Chapter 9

Natulala ako dahil sa sinabi ni Tito. Ate ko si Angela? Pero wala namang sinabi sa'kin sila Mommy ah? Tumulo muli ang luha ko.
"Seryoso kaba diyan, Tito?" Tanong ko.
Tumango lang siya. Humikbi ako, may Ate ako? Ate ko si Angela? A-alam ba niya na kapatid niya ako? Bakit hindi sinabi nila Mommy sa akin? Si Kuya? A-alam 'din ba ni Dexter?
"Kaya ka siguro niya minulto dahil gusto ka niyang maka-usap o mayakap."
Tangina, multo? Minulto ako? Matabang ako na tumawa. Impossible 'yan, hindi. Hindi si Ate Angela ang nag-mumulto sa akin. Tao siya. Ramdam ko.
Pinunsan ko ang mukha ko atsaka umiling. "Hindi, Tito. Hindi nag-mumulto si Ate. Hindi niya ako minumulto."
Tumango siya. "Pupuntahan mo ba ang lugar kung saan siya nag-suicide?" Tumango ako. Tumango-tango lang 'din siya sa akin at nag-paalam na umalis na.
"Sasamahan kita." Rinig kung sabi ni Lux.
Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad patungo sa kabilang building. Ano kaya ang magiging reaksiyon ko kapag nandoon na ako? Walang tao ang building na 'yun, walang nag-babantay. Makakaya ko kaya na pumasok sa lugar kung saan namatay ang Ate ko?
Pag-dating namin doon ay dumiretso na kaagad kami sa rooftop. Nasa harap na ako ng pintuan ng rooftop. Huminga ako ng malalim bago itinulak ang pinto. Unang sumalubong sa akin ay ang malamig na hangin. Mahinan ako'ng tinulak ni Lux kaya nasaamaan ko siya ng tingin. Ko'ng hindi lang ako takot sa multo ay hindi na sana ako pumayag na kasama siya.
Habang tumitingin sa paligid ay napatigil ako ng mapatingin ako sa upuan. May dugo doon. Hindi sariwa, at sigurado ako na ang nag-mamayari ng dugo na iyon ay si Ate Angela. N-naglaslas ba siya bago tumalon dito?
Bigla ako'ng napaiyak ng maisip ko ko'ng ano mga pinagdadaanan ni Ate noon. Wala ako, hindi ko siya natulungan. Gusto ko siyang mayakap, makasama at masabihan ng mga problema ko. M-masama ba siyang tao kay naging ganun ang kapalaran niya? Ko'ng pwede ko lang ibalik ang oras para maligtas si Ate ay ginawa ko na. Kahit na hindi ko pa siya nakasama ay sigurado ako na mabait siya. Naramdaman ko nalang ang paghimas ni Lux sa likod ko at sinusubukan akong patahanin.
"Shhh tahan na." Pa ulit-ulit niyang sabi. Paano ako tatahan ko'ng ngayong hindi ko na siya makikita? Makakausap? Isang tao lang ang dapat ko'ng sisihin dahil sa sinapit niya.
Kasalanan 'to ni Mike! Kasalanan niya ko'ng bakit wala na ang Ate ko, kasalanan niya! Humanda siya sa akin. Gusto ko siyang saksakin, putulan ng leeg dahil sa
bobong nagawa niya. Wala siyang puso.
Tumingin ako sa itaas, Ate.. gaganti ako para sa'yo.
Mabilis ko'ng pinunasan ang luha at dali-daling bumaba. Kailangan kung malaman kong ano ang buong panglana ni Mike.
Pagdating ko sa office ni Tito ay agad ko'ng tinanong kong ano ang buong panglan ng lalaki na iyon. Sinabi niya naman sa'kin kaya dumiretso na ako sa lugar ko'ng saan siya nag-trabaho. Pinigilan pa ako ni Lux na pumunta doon dahil baka ma-aksidente ako. Kaya nga lang matigas ang ulo ko kaya wala na 'din siyang nagawa.
Pag-dating ko sa Santos Company ay agad ako'ng pumasok. Wala na akong paki kung hinabol ako ng guard. Dumiretso ako sa front desk at tinanong kung saan ang office ni Mike. Sinabi naman nila kaagad sa'kin kaya dali-dali akong pumunta sa third floor.
Nang makita ko na ang office niya ang mabilis ko itong binuksan.
"What the fuc— Angel?"
Ano daw? Angel? Eh ko'ng dalhin ko siya sa impyerno? Sasakalin ko talaga 'to! Lumapit ako sa mesa niya at padabog na hinampas iyon.
"Angel ano bang ginagawa mo!?" Singhal niya sakin.
"Tangina mo! Hindi ako si Angel!" Sigaw ko sa kaniya
Nakita ko ang gulat sa mukha nya. Tumayo sya at tinignan ako ng deritso. Kumunot naman ang noo nya.
"Ano'ng hindi ik--"
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin niya dahil malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kabila niyang pisngi at gulat na tumingin sa'kin.
"Para iyan sa kagaguhan na ginawa mo sa Ate ko!" Galit ko'ng sigaw sa kaniya.
Natigilan naman siya at kumunot ang noo.
"W-what are you t-talking about?!"
"Hindi mo ba alam?! Nang dahil sa'yo kaya na wala si Ate! Nang dahil sa'yo kaya siya nag-pakamatay! Nang dahil sayo nawalan ka ng anak! Nang dahil sa'yo nawalan ako ng Ate!" Umiiyak ko'ng sabi sa kaniya.
Hindi ko na pigilan ang luha ko. Napa-upo ako sa sahig at niyakap ang binti ko habang umiiyak. Siya ang dahilan kaya nawala si Ate. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.
"W-wala na siya? Ang s-sabi sakin ni S-sandra nailigtas ang Ate m-mo."
Gulat ako'ng napatingin sa kaniya, ano'ng kabaliwan ang sinabi ni Sandra sa pesteng Mike na ito? Ano'ng nailigtas gayong tumalon si Ate Angela mula sa rooftop? Tanga siya, sino ang makakaligtas doon? Bobo.
"Tangina mo! Patay na siya! Patay na ang Ate ko! Ginamit mo siya!"
"Hindi ko siya ginamit!" Tanggi niya.
Tumayo ako at pinunsan ang luha ko. Ano? Mag-sisinungaling na naman siya? Hindi ko na ito palalampasin! Sa korte na kami, mag-kikita! Tarantado siya!
"Wala na ako'ng pakialam sa mga sasabihin mo! Tawagin mo ang abagado mo at sa korte na tayo mag-kikita! Depungal ka!"
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Sino ka?! Ano'ng karapatan mo na gawin sa akin iyan?! Nanahimik ako dito tapos bigla ka nalang mambulabog! Ano'ng korte?! Wala ako'ng kinalaman sa pag-kamatay ni Angela!" Nanlilisik na ang mga mata niya habang tinignan ako.
"Alice, bumalik na tayo sa school." Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Lux. Kumunot naman ang noo ko. Paano siya na punta dito? Sinundan niya ba ako?
"Paano ka nakarating dito?" Tanong ko.
Tumaas naman ang isang kilay nya at nilapitan ako."Umuwi ka na nga. Para ka ng tanga, para kang baliw!" Agad ko siyan sinapok. Siya ang baliw dahil sinundan niya pa ako dito. Akala mo'y aso na sunod ng sunod sa amo niya!
Muli ko'ng hinarap ang lalaking dahilan ng pag-kamatay ng Ate ko. "Sa korte na tayo mag-kikita Mr. Santos. Ihanda muna ang abogado mo." Seryoso ko'ng sabi at tinalikuran sila. Nakailan siyang mura bago tinanong si Lux.
"Puta, korte kaagad?! Huy bata! Girlfriend mo ba iyon?!"
"Sa korte tayo magkita Mr.Santos." Seryoso kong sabi at tinalikuran sila.
Ngayon ay kailangan ko munang umuwi upang itanong kay Mommy ko'ng bakit hindi nila sinabi sa akin na may kapatid ako'ng namatay.

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    29/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata