when my wife talks about us, breaking up. Wala pa na man kasi akong balak na hiwalayan siya dahil sa totoo lang ay ayaw ko na talaga siyang hiwalayan. But, she sometimes talked about it which really bothers and irritates me.
Hindi ko na binalak na magreply pa sa text niya dahil hindi ko naman kasi alam ang dapat na isasagot ko. Nakakatawa naman kung sasagutin ko siya ng...
"Yes, wife, maghihiwalay din tayo."
"Oo, maghihiwalay din tayo at mapuputol na ang lubid na nakatali sa ating dalawa."
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa oras na sabihin ko sa kaniya na maghihiwalay din kami. Pero alam ko sa sarili ko na magiging malungkot ako.
Ilang sandali rin akong nagmumuni-muni habang nakatingin sa ibaba na puno ng ilaw. Medyo malalim na rin ang gabi pero busy pa rin ang mga tao sa ibaba. The busy street and buildings full of lights.
Tatayo na sana ako para handa nang matulog nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. I picked it up and saw the name of the caller. Ayaw ko sanang sagutin pero siya ang tumatawag, never ko pang hindi sinagot ang mga tawag niya dahil hindi ko na man matiis na hindi sumagot sa mga tawag niya.
"Max," she said in a low tone voice. "I'm so sorry. Hindi ko kasi dapat sinabi 'yon. Nadulas kasi itong dila ko, nakaapak ata ng balat ng saging," she said and I lightly smile. She's cute. Hindi muna ako nagsalita at pinapakinggan ko lang siya sa kabilang linya. Here I am again, just hearing her voice makes me smile. "Max? Pangako, hindi ko na ulit uulitin 'yon. I promise na lagyan ng break ang bibig ko next time para na man makapagpreno ako."
I find her really cute dahil sa mga explanations na ginagawa niya.
"Tapos ka na?" nakapagsalita na nga ako.
"Ahmm! O-Oo, tapos na a-ako," pautal-utal na wika niya. "Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin? Ni hindi mo ba ako pagagalitan? Sisigawan?"
"Tsss! Never kong ginawa sa iyo ang mga bagay na 'yan and never kong gagawin sa 'yo," sabi ko sa kaniya.
"Ehh bakit hindi ka agad nagreply?" tanong niya. "Akala ko tuloy galit ka sa akin. Hinintay ko pa talaga si Yula na matulog para na man matawagan kita dahil hindi ka na nagreply."
"I am not mad at you, I am mad at myself," gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero huwag na lang dahil alam kong magtataka siya bakit galit ako sa sarili.
"Pwede bang huwag na natin pag-usapan ang nangyari kanina?" I asked her atsaka umupo ulit sa sofa. I just don't want to talk about it anymore.
"Ehh ano ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya.
"Ahh yes, I almost forgot," sabi ko nang may maalala. "Bumili ako ng regalo for Yula's birthday. Darating siya sa araw mismo ng birthday ng pinsan mo and ang ipinalagay ko na pangalan ay "From: Yana's friend," wika ko rito.
"Hey my man," she said. "Nag-abala ka pa. Hindi mo na man kailangang magbigay ng regalo. Alam mo bang tatadtadin nila ako ng tanong sa oras na malaman nila na may nagbigay kay Yula ng regalo galing sa hindi niya kilalang tao. Alam mo bang ipapahamak mo ako dahil magtataka na naman sila?"
"Just tell them na kaibigan mo ako na laging mong kinukwentuhan ng mga tungkol sa kanila. Siguro na man hindi na sila magtataka 'don."
"Hayss lalaki! Ewan ko na lang sa 'yo," mahinang wika niya. "Ehh ano ba ang regalo na ibibigay mo kay Yula?" she asked.
Nagdadalawang-isip akong sagutin ang tanong niya dahil baka hindi na niya ipatuloy na ipabigay ang regalo.
"A car," maikling wika ko. Inihanda ko na ang tenga ko kaya medyo inilayo ko ang cellphone rito sakaling magulat at mapasigaw siya. Knowing her? Tsss!
"ANO!?" sabi ko na nga ba.
•••
||•Yana's POV•||
Alas nuebe na ng umaga nang magising ako. Wala na si Yula sa tabi ko, siguro ay pumasok na ito.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina.
"Buti na man at gising ka na, Yana. Umupo ka na at kumain," wika ni Tita Olivia nang madatnan ko ito sa kusina.
"Umalis na po ba sila Tito Anthony at Antonio, Tita?" tanong ko rito.
"Oo, kanina pa. Hindi ka na rin ginising ni Yula dahil mahimbing na mahimbing daw ang tulog mo."
Umupo na ako sa hapag-kainan nang makakuha ng plato at kutsara. Kumuha na rin ako ng kanin, ang ulam na man ay na sa mesa na, tinatakpan. Sumubo na ako at ngumuya. Habang nakanguya ay naalala ko na naman ang mga sinabi ni Max kagabi.
"A car," wika nito.
Ano ba ang pinaggagawa nitong si Max sa kaniyang buhay? Magbibigay siya ng kotse bilang regalo kay Yula? Alam kong hindi na man masama 'yon pero kasi sobra na man ata 'yon. Ano na lang ang sasabihin nina Tito Anthony sa oras na dumating ang regalo na bigay kuno ng kaibigan ko? Talagang malaking paliwanag ang paghahandaan ko. Malamang sa malamang ay magtataka sila.
Napayuko ako bigla at sinabunutan ang sarili. Ano'ng gagawin ko bukas?
"Yana, ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?" napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Tita Olivia mula sa likuran ko.
"O-Okay lang po a-ako, Tita," wika ko nang nilingon ito. Umayos na rin ako ng upo at tinuloy ang pag-kain.
Nang matapos ng kumain ay naghugas ako ng pinagkainan ko. Nakapaghugas na kasi si Tita Olivia ng pinagkainan nila kanina. Sinabi niya sa akin na darating ngayon ang mga magde-decorate dito sa bahay para sa okasyon bukas. Naligo na nga ako nang matapos maghugas para na man mabango at malinis ako sa oras na dumating sila.
Ilang oras lang nang dumating na nga sila, tapos na rin akong maligo at nakapaglinis na kami ni Tita Olivia ng bahay.
"Magandang araw po," bati nila. Isang grupo sila na may dalawang lalaki at tatlong babae.
"Magandang araw din po," bati ko sa kanila.
"Magandang araw din," bati naman ni Tita Olivia.
Pinapasok na namin sila at agad na man nilang ginawa ang mga kailangan nilang gawin. Naghanda na man kami ni Tita Olivia ng meryenda nila. Nang matapos sa paghahanda ay inilapag na namin ang meryenda sa mesa para sakaling gusto nilang kumain o uminom ay sila na mismo ang kukuha.
Nilapitan ko si Tita nang matapos naming ilapag na ang mga pagkain.
"Pupunta lang ho muna ako sa kwarto," pabulong na paalam ko rito. Nilingon ako ni Tita Olivia at ngumiti at tumango.
Tinalikuran ko na siya matapos makapagpaalam. Nandoon kasi ang cellphone ko dahil naka-charge, sisilipin ko lang atsaka balak ko ring tingnan kung tumawag ba ang asawa ko.
Pinindot ko na ang cellphone para ma-on ito atsaka tinanggal sa pagkaka-charge nang makitang full charge na ito. Wala rin akong nakitang missed calls galing kay Max, siguro ay na sa meeting ito o 'di kaya ay may ginagawa. CEO ng isang malaking kompanya ang asawa ko kaya malamang sa malamang talaga na busy nga 'yon. Wala rin akong balak na tawagan siya kaya umupo na lang muna ako at nag scroll ng mga updates. Hindi na rin ako muna kailangan sa labas dahil wala na man din akong gagawin at magagawa 'don.
Ilang minuto ng pag-scroll nang lumabas sa screen ang mga salitang...ASAWA KO. Tumatawag na siya, sa wakas ang pinakahinihintay ko. Hindi ko talagang mapigilang maging masaya at ma-excite sa tuwing tumatawag si Max. Ano ba ang magagawa ko ehh, inlove na ata ako, sa misteryoso kong asawa.
"Hello, asawa ko," masiglang bati ko rito.
"Alam kong inaabangan mo ang tawag ko," wika nito.
"Paano mo nasabi?"
"Well, ang sigla lang kasi ng pagbati mo sa akin. Atsaka, may instinct din kaming mga lalaki, sakaling hindi mo alam," tugon niya.
Nang marinig ang salitang instinct ay bigla kong naalala ang mga sinabi ko sa kaniya sa ospital.
"At may pa-instinct ka nang nalalaman ngayon ha," natatawang wika ko.
"Bakit? Akala mo ba mga babae lang ang may instinct? May feelings din kaming mga lalaki 'no baka hindi mo alam," bahagya akong napatawa dahil sa mga sinabi niya.
"Okay! Sinabi mo ehh," matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay sakto naman na may kumatok sa pinto ng kwarto. "Sino 'yan?" tanong ko.
"Ma'am, isa po ako sa mga nagde-decorate," sagot nito kaya agad kong tinungo ang pinto at binuksan ito.
"Bakit po? Ano po ang kailangan niyo?" tanong ko nang tuluyan ko nang nabuksan itong pinto. Isa ito sa mga lalaking kasama sa pagde-decorate.
"Sabi raw po ni Ma'am Olivia na na sa iyo po ang mga pin. Kukunin ko po sana, ma'am," wika nito.
"Sandali lang ho kuya, kukunin ko lang ho," wika ko at tinungo ang study table ni Yula. Doon ko kasi inilagay ang mga pin. Agad na man akong bumalik nang makuha ang mga ito.
"Heto po, Kuya," wika ko habang ibinibigay ang mga pin.
"Salamat po, ma'am," wika nito at umalis na.

Komento sa Aklat (206)

  • avatar
    AMOREb

    Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.

    14/07/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)

    18/05/2022

      0
  • avatar
    Ku Lhit

    Very Nice

    18/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata