Chapter 4: Completion Day

Thylene’s POV
Argh, ang tagal naman ni daddy. 2:28 pm na wala pa rin, hindi pa sumasagot sa chat ko.
“ Thylene, pumila ka na rito sundan mo si Bernie. Teka, nasaan ang papa mo?” At ito na nga ba ang sinasabi ko, hahanapin na ang tatay ko.
“ Ahh, ma’am pwede ho bang intayin natin siya kahit sandali pa?” Pakikiusapan ko muna si Ma’am Lago, paano na ba ito?
“ Ay sus sige, anyway ang ganda mo ngayon. Puntahan mo ako sa faculty mamaya ha, papapicture ako sa iyo. Asikasuhin ko na muna ang iba mong classmates.” Nagpaalam na siya sa akin, samantalang ako rito nababahala dahil wala akong companion.
Dumako ang tingin ko sa mga kaklase at schoolmates ko na kumpleto ang pamilya.
Ang mga mommy nila ang katabi nila at ang mga tatay nila ang taga-picture o vinivideohan sila.
Ilang minuto na ang lumipas pero ni call or text mula sa tatay ko ay wala pa. Baka natraffic lang?
“ Mic test, mic test. Aherm.” Naagaw ang atensyon naming lahat na nandito sa court ng school dahil hudyat na ito ng pagsisimula ng programa.
“ Please stand by na po sa inyong pila dahil 5 minutes na lang po ay mag sstart na tayo. Mga teachers, paki upo na sila sa designated chairs nila para hindi tayo magulo mamaya.” Iniayos na kami ng teacher namin sa kanya kanya naming upuan.
Kung ano ang number ng kinauupuan ko, iyon din ang number ni daddy.
Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakarating siya. Tinitigan ko ang flowers na nakalagay sa loob ng bag ko. Wala ata akong mapagbibigyan nito ngayon.
“ Welcome to Bagong Pila National High School, before we proceed, may mga paalala lamang po tayo na nais kong maipaalam sa inyo upang maging matagumpay ang ating programa sa ngayon. First, sa mga parents, only one parent is allowed na mag guide sa inyong mga anak, sa ibang kasama naman na kamag anak niyo rito sa loob ng court, manatiling nakaapak po kayo sa yellow line at hanggat maaari huwag kayong lalagpas diyan. May sariling photographer po ang ating school.” Habang pinakikinggan ko ang sinasabi ng teacher-slash-host namin, panay ang lingon ako sa entrance ng school.
Sinubukan ko muli na tawagan siya ng ilang beses nang kinalabit ako ng kaklase ko para patigilin sa ginagawa ko.
“ Hindi ka ba nakikinig? Bawal tayong mag cellphone kapag nag run na ang program. Bahala ka kapag na confiscate iyan. Sino ba kasi ang kakausapin mo?” Alam ko naman, na bawal ito. Pero anong magagawa ko? Wala akong kasamang magulang.
Mula sa paningin kong nasa cellphone, tumingin ako sa kanan ko bago siya sinagot, “ Wala pa kasi ang daddy ko.”
Sa buong upuan na nakahilera para sa mga magulang, ang upuan lang niya ang bakante.
“ Ah, ganoon ba? Sorry hindi ko alam. Think positive ka na lang, malay mo may surprise siya sa iyo or sadyang ma traffic papunta rito ngayon. Makinig na muna tayo, darating din siya for sure.” Tinapik tapik niya ang balikat ko at saka nagsimulang mag focus ulit.
Tama siya, baka nga traffic lang talaga, inilagay ko sa silent mode ang cellphone ko para hindi ako ma distract kakabigay pansin dito.
“ Antonio, Russel M., with honors. He and his twin are one of the great students here in our…” balisang balisa na ako dahil linya na namin ang huling pipila at pang sampu ako sa tatawagin.
Nakaramdam ako ng mainit na kamay sa likuran ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko, isang nakakagaan na ngiti ni Mrs. Lago ang nabungaran ko. “ Tara na anak, ako na ang sasama sa iyo sa stage. Huwag ka na busangot diyan, ang ganda gandang bata ka oh.”
Pinapagaan niya ang loob ko pero para sa akin, hindi iyon sapat. I admit it, she cares for me like a mother but sadly, she’s not my mom.
Magulang din si Mrs. Lago kaya may naka pin din sa dibdib niyang ribbon na “ Parent”.
Tumatagos sa puso ko ang awang awa na titig ng mga magulang sa akin na marahil nakapansin na wala akong magulang na kasama.
This is it, dalawang schoolmates na lang ang nasa harapan ko bago ako ang tawagin sa stage.
“ Lee, Thylene Charm V., with honors. Thylene is notable for her incredible competition in the English field of Scrabble and for being a Champion in multiple Quiz Bees held in different cities. Give her a round of applause together with her beloved adviser, Mrs. Lago.” Sa peripheral vision ko, kita ko kung paano magbulungan ang mga nanay sa akin.
“ Huwag mo sila pansinin ‘nak, diretso lang sa paglakad.” Matamlay akong naglalakad paakyat ng entablado.
Sinalubong ako ng matamis na ngiti ng aming Principal sabay abot ng certificate ko, “ Congratulations iha.” Sunod-sunod na akong kinamayan ng mga coordinator ng school namin.
Iniharap ako ng teacher ko sa kaniya para suotan ako ng silver medal, “ I’m so proud of you dear.” Niyakap niya ako nang mahigpit.
For the past 10 months na nakasama ko si Mrs. Lago sa school na ito, siya na ang naging shoulder to lean on ko. Kaya hindi maikakailang close na close kami sa isa’t-isa.
“ Harap na tayo para sa picture taking.” Bumaba ang titig ko sa diplomang natanggap ko. Muli kong iniangat ko ang tingin ko para tumitig sa camera at inilabas ko ang mahinanon kong ngiti.
“ Babalik na ako sa mga co-teachers ko Thy, congratulations ulit.” Bineso beso niya ako at tinapik sa balikat after niya magpaalam sa akin.
Dahan-dahan akong bumalik sa kinauupuan ko. Tahimik akong pumalakpak sa mga kaklase kong kumukuha ng award ng may kumalabit sa akin.
Pagkatingin ko sa likuran ko, si daddy pala.
Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ko, “ Sorry baby, ang traffic sobra sa may Katipunan. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”
“ Maupo ka na po roon sa kabilang part. Mamaya na po tayo mag usap.” Kinuha ko sa bulsa ko ang ribbon na para sa parent at i-pinin ito sa kaliwang dibdib ng polong suot niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang natapos ang Completion dahil nagsalita pa ang mayor ng aming lugar.
“ Thank you teachers for arranging this event para sa inyong mga junakis and also the parents na pumunta para suportahan at samahan ang anak nila sa isa sa masayang araw ng buhay nila pero bago iyan, may inihandang presentasyon ang mga estudyante para sa inyo, parents. Let us listen to their collaborated song.” Dumilim ang buong court at inilabas ko ang puting rosas na nasa loob ng tote bag.
Nag play ang song na ginawa ng mga class president namin. I know this may sound cringe, but the purpose of this presentation is to honor our parents sa pagsisikap nil ana pagtapusin kami ng pag-aaral.
We must give them the white roses and magsabi ng small speech na sila lang ang makakarinig.
To be honest, I’m not a fan of sweet gestures and flowery words. I do hug my dad pero hanggang doon lang iyon.
Lahat ng mga graduates na tulad ko ay pumuta na sa kani-kanilang mga magulang. Nanatili akong nakatayo sa kinauupuan ko dahil sa disappointment.
Marahil nagtataka na siguro si daddy kung bakit ako na lang ang hindi lumalapit sa kaniya. Kaya kahit ayaw ko, lumapit na lang ako para ibigay sa kaniya ang bulaklak.
” Thank you for attending kahit late ka po.” Maikling naiusal ko,
“ Sorry anak, mag papicture na lang tayong dalawa mamaya.” Wala akong imik sa sinabi niya.
Aminado akong masaya ako ngayon dahil sa wakas, natapos ko na ang 4 years sa Junior High. Worth it ang lahat ng pagod at pagsisipag ko.
“ Okay students and parents, thank you sa inilaan niyong oras. Maari lamang po na pakipulot ang mga basura para mapanatiling malinis ang ating court. Pwede na po kayong umuwi or mag papicture taking sa mga teachers niyo. Once again, Congratulations and good luck to all of you!” Pinulot ko ang plastic malapit sa tabi ko at itinapon sa basura.
Hindi na ako nagbalak na sumama kay daddy kaya nauna na akong umalis sa kanya. Ano pang sense ng completion na ito kung teacher ang kasama ko umakyat.
Kitang-kita ko sa mga mata ng tao ang awa nila para sa akin, nakakahiya iyon sa part ko. May magulang ako ngunit hindi siya ang humalili sa akin.
I hate him, alam naman pala niyang matraffic edi sana maaga siyang umalis sa kung saanman siya nanggaling.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    e******6@gmail.com

    not only your typical highschool boy/girl lovestory. it exceeds my expectations. I love the plot, characters and medium used in the story.

    08/08/2022

      2
  • avatar
    NAHPHINTAS

    I highly recommended this story. Pak na pak si Seat mate😀❤️❤️ Keep it up Author. pinaalala mo sa akin ang seatmate ko eh.

    13/05/2022

      0
  • avatar
    Jane Ryzen Santiago

    😍😍

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata