"Hey, don't vomit." He doesn't know to do with me, he's driving. "Fuck" mura niya nang ambang susuka ako. Shit! Nahihilo na ako. "B-baket i-ekaw ang...... su-su-su...Ahhh, fuck!" Napamura ako nang parang lalabas lahat ng kinain ko at bigla pa niyang hininto ang sasakyan kaya mas lalo akong nahilo. Putang ina daw sabi ni Zyryll! "Shit, labas" Sabi niya at binuksan ang pinto sa side ko. "Fuck you! Pinapalayas mo ako." Singhal ko sa kanya. "Hindi. Dito ka sa labas sumuka." Nafrusfrustrate na sabi niya, pero nagpipigil lang siya. Sakto namang parang naduduwal na talaga ako kaya lumabas ako. Parang linabas ko na lahat pati laman loob ko. Ayoko nang uminom. Hindi na ako iinom. Period. Hinagod hagod niya ang likod ko at sinokop niya ang buhok kong nahuhulog sa harapan ko. Nang huminto ako binigyan niya ako ng tumbler na may tubig. Tinignan ko yon. "Don't worry hindi ako uminom diyan." Sabi niya na para bang nababasa niya ang isip ko nang tinignan ko lang ang binibigay niya. Kinuha ko yon sa kamay niya at ininom. "Next time don't drink too much." Parang tatay na sermon niya. "Yes, Dadeh." Sagot ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig. Kumunot ang noo niya sa akin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Where the hell I am?" Nabaling ang atensyon namin sa loob ng sasakyan kung nasaan si Blythe. Pumunta sa kanya si Jadiel. "You're in my car." Sabi ni Jadiel kay Blythe. "Holy shit! Bakit?" Gulat na gulat na tanong ni Blythe. "Ihahatid ka namin." Sabi ni Jadiel. "Ha? Si Hope?" Biglang tanong ni Blythe. "Lah! I will not betrayed my best friend." Dagdag pa niya. Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa pati rin si Jadiel natawa ng mahina. Eh? Ang gwapo ng tawa niya. Sa kabila ng tawa ko, I realized na linaglag ako ni Blythe. Holy crap! Dali dali akong tumayo para pumunta kay Blythe. "Hey, stop mas lalo kang mahilo." Pagpigil sa akin ni Jadiel. Nanlaki rin ang mata ni Blythe pagkakita niya sa akin. Nag peace sign siya at napatakip sa bibig nang may marealize siya. "Dito ka na." Hinila ako ni Jadiel papunta sa shotgun seat. Nagpatinod nalang ako kahit nahihiya na ako. Baka narealize din niya yung sinabi ni Blythe. E di wala na. End na. "Yung cellphone ko?" Sabi ko nang maalala na hindi binigay sa akin nong crush ni Zyryll. "Nasa dashboard." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwag. "Are you sober or do you want to take coffee a bit? Kayo ng kaibigan mo." Baling niya sa akin at sinumulan nang magdrive. Tumango lamang ako, hindi makapagsalita. Matapang ako! Pampalakas ko ng loob. Ano naman kung may clue na siyang gusto ko siya diba? "Hope? Paano tayo napunta dito?" Pagkuha ng atensyon ko ni Blythe. "Yung crush ni Zyryll." Sagot ko. Jadiel chuckled. Hindi ko nalang pinansin nakaka attract lahat sa kanya. Malala na to! Nanahimik din si Blythe sa likod. Sige inom pa. Huminto ang sasakyan sa isang cafe. Nataranta naman ako sa itsura ko. Bakit hindi ko naalala yon. Kaharap ko pa naman si Jadiel. Linabas ko ang suklay at powder at tint. Ganon din ginawa ni Blythe. Pinanood lang kami ni Jadiel. Magpapaganda ako para sayo, wag kang mag-alala. "Are you done?" Sabi niya at uminit ang pisngi ko nang marealize na masyado akong nag ayos. "Cute." Mahinang usal niya at lumabas. "Magiging chaperone pa ako neto." Sabi ni Blythe. Inirapan ko siya at lumabas na din. Ganon rin siya. Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng cafe. Naamoy ko ang nanunuot na aroma ng kape pagkapasok namin. "Upo kayo diyan, ako na ang oorder." Sabi sa amin ni Jadiel at tinuro ang pang apat na tao na table. Umupo kami ni Blythe don. Pumunta naman si Jadiel sa counter, todo ngiti naman sa kanya ang crew. Nagdedeydream narin yata. Napasimangot ako nang ngitian din siya ni Jadiel. "Matunaw." Parinig ni Blythe. "Yung?" Kunwaring tanong ko. "Yung ice." Sarkistong sagot niya. Lakas makahila talaga ni Zyryll, pati si Blythe hindi naman ganito sumagot pero ngayon ganito na siya. "Ah talaga. Galing no, baka mainit kasi kaya natunaw." Sarkistong sabi ko rin. "Oo ang hot." Ngisi niya. Napairap ako sa kanya. Lasing to? Nawala tuloy yung pinapanood kong nag ngingitian. Papalapit na si Jadiel sa amin dala ang mga kape at bread. "Thank you, I'll pay." Pasasalamat ni Blythe at naglabas ng pera at binigay kay Jadiel. "Nah, my treat." Sagot niya at tinanggihan ang bayad ni Blythe. "No need." Baling niya sa akin. O di sige! "Thank you." Sabi ko nalang. "Mga lasing." Mahinang usal niya pero narinig namin dahil magkakaharap lang kami. "Hindi ah!" Sabay na tanggi namin ni Blythe. Ngumisi lang siya sa amin. Kina gwapo mo yan? "Bakit ikaw ang sumundo sa amin?" Matapang kong tanong. Hindi ko naman siya tinitigan kaya no worries. Pero mabilis parin ang tahip ng puso ko. Presensya palang yan. Crush na crush ko talaga siya. "I called but Zane answered." Tipid niyang sagot. Zane? Sino yon? Bumaling ako sa kanya at kinunutan ko ng noo. "Pinsan ko. Di niyo maalala, paano kung ibang tao na yon?" Seryosong aniya. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. "Zane?" Si Blythe nalilito din. "Yung naghatid sayo sa labas ng bahay nila Zy." Explain niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Blythe at nanlaki ang mata namin. "Yung crush ni Zyryll." Sabay naming sabi at napatakip sa bibig nang malakas naming naiusal. Jadiel chuckled in our reactions. "Don't worry, I won't tell to my cousin if that was a secret." Nakangisi niyang sabi sa amin. Lagot kami kay Zyryll pag nagkataon. Mukha namang hindi chismoso si Jadiel. "Faster." Sabi niya. Tapos na siya. "Ugh" reklamo ko dahil ang init init kaya. Tahimik lang naman si Blythe, kaya ninamnam ko nalang ang kape. Tinignan ko ang tahimik na palagid may ilang customer lang na kasama namin. Ang ganda ng ambiance ng lugar. Brown at cream lang ang makikita mong kulay. Tapos glass wall, makikita mo ang tao at sasakyan sa labas. Naubos namin ang kape at tinapay ni Blythe. Medyo nawala narin ang hilo ko. "Tara, hatid ko na kayo. Baka magalit parents niyo." Jadiel said. "Hindi na kami bata." Sabi ko sa kanya at sinundan siyang palabas ng cafe. "Hindi ko naman sinabing bata ka pa." Sagot ko. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya mukhang nakangisi siya. "Nye, nye." I mocked him. Napatalon ako nang bigla siyang humarap. "Don't do that." Masungit niyang sabi. "What?" Ngisi ko, mas lalong nagsalubong ang kilay niya. I grinned. Ang bilis namang maasar. "Nasaan yong girlfriend mo?" Tukoy ko kay Ella. Baka mamaya sumugod yon pag nalaman niyang may hinatid si Jadiel na babae. "Girlfriend? Sa pag kakaalam ko wala pa akong girlfriend. Hindi ko pa liniligawan eh." May konting kurot sa puso ko pagkarinig ko nang hindi pa niya liniligawan. Sakit naman! Wag ka na talagang umasa Hope. Kagaya ko lang ang ibang babae katulad ng mga kaibigan ko na nagkagusto lang sa kanya ngunit hindi niya pinagtuonan nang pansin dahil may iba siyang gusto. Confessing is act of braveness but you know what's braver? Accepting rejection.. Sa akin hindi pa ako umamin nasaktan na ako, what else kung aamin ako e di mas masakit na. I sighed. Paano kaya kung mag first move na ako. Wala namang mawawala sa akin, diba? Sabi nga nila. You can't force yourself to stop liking someone, but you can tell yourself that you deserve better. Magiging deserve ko siya kung aamin ako. Sana nga. Ngayon lang ako nabaliw sa isang tao, hindi naman ako ganito sa mga past crush ko. But this time si Jadiel Pierre lang. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Naihatid namin si Blythe sa tahimik na biyahe. Nagpaalam lang ako kay Blythe at kumaway nang paalis na kami sa tapat ng bahay nila. "Tahimik mo ah." Pagbasag ni Jadiel sa katahimikan. "Sinong crush mo?" Biglang bulaslas ko. "What? Crush?" Gulat na tanong niya. "Yeah, ano bang gusto mo sa isang Babae?" Nakatingin lang ako sa labas, hindi ko kayang magtanong kung makipagtitigan ako. "Mabait, hindi maarte, simple lang." Sinagot naman niya. Mabait daw? Mabait naman ako diba? Hindi maarte? Maarte ba ako? Tapos simple lang? Hindi yata ako pasado. "Sayang." Sabi ko. Nakita ko sa gilid nang mata ko na tumingin siya sa akin. "Si Ella?" Tanong ko. Nasasaktan ako sa tanong ko. "Ella? She's my friend nothing else." Simpleng sagot niya. "Bakit hindi mo ligawan? Siya yung type mo diba?" Sige Hope tapangan natin. "What? Hindi ko siya type. Iba ang gusto ko." Nalilitong sagot niya. "Kung ganon ang swerte naman ng babaeng gusto mo. Gwapo ka, seryoso ka sa pag-aaral at sporty pa, perfect" Pagpuri ko sa kanya. "Really? You found me handsome?" Nakangiti niyang sabi. Saya natin ha? "Duh! Wala ba kayong salamin? Ang yaman naman ninyo ah." Inirapan ko siya. Hindi siya sumagot pero kagat kagat niya ang labi niya para mag pigil ng ngiti. "Saya ka?" Sarkisto kong tanong. Mas lalo niyang kinagat ang labi niya. Ang gwapo niya kahit side view. Kahit anong view. "What are you trying to say ba?" Tumaas ang kilay niya ng lingunin ako. Hindi naman ako makatingin ng deretso. "Wala , yung tipo mo kasi ang daming nakakarandapa sayo? Wala ka bang naging girlfriend?" Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Hindi ko mapigilang magtanong kahit nasasaktan ako sa bawat tanong ko. "Wala, but soon." Mas lalo akong umiwas nang tingin, tinignan ko lang ang mga bahay na patay na ang ilaw. Hope ang pangalan ko pero wala akong pag-asa. Sakit! "Ikaw? Diba boyfriend mo yong magaling mag guitara bakit hindi ka man lang hinatid?" Biglang tanong niya. "Huh? Wala akong boyfriend." Takang sagot ko. "Really?" "Yeah, hindi naman kasi ako gusto ng taong gusto ko." Mahinang usal ko. "Ouch, same." Humalakhak siya. Napasimangot ako. Tumingin nalang ako sa labas natatanaw ko na ang bahay namin. Nakabukas pa ang ilaw. Nanlaki ang mata ko nang maalala si Kuya. Shit ! Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni kuya. Naka dalawang ring sinagot naman niya. "Kuya?" Kinakabahang usal ko. "[Hmm?]" Kumunot ang noo ko. Natutulog na ba siya? "Hey?" Tawag ko ulit. "[Tsk, pumasok ka nalang.]" Mas lalo akong nagtaka anong pumasok. Gosh! What the hell! "The hell kuya? Anong pumasok? Si Hope to!" Napataas ang boses ko. Napatingin si Jadiel sa akin. Nagkatinginan kami, habang hinihintay ang sagot ni kuya ilang metro nalang bahay na namin. "[What? Kaya nga pumasok ka nalang dito sa bahay.]" Nanlaki ang mata ko. Alam ba niyang may naghatid sa akin? Pinatay ko ang tawag nang nasa tapat na kami ng bahay. "Tara." Yaya ko kay Jadiel. Para alam nila kung sino naghatid sa akin. Tumango naman siya. Tinanggal ko ang seatbelt ko ganon din siya. Mabilis siyang lumabas at pumunta sa tapat ko para pagbuksan ng pintuan. Gentleman huh? Lumabas nalang ako at pinapasok naman kami agad ng guard. Papalapit ako sa pintuan, sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Parang ipapakilala ko ang boyfriend ko sa magulang ko. Nasa likod ko lang si Jadiel na tahimik. Pipindutin ko palang sana ang doorbell pero biglang bumukas. Napatalon ako sa gulat ng bumungad si kuya. "Hi kuya" alanganin kong bati. Di ko alam bakit bumati ako sa kanya. "Oh, hello! Sino po sila?" Napasimangot ako sa kanya. Really? Ang ganda naman ng mood niya. "Pasok po kayo? Juice, coffee or water?" Sarkistong alok ni Kuya. Diko napigilang umirap. "Halika." Nahihiyang anyaya ko kay Jadiel. Pumasok kami sa loob at nagulantang ako sa nakita. Nandito lahat ng pamilya ko. Pati mga pinsan ko at sila Tito at Tita. Grandparents ko at mga parents ko. "Oh, Hope. Pakilala mo naman." Nakangising sabi ni ate Amelia. Shocks! "Good evening po." Magalang na bati ni Jadiel sa kanila. "Good evening iho." Bumati naman ang pamilya ko. "Bakit gising pa kayong lahat?" Takang tanong ko sa kanila. "Ay hindi lang naman kami nag-alala." Sarkistong sabi ni Kuya. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. "Sorry." Paumanhin ko. "Zyryll Tan, called in messenger account of your ate." Seryosong sabi ni Mommy. "Mom, I'm sorry. Nakalimutan kong tumawag kay kuya. Safe naman po akong nakauwi. Don't worry." Paumanhin ko ulit. Papagalitan pa ako sa harap ng crush ko. "You're Jadiel Pierre Lazaro right?" Baling nila kay Jadiel. Binalewala ang sinabi ko. "Yes po sir, ma'am." Sagot naman ni Jadiel. "Paanong ikaw ang naghatid sa anak ko?" Tanong ni Daddy. Shit! Nakakahiya na interview pa siya. "I think po, sakto lang na tumawag ako kay Hope nang tatawag sila ng sundo niya." Deretsong sagot niya kay Daddy. "Pwede ka namang tumanggi?" Nakataas ang kilay ni Mommy. "I'm worried po."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
10/10/2024
1nice 👍👍👍
27/09/2024
1nicessssss
23/07/2024
1Tingnan Lahat