logo text

Chapter 22: Special Chapter

Panibagong yugto
Eloisa
Nasa liblary ako ngayon habang nagbabasa . Tinignan ko ang paligid at puro mga mag jowa ang naghaharutan sa liblary
Seriously? Sa liblary pa talaga sila naghaharutan eh pag nakita sila ni Maam Lucinda paniguradong papalisin sila .
Habang nagbabasa ako may biglang tumakip ng mata ko .
" Kiko ano ba?!". sigaw kosanya at mabilis na timanggal ang hawak nya . Tinitigan kosya ng masama dahil istubro sya , kitang nagbabasa ako biglang tatakpan ang mata ko
Si kiko ang kaibigan kong lalake na parateng panira sa buhay ko . Umulan , umaraw parate nyang sinisira ang mood ko .
" Ang aga aga nagsusungit ka ". Umupo sya sa isang silya at tinitigan ako . Inis ko naman sinipa iyong silya nayon na nagdulot ng ingay sa paligid
" Bakit ba parate mo nalang akong pinagtritripan ha?, mangtrip ka nalang ng iba ". Mahina kong bulomg sakanya , baka kase marinig kami ni Maam Lucinda
Hindi nya pinakinggan ang sinasabi ko at kinuha ang book na binabasa ko . Aagawin konasana sakanya ngumit iniwas lang nya ito
" Mmm nandito ang mga mythology and mga diwata , bat moba toh binabasa ah? Eh hindi naman totoo ang mga iyon ". Ibinalik nya sa desk iyong libro at pinatong ang paa nya sa lamesa habang may nguya nguyang lollipop
" Totoo ang mga iyon, sinabi sakin ni Daddy na nag eexist talaga sila kaya pwede ba?wag mokong bwisitin ngayon". Lumayo ako ng upuan sakanya at pinagpatuloy ang pinagbabasa ko
" Ha? Hindi sila totoo Eloisa , ganyan naman ang mga magulang kapag bata kapa sasabihan ka nila ng mga hindi totoong kwento ngunit ang totoo iba iyon sa realidad". Nilapit nya pa ang mukha nya sakin kaya inis ko itong inalis
" Ha , ano bang alam mo eh parehas lang naman tayong highschool palang at sinasabi mo bang sinungaling ang daddy ko?". Nakakainis ang aga aga sinisira nya ang mood ko , kung hindi kolang sya kaibigan at kung wala lang kami sa liblary kanina kopa pinagtatadyakan ang nakakainis nyang muka
" Alam kong highschool palang ako pero atleast ako hindi nag papaniwala sa mga ganyan ". Pagmamalaki nyang sambit habang nakathums up
" Oh eh anong pinapalabas mo? Na uto uto ako na hindi talaga sila nag eexist?".
" Aba nagagalit kaba? , ang aken lang naman dapat mamulat kana sa realidad . Walang mga cupid , cupid nayan at wala talagang mga diwata or other na mundo . Lahat ng yan nasa books lang , kaya ang tataas ng strandard nyong mga babae kase puro kayo basa ng mga ganyan . Kapag pangit todo lait , kapag gwapo todo puri?". Mahaba nyang sambit . Ano naman kayang kinalaman ng sinasabi nyang strandard sa mythology at mga diwata paren naren ang mahiwagang mundo? . Well minsan kase wala syang kwentang kausap , hindi pala minsan parate pala
" Ano naman connect ng standard dyan sa libro? Kiko alam mo wala kang kwentang kausap parate".
" Anak ng? Hoy may connect yon . Kase kapag nagbabasa kayo ng mga ganyan means tumataas ang standard nyong mga babae , na dadating iyong prince charming nyo sakay ng kabayo? Oh di kaya naman may lalakeng mayaman , gwapo ang magkakagusto sainyo
Malayo iyon sa Reality . Dont high your standard too much or else you will be dying single and virgin". Sambit nyapa habang nakangisi at kumindat sakin kaya hinampas kosya ng books ko
Pinaghahampas kolang sya ng book ko dahil sa pinagsasabi nya . Pati sa liblary ang ingay ingay nya at hindi ko tinataasan ang standard ko . Im just really curios about sa mahiwagang mundo or mythology , mananggal , Diwata or even Babaylan
" Pati ba naman sa liblary nag aaway kayo?". Napatingin ako sa babaeng kakadating lang
Si Victoria ba naka ngiwi habang nakatingin samin ni Kiko
Si Victoria ang anak ni Tito Leo at Tita Miana magandang babae si Victoria , masyado ngalang mainitin ang ulo nya at bigla nalang sumasapak ng kung sino sino
"Wala na naman bago " . Doon naman nagpakita si Kai ang lalakeng hindi mo makikitang ngumiti at palaging seryoso sa buhay nya
Syang anak ni Tito Val at Tita Grace . Sya lang ang lalakeng anak nila at tagapag mana ng company nila , minsan papalit palit sya ng mood iyong bipolar pa . Minsan akala naman galit sya pero ganon lang pala talaga ang emosyon nya
At ako naman , isa akong tagapagmana ng malaking Company . Tatay ko si Grayson Caddez at nanay ko si Odessa Caddez , ako lang ang nag iisang anak kaya medyo may pagka spoiled brat ako well i admit it since yon naman talaga ako
" Nagsasabi lang naman ako ng totoo pero bigla nya akong hinampas ng libro". Turo sakin ni Kiko habang larang nagsusumbong kay Victoria at Kai na walang emosyon lang tumingin sakanya
" Ano ba kaseng pinagtatalunan nyong dalawa?". Curios na sambit ni Victoria kaya pinakita ko naman sakanya iyong librong binabasa ko
" Parang dito lang nagtatalo na kayo?" . Hindi sya makapaniwalang tumingin saming dalawa ni Kiko kaya napangiwi naman ako
" Hindi daw totoo ang mga fairies". Nilingon ko si Kiko na nakamgisi sakin kaya binato ko sakanya iyong libro na ibinigay ko kay Victoria
" Mmmm sa tingin ko totoo sila". Sambit ni Victoria habang pinalapit ang upuan namin at muka kami ngayon magpupulong " Kagabi tulog ako noon at bigla akong naalipungatan , so bumaba ako para kumuha ng tubig sa kusina then nakita kong bukas yung pinto nila Mommy so bigla akong nacurios at tinignan kung anong nandon and then nakita ko si Mommy na may inuusal na hindi ko maintindihan . And then nakita ako ni Mommy at pagkagising ko nasa kwarto nako at ni hindi kolang alam kung totoo ba iyong nakita ko".
Ang totoo nangyare naren sakin iyon sinasabi ni Victoria . Nahuli koren sila Mommy noon na nag uusal ng mga hindi ko alam ng word i got curios of course but then katulad ng kay Victoria nagising nalang ako , nasa kwarto na ako
" Ganun ren ang nangyare sakin , they say curiosty will get you killed but i dont really know kung bakit ko sila sinundan at pagkagising ko nalang nasa kwarto na ako ". Sambit naman ni Kai habang nakatingin sa malayo at tila ba hindi makahanap ng sagot sa tanong nya
Bigla naman kami nagkatinginan apat at parehong hindi makausal ng salita
Pareparehas kaming tatlo ng naging kranasan maluliban kay Kiko at hindi ko maiwasang mag isip , may tinatago kayang lihim ang mga magulang namin?

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    DiYana Dela Torre

    🤍🤍

    18/07/2024

      0
  • avatar
    Jeff Syrus Casinto

    nice stories

    09/06/2024

      0
  • avatar
    ClementeMarkgian

    maganda

    07/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata