Chapter 8

PRINCE POV
Pagkauwi ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Mabuti na lang at wala si Mommy ngayon, walang magtatanong. Nakatitig lang ako sa kisame. Ang daming tanong na gumugulo sa akin wala naman makakasagot. Nang makita ko ang panyo na sinasabi ni Phoebe ay may kakaiba akong naramdaman.
Imposibleng ako si Prince na matagal ng hinihintay ni Phoebe, dahil hindi ko naman ito kilala noon pa man. Napabuntong hininga na lang ako sa isipin ‘yon at bumangon sa kama ko. I remember the calling card.
Kinuha ko ang wallet ko, do’n ko kasi inilagay, dapat talaga itatapon ko ito pero may gusto ako maging kapalit.
I want a private investigator. Gusto kong malaman ang buong pagkatao ni Phoebe.
Tatawagan ko ba?
Bukas na ang nasabing date nilang dalawa kaya dapat ko na alamin kung anong gagawin. I sighed as I dialled his number, its ringing. Nakakailang ring pa lang ito ay kaagad na niyang sinagot
(He—)
“Prince,” sabi ko.
(Whoa, Prince ikaw pala, so okay na ba sa’yo ang sinabi ko?) tanong nito mula sa kanilang linya.
Naipaliwanag ko na naman kay Phoebe ang about dito kaya okay na.
“Yes, ano bang gagawin ko?” I asked him.
(Bukas 6 pm, sa may burol doon mo dalhin si Phoebe, Prince.)
“Hmm sige, ano pa?”
(Wala na,  just bring her there, thanks!) sambit niya sabay end call ng tawag.
Naikuyom ko na lang ang kamao. Bakit ba ako naiinis? Ako naman ang may gustong tulungan sila. Kagaya ng sinabi ko gusto kong makitang nakangiti si Phoebe.
--
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising upang daanan si Phoebe sa bahay nila. Sabay ulit kaming papasok. Ewan ko ba pero gusto ko siya ang unang taong makita ko sa umaga para maging maganda ang araw ko. Korni man pakinggan pero ‘yon ang nararamdaman ko.
Hindi na ako nagabalang mag door bell dahil nakikita ko na ito palabas ng bahay kaya kumaway ako dito at nginitian. Napayuko na lang ito, pft. Habang papalapit ito ng papalapit ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako dito. Its not normal hearbeat. Shit, may sakit ba ako sa puso? Fvck!
“Tagal mo,” bungad ko dito ng nasa harapan ko na siya. Tanging irap lang ang ginanti nito sa akin kaya natawa na lang ako. Ang aga aga para sungitan ako tss.
“Sino bang may sabing daanan mo ako dito? I have my driver, you don’t need to do this,” she said.
Binuksan ko na lamang ang pinto at itinulak ito papasok.
“Tss, what the hell prince?!” singhal nito sa akin dahil muntikan na ito mapasubsub sa ginawa ko. Namumula na rin ang mukha niya sa inis sa akin.
“What?” kalmado kong tanong sa kanya.
“Tss, epal!” aniya at hindi na ako pinansin dahil nagsuot na lang ito ng earphone.
See? Ang sungit niya, ano bang nagustuhan ng lalaki na ‘yon dito.
“Busy ka ba mamaya?” tanong ko sa kanya. “Tss, sumagot ka alam kong walang music ‘yan,” wika ko. Inalis niya ang earphone niya at nagkunwaring hindi ko niya naririnig. Psh, magkukunwari na nga lang palpak pa.
“May sinasabi ka ba?” takang tanong nito.
“Psh, oo.”
“Nakikita m—“ I stopped her. Itinuro ko ang pinakasaksakan ng earphone, hindi naka saksak haha. Silly girl.
PHOEBE POV
Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Prince. Waahhh! Letse kaya pala walang tunog akala ko narisa, hindi pala waaahh! Tumalikod ako dito at tumingin na lang sa labas ng bintana,maaga pa lang traffic na psh panigurado male-late na naman kami.
“Phoebe hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” aniya. I raised my eyebrows.
“Ano ba kasi ‘yon?” tugon ko.
Huminga ito ng malalim at seryosong tumingin sa akin. Nalunok ko na lang ang sarili kong laway ng manuyo ang lalamunan ko.
“Are you free tonight?” tanong muli nito sa akin. Napahaba na lang ang nguso ko. Anong mayro’n mamaya?
Umiling ako. “Hindi naman, bakit?”
“Like what I’ve said you’ll be having a date with Raizen.”
My jaw was  dropped in shock. What the?
“P’wede baa kong umayaw? Tss, ayoko talaga magpaligaw sa kanya,”reklamo ko dito.
Ramdam kong huminto na ang sasakyan, nasa school na kami kaya nagmadali akong bumaba ng kotse at iniwan ito doon. Magkasalaubong ang mga kilay kong naglalakad patungong classroom, lahat ng madadaanan kong mga students ay tinatarayan ko na lang, nabu-bwiset talaga ako! Argh!
Ayoko ng makipag date, mahirap ba intidihin ‘yon?!
“Phoebe!”
Nahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa paligid upang hanapin ito.
“Phoebe saglit!” tawag ulit nito kaya this time ay lumingon ako sa likuran at doon nakita kong tumatakbo papalapit sa Raizen sa direksyon.
Te-teka..
Napakurap na lang ako ng makarating ito sa harapan ko na sobrang lawak ng ngiti. Wala na bang magandang mangyayari sa akin ngayong araw? Grr.
“Good Morning Phoebe!” bati nito sabay luhod sa harapan ko at may inilabas na bulaklak mula sa likod niya. Napaawang na lang ang bibig ko. Bakit hindi ko napansin ang dala niya? Malakas na tiliaan ng mga babae ang naging matunog sa hallway.
“Kyaaahh! Girl, si Raizen ang sweet!” Lahat naman ng nanligaw sa akin sweet, hmp! Talagang hindi ko lang type.
“Waahh! Sana ako na lang si Phoebe.” Oh bitch, mamamatay muna ako bago mangyari ‘yon.
“Tss, may bago na naman maba-busted ang nagre-reynahan dito.” Napairap na lang ako sa narinig kong ‘yon. Kailan pa ako nag reyna-reynahan sa school na ‘to? Tss kung ako ang tatangunin ay hindi ko gugustuhin ang madaming suitors, sakit lang sa ulo.
“Flowers for you Milayd,” ani ni Raizen at may inilapit pa sa akin ang bulaklan. Pilit na ngumiti ako dito.
“Ah hehe thank you Ra-raizen, pero hindi—“
“No, lahat gagawin ko para lang mapatunayan kong mahal kita,” pagputol nito sa sasabihin ko at tumayo na.  “Sabay na tayo?” dagdag pa niya at inakbayan ako. Nagbaba na lang ako ng tingin dahil nahihiya na ako sa nangyayari. Exposed na naman ako kainis! Lihim na tumingin ako sa likuran at doon ko nakita si Prince na nakatingin sa amin at nakangiti.
Wala ba siyang gagawin?
“Sunduin kita dito mamaya ‘pag lunch na okay?” sambit ni Raize ng makarating kami sa tapat ng room namin. Una namin nadaanan ang room nila pero inihatid niya pa ako.
“May kasa—“
“P’wede naman natin siya isabay,” anito kaya wala ako nagawa kun’di ang pumayag na lang sa gusto niya.
Lunch lang..walang masama..hindi ko pa rin nasisira ang pangako ko.
“Pasok ka na sa loob. Study well okay?” he said, smiling. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari sa akin. Nang wala pa si Prince ay maayos at tahimik pa ang mundo ko pero simula ng dumating ito nawala na lang ito na parang bula.
Bukod kay Raizen ay marami na rin ulit nagpaparamdam na mga suitors ko simula ng mabalitaan sa buong school na magkasabay kami ni Prince pumasok, akala nila nililigawan ako ni Prince, but no. We’re just friends, totally friends.
“Kasama mo na naman si Raizen ah?” salubong ni Noreen sa akin. Hindi ko pa nga pala naitatanong kung anong nangyari sa kanya kahapon nang iwanan ko siya.
“Yeah,” sambit ko ko at inilapag ang bag ko sa upuan ko. Pabagsak akong umupo.
“Ibang klase ka talaga Phoebe, biruin mo ‘yon kakapasok ko pa lang dito sa room puno na ng mga chocolates at flowers ‘yang upuan mo pft,” natatawang wika nito na ikinakunot ng noo ko.
Ano raw? Bakit wala naman ako nakikita?
“Pft, alam ko naman ayaw mo kaya pinamigay ko na lang sa mga kaklase natin, ayon oh,” wika nito at itinuro ang mga kaklase kong masayang kumakain ng mga chocolates na tinutukoy niya.
Lahat ng bigay sa akin ng mga suitors ko ay hindi ko kinakain bagkus ay pinamimigay ko na lang ito para hindi masayang. Ayoko kumain ng bigay ng ibang tao unless sila si Prince.
“May problema ka ba? Parang araw araw masama ang gising mo haha!”
Sinamaan ko lang ito ng tingin kaya natahimik siya.
“Ang aga aga kasi si Prince ang bumungad sa akin idagdag mo pa si Raizen, tss binigyan pa nga niya ako ng bulaklak sa may hallway,” wika ko sabay pakita ng bulaklak sa kanya.
“He’s sweet, why don’t you try to give him a chance? Malay mo, malay natin lahat si Raizen lang pala makakapagpatibok ng puso mo. Gosh! I can’t wait for that time. Si Phoebe na maraming na reject ngayon ay in love na yiieee!”
Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil kay Noreen. Kahit kailan talaga ay wala ng lumabas na maganda sa bibig niya amp.
“Maiba nga ako, ano pala nangyari sa’yo after ako higitin ni Prince sa cafeteria?” tanong ko sa kanya pero agad itong namula.
I guess, may nangyari.
“Oh bakit namumula ka?” pangaalaska ko dito kaya hinampas niya ako sa balikat at tumili ng malakas dahilan upang pagtinginan kami ng mga kaklase namin kaya tinakbluban ko ang bibig nito.
“Tss Phoebe! Waaahh bakit mo ginawa ‘yon!”singhal niya sabay pout.
“Too annoying, halata naman kinikilig ka ayaw mo pa aminin psh.”
“Yeah hihi, hinatid kasi ako ni Harry sa bahay and guess what! He invited me to have a dinner date later waaahh! I’m so excited na hihi. Magpapa salon talaga ako bago ako umuwi paraa maganda ako kapag nagdate kami ni Harry my loves.”
Nahilot ko na lang ang sintido ko. Gosh, mas lalo at pumangit ang athmosphere.
“Si Prince nand’yan na!” dinig kong bigkas ni isa kong kaklase na  alam kong isa din sa may gusto sa kanya. Kilig na kilig ang mga ito habang sinusundan ito ng tingin sa upuan niya.
“Ah Prince, bakit ngayon ka lang?” tanong ko dito.
“Kumain lang ako,” tugon nito.
“Ahh..” tanging nasabi ko na lang kahit hindi ako satisfied sa sagot niya.
Hindi niya naman Gawain kumain dito sa school kapag umaga psh. Magpapalusot na lang palpak pa.
“Ah Prince, baka gusto mong suma—“
“No thanks may lakad ako mamayang tanghali.”
Automatic na umarko ang kilay ko. Nababasa niya ba ako? Tsk.
“Pero kasi sabi naman ni Raize p’wede ako mag—“
“No,” tipid nitong sagot at umub-ob na lang sa armchair niya.
Inirapan ko na lamang ito at umayos ng pwesto dahil malapit na mag simula ang klase. Buong klase ay lutang na lutang ako. Hindi ako makapag focus, kahit isa wala akong naintindihan sa diniscuss ni Ma’am, math pa naman hays.
Lunch na at heto ako ngayon nakaupo pa rin, ayokong tumayo, ayokong kumain. Umalis na rin si Prince kagaya ng sinabi niya kanina sa akin. I wonder kung saan siya pupunta, dapat pala sumama ako para natakasan ko si Raizen, aish!
“Hindi ka ba kakain? Huhu gutom na ako eh,” naiiyak na reklamo ni Noreen. Oo nga pala kasama ko pa nga pala siya hays.
“Umu—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may kumatok ng dalawang beses sa pinto kaya sabay kami napalingon doon. Si Raizen.. may dala na itong dalawang tray ng pagkain at sa likod nito ay isa pang lalaki na may dala pa rin tray ng pagkain.
“Hi Phoebe, dinalahan na kita dito ng lunch kasi punong puno na sa canteen. Ayoko naman mapagod ka sa pila,” anito at inilapag ang pagkain sa harapan ko. Tulala lang ako sa kanya. Naghigit ito ng upuan gayundin ang kasama niyang lalaki, member din siguro ng dance club.
“Eat, masarap lahat ng ‘yan, paborito mo ‘yan ‘di ba?” nakangiting wika nito kaya tumango na lang ako.
“Salamat.”
“Ang sweet mo naman Raizen hehe,” pagsingit ni Noreen. “Kain na ako ah? Gutom na kasi ako huhu,” dagdag nito.
“Ako rin p’re!” yung lalaki at nagsimula na ang dalawang kumain.
“Kumain ka na rin Phoebe baka magutom ka niya, hindi ka makapag focus sa klase mahaba haba pa ang oras haha.”
“Sige na kumain ka na,” pamimilit nito. Dinampot nito ang kutsara at tinidor at tumusok ng pagkain sa plato ko. “Say ahh..” anito at nag demonstrate pa na ibuka ko ang bibig ko.
“Eh—“ Hindi na ako nakapagsalita ng ipasok niya ang pagkain sa bibig ko at nginuya na lang ito. Ang kulit!
“Masarap ba?”
I nodded. “Yeah,” I said.
Natapos ang lunch ay puro si Raizen lang ang nagsasalita dahil marami itong tinatanong like ano raw ba ang mga gusto ko sa lalaki paminsan minsan ay sumisingit din ang dalawa.
“Mauna na kami ah, bye Phoebe! ‘Wag mo kakalimutan mamayang 6 pm ah?” wika nito at nag wave pa bago tuluyan lumabas ng room namin.
“Anong meron mamaya aber?” usisa ni Noreen.
“Tss kagaya ng sa’yo.”
Her eyes widened in shock. “A date? Waaahh! Gora ka na diyan! Mukhang sweet naman at mabait talaga si Raizen eh hihi. Biruin mo nag effort pa siya dalhan tayo ng lunch dito para lang hindi ta—“
“Ako lang,” pagputol ko dito.
“Yeah, whatever basta kasama na rin ako do’n hmp!”
Natawa na lang ako ng mahina at tumingin sa labas ng bintana. Ang ganda ng panahon ang aliwalas ng langit, medyo mahangin din kaya ang sarap sa pakiramdam. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag gamit ng cellphone ko at tiningnan ang mga social medias account ko. Habang tumatagal ay mas dumarami ang mga followers ko mapa fb man o IG. Hindi ko rin alam kung bakit ganito, siguro dahil anak ako ng isang Wright-- a famous and richest family.
--
“Handa ka na ba Phoebe?” tanong ni Prince sa akin. Nasa loob na ako ng kotse niya  dahil malapit na mag 6 pm. Simple ang ang suot ko, kulau pink na dress at flat shoes. Naglagay lang ako ng lip balm at pulbos tapos okay na, ayoko masyado mag effort para sa date na ‘to.
“Yeah,” tanging sagot ko.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang alam ko lang ang layo na namin. Saan ba niya ako dadalhin hays.
“Saan ba talaga tayo pupunta? At ano ginawa mo kanina?” sunod sunod kong tanong dito.
“Wala.”
“P’wede ba ‘yon?”
“Oo.”
“Prince!”inis na tawag ko sa kanya. Salubong ang kilay nito na tumingin sa akin kaya humalikipkip ako.
“Ano?!”
“Ibaba mo na nga lang ako!”usal ko at pilit na binubuksan ang pinto kahit na umaandar pa ito. Napamura na lang si Prince sa ginagawa ko. Akala niya ah!
“Fine, sa may burol at ako ang nag ayos ng date n’yo. Okay na? P’wede ka na tumahimik?” seryosong saad nito. I just pouted my lips. Sa burol? He mean, doon sa burol kung saan kitang kita ang buong Manila? Waahh!
Bigla akong nakaramdam ng excitement sa sinabi niya. Nagyon pa lang ako makakapunta sa burol dahil hindi ako pinapayagan ni Mommy at Daddy. Minsan talaga strict sila sa akin, tanda ko pa noon na may nagtangka sa buhay ko.
“Bakit ik—“
“Stop aking questions, I’m not going to answer that.”
Buong byahe ay naging tahimik na lang ako kagayan ng sinabi niya. Lagi na lang siya masungit sa akin, hindi ko talaga mabasa ang ugali niya psh. Minsan sweet, tapos minsan masungit err. 
“Nandito na po tayo,” sambit ni Mang Bert kaya agad ako tumingin sa labas.
“Wow..” tanging lumabas sa bibig ko. Ang ganda pala talaga nito sa personal waahh!
Naunang lumabas si Prince at pinagbuksan ako ng pinto tapos inalalayan ako hanggang sa makaakyat kami sa may burol ay hindi niya binibitawan ang kamay ko. Tahimik pa rin ito hanggang ngayon. Habang lumalapit kami sa may tuktok ay may naririnig na akong mga musika na ang sarap sa pandinig. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil doon. Siya talaga ang may gawa nito?
“Close your eyes,” aniya kaya sinara ko ang mata ko.at nilagyan na niya ako ng blind fold. Inalalayan niya ako para hindi ako matalisod habang naglalakad.
“Ops, be careful baka madapa ak,” anito.
Nakagat ko na lang ang labi ko ng dumampi sng hininga niya sa batok ko, nagtaasan ang balahibo ko.
“Stop, he said. “Andito na tayo, kapag nakabilang ako ng 3 alisin mo na ang blind fold mo okay?”
“Okay.”
“1..” pagbilang nito. Hinintay ko lang ito hanggang maka abot ng 3.
“3!”
This time ay inalis ko ang blind fold ko, nanlalabo pa ang mata ko pero unti unti rin lumilinaw. Inilbot ko ang paningin ko upang hanapin si Prince para wala na ito doon. Ngayon ko lang napansin na ang buong paligid ay kulay pink, sa lupa ay maraming nakakalat na petals na kulay pink may ilan din mga loba na hugis puso at sa pinaka gitna ay may isang table na nakatayo doon na kulay pink din na may mga kulay pink na mga bulaklak. My favorite color..
Ang ganda talaga dahil nakadagdag sa ganda ang gold na ilaw isama mo pa ang napaka gandang view. Totoo nga, kitang kita mo dito ang buong Manila. Nagsimula akong maglakad sa gitna ng mga pink petals kasamay ng music na Beautiful girl. Nang nakarating ako sa may tapat ng table ay muli kong inilibot ang paningin ko upang hanapin si Raizen.
“Raizen!” tawag ko dito. “Where are you?” dagdag ko pa.
“Im here Milday..” anito at lumingon ako sa likod ko. Nakasuot ito ng tuxedo, ang gwapo niya.May bitbit din itong bulakla na kulay pink din.
“Saan ka ba galing?” tanong ko.
Kinamot nito sng batok niya. He’s cute.
“Ang ganda mo kasi panoorin eh kaya hindi muna ako lumabas Phoebe, pasensya ka na. Here,” anito at iniabot ang bulaklak na hawak niya na kaagd kong tinanggap at inamoy.
Inilahad nito ang kamay niya at inakay ako para maupo. Ipinaghigit ako nito ng upuan.
“Salamat.”
“You’re so beautiful Phoebe..” sambit nito na ikinainit ng mukha ko. Hindi ako kinikilig dahil sa sinabi pero dahil sa natutuwa lang ako.
“Thank you haha!”
“Let’s eat? I know you’re hungry dahil malayo ito,” usal niya na nahihiya pa.
“Not really, I really love this place. Matagal ko ng gusto pumunta dito pero wala akong time.”
Sumilay ang malawak na ngiti nito. “Talaga? So ako ang first na nagdala sa’yo dito?”
I nodded. “Thanks to you Raizen..” I said.
Puro kwentuhan lang ang naganap sa pagitan namin dalawa at doon mas nakilala ko pa siya ng ayos. Mabait pala talaga siya at tama din ang hula ko siya nga ang main dancer sa school namin kaya ganun na lang din siya pagkaguluhan ng mga babae sa school. Only child lang ito at wala na rin ang kanyang Mommy kaya Daddy niya lang ang kasama niya pero lagi pa rin itong busy. Parang si Daddy lang din pero naiintidihan ko naman dahil kapag bumabawi naman ito sa amin ni Mommy ay napaka bonnga tipong magpapa party ito sa bahay pft.
Tumayo ito sa upuan niya kaya sinundan ko ito ng tingin upang tingnan ang gagawin niya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng mag change ang song sa isa ding paboritong kong kanta ang Can’t take my eyes off you.
Nanlaki ang mga mata ko ng nagsimula itong sumayaw sa harap ko, napangiti na lang ako dahil sa napaka swabe ng bawat galaw niya. Pumapalakpak lang ako dito habang pinapanood pa ito minsan pa ay kumindat ito sa akin na nakapag papula ng mukha ko. Medyo kinikilig ako sa ginagawa niya hanggang sa huling line ng kanta ay may mga taong nagsilabas na may mga bitbit na bagay at pumila pahaba. Hinto na rin si Raizen sumayaw at may hawak na ito ngayon mike.
“Phoebe..I know alam mo na liligawan kita..” wika nito. I just smiled at him. Huminga ito ng malalim base na rin sa balikat niya na tumaas at bumaba.
“I want you to ask this formally to you..” anito. Naghintay lang ako sa sasabihin nito hanggang sa tinaas na ng mga taong nasa likod nito ang mga hawak nila na nakabuon ng isang salita.
“Phoebe Nicole Wright, can I court you?” tanong nito.
May mga ilang naghiyawan sa tanong niya at ako naman ay natulala. Papayagan ko ba siya? Pilit kong hinanap ng mata ko si Prince hanggang sa makita ko itong nakatayo sa puno.
Hays, mukhang wala naman siyang balak pigilan ako.
Wala naman siguro kung papayagan ko si Raizen, I want to give him a chance.
“Yes, I will let you to court me Raizen..” sambit ko kaya napatalon ito. Muling binalik ko ang tingin ko kung nasaan naka pwesto si Prince kanina pero wala na ito doon.
Where is he?
“Really?” tanong niya.
I slowly nodded. “Yes.. but Raizen, hindi porke’t pinayagan kita manligaw ay automatic na sasagutin kita ah? Just to informed you.”
Tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
“Hindi ka magsisisi na pinayagan mo ako Phoebe..”

Komento sa Aklat (64)

  • avatar
    Mark Cahulogan

    salamat salamat salamat Willam woman quesadillas Qualley oaks wish sick quick sick sick sick sick sick sick sick wish sick sick stuff we right stuff stuff sick stuff stuff sick sick sick suck sucks sucks a rocket sucks sucks real duck duck haha glad fixivvwci noodle do do do we WI dj do do do do do do do hai ga all has had fall hall ha do is do is do it do do do do do do do do do all will week week all all ask all ask do do do all all ask all all all all all all all all all all haha glad Jan ha

    22/04/2025

      0
  • avatar
    Jamaica Saavedra

    nicee story

    07/11/2024

      0
  • avatar
    AgullanaAdrian

    kakilig☺☺

    06/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata