Eloisa Pov Hindi pa nakakatalikod si Henry ng bigla syang sapakin ni Kiko . Lahat ng books na inayos mamin nagulo na naman dahil sa kanilang dalawa na nagsasapakan na ngayon Napaikot nalang ng mata si Kai at tinuloy ang pagpupunas nya ng mga book's , samatalang si Victoria naman mukang gustong sumali sa gulo at ako naman pagod na silang awatin kaya tinitigan ko nalang sila Seryoso ano bang problema ng dalawang toh? Parang mga bata , away dito away doon . Hindi ba sila marunong kumilos ng tama? puro sila away at parang mga bata na mga pasaway Samantalang si Victoria naman imbes na awatin sila ayon , gusto pang makisali sa gulo . Si Kai at ako lang yata ang matino dito " Tumigil nanga kayo!". Sinigawan ko silang dalawa at napatigil naman sila sa pagsasapakan " Sya ang nagsimula!".Sambit nilang pareho habang nakaturo sa isat isa ar magulo ang mga damit Tinitigan ko silang masama at mukang gets naman nila na kapag hindi sila tumigil sa pag aaway nila ako na ang sasapak sakanila Sinimulan nilang mag linis ganon naren ako masyado akong napagod sa mga nangyare ngayong araw at sobrang sakit naren ng katawan ko kakalinis sa liblary . " Eloisa , sandale!". Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Kiko na tumakbo papunta sakin at inakbayan ako kaya inalis ko naman ang kamay nya ngunit sadyang matigas ang ulo nya at inakbayan nya pa ulit ako " Eloisa!". Dali daling tumakbo papunta samin si Henry habang hawak hawak ang batok nya at mukang nahihiya sa harap ko " Hoy , anong problema mo?" . Inis na saad ni Kikoat tinulak si Henry . Hindi naman nag patalo si Henry at tinulak ren sya Great natrap na naman ako sa dalawang baliw natoh . Bakit ba napakamalas ko ngayong araw? Maliban sa merong akong kaibigan na ang pangalan na Kiko na sakit sa ulo , meron naman akonh kilalang Henry na wirdo Magsama sila pwede silang maging couple paano parateng nag aaway iisipin konga bakla silang pareho sa kinikilos nila eh Tumalikod ako sakanila at nagsimulang maglakad rinig ko naman ang mga sapatos nila na sinusundan ako " Pwede ba wag nyo akong sundan?". Inis ko silang tinignan ng masama pareho " Asan ba bahay nyo? ihahatid na kita". Sambit ni Henry habang nakahawak sa bag nya . Bigla naman akong napapikit sa inis Hindi ko naman kailangan ng pinagsasabi nya gusto kolang ang magkaroon ng payapang buhay , ayon lang naman ang hinihingi ko " Hindi na". Tumalikod ako sa kanilang dalawa at nagsimulang maglakad " Eloisa , sabay tayo". Sambit ni Kiko na humabol sakin sa paglalakad ko ganun ren naman si Henry Hindi ko nalang silang pinansin dalawa dahil alam kong pag pinansin kopa sila , mag aaway na naman sila and worse pag nakita na naman toh ng guard paniguradong irereport na naman kami sa Principal Nakita ko naman sa kalayuan si Manong na nagbebenta ng kwek kwek kaya kumaway ako kay Manong at ngumiting lumapit sakanya Nagustuhan ko talaga iyong kwekwek nya kahapon . Bago sa panlasa ko pero ayos naman parang gusto kopangang bilhin lahat ng kwekwek nya " Manong , lima ngapong kwekwek". Nakangiti kong sambit kay Manong at sumaludo naman sya sakin at nag luto " Ako ren Manong". Hindi ko alam na sumunod pala si Henry at Kiko sakin " Hindi ko alam paborito mo pala ang kwekwek". Sambit ni Henry habang nakangiti sakin . Imbis na mangiti ren sa sinabi nya , nainis pa ako . Bat ba nila ako sinusundan na dalawa " Hoy Henry, ako lang ang may karapatan na sabihan ng ganyan si Eloisa". Sambit ni Kiko at sinamaan ng tingin si Henry . Hindi naman pinansin ni Henry si Kiko at nakangiti paren na tumingin sakin Napatigil sila sa pag aaway ng may guard na lumapit samin . Bigla ko naman silang sinaging dalawa , patay paano na siguro dahil na naman toh kay Kiko at Henry . Sabi na nga ba dapat iniwan konalang silang dalawang magrambulan sa daan eh " Manong , alam nyo po bang masamang magtinda dito ?". Imbes na kami ang pagalitan nya tumingin sya kay Manong . Bigla naman naguluhan si Manong sa sinabi nya ganun naren kami " Bakit naman ser?".Takang sambit ni Manong sa Guard habang punas punas ang kanyang muka " Eh Manong , private school po ito at pinagbabawal dito ang pagbebenta ng mga ganyang pagkain . Sa susunod na makita kita dito Manong ipapapulis na kita". Sabi ng Guard at hindi naman ako nakapagsalita Alam kong private school toh pero mali paren ang ginagawa nila . Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis dahil alam ko na wala naman nmasamang ginagawa si Manong at isa pa kailan naman nagpalabas ng ganyang rule? " Anong pangalan mo?" . Nakataas na kilay ko sa Guard at gulat naman syang tumingin sakanya at ganun naman si Henry at Kiko . Hindi ko naman sila pinansin at matalim lang na tinignan ang guard na mukhang natakot sa tingin ko Alam nila na ang papa ko ay si Grayson Caddez at kayang kaya silang i fire kapag hindi nila ako ainunod . I know , ginagamit ko ang kapangyarihan ng Daddy ko pero anong magagwa ko? Mali talaga ang ginagawa nila at hindi ko kayang manood nalang " Rome po maam". Nanginginig netong sambit at yumuko pa Ayaw ko talagang gawen toh pero hindi konaman sya ififire , ayaw kolang talagang pinagbabantaan nya si Manong " Ah Kuya Rome , alam nyo pobang mali ang ginagawa nyo? wala po akong pake kung utos pi ng nakakataas sainyo ang sinasabi nyo pero wala naman pong ginagawang masama si Manong at kapag nakita kopa po ulit kayo na pinagbabantaan si Manong mafifire po kayo sa trabaho ". Sambit ko . Alam kong may pa ka bitch ang pagkasabi ko pero anong magagawa ko? mali ren ang ginawa nya " Im sorry maam , hindi napo mauulit". Nakayuko netong sambit at dali daling umalis " Ang galing mo Eloisa". Niyakap ako ni Kiko at doon naman ako napatigil sa ginawa nya . Napatigil ren sya sa pag yakap sakin nung marealize nya na prang naging Oa nasya. Biglang kumalaboy ng matindi ang puso ko at hindi ko alam kong bakit . Matagal kong kaibigan si Kiko pero bakit parang sa yakap lang kumakabog ng ganito ang puso ko? Imposible naman siguro na may gusto ako sakanya hindi ba?alam ko kaseng kaibigan lang ang turing nya sakin t wala ng iba kaya hindi na dapat ako mag expect pero alam kong makapal ang mukha k pero hindi koren naman pwedeng sisihin ang sarili ko " Tapos naba kayo?". Napatingin kami kay Henry sa sinabi nya . Nakataas ang kilay nya habang nakatingin samin kaya umiwas naman ako ng tingin " Epal ka eh noh?". Sambit naman ni Grayson habang inis na tinignan si Henry " Salamat sainyo Eloisa at Kiko". Sambit ni Manong samin ni Kiko ngumiti naman ako kay Manong . Masaya akong natulungan kosya at nakakataba ng puso dahil msobrang bait nya sakin " wala pong ano man". nakangiti kong sambit kay Kuya "Eloisa at Kiko!". Napatibgin kami sa dalawang lalake na humahabol samin si Kuya at Edie at juta Alfred . Sabay sabay kaming nagkatinginan tatlo at nagtawanan " habulin nyo kami". Nang aasar na sambiy ni Kiko at hinawakan ang kamay ko nagtawanan kakming tatlo habang nagtakbuhan iyon na yata ang alaalang hindi ko makakalimutan
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
🤍🤍
18/07/2024
0nice stories
09/06/2024
0maganda
07/05/2024
0Tingnan Lahat