Chapter 14

"La~ La~ La~ La~La~" Kanta ko habang nag-huhubad ng damit dito sa loob ng CR.
Maaga ako'ng nagising dahil may sumampal sa'kin. Nakakainis kasi 'yung katabi ko ang likot-likot kaya ayun! Nasampal ako bigla.
Ang ganda pa naman ng panaginip ko, I-kikiss daw ako ni bebe Jungkook pero hindi natuloy kasi ayun nga, nasampal ako ni Lux.
Tulog pa 'din 'yung loko pero infairness, ang cute niyang matulog. Habang ninanam-nam ko ang malamig na tubig na tumatama sa katawan ko ay bigla nalang may kumatok sa pinto ng cr kaya dali-dali ako'ng nagbihis ng sando. Teka! Nasaan pala ang bath robe ko? Pucha! Saan ko ba 'yun nilagay? Aish! Bahala na nga! Eto muna ang susuotin ko.
Baka si Mommy ang kumatok.
Inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto ng CR. Pag-bukas ko ng pinto nanlaki ang mata ko ng makita kung sino 'yon.
"Tanginang pag-mumukha mo! Ang pangit mo!"Sigaw ko at dali-daling sinarado ang pinto. Paano ba naman kasi! Ang nakangising Lux ang bumungad sa akin! Nakita niya ang ano ko!
"Umalis ka nga dyan!" Inis ko'ng sabi.
"Okay, bilisan mo diyan dahil pupunta tayo ng mall pag-katapos mo."
"Ano'ng gagawin ko 'dun?! Tutunga? Ayoko 'no. Ikaw nalang. Gusto mo eh."
"Utos ni Tita kaya sumunod ka nalang."
Hinubad ko ulit ang sando na suot ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. May choice pa ba ako? Kailangan ko'ng sumama eh, utos ni mader!
—
Nag-paalam muna ako kila Mommy at Kuya bago lumabas ng bahay. Nang makalabas na ako ay bumungad sa akin si Lux na nakasandal sa sasakyan niya. Sana all may sasakyan di'ba? Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan siyang kinalabit.
"Tara na?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Wala sa oras tuloy ako'ng napatakip doon at matalim siyang tinignan. Hindi pa 'din niya nakakalimutan ang nangyari kanina! Manyak!
Tumawa lang siya at pinag-buksan ako ng pinto sa kotse. "Malaki 'din pala." Nakangisi niyang sabi.
Sa inis ko sa kaniya ay nasipa ko ng malakas ang paa niya at dali-daling pumasok sa kotse niya."Baliw ka!" Galit niyang sabi sa'kin habang hinihimas ang paa niya.
Binelatan ko nalang siya. Nakakunot ang noo niya habang papasok sa kotse. Tumawa lang ako ng mahina.
'Yan kasi eh! Paalala ba naman 'yon. Pag-pasok niya ng kotse ay kaagad niyang pina-andar at umalis na.Tahimik lang kami habang nasa loob, Walang nag-sasalita. Ayaw ko 'din naman siyang makausap 'no. Bigla nalang nag- ring ang phone ko kaya kaagad ko itong sinagot at tinapat sa tenga.
[Hi insan!] Masiglang bati ng pinsan ko.
"Oh?" Bored ko'ng sagot sa kaniya.
[Sorry na, insan. Busy kasi ako di— ohhh]
Hala? Wala sa oras ako'ng napaayos ng upo dahil sa ungol na narinig ko sa kabilang linya. Kanino galing ang ungol na 'yun?
[Insan naman eh! sorry na nga di'ba! May ginawa kasi ako dito s--- ohhh]
Tangina! Kanino galing ang ungol na 'yun?
[Pushet ka Zero! umalis ka nga!- pinsan! si Zero 'yun! wala kaming ginagawa na mas-ohhh Shanelle]
A-anong??
"Hoy Shanelle ano 'yang kawalanghiyaan na ginawa mo ha?" Malakas na sigaw ko saa kaniya sa kaniya. Naiinis na ako sa ginagawa ng babae na 'to. Tangina, nagdadala siya ng lalaki sa condo niya? Gusto niya bang maaga na mabuntis? Iyon ba ang gusto niya? Pakset siya ah.n
[Pinsan! Wala talaga kaming ginagawa!]
"Eh bakit umungol 'yang kasama mo ha? Utang na loob, Shanelle. Bata ka pa! Ano? Mag-papabuntis ka diyan? Nag-dadala ka ng mga lalaki sa condo mo? Gusto mo na bang mabuntis? Dumiretso ka sa bar at makipag-anuhan ka sa mga lalaki doon!" Panenermon ko sa kaniya.
[Pinsan naman kasi eh! Wala talaga kaming ginagawa! Huwag ka na magalit.]
"Paalisin mo 'yang kasama mo! 'Wag mo ako'ng galitin! Isusumbong talaga kita sa Kuya mo at kila Tita!"
[Oo na nga! Uuwi akk ngayong sunday. Sunduin mo ako!]
Bumuntong hininga nalang ako.
"Oo na, pupuntahan kita."
[Salamaaattt! Babye na pala gagala pa kami ni Zero.]
Tsaka nya pinatay ang tawag. Ganun? Walang kumustahan? Hindi man lang nangumusta sa'kin? Porke't may Zero na? Sapakin ko kaya 'yun pagdating? Teka, 'yun ba ang umungol? Tangina! Akala ko ba pinaalis niya na!? Isusumbong ko talaga siya sa parents niya!
"Hoy!"
"Ay kalabaw!" Gulat ko'ng sabi at napa-hawak pa sa aking dibdib.
Tumawa lang siyaa ng mahina "Tulala ka, Anong iniisip mo?"
Umirap lang ako bago sumagot "Pakialam mo ha?" Masungit ko'ng tanong at ibinalik ang phone sa bulsa.
"Tss." Tanging sabi niya at tinuon ang atensyon sa harap.
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.
"Bibili daw ng damit."
"Para saan?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko alam."
"Sino daw ang gagamit?"
"Hindi ko alam! 'Wag kang tanong ng tanong naririndi na ako sayo!" Sigaw nya sa'kin.
Langya! Nag-tanong lang naman ako eh, masama ba 'yon? Sana pala hindi na ako sumama!
"Ihinto mo nga baba ako! Wala kang kwentang kasama! Boring ka!" Singhal ko sa kanya.
Bigla niya nalang inapakan ang break kaya nauntog ang ulo ko. "Shit! Sorry! Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Sabihin mo! Masakit ba ang ulo mo?" Tanong nya habang kinapa-kapa ang ulo ko.
Binatukan ko siya at mahinang tinulak, sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit ba bigla ka nalang nag-break diyan ha?! Gusto mo ba na ma-aksidente tayo?!" Galit ko'ng tanong.
"Sorry! Bakit mo kasi ako sinabihan na boring?!"
Bwesit 'to!
"Eh sa boring ka naman talaga hmp!"
"Oh ano pang ginagawa mo e'di bumaba ka!" Inis niyang sabi.
Inirapan ko nalang siya at bumaba na. Ang pangit talaga ng ugali ng isang 'yon! Dinaig pa si satanas eh!
Tinignan ko lang ang kotse nya na papalayo sa kinatatayuan ko. Saan naman kaya ako pupunta nito? Saan ba ang magadang pasyalan? Eh kung sa park nalang kaya?
Tama-tama doon ako pupunta. Nag-simula na akong mag-lakad papunta sa park ng may napansin ako.
Shuta! Bakit pakiramdam ko may sumu-sunod sa'kin? Dahan dahan akong lumingon, Kumunot naman ang noo ko. Bakit wala? Baka naman guni-guni ko lang 'yon.
Nag-lakad na ulit ako at dali-daling bumili ng pagkain malapit sa may swing.
"Ate pabili nga po." Sabi ko sa babae.
"Alin hija?" Tanong nya.
"Balot po." Tipid kong sabi.
Tumango lang siya at kumuha ng itlog. Mabilis ko 'yong kinuha at binayaran si Ate at umupo sa may swing. Ang sarap talaga nitong balot! Super!
Tumingin-tingin lang ako sa paligid habang kumakain, ang daming bata na nag-lalaro, may mga magulang 'din na masaya habang nilalaro nila ang kanilang anak.
Napa-isip naman ako, sino kaya ang magiging asawa ko sa hinaharap? Pero ang tanong diyan, mag-kakaroon ba ako ng asawa? Hay ewan! Bakit ba kasi wala ako'ng boyfriend ngayon o manliligaw man lang? Mabuti pa si Kuya, masayang-masaga. Paano kaya naging sila ni Miss Alza?
Hay bakit ko ba 'to iniisip eh may collage pa naman, malay natin nandun ang soulmate ko ahihihi, inubos ko na ang balot at tumayo na para bumalik sa bahay namin.
Habang nag-lalakad ako may huminto na black van sa gilid ko. Napatingin naman ako dun.
"Miss ikaw ba si Alice Dale Gonzales?" Tanong ng gwapong lalaki na bumaba mula sa van.
"Yeah?" Sagot ko.
Ngumisi naman siya sabay hila sa'kin papasok sa van.
" Ano ang gagawin nyo sa'kin? Ano bakit niyo ako pinasok di---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilagyan niya na ng panyo ang bibig ko. Napasandal ako sa upuan dahil parang umiikot ang paningin ko.
"Let's go, hinahanap na siya ng pinsan ko."
Huling narinig ko bago ako tuluyang nakatulog.

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    29/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata