logo text

Chapter 20: You are NOT my friend

Thylene’s POV
Hindi na talaga ako makatiis, feeling ko may problema sa akin si Andrew.
Ay hindi pala feeling, mayroon talaga.
I badly wanted to talk to him pero whenever I got a chance saka naman sumusulpot si Joyce.
Mahigit dalawang buwan na kaming hindi nagpapansinan. Kahit magkagrupo kami never kami nagkaka-interact.
Halatado naman na iniiwasan niya ako.
Nalaman ko rin na kaibigan pala nila Jianne si Joyce. Basically, spy sila ni Joyce. The heck, wala naman akong kailangan itago sa kanila. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Andrew kahit na…
Kahit na may gusto ako sa kaniya.
Hindi ako ang tipo na maninira ng relasyon ng iba kahit na gusto ko pa siya para lang makuha ang gusto ko.
Isa lang ang goal ko ngayong uwian.
Ang makausap siya.
The more na lumalayo ako sa kaniya, the more na nahuhulog ako.
And I don’t know why.
May group chat kami nila Harold pero hindi siya nag-siseen o nag-chachat doon ‘di tulad nung dati.
Kasalukuyan ko naman siyang inaabangan dito sa waiting shed sa labas ng school. Hindi mapalagay ang loob ko kaniya, kailangan ko masabi ang nilalaman ng utak ko.
Nang makita kong paparating na siya tumayo ako at sinalubong siya.
“ Puwede ba tayong mag-usap?” kinakabahan ako ng sobra.
Kumunot ang noo niya, “ para saan?”
Hinawakan ko ang kwelyo ng uniporme niya, “ May problema ba tayo?”
“ Wala, paano mo naman nasabi iyan?” bored niyang sagot.
“ Lagi mo akong nilalayuan, ni kausapin hindi mo magawa. Umiiwas ka ba sa akin?” paliwanag ko.
“ Oo.” Seryosong sagot niya.
Napabitaw ang paghawak ko sa kwelyo niya.
“ Bakit? Akala ko ba magkaibigan tayo?” may himig ng sakit na tono sa aking pagsasalita.
“ Sinong nagsabi na magkaibigan tayo? Inaassume mo lang iyan, we’re not friends.” And those words are enough to make my heart broken into pieces.
“ Even you’re close with my friends it doesn’t mean na kasama ako roon. Don’t think too much.” After that, umalis na siya.
All this time itinuring ko siyang kaibigan pero iba pala ang tingin niya sa akin.
Joyce’s POV
“ Wow, tinotal smack down niya si Thylene. I pity her.” Sabi ng kaibigan kong si Jemma.
“ I told you, makikinig sa akin si Andrew. He’s the stupidest man na nakilala ko.” Nakangisi kong sagot.
“ Pero hindi ka ba nakokonsensiya? He’s been courting you for 3 years, pinapahirapan mo lang siya. Hindi mo naman siya mahal, bakit ayaw mong pakawalan?” hirit ni Abby.
Napaismid ako, “ duh, ang dami kong benefits sa kaniya. I can’t let him go yet.”
“ Abby, ‘wag ka na sumawsaw sa desisyon ni Joyce, tara na aalis na tayo.” Tumitig ako kay Zane.
“ Oh bakit ganyan ka makatingin?” attitude rin itong babaeng ito tss.
“ Saan naman ang punta niyong dalawa?” ipinahawak ko ang sling bag ko kay Jonathan, my new fling.
“ Ipakikilala ko si Abby sa mga kaibigan ni Hanjo, nagpapareto sa akin ang babaita.” Hanjo? She means?
“ Yung naka one-night stand mo?” prangka kong sabi.
Her eyes grew big, “ haish, yang bunganga mo walang preno. Bakit kailangan mo pang sabihin iyon?”
“ Duh, walakang binanggit na pangalan sa akin nung nagkwento ka. It’s your fault dahil hindi mo sinabi ang full information.” Pagsusungit ko.
“ We gotta go babe, our time is running out. Baka magsara yung restaurant na ni-reserve ko para sa date natin.” Awe, how sweet of my new man.
“ Narinig niyo naman siguro iyon girls? Paano, mauna na kami sa inyo, enjoy your retuhan chingus. Bye.” I clinged my hands to Jonathan and made our way to the school’s exit.
But before that, tinignan ko mula ulo hanggang paa si Thylene palabas at binigyan ng mapang-asar na ngiti.
Andrew’s POV
Pinagmasdan ko sa malayo si Joyce kasama ang isang lalaki.
Masakit pero kahit ganoon, mahal ko siya.
Walang magbabago roon.
I chatted Joyce to ask her where she is now. Even though I knew where she is, I still want her to be honest with me.
Joyce: May gala kami nila Zane.
Joyce: Huwag ka mang-istorbo.
That’s it. I’m done.
Pero hindi ibig sabihin noon ay sumusuko ako sa kaniya.
I’m still hoping for the chance na sana, ako rin mabigyan niya.
Nakokonsensiya ako sa sinabi ko kay Thylene, she doesn’t deserve it, but I chose to follow Joyce’s words for the sake of our relationship.
“ Layuan mo siya puwede ba? Gumaganti ka ba sa akin dahil nakikita mo akong may mga kasamang lalaki? Teka nga, sino ka nga ba in the first place? Hah, right. Isa ka lang sa manliligaw ko. Wala kang Karapatan pigilan ako kung sino man ang gusto kong i-date at kausapin.” That hurts, a lot.
“ Sige, gagawin ko ang gusto mo. Aminin mo nga, nagseselos ka ba sa kaniya?” I directly said those words to her eyes.
“ Hindi! Asa ka, what I mean is alam ng buong faculty ang tungkol sa atin. Kapag nakarating sa kanila na may lumalandi sa iyo, paano naman ang image ko?” nakuha ko ang punto niya. Isang school model si Joyce at ako ang ginagamit niya para gumanda ang image niya.
“ Hanggang pagpapaganda na lang ba imahe ang tingin mo sa akin?” pagod at mahina kong tugon/
“ Yes.” She raised her forehead.
“ Kailan mo ba ako mamahalin?” I begged her.
“ Maghintay ka.” She rushed away.
I’m tired of all this sh*ts.
Let me do a favor to myself from now on.
Ibinigay ko sa pulubi ang binili kong pagkain para sana kay Joyce. Mas masarap naman ang kakainin niya kasama ang lalaki niya.
“ Uy Andrew, himala at nandito ka pa sa school. Nasaan si Joyce?” great timing Harold.
Dianne’s POV
“ Pangga, uhm, gusto mo ba magbakasyon tayo sa bahay niyo?” nasa grocery kami ngayon, tamang shopping lang.
“ Great idea Langga, hindi ko na nakikita si Thylene. Ihahanda ko na ang mga gamit natin sa weekend. ” Ang saya-saya, makakagulo na naman ako sa buhay ng batang iyon.
“ Thank you Pangga, kahit hindi pa maumbok masiyado si baby kailangan na rin niya makilala ang ate niya.” Hinaplos ko ang tiyan ko.
Tumango naman sa akin si Samuel, pagkalingon ko sa dairy section nakita ko si Benitez.
F*ck, anong ginagawa niya rito?
Hindi niya puwedeng malapitan si Samuel.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    e******6@gmail.com

    not only your typical highschool boy/girl lovestory. it exceeds my expectations. I love the plot, characters and medium used in the story.

    08/08/2022

      2
  • avatar
    NAHPHINTAS

    I highly recommended this story. Pak na pak si Seat mate😀❤️❤️ Keep it up Author. pinaalala mo sa akin ang seatmate ko eh.

    13/05/2022

      0
  • avatar
    Jane Ryzen Santiago

    😍😍

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata