Chapter 17

Good morning sunday!
Maaga ako'ng gumising dahil ngayon na ang uwi ni Shanelle at nangako ako sa kaniya na susunduin ko siya sa airport, baka magalit sa'kin 'yon kapag hindi ko siya sinundo.
"Oh, dito daw ba muna mag-stay ang pinsan mo anak?" Tanong sa'kin ni Mommy ng maka baba ako.
"Hindi ko alam Mommy, eh. Hindi ko kasi na tanong."
"Ay sana tinanong mo, na miss ko iyong si Shan eh."
"Hehe nakalimutan ko po." Kamot ulo koong sabi.
Ngumiti lang sa'kin si mommy at pina-upo na para makakain. Wala si Kuya ngayon dahil inasiko nila iyong nalalapit na wedding nila ni Ate Alexa. Sa friday na 'din 'yon.
Akalain mo nga naman 'yon, oh! Iyong Kuya ko'ng babaero eh ngayon ikakasal na? Tsk, tsk, tsk. Pero nalungkot naman ako dahil baka hihiwalay si Kuya sa'min. Hindi ako sanay maski sina Mommy at Dexter na malayo si Kuya sa'min.
Sana lang talaga hindi sila titira sa ibang bahay. Baka hindi ko pansinin si Kuya.
"Ate? Hindi ako makakasama sayo, may date ako."
"Ano?! Hindi pwede, Dexter! Sinong sasama sa'kin doon?"
Ngumiwi s'ya. "Tawagan mo si Kuya Lux, Ate."
"Ohh good idea! Tawagan mo si Lux anak at sabihin mo na papasama ka sa kanya sa airport." Masayang sabi ni mommy.
"Hindi, "wag na. Si Zero nalang ang tatawg----MOM!" Gulat kong sabi dahil bigla niyang binigay sa'kin ang phone niya.
Si Lux ba 'to? Paano nalaman ni Mommy ang cellphone number niya? At ganu'n nalang kabilis sumagot? May namamagitan ba sa kanila ni Mommy?
Charot!
"Go!!" Masayang sigaw ni Mommy at nginuso-nguso pa ang phone niya
Lumunok ako ng dalawang beses, sasagutin ko ba 'to? Kinakabahan ako.
"Sige na anak!"
"H-hindi na, Mom. Kay Zero n-nalang."
[What is it Alice?] Bakas sa boses niya ang pagka-irita.
Oh kita mo na! Naiirita na siya sa 'kin! Dapat talaga kay Zero ako mag-papasama at hindi sa lalaking 'to! Hindi naman kami close! Kaaway ko 'yan! Enemy! Enemy!
"A-ah w-wala, akala ko k-kasi n-number ni Zero."
[Number ni Zero? Sira siguro 'yang mata mo 'no?]
Ha! Sira-ulo talaga! Mabaog ka sana!
"Ha? H-hindi, s-sorry."
Leche! Pasalamat ka talaga at nandito si Mommy! Dahil kung wala, kanina pa kita minumura!
[Tsk, tsk, tsk, nakasayaw lang ako kagabi naging bulag na? Nasilaw ka siguro sa kagwapuhan  ko 'no?]
"Ang yabang mo." Sabi ko bago umirap.
[Bye na nga, mag-aayos lang ako.]
"Seryoso ka talaga riyan? Susunduin mo ako? Sasamahan?"
[Ano pa ba? Baka umuwi ka na duguan at luhaan eh.]
Tumaas naman ang kilay ko.
"Bakit naman ako uuwi na duguan at luhaan? Pupunta lang ako sa airport hindi sa WAR! gago!"
[Tss! Slow!]
"Tse!"
Padabog kung binaba ang phone ni mommy. Wala talaga kwentang ka-usap si Lux! Sipain ko ano niya, eh.
"Oh maayos na pala, eh! Babaye na ate ah? I love you!!" Sigaw ng kapatid ko.
Inis ko naman s'yang nilingon. "Wag ka ng umuwi!" Sigaw ko pero tumawa lang siya.
"Seryoso ako, Dexter! Wag ka ng umuwi!"
"Babye!"
Hmp! Nag-ka lovelife lang sila hindi na ako pinapansin! Isa pa 'tong si Shanelle at Zero! Ni hindi man lang nag-text o tumawag! Grrrr!! Lagot talaga sa'kin! Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin!
Napanguso ako saka kinamot ang baba. Para namang ang laki ng kasalanan nila sa 'kin.
"Oh anak? Wala ka pa 'ring boyfriend?" Biglang tanong ni Mommy kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wala pa, Mom wala pa 'yan sa isip ko." Sabi ko.
"Ha? Naku eh, paano si Lux?"
Kumunot ang noo ko. "Ano'ng pano si Lux?"
"Di'ba gusto mo s'ya anak? Sabi ni Zero kagabi gusto mo 'raw si Lux."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. A-ako? May gusto kay Lux? Ha! Utot niya! Paano ako mag-kakagusto doon, eh kaaway ko 'yon! Hindi pwede!
"Oh? Totoo ba 'yon anak?"
"Hindi po." Sabi ko.
Nalungkot naman si mommy dahil sa sinabi ko. Bakit ba botong-botong sila kay Lux? Gago 'yon eh. Isa pa, pangit ang ugali, halimaw 'rin tsk.
"Anak, what if...... Ligawan mo si Lux? Hihi."
Ano??
"A-ano?!" Sigaw ko.
Ngumiti siya. "Para maging kayo, ligawan mo anak hihi."
"S-seryoso ka diyan mommy?!"
"Oo naman! Aba ano'ng akala mo sa 'kin loko-loko?"
Natahimik naman ako. Sana pala umalis nalang ako ng maaga. Waaa! Baliw na talaga ang Mommy ko!
"H-hindi naman, ka-kasi hindi ako makapaniwala na sabihin mo 'yon, Mom."
"Oh, bakit hindi ka naman naniwala? Nakita ko nga d'yan sa labas na babae ang nanligaw, eh."
"Mommy naman, baka tomboy s'ya. Tsaka hindi ko 'yan gagawin 'no! Hindi naman ako tomboy, eh."
"Tomboy ka kaya!"
What the hell?! Nanay ko ba talaga 'to?!
"Mommy!"
"Hehe joke lang, masyado ka namang highblood, eh."
Amp! Kumain nalang ako ng tahimik. Bakit ba ang tahimik ng bahay? Gusto ko ng maingay, eh.
"Mommy? Bigyan mo ako ng baby brother."
*Pbshh*
"Mom! Ayos ka lang? Ano ba kasi 'yang ininom mo!" Taranta ko'ng sabi habang binibigyan s'ya ng tissue.
"A-ano ba k-kasi iyang tanong mo?"
"What? Sinabi ko lang naman na gusto ko ng baby brother, eh."
"Wag kang mag-tanong ng ganiyan naintindihan mo?"
Natigilan ako dahil sa tono ng pananalita ni mommy. Yumuko nalang ako tapos tumango. Hanggang sa maka-alis s'ya ay naka-yuko pa 'rin ako.
Bakit ba ganu'n nalang kung maka-asta si Mommy? Nag-tanong lang ako, bakit naging ganu'n s'ya?
Bumuntong hininga nalang ako bago nagpatuloy sa pagkain.
*Bzzzz*Bzzzz*Bzzz*
Kinuha ko ang phone sa bulsa at tinignan ang message.
From:Unknown number
Bilisan moyng kumain.
Sino naman 'to? Tsk, tinago ko nalang ulit sa bulsa at kumain na ulit.
*Ring*Ring*Ring*
Inis kong sinagot ang tawag ng hindi tinignan kung sino 'yon.
"Hoyy punyawa ka! Bakit ka ba text ng text at tawag!? Kumain ako at istorbo ka!"
*Toot*Toot*Toot*
Aba't walang hiya! Babaan ba naman ako ng phone?! Sino s'ya para babaan ako ng phone?! Sino?!
"Ma'am Alice, may tao po sa labas." Sabi ni Manang.
"Sino po Manang?"
"Hindi po nag-pakilala, eh."
"Paki sabi umalis nalang siya."
"Sige po." Saka siya umalis.
Sino ba kasi 'yong tao na nasa labas? Epal naman eh, kumakain pa ako o---
*Ring*Ring*Ring*
Unknown number calling.....
Sino na naman 'to? Sinagot ko na ulit ang tawag.
"Sino ka b--?"
[Lumabas ka d'yan sa bahay niyo ko'ng ayaw mo'ng buntisin kita!]
Lumunok ako.
"L-lux?? H-hehe." Syoa pala 'to? Napakamot ako sa ulo ko.
[Isa, Alice! Kapag hindi ka lalabas diyan ay ako na mismo ang papasok para halikan ka!]
Eh??
Waaaaaa!!! Ayokong mahalikan ng halimaw na iyon. Dali-dali ako'ng tumayo at lumabas ng bahay, pagkalabas ko ay na inis ako bigla dahil hindi ko man lang nakita ang kotse niya.
Ano'ng trip ng gago na iyon? Papalabasin ako tapos ngayong nandito na ako wala siya? Saan na punta ang lalaki na iyon? Kinain ng alien? Kinain ng kapwa niya halimaw? Hmp!
Paasa siya!
Tatalikod na sana ako ng may nag-salita sa gilid ko.
"Late ka Alice, pag-sinabi kong lumabas ka, lumabas ka hindi iyang pagpapahintayin mo pa ako." Seryosong sabi niya.
G-galit ba s'ya? Hindi ko naman kasalanan na late ako ah! Nanlaki ang mata ko ng humakbang siya sa'kin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
Lumunok ako.
Waaaa!! Bakit ba ang lapit-lapit ng mukha niya?
"Tandaan mo 'to Alice, kapag na late ka pa, hahalikan na talaga kita."
Oh my gulay!

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    29/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata