Homepage/Behind The Lies/
Chapter Ten - Sunflower
"Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"
Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw.
"Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya. Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.
"Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.
Saglit siyang tumahimik upang malalim na mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro."
"Bakit?"
"Para lagi mo akong kailanganin. Iyong ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa nang pagkalakas-lakas.
Gusto ko siyang batukan pero kinikilig ako sa sinabi niya. Alam kong 'yon na ang pinakaseryosong sagot na makukuha ko sa kanya.
"Ikaw ba, mahal?" It was his turned to ask.
"I want to be a sunflower!" I beamed.
"Sunflower? Bakit?"
"Wala lang. Sobrang naa-amaze lang ako sa bulalak na 'yon."
Gabriel frowned. "Ano namang special sa bulalak na 'yon?"
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam? Sunflowers always face the sun. Theu face the east knowing that’s where it’ll return. I want to have that kind of faith, gaya ng faith ng sunflower sa araw. Na kahit marami mang shortcomings na dumating sa buhay ko, I will always face the rising sun. And on my darkest days, I will never let my faith wither. I will patiently wait for the sun. I will always believe that it will return and will shine on me at its brightest."
"Woah! Ang lalim naman no'n, mahal." Gab stated in awe. Umawang pa ng malaki ang mga labi niya.
"Palitan ko na lang pala ang sagot ko," sambit niya. Sumeryoso na talaga siya.
"Ako na lang ang araw," he smiled at me bago nagpatuloy. "Kahit anumang mangyari, marami mang problemang dumating sa atin, I want you to have faith in me. Remember that I will always be here for you. I will be your sun. I want to be the one who you yearned at midnight. And during your darkest days, I want to be the one who will brighten up your day. I want to be a constant reminder for you that after the darkness, brighter days are coming on your way."
***
"Siraulo naman pala ang Gabriel na 'yon! Ang sama ng ugali. Paano ka niya nagawang iwan na lang ng basta?" nanggagalaiting sigaw ni Janice mula sa kusina ng bahay nila.
Mabuti na lang at binalikan niya ako sa ospital kanina. Habang nakasakay siya sa jeep, napansin niya ako na nakaupo lang sa kalsada habang basang-basa sa ulan. At hindi siya makapaniwala sa ginawang pang-iiwan ni Gabriel sa akin kaya galit na galit ito.
"Uminom ka muna ng gatas," aniya saka nilapag sa harap ko ang isang baso ng mainit na gatas bago umupo sa sofa na katapat ko. Kanina pa niya pinapaypayan ang sarili gamit lamang ang dalawang kamay niya.
"Ano palang number ng kuya mo? Tatawagan ko siya."
"Pwede bang huwag mo na lang sabihin kay kuya ang nangyari ngayon?" pakiusap ko.
She raised an eyebrow as she folded her arms across her chest. "At bakit hindi?"
"Ayoko lang mag-alala pa si Kuya. Ayoko na rin ng gulo kaya please, let's keep this a secret?"
"Oo na! Wala na kong sasabihin," pagpayag na lamang niya.
Nang mapanatag na ako, dinikta ko sa kanya ang number ng kapatid ko. Agad naman niya itong tinawagan at pinanuod ko lang si Janice habang kausap niya ang kapatid ko sa kabilang linya.
Nakapagpatuyo na ako kanina pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig. Mabuti na lang binitbit ni Janice ang mga gamit ko at may extra akong damit sa bag ko kaya nakapagpalit ako ng suot.
Kinuha ko na lang ang isang baso ng gatas sa harap ko. Hinipan-hipan ko ito bago inumin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang mainitan ang tiyan ko.
"Thanks, Janice." I said sincerely.
"Wala 'yon. Ano ka ba? Pero kapag nakita ko ulit 'yang Gabriel na 'yan, please huwag mo akong pigilan. Masasapak ko talaga siya!" gigil na gigil na pahayag niya.
Napayuko na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko. Ibang tao na talaga si Gabriel. Hindi na talaga siguro mawawala pa ang galit niya sa akin. And it was my fault why he changed so much.
He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I don’t know. I think he’s still a sun. But his light is too much for me—my eyes burn when I look at him.
***
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mainit na kamay na sumasalat sa noo ko. Dahan-dahan akong nagmulat at sa nanlalabo kong paningin, naaninag ko ang mukha ni kuya Mike.
"Nandito na si Kuya, anong nararamdaman mo?" may paglalambing na tanong niya.
Sinubukan kong maupo, sapo ang namimintig konh sentido. Nasa bahay pa rin pala ako nila Janice at mukhang nakatulog na ako dito sa sofa sa sala.
"Ang sakit ng ulo ko," impit na daing ko sa kapatid ko.
"Tara na, uwi na tayo. Nag-aalala na si mommy," aniya.
Para akong isang magaan na bagay na binuhat ni Kuya sa mga bisig niya. Kumapit na lamang ako sa leeg ng kapatid ko at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya.
"Thank you, Janice. Alis na kami," rinig kong paalam ni Kuya bago ako hilahin ulit ng antok.
***
"Ano bang problema, pre? Bakit nagyaya ka na naman mag-inom?" kunot noong usisa ni Thao sa kaibigan.
Nakaupo sila sa sahig sa sala ng kanyang condo unit at kapwa nakasandal ang mga likod nila sa sofa. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito sa condo niya dahil hindi naman ito nagsabi. Mabuti na lamang at hindi siya umalis. Mukha pa namang kailangan nito ng kausap.
Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Gab nang pagbuksan niya ito ng pinto kanina. Para bang galit na galit ito sa mundo.
"Wala ka bang balak magsalita diyan? Ano na, pre?"
"Uminom ka na lang huwag ka nang magtanong," matabang na tugon ni Gabriel. Bumukas pa ito ng isang bote ng beer at diretsong nilagok iyon.
Kinse minutos palang ang nakakalipas mula nang dumating ito pero nakakalimang bote na agad ito ng beer.
"May problema ba kayo ni Stella? Nag-away ba kayo?"
Napatigil si Gabriel sa paglagok ng alak sa bote. Inilapag niya muna ito bago lingunin ang kaibigan.
"Problema? Wala kaming problema ni Stella. Masaya kami. Hindi kami nagkakaproblema," nagmamalaking ngisi nito.
"Eh, wala naman pala kayong problema, pero kung magpakasasa ka diyan sa alak daig mo pa ang iniwan ng babae. Daig mo pa ang broken hearted!" puna ni Thao.
Napabuntong-hininga na lamang si Gabriel. Kumuha ulit siya ng isang bote ng alak at mabilis na inubos ang laman niyo. Pero pakiramdam niya kulang na kulang pa rin iyon para malunod ang lahat ng gumugulo sa isipan niya.
Kung sana lang ay kayang tangayin ng alak ang lahat ng sakit sa dibdib niya, magpapakalunod talaga siya ng husto
Napatingala siya at tumitig sa puting kisame. Naglaro sa kanyang balintatae ang pag-iwan niya kay Kelly sa kalsada sa gitna ng bumubuhos na ulan. Naitakip na lang niya ang braso sa kanyang mga mata at pagak na tumawa.
"Tangina! Bakit ako nakokonsensya? Deserve niya 'yon," bulalas niya.
Napailing na lang si Thao. Bumukas siya ng isang bote ng beer upang sabayan na lang ang pag-inom nito.
"Tangina, pre! Niloko niya ako. Ang sakit-sakit. Halos binigay ko naman sa kanya ang lahat-lahat pero anong ginawa niya? Pinagpalit niya ko," paghihinanakit ni Gab. Uminom siya ulit ng beer bago muling nagpatuloy. "And you know what hurts the most? Pre, pinagpalit niya ako sa best friend ko. How could they betray me like that, huh?!"
Halos magwala na ang binata habang inilalabas ang nagpapabigat sa dibdib niya mula pa noon hanggang ngayon. Mayamaya pa ay bigla na lamang itong tatawa habang sunod-sunod ang pagtungga nito sa beer.
Nanatiling tahimik lang si Thao habang nakikinig. Hinayaan niya ang paglalabas nito ng sama ng loob.
Ang totoo ay hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. Hindi niya rin alam kung sino ba ang tinutukoy nito dahil ngayon lang ito nagkwento. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya, labis na nasaktan ito dati. It left a scar in his heart and his friend was still hurting.
He doesn't know his story before they met, but he could feel in his voice that Gabriel was still a mess.
Few moments later, Gabriel passed out from drinking. Hindi na mabilang ni Thao kung ilang bote ng beer ang napatumba nito at walang siyang ibang naririnig sa bibig nito kanina kundi puro mura. Parang doon inilalabas ni Gabriel ang lahat ng galit niya.
Sa four years na magkakilala sila, this was the first time that Gab lost his composure. Sanay siya na kalmado ito at seryoso. Ngayon lang niya ito nakitang nagpakalango sa alak na parang wala nang bukas. Mukhang mabigat talaga ang pinagdadaanan nito.
***
"Oh my, God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.
Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya sa matalim na titig ng mama ni Gabriel sa kanya. Napayuko na lamang siya dahil hindi kayang salubungin ang mga mata nito. Sobrang intimidating nito kung makatingin. Parang hinuhusgahan ang buo mong pagkatao.
"Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo nang idamay si Gabriel? Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.
Gabriel's mom invited her for dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero hindi ito dumating. Ang alam ni Stella ay sinamahan nito ang pamangkin.
"You can go now. Kami na ang bahala sa kanya. And please, pwede bang huwag ka munang naglalalapit kay Gab?" maotoridad na utos ni Stella kay Thao.
Naikuyom na lang ni Thao ang kamao niya sa labis na pagpipigil. Kung wala lang sila sa harap ng mama ni Gabriel baka nabigwasan na niya si Stella. Kakaiba talaga ang ugali ng babaeng ito. Hindi niya alam kung bakit ito pa ang naging girlfriend ng kaibigan.
Gabriel's mom was really fond of Stella. Pero kung si Thao lang ang tatanungin, wala talaga siyang makitang sparks sa dalawa. Parang sobrang pilit.
Pinakikisamahan lang ni Thao si Stella dahil girlfriend ito ng kaibigan kahit ang totoo niyan ay badtrip na badtrip na siya dito. Napakaarte at matapobre nito. Ayaw niya talaga sa mga babaeng mataas masyado ang tingin sa sarili na tila pagmamay-ari niya ang mundo. Isa na lang talaga makakatikim na 'to sa kanya.
"Alis na po ako, Tita." Magalang na paalam ni Thao.
Tinaasan lang siya ng kilay ng mama ni Gab. Ni hindi man lang ito nagpasalamat sa paghahatid niya kay Gab.
Now, he finally get it. Kaya naman pala gustong-gusto ng mama ni Gabriel si Stella. Mukhang iisa lang ang hilatsa ng ugali ng dalawa.
***
"Hmm," Gabriel groaned as Stella continued to wipe his face using a towel.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na uuwi ito ng lasing na lasing. Bibihira lang kasi itong uminom. She knew how responsible Gab was and he would always drink in moderation. Not like this.
"I love you," Gabriel mumbled in his sleep.
Napangiti na lang si Stella lalo na nang pumulupot ang kami ni Gabriel sa bewang niya. Walang tutol na humiga na lamang siya sa tabi nito nang hilahin at yakapin siya nito.
"I'm sorry," Gabriel moaned
Stella just stared at him. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa kalasingan. He looked so wasted but still looked so fine. Masuyong pinatakan naman ng halik ni Stella ang labi ng binata. Nasisiyahan siya na panuorin ang pagkunot ng noo ng kasintahan, kasabay ang pagsasalita nito habang tulog.
"I love you," mahinang sambit pa ni Gabriel.
Stella's hand gently touched his cheeks, then her fingers traced his eyebrow down to the tip of his nose. Mahina niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Gabriel dahilan para mamula iyon pero hindi pa rin ito nagigising.
"I love you, hon." she whispered with so much fondness.
And when Gabriel smiled on his sleep, it made Stella's heart raced so fast. But then in an instant, it was shattered into a million pieces at the next words that escape from Gabriel's lips.
"Kelly...I'm sorry."
Agad na napabangon si Stella at lumayo kay Gabriel. Sa isang iglap, sa isang pagbanggit lang nito ng pangalan na 'yon ay gumuho ang mundo niya.
Nanghihina siyang napaatras. Hawak-hawak niya ang naninikip niyang dibdib. Nakatitig lamang siya kay Gabriel na wala man lang kamalay-malay kung paano nito binasag ang puso niya.
"Hanggang ngayon, si Kelly pa rin ba?" she asked in an inaudible voice.
Pakiramdam niya balewala ang lahat ng mga effort niya. Ginawa naman niya ang lahat. Ilang taon siyang naghintay at umasa na mamahalin siya nito pabalik. Pero sa huli ay isa pa rin pala siyang talunan.
"Ano pa bang kulang, Gabriel?!" maluha-luhang tanong niya kahit pa alam naman niyang hindi sasagot ito.
Napaupo na lamang si Stella sa sahig habang umiiyak. Inilabas niya sa pamamagitan ng paghikbi ang lahat ng selos, galit at takot na nararamdaman niya.
Hindi pwedeng mawala sa kanya si Gabriel. Ikamamatay niya. Makikipagpatayan siya.
"Stella? What happened? Bakit nakaupo ka diyan?"
Nag-angat ng tingin si Stella sa mama ni Gabriel na kapapasok lang muli ng kwarto. Nang makalapit ito sa kanya upang alalayan siyang tumayo, tuluyan na siyang napahagulgol.
"T-Tita!" iyak niya sa ginang. Mahigpit siyang yumakap dito at parang batang nagsumbong. "Tita, si Kelly. Guguluhin na naman niya kami ni Gab! Tita, please help me. Ayokong mawala si Gab sa akin. I'm scared! Paano kung magkabalikan sila?" paghi-hysterical ng dalaga.
Just thinking about losing Gabriel was driving her insane.
"Shh. Calm down, hija. Breath," pagpapakalma ng ginang.
Inalalayan niya ito palabas sa kwarto ng anak at nagtungo sa study room para doon ay tahimik na makapag-usap.
"Ano bang nangyayari?" nag-aalalang tanong niya. Pinaupo niya si Stella sa kanyang swivel chair habang hinahagod ang likuran ng dalaga.
"Tita, I think Gabriel still loves Kelly," nanlulumong tugon nito sa kanya.
Napasinghap naman ang mama ni Gab kasabay ng pagtaas ng isang kilay nito dahil sa narinig. She doesn't like that idea. Akala niya natauhan na ang anak niya.
"Tita, hindi pwede! Hindi sila pwedeng magkabalikan. All these years, ako 'yong nasa tabi ni Gab. Ako dapat ang mahal niya. Ako lang! Tita, please. Ayokong mawala sa akin si Gabriel," pagmamakaawa ni Stella. Punong-puno ng pangamba ang boses nito.
"Stella, listen to me." Hinawakan ng mama ni Gab ang nanginginig na kamay ni Stella, pilit na pinapahinahon. "Ikaw lang ang babae para kay Gabriel. Wala kang dapat ikabahala."
Napatitig lamang sa kanya si Stella habang nanginginig ang katawan dahil sa pag-iyak.
"Kilala mo naman ako, 'di ba? Hindi ko hahayaang makapasok ulit si Kelly sa buhay ng anak ko kaya ilaban mo lang si Gabriel and just leave everything to me as always," kalmadong sambit pa ng ginang habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.
Stella nodded at her like an obedient child. She wiped her tears as she started to regain her confidence again. Taas noo siyang tumitig sa mga mata ng mama ni Gabriel, a triumphant smile plastered on her tear-streaked face.
Alam niya na kahit anong mangyari, mananatiling kakampi niya ang mama ni Gab. Wala siyang dapat ipag-alala. Hindi si Kelly ang sisira sa lahat ng pinaghirapan niya.
Sa kanya lamang si Gabriel kahit ano pa ang mangyari. Mula noon, hanggang ngayon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Welcome
24/10/2024
0good
13/10/2024
0Nice story
20/07/2024
0Tingnan Lahat