Chapter 10

"Alice, anak! Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo! Ayaw ko lang naman na malaman niyo pa ang nangyari sa Ate Angela niyo." Sabi ni Mommy habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ate namin 'yun eh! May karapatan kaming malaman ko'ng ano ang nangyari sa kaniya!" Sabi ko habang umiiyak.
"Sorry anak." May halos pag-sisisi at lungkot ang boses ni Mommy.
Pag-kadating ng pag-kadating ko kanina ay tinanong ko kaagad si Mommy ko'ng meron ba talaga ako'ng Ate. At sinagot niya naman ako ng 'oo'. Naiinis ako dahil hindi kaagad nila sinabi sa amin ang totoo. Pero wala namang akong magagawa eh. Wala na si Ate Angela.
Natigil ako sa pag-iyak ng narinig ko ang suno-sunod na tunog ng phone ko. Kumunot kaagad ang noo ko at umupo sa kama sabay kuha sa phone ko. Pinunasan ko muna ang luha ko bago tignan kung ano iyon.
LuxSullivan started following you.
Mikeeee Startedd following you.
Ano? bakit nila ako finallow sa instagram?! Anak ng! Buset ito! Ano ang kailangan nila sa'kin? Isa-isa ko'ng tinignan ang profile nila. Inuna ko kay Lux.
Pag-click ko sa profile niya halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang profile ni Lux. Siya ba talaga to?! Ang hot! Ang ganda ng katawan tsaka.. Oh my golly! May abs mare!
0 post ,9,456 Followers,456 Following
Wow! Ang daming followers ah! Tapos ang pangit ng bio hmp!
It's just me.
Bakit wala man lang siyang post? Kahit family picture man lang wala? Kahit about man lang sa girlfriend niya? Bakit pa siya gumawa ng Instagram ko'ng hindi 'din naman siya mag-po-post? Kakainis naman 'to.
Sumandal ako sa headboard ng kama at kumain ng chocolate habang tinignan ang profile niya. Hmm ang pogi niya talaga. Kitang-kita abs niya. Nasa beach kasi siya tapos naka hubad habang ang isang kamay ay nasa batok.
Ang sexy ng dating niya. Tinignan ko ang mga comments sa Profile niya.
Shanelopez: Aww baby! Ang hot ng dating mo! I miss you.
yourpogingadrian: Yuck! Kakadiri ka Shane hindi naman kayo bagay. Mas bagay si Lux sa simpleng babae! 'Di tulad mo na malandi.
Biglang napataas ang kilay ko. Sino ang Shane na ito? Girlfriend ba siya ni Lux? Ko'ng maka-baby ah.
Selos ka Alice?
Hindi! Tangina! Nag-scroll pa ako sa ibaba hanggang sa nakita kong may nagreply sa comment ni Shane.
Msscott: Please Shane, don't flirt with my cousin! I already found a girl for him so back off bitch.
Sino kaya ang malas na babae na nahanap ng babae na ito? Malas kasi demonyo si Lux. Malas kasi manyak siya at babaero. Sigurado naman ako na pa-iiyakin niya 'yun. Kahit naman na bago ko lang kilala si Lux ay nahalata ko kaagad ko'ng ano ang mga ugali niya. Nag-scroll pa ako nakita ko'ng nag-reply 'yung Shane kay msscott.
Shanelopez: I don't care, Angelica. He's my bestfriend so i will do everything para mahulog ang loob niya sa akin.
Luh? Girlbestfriend pala ito ni Lux? Natawa ako, mahulog ang loob huh? Eh bobo naman pala ito eh.
Msscott: Yeah, your right. Bestfriend mo siya, bawal mo siyang landiin kasi nga girlbestfriend ka lang. Subukan mong landiin ang pinsan ko, Shane.
Napangiwi nalang ako habang binabasa ang mga replies nila sa isa't-isa. Halatang ayaw ng babae na ito kay Shane ha? Mabuti naman. Kasi kung ako ang tatanungin? Hindi 'din ako papayag na ligawan ng babae na ito si Lux. Girlbestfriend lang siya eh. Marami namang iba na lalaki diyan na pwede niyang gawing boyfriend eh. 'Yung katulad niya, malandi 'din.
Para same vibes ehe
Pagkatapos noon ay tinignan ko naman ang profile ni Mike at nanlaki ang mata ko ng makita ko'ng sino ang nasa profile niya. Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi talaga ako makapaniwala na si Ate Angela ang nasa profile niya. Ba't ko alam? Mag-kamukha kasi kami ni Ate. Kaya 'din siguro na tinawag ako'ng 'Angela' ni Mike kanina. Naka-pout si Ate sa picture at may caption pa na...
She's my everything.
Wews! Bakit ito ang nasa profile ni Mike? Bakit mukha ni Ate? Akala ko ba hindi niya mahal si Ate at ginamit lang nya? Hay! Eto na naman ang mga tanong ko! Tangina.
30 Post , 10,439 Followers ,100 Following
Angela is my everything.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang bio niya. Bakit ganito? Anong Angela is my everything? Nasisiraan na ba sya? ,cYung babaeng sinaktan at ginamit niya gina-ganito nya? Angela is my everything? Aba, gusto ko ulit iyon sapakin ah!
Nag-scroll-scroll pa ako ng para makita ang mga post nya. Hanggang sa may nakita ako'ng vedio at mukhang nagiiyakan sila Ate at Mike. Pero hindi ako naniwala na totoong luha iyon ni Mike. Duh, ginamit niya nga si Ate di'ba? Baka palabas niyang lang ito.
Pinlay ko iyon at tahimik na nanonood.
"Angel Gonzales? Will you be my girlfriend? Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang. So, please say yes, baby?"
Tumulo ang mga luha ni Ate habang tinitignan si Mike.
Mapasaya? Eh sinaktan mo nga at pinaiyak. Kaunti nalang talaga! Sinasagad na ako ng Mike na iyon ha! Parang nanadya siya! Kaya siguro niya ako finallow dito sa instagram ay para malaman ko na may account siya at para matignan ang pesteng post niya.
"Kung hindi mo man ako sasagutin ngayon, okay lang. Willing naman ako mag-hintay eh."
Ulol!
"Y-yes..." Sagot ni Ate.
Nag-sigawan ang mga Students na nasa paligid at nag-palakpakan. Ha! Ang galing umarte ng lalaki na ito!
"Yes! Thank you! Thank you! I love you!"
Tumayo sya at niyakap si Ate. Tapos na ang vedio kaya nag scroll-scroll pa ako. Habang tinignan ko 'yung mga comment sa vedio ay nahagip ng mata ko ang isang comment doon.
SAnderson: Ready for our misson Mike?
Mikeeee: Yes, I'm ready. Goodluck sa akin. 'Wag sana siyang magalit haha.
Kumunot naman ang noo ko. Ano 'to? Ano ang tinutukoy nila? Anong misson? Kaagad ako'ng nag-scrool pataas. May bago siyang post, picture iyon na may nakalagay na.
I'm tired.
Tired? Nag-da-drama a naman siya! Lintek na Mike na 'to! Humanda talaga siya sa'kin bukas! Babalikan ko siya sa OFFICE niya! Ibababa ko na sana ang phone ko para mag-bihis ng makita ko na may nag-messange sa akin. Kumunot ang noo ko at tinignan iyon.
LuxSullivan: Hey musta?
Nangungumusta sya? Agad akong nag-type ng reply.
A_lice: Ayos lang. Bakit ka nag-message sa'kin?
LuxSullivan: Masama ba?
A_lice: Oo, we're enemies di'ba?
LusSullivan: Grabe ka, hanggang dito sa ig ay masungit ka pa rin? Anyway, sorry dahil ayaw ko na maging enemies tayo.
Napatampal ako noo. Jusko, heto na naman siya! Muli ako'ng nag-type ng reply.
A_lice: Kung ganoon, ano ba ang gusto mo? Gusto mo ba na maging sugae daddy kita? Yuck! Nakakadiri ka!
LuxSullivan: Grabe ka naman. Sugar daddy kaagad? Hindi pa pwedeng lovers muna?
Tangin! Bwesit siya talaga! Lovers?! Lovers talaga?! Hindi 'no! Ayos na ako na forever ko siyang enemy! Lovers, lovers. Ulol niya. Nakashabu siguro ang lalaki na ito! Ang landi!
A_lice: Naka-drugs kaba?
LuxSullivan: Mukha ba ako'ng gumagamit ng droga?
Alice Gonzales ; Naka drugs kaba?
A_lice: Oo. Baliw ka kasi.
Saka ako umirap kahit hindi niya naman ako nakikita. Naku! Kung nasa malapit lang siya ay baka kanina ko pa siya sinuntok.
LuxSullivan: Whatever.
A_lice: Whatever ka 'din.
LuxSullivan: Tulog kana, good night Ms.Mahilig sumuntok. Have a nice sleep.
Napangiwi nalang ako dahil sa itinawag niya sakin. Buang talaga siya eh 'no? Muli ako'ng nag-type ng reply.
A_lice: Good night 'din Mr.Flirt guy.
LuxSullivan: HAHAHA.
Tatawa-tawa kasi totoo? Hindi ko nalang rinep-layan at bumaba sa kama tsaka pumasok sa CR. Hindi ko alam pero bigla nalang sumilay ang ngiti sa labi ko.
Ang weird ko na!

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    29/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata