"Alice ano na naman itong ginawa mo kay Lux?" Tanong sa akin ni Tito. Nandito kami sa principal office dahil sinuntok ko na naman sa mukha si Lux. Nakita ni Tito iyon kaya pinatawag niya kami dito. At mas lalo ako'ng nagalit kay Lux dahil tumawa pa siya at inaasar ako. "Sya kasi eh! Sabihan ba naman akong siya daw ang magiging future husband ko." Nakanguso kung sabi habang tinuturo si Lux na nakangisi. Ayan! Dumagdag pa iyang pag-ngisi niya! Mukha siyang tae! Tangina niya! "Para ka namang bata, Alice! 'Yan lang kinagalit mo!" Napayuko ako. Para ba talaga ako'ng bata kung umasta? Sa bagay puro naman talaga pang grade school ang mga pinangagawa ko. Should i change my attitude then? Hayy, kahit na pilitin kung palitan ang ugali ko ay hindi ko 'din magawa. Ba't ba, ganito na talaga ako noon eh. Bahala na sila kung sabihan man nila ako na parang bata. "Ikaw naman Mr. Sullivan, 'wag kang magsalita ng mga ganiyan!" Nakita kong umiwas lang siya ng tingin. Umirap lang ako. Sasabihin ko kay Kuya na lilipat ako ng paaralan, ayoko dito. May multo na nga may lalaki pang walang ginawa kundi ang bwesitin ako. Di bale na nga, tatanungin ko si Tito kung may multo nga ba dito. May hinala kasi ako na ang nag-multo sa akin ay hindi totoong multo. Ah basta, pakiramdam ko lang pero kailangan kung siguraduhin kung tama nga ba ang hinala ko. Dahil kung mali man, naku, mag-papalipat talaga ako ng paaralan. "Hay siya! Bumalik na kayo sa room niyo." "Tss." Tanging sabi nya at na unang naglakad palabas. Naiwan ako dito dahil may itatanong pa ako sa kaniya. Sigurado naman kasi ako na masasagot ni Tito ang tanong ko. Matagal na siya dito sa school, nung highscool palang siya ay dito na siya nag-aral hanggang ngayon, siya na ang principal. "Tito?" Tawag ko. Nag-angat naman ang tingin niya at tinignan ako. Medyo nagulat pa siya dahil nandito pa ako, akala niya siguro na umalis na ako kasama ni Sullivan na 'yun. "Oh, bakit nandito ka pa Alice?" Tanong nya. At muling tinuon ang atensiyon sa kaniyang laptop. Medyo kumunot ang noo ko dahil kanina pa siya tipa ng tipa sa laptop niya. Ano ba ang ginagawa niya? "Tito may.... Multo ba dito sa school?" Tanong ko. Nakita kong natigilan sya at tumingin sakin. Biglang namutla si Tito at hindi na maipinta ang mukha. Kinabahan kaaagad ako, base sa mukha niya ngayon ay sigurado ako'ng meron nga talaga. "P-paano mo n-nalaman?" Utal-utal nya na tanong. Meron nga, kung ganon, bakit hindi pa nila pinapaalis ang multo? Bakit hindi man lang sila tumawag ng pari? Teka, pari ba ang ipapatawag? "K-kahapon." Utal-utal ko na sagot sa kaniya. Gosh! Tumaas bigla ang balahibo ko dahil sa nalaman ko ngayon. "Nakita mo ang mukha nya?" Umiling ako. Huminga sya ng malalim at isinara ang Laptop niya at deritsong tumingin sa'kin. "P-paano nag-karoon ng multo Tito?" Tanong ko dahil curious talaga ako. Nagulat ako dahil bigla siyang tumayo, mabilis naman ako'ng sumunod dahil baka nandito ang multo. Ang akala ko ay pupunta kami sa canteen pero hindi 'yun nangyari. Tumingin siya sa akin at may kung ano'ng tinuro sa malayo. "Tito ano ba? Sino ba ang tinuturo mo diyan?" Irita kong tanong sa kaniya. Hindi ko naman kasi tinignan ang tinuturo niya 'no. Baka multo pala ang tinuro niya, mahirap na, baka hindi ako makatulog ng maayos mamayang gabi. "Tignan mo ang itinuro ko, Alice." Seryoso niuang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang tignan ang itinuro nya. Nagulat ako ng itinuro nya ang lumang building na nasa harap at kitang kita dito ang kabuoan ng building. Nagtataka naman ako. Bakit itinuro yun ni Tito? Wala na ako'ng nagawa kundi ang humarap para tignan ang itinuro niya. Nagulat ako dahil tinuro niya ang lumang building na nasa likod lang ng canteen. Mula dito ay kitang-kita kung gaano ka creepy ang lugar. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit inabanduna ang paaralan na 'yun. "12 years ago ago ay may dalaga na nag-suicide sa building na 'yan." Simula niya. Kaya ba inabanduna ang paaralan na 'yun? Pero.. hindi sapat ang dahilan na 'yun eh. Hindi sapat. "Ano ang dahilan Tito?" Tanong ko. "Her Boyfriend." Tipid niyang sagot. "Ahh, hiniwalayan siya?" Kaya naman pala siya nag-suicide dah broken, kawawa naman siya. Biglang umiling si Tito kaua nag-taka ako. Hindi ba siya hiniwalayan ng lalaki? Ano ang dahilan niya at naisipan niyang gawin ang bagay na 'yun? Naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi niya man lang inisip ang sarili niya. Ang pamilyang naiwan niya. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ng nga magulang niya kapag nalaman nila ang ginawa niya. "Her bestfriend cheat her." H-ha? Paanong cheat? "What happe---" "Puta!" Gulat kung sigaw. Inirapan lang niya ako at tumingin sa harap. Kanina pa ba 'to dito? Bakit hindi man lang namin napansin? Teka, paano ko nga naman siya mapapansin kung tutuk na tutuk ako sa kwento ni Tito? Bobo mo, Alice ha. "I will continue. She find out na mahal ng boyfriend niya si Sandra." Suminghap ako dahil sa sinabi niya. Paano nangyari 'yun? Ko'ng mahal ng boyfriend niya ang kaniyang bestfriend, bakit siya ang niligawan nito? Bakit? Buang ba ang boyfriend ng babae na 'yun? Nag-patulot ulit sa pag-sasalita si Tito kaya nakinig ako. "Ayun na nga, ginamit lang ng lalaki si Angela. Gusto niya na makalapit kay Sandra." Anong klaseng lalaki ang Mike na 'yun? Gusto niyang makalapit kay Sandra kaya niligawan niya si Angela? Aba, hindi tama 'yun. Bakit niya ginamit si Angela kung pwede naman na siya na mismo ang gagawa ng paraan para mag-close sila? Pwede naman na siya na ang gagawa ng paraan para ligawan si Sandra. Hindi iyong gagamit kapa ng ibang tao. Tanga, bobo, tarantado ang Mike na 'yun. "Nang nalaman ni Angela na ginamit lang siya ni Mike ay umiyak siya. Ayaw ng pumasok, mahal na mahal niya si Mike, gusto niyang mag-pakamatay pero naisip niya ang kaniyang pamilya. Sobrang depress niya." Nagulat ako ng tumulo ang luha ni Tito. Bakit siya umiiyak? Ah, siguro naawa lang siya kay Angela. Sabagay, nakakaawa 'din naman kasi ang sinapit niya. Kung ako siya, baka pinatay ko na ang Mike na 'yun at si Sandra. Ano'ng klase siyang kaibigan? Teka, may gusto ba ang kaibigan ni Angela kay Mike? "After 3 weeks ay naging mag-kasintahan si Mike at Sandra." Patuloy niya. Putek naman! Kapag nakilala ko talaga ang Sandra na iyon kakalbuhin ko kaagad siya! Alam niyang mahal ng kanyang bestfriend si Mike pero pumayag pa talaga siya maging jowa ni Mike. Buang ang babae na 'yun! Literal na buang! Mapapatay ko talaga siya kapag nakikila ko siya! Ipapakain ko siya sa mga pating! "What happened next?" Tanong ni Lux. Pinunasan muna ni Tito ang luha nya bago ipinatuloy ang kwento. "Pumunta si Angela sa bahay nina Mike at nag-makaawa na balikan sya. Buntis siya that time... m-may nangyari sa kanilang dalawa." Jusko! "Itinaboy siya Tito ano?" Tanong ko. Tumango lang siya at may luha na namang tumulo galing mata niya. Pati tuloy ako naiyak. Kawawa kasi si Angela. Mabuti at kinaya niya iyon. Kung ako iyon hindi ko kayanin. Hindi kasi ako ganoon katapang. Kahit naman medyo maldita ako at pasaway eh duwag pa din ako 'no. "Two months, two months siyang hindi lumalabas sa bahay nila, hindi siya nag-aaral. Depress na depress siya ng mga panahon na 'yun. Idagdag pa na buntis siya." Ito ang ayaw ko sa nga lalaki eh, gagawa sila ng milagro tapos kapag mabubuntis ang babae ay hindi papanagutan. Ang manyak, ulol. Gusto kung makilala si Mike, para matikman niya kung paano ako manapak at manuntok. Tangina niya.
Muli niyang pinagpatuloy ang kwento. At nagulat talaga ako sa sunod niyang sinabi. "Bigla nalang siyang pumasok." Napangiti naman ako. Mabuti naman at pumasok na siya, akala ko talaga ay habang-buhay na siyang manatili sa bahay nila eh. "Ang akala namin ay mag-aaral na ulit siya pero," Bigla siyang bumuntong hininga at tumingin sa akin. Bigla ako'ng kinabahan dahil sa susunod niyang sasabihin. "Hindi 'yun ang nangyari." Tangina, kung ganon, bakit siya pumasok? Ano ang dahilan niya? "Kaya pala siya pumasok ay pada makita ang kaniyang mahal at ang bestfriend niya sa huling sandali." Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Lux. Kaya Ayokong mag-karoon ng boyfriend eh. Sasaktan lang tayo at gagamitin. Bakit ba kasi nakilala nya pa si Mike at nagustuhan? Pero wala naman akong karapatan para questionin iyon. Syempre, puso na ang nag-turo eh. Kapag puso na ang nag-turo wala na tayong magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo mahuhulog ka pa 'din sa lalaking na para sa'yo. Totoo nga ang sinasabi nila na Pinagtagpo pero hindi itindhana. Ang sakit siguro nun. 'Yung akala mo na siya na ang lalaking makakasama mo habang buhay. 'Yung lalaking proprotektahan ka sa kahit anong mangyayari at 'yung lalaking ipaglaban ka. Muling nag-salita si Tito. "Ang kasunod na nangyari ay nalaman nalang namin na may babaeng nag-suicide sa building na iyan." Napatingin naman ako sa building. Walang mga students doon. Tanging ang nakikita ko lang ay ang malaking kahoy na nasa garden. Pero nagtaka ako dahil alam ni Tito ang buong storya. "Pano mo nalaman Tito?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng matabang. "Dahil si Angela Gonzales ay ang anak ng kapatid ko. Siya ang Ate mo, Alice."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Haterstolovers is my favorite trope! ❤️
12/04/2022
0Your story is cool, I love it!
29/11/2024
0maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭
11/07/2024
0Tingnan Lahat