logo text

Chapter 24 : Special chapter

" Sinusundan nyo ba ako?". Lumapit samib si Henry at isa isa kaming pinagtitignan ng masama
" Obvious ba?" . Mahinang bulong ni Victoria kaya sinagi kosya ng mahina
Tinignan ko ng masama si Kiko at tinayo sya paano na ngayon , mukhang galit talaga si Henry samin dahil sa ginawa naming pagsunod sakanya
" Nako hindi noh , napadaan lang kami". Kumamot pako sa balikat ko at patay malisyang tumingin kay Henry . Napataas naman ang kilay nya at mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko
" Ha! ang isang mayaman na katulad nyo mapapadaan sa eskinitang toh? wag nyo nga ako lokohin ang sabihin nyo sinusundan nyo lang ako". Maangas syang lumapit sakin at ako naman walang nagawa kung hindi ang umatras
" Huminto ka kung hindi isusumbong kita sa papa ko !". Sigaw ko sakanya noong hindi paren sya tumitigil kakalakad papalapit sakin hanggang wala na akong maatrasan
" Paano kung ayoko? spoiled brat ka eh noh?". Nagkalapit ang mga mukha namin at muka kaming maghahalikan sa sitwasyon namin ngayon
Hindi ako makasalita sa ginawa nya . Naramdaman ko nalang na humiwalay sya sakin at bumulagta at nakita ko si Kiko na sinapak pala si Henry
" Pre , patusin monang lahat wag lang si Eloisa". Malamig na sambit ni Kiko at hinila ang kamay ko
" Hoy!".Napatingin kami sa mga guard na pumipito at papalapit samin .
" Takbo!". Sigaw ni Kiko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at sabay kaming tumawa habang tumatakbo
" S*hit". Napatingin ako kay Victoria na nasa likuran ko . Napatigil kami sa pagtakbo ng naglalakad lang si Kai na parang walang nangyari kaya hinawakan ni Victoria ang kamay nya at sabay silang napatakbo
Napatigil kami sa pagtakbo noong hindi na namin nakikita ang mga guard na humabol samin . Napa upo nalang ako sa kalsada sa sobrang pagod kakatakbo , ganun ren ang ginawa ni Victoria at Kiko
Ng magkatinginan kaming apat sabay sabay kaming natawa. First time lang may humabol na guard samin kaya pakiramdam namin nabuhay ang mga dugo namin
" Henry". Napalingon kaming tatlo ng marinig namin magsalita si Kai habang hingal na hingal naren at umupo naren katulad namin sa kalsada
" Anong meron kay Henry?". Sambit ni Victoria habang pinapaypayan ang loob ng palda nya
" May sekreto sya na dapat nating malaman". Tinignan nya kami isa isa . Bigla naman akong kinilabutan noong binanggit nya si Henry , masyadong kakaiba kase ang ugali ni Henry
Kahit pa nakakakita ren ako ng mga multo minsan oh di kaya naman aswang , hindi konaman sila kinakausap at never nila akong kinausap . Napaka weird lang ng inaasta ni Henry tama si Kai , kailangan talaga naming malaman ang pagkatao ni Henry
" Pero seryoso ang astig mo don Kiko ah". Nag apir pa sila ni Kiko . Abnoy talaga tong dalawang toh , parateng magkasundo sa kalokohan
" Tsk ang kulet kase eh". Mahinang bulong ni Kiko habang umiwas pa ng tingin
" Salamat". Mahina kong bulong at nagulat naman ako ng bigla nya akong inakbayan at ngumisi sakin
"Ikaw paba alam mo naman na malakas ka sakin eh". Nakangisi pa nyang sambit habang nakataas baba kaya hinampas ko sakanya ang bag ko . Minsan may pagkamalandi ren toh si Kiko
Ng makauwe kami sa kanya kanya naming bahay nagulat ako ng makita ko sa sala si Mom at Dad at mukhang hinihintay ako .
Napayuko naman ako at dali daling pumasok dahil alam kong sesermonan na naman nila ako
Tataas na sana ako sa hagdan ng marinig ko ang boses ni Dad kaya napapikit nalang ako sa inis
" Eloisa, come here". Sambit ni Dad kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta sa sala habang nakayuko
" Dad?". Tanong ko sakanya habang nakayuko at nakapikit . Paniguradong mahaba habang sermon na naman ang maabot ko kay Dad sa ginawa ko kanina
" Ano na naman iyong narinig ko? tinakasan mo daw si Manong Eddie?". Tanong nya sa mahinahon na boses
" Im sorry Dad". Iyon nalang ang tangi kong nasabi dahil sa sobrang hiya kay Daddy . Alam ko kase na ako lang ang nag iisang anak kaya alam ko na nag eexpect sya sakin ng malaki
" Oww well ganun ren ang ginagawa ko noong kabataan ko" . Natatawang ani ni Dad kaya gulat akong tumingin sakanya
Sinagi naman sya ni Mommy habang masama ang tingin sakanya kaya napatikhim si Dad habang umayos ng upo
" Anak , mali ang ginawa mo pwede ka naman magpaalam kay Manong Eddie bago umalis para hindi na kami mag alala ng ganto ng Daddy mo". Sambit naman ni Mommy habang hinawakan ang kamay ko
Dahan dahan naman akong tumango sakanya at pumunta sa kwarto ko at bumulagta habang hawak hawak ang puso ko
" Bat ko ba kase naisip na sundan si Henry?".inis na sambit ko habang tinuktukan ang ulo ko sa sobrang tanga ng naisip ko
Bigla naman nag ring ang phone ko at pagkatingin ko dito nakita ko si Kiko na tumatawag kaya umupo ako ng maayos at sinagot ang tawag nya
" Pinagalitan kaba ni Tito?". Sambit nya sa kabilang linya habang ang boses nya ay nag aalala
" Hindi pero si Mommy oo" . Alam kong hindi naman talaga galit sakin si Mommy , nag aalala lang sya na baka may mangyari sakin
" Good". Napahinga pa sya ng malalim at mukhang kinabahan talaga sya base sa boses nya
" Ikaw ba?". Mahina kong bulong
" You know naman na parate silang wala sa bahay kaya hindi nila ako mapapagalitan". Sambit nya pa habang tumatawa sa kabilang linya
bigla naman akong nalungkot sa sinabi ni Kiko . Ang mommy nya kase at Daddy ay nasa ibang bansa at nag aasikaso ng kumpanya nila kaya madalas ang yaya nyalang ang kasama nya parate .
ang totoo naiisip konga mas maswerte ako kay Kiko minsan lang kase umalis si Dad at Mommy at kung umalis sila walang okasyon non at parate nilang hindi nakakalimutan ang birthday ko .
" pasensya na" .Mahina kong bulong kay Kiko . Dapat talaga hindi ko sinabi iyon
" okay lang , matulog kana ". tumatawa nyang sambit kaya binaba kona ang tawag at natulog ng mahimbing

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    DiYana Dela Torre

    🤍🤍

    18/07/2024

      0
  • avatar
    Jeff Syrus Casinto

    nice stories

    09/06/2024

      0
  • avatar
    ClementeMarkgian

    maganda

    07/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata