Chapter 18

"Oh? Alice nasaan ang pinsan mo? 3 oras na tayo dito ah." Pa ulit-ulit na tanong sa'kin ni Lux.
"Hindi ko alam!" Inis kung sabi sa kanya dahil ang ingay-ingay.
Nasaan na ba kasi si Shanelle? Papahirapan pa ako eh! 3 oras na kami dito oh!
"Eh kung tawagan mo kaya?"
Halata sa mukha niya na naiinip na siya. Sino ba naman ang hindi maiinip kung  hanggang ngayon hindi pa namin nakita si Shanelle.
Ang babaeng talaga iyon! Nakoo!! Ang sakit-sakit na ng paa ko. Gutom 'din ako.
"Wala akong load." Deritso kung sagot.
"Stupid phone."
Tss, stupid phone your face! Hindi ko nalang siya pinansin at iginala ang paningin sa paligid. Nasaan ka na ba Shanelle? Nakakainis naman eh.
"Ma'am kanina pa po kayo dito." Baling sa amin ng babae.
"So?" Tanong ko. Aba! Wala na ba kaming karapatan na mag-tagal dito?
"Uhm, sino po ang hinahanap niyo? Hindi pa po ba dumating ang susunduin niyo?"
"Hindi pa miss." Sagot ni Lux.
Napatango naman ang babae. "Ano po ang pangalan niya?"
"Shanelle Gonzales."
"Si Ma'am Shanelle?"
"Kilala mo ba siya?" Tanong ko.
"Ah opo, nakaalis na po siya kani-kanina lang, may sumundo po sa kaniyang poging lalaki eh."
Whaaatttt??? Lalaki? Sumundo? Kung may sundo pala siya bakit pa niya ako pinapunta dito? Gusto niya ba akong pag-tripan?! Bw*s*t na 'yan!
"Argh! She's wasting my time!" Inis na sabi niya atsaka tumalikod.
Sinira niya ang araw ko!! May gagawin pa ako! Nagpapadyak ako habang lumalabas sa Airport.
"Saan tayo?" Wala sa sariling tanong ko.
"Uuwi! Pasok sa kotse!" Sigaw niya kaya mabilis kung ginawa.
Nakakatakot ang mukha niya! Para tuloy siyang ahas. Ah pogi naman ng ahas. Hahaha.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay. Nagulat ako dahil nakita ko ang kotse ni Zero. Ano na naman kaya ang ginawa niya dito? Hindi man lang ako sinamahan doon sa Airport.
"Pasok ka muna Lux." Sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at na una ng pumasok sa bahay. Napangiwi nalang ako, hindi man lang ako hinintay. Padabog ako'ng pumasok sa bahay namin.
"Hahaha! Tapos? Ano ang nangyari hija?"
"Eh 'yun nga Tita naiwan siya HAHAHAH!"
"HAHAHA! ang tanga naman ni Zero! Hahaha!"
"Grabe ka maka-tanga Tita ah!"
Nanlaki ang mata ko dahil nandito na si Shanelle. Grrr! Gigil niya sa ako! Bubugahan ko siya ng apoy! Padabog akong nag-lakad hanggang sa maka-abot ako sa pwesto nila.
"Oh anak nandito ka na pala, kumusta ang date niyo ni Lux? Yieee! Nag-kiss siguro kayo 'no?"
"What?" Naguguluhan kung tanong. Ano'ng date?
"Sabi ni Zero na nag-date daw kayo ni Lux kaya siya nalang ang sumundo kay Shanelle, mabuti nalang at mag-bestfriend ang dalawa."
"Ano!? Hoy ikaw Shanelle!" Turo ko sa kaniya na naka-upo habang naka-akbay sa kaniya si Zero.
Napataas tuloy ang kilay ko, close talaga sila?
"Hehe pi-pinsan? B-bakit?" Utal-utal niya na tanong.
"Ayaw na kita maging pinsan! Ang lakas ng trip mo, ah! Hindi ka man lang nag-sabi sa 'kin na may susundo pala sayong alien! Arrghhh!!! Bahala kayoo!" Tsaka ako nag-lakad palabas sa bahay namin. Nainis talaga ako sa pinsan ko.
"Waaaaaaa!! Sorry insaaann!!" Habol niya sa'kin.
"Tse!" Singhal ko sa kaniya at pumasok sa may kotse. Kanina pala ang kotse na 'to?
Aish bahala na nga! Makikisakay muna ako sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?"
"Waaaaaaaaa!!!!!"  Tili ko.
"Hey! Shut up!" Singhal niya.
Napatingin naman ako sa kaniya. Sa kaniya ang sasakyan na ito? Bakit hindi ko man lang napansin? Bulang na siguro ako.
Pero teka, kung bulag nga ako, bakit ko pa nakikita ang mukha ni Lux? Baliw na yata ako.
"Babaeng baliw saan tayo?"
Babaeng baliw? Saksakin ko 'to eh.
"Hindi ko alam, ikaw?"
"Ano'ng ako?"
"Stupid."
"Stupid ka diyan. Ako nalang pipili ng lugar."
"Oh, eh saan tayo?" Tanong ko.
"Motel."
At nakuha pa niyang kumindat!
Nanlaki ang mata ko ng makita kung saan talaga kami. Seryoso talaga siya sa sinabi niya?
"Lux, umalis na nga tayo dito! Ano ba ang pumasok sa  isip mo at dito mo gustong pumunta?!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Simple, gustong kung isigaw mo ang pangalan ko dahil sa sarap."
Whaaaaaaaaattttt?????? Ohh my ghod! Tama ba ang narinig ko? S-sisigaw ako dahil sa sarap? Ang gagawin ba namin ay iyong...
Plak? Plak? Plak?
Oh my ghoddd!! Ba-bata pa ako para sa gawain na 'yun! Hindi pa ako handa na isuko ang bataan ko! Waaa!! Paano nalang kapag na buntis ako?
E'di hindi na ako makakapag-aral dahil may laman ang tiyan ko? Paano kapag hindi ako papanagutan ni Lux? E'di magiging single mom ako? Huhu! Ayoko maging single mom!
Ang hirap kaya 'nun!
"Alicee!!"
"Kyahhh buntisin mo na ako!"
What!?
Nakakahiya ang sinabi ko!! Buntisin? Ang tanga-tanga mo Alice, ang kapal-kapal ng mukha mo!
"Pfft HAHAHAHAHA gu-gusto mo na buntisin kita? Sigurado ka?"
"A-ano?! Hindi! Bwes*t ka!"
"Tss, tara na, gagawa na tayo ng baby pfft!"
What the heellll?!?? Seryoso siyaaaa???  Waaaaaaaa!!
-
"Miss, isang room nga para sa amin." Sabi niya sa babae.
"P-po?"
Bingi lang? Sabing isang room eh tss. Tanga 'din itong babae na 'to, sapakin ko ang babae na ito, eh.
"Miss? Bingi ka ba? Sabing isang room eh!" Singhal ko sa babae.
"Sa-sandali Ma'am." Taranta niyang sabi.
Napa-irap nalang ako dahil nakita ko kung paano ngumisi si Lux. Ang manyak talaga ng lalaki na ito, pati ako dinadamay niya sa kalokohan niya bwes*t.
"Oh? Kinakabahan ka pa 'din Alice? Sabi ko kasi sayo hindi tayo gagawa ng baby, eh, reserve mo nalang iyon sa honeymoon natin." Atsaka siya kumindat.
LOKO TALAGA ANG LALAKI NA ITO!
Umirap ulit ako. "B*b*, hindi kita papakasalan, hindi naman kita mahal duhh."
"Gagawa ako ng paraan  para magustuhan mo ako."
Natigilan naman ako. Ngiwi ko siyang tinignan. "Wag mong sabihin na kukulamin mo ako?"
Napataaas ang kilay niya. "Ang gwapo ko namang mangkukulam." saka siya tumawa.
"Ikaw na ang gwapo."
"Talaga."
Tss. Gwapo? Eh iyong mukha nga niya mukhang unggoy eh. Yuckk!
"Let's go." Sabay hinila niya sa akin papunta sa elevator.
Sino kaya ang pupuntahan namin dito? Hindi kaya dito sila mag me-meet ng jowa niya? Tapos gagawin nila dito ang plak plak? Tapos ako ang kakanta habang ginagawa nila iyon? K-kung ganon. Makikita ko ang ano nila? Kyahhhhhh nakakadiri!
"A-ano pala ang gi-ginawa natin dito?"
"Nandito kasi ang pinsan kung babae, papauwiin ko lang."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko talaga nag-punta kami dito para.... Yuckkk!! Hindi ko na kayang sabihin. Nandidiri na ako amp!

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    29/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata