Wala pang segundo ay nagkagulo na ang paligid ang mga guwardya ay nakipaglaban sa mga bihag habang ang Hari naman ay Reyna ay hindi paren makapaniwala sa mga nangyayari Habang si Odessa naman ay tumakbo kay Grayson at niyakap ito ng mahigpit Sila Val at Leo naman ay nakikipagsapakan na sa mga guwardya , wala naman itong laban sakanila dahil magaling ang dalawa sa pakikipag rambulan " Babaylan Diwa umalis napo tayo dito". Hinawakan ni Odessa ang kamay ni Babaylan Diwa at tinanggal naman ni Babaylan Diwa ang nakahawak na kamay ni Odessa " Tahanan ko ang lugar nato Odessa . Ang mga nandito ay parte na ng aking buhay , kayo nalang ang umalis bago pa kayo maabutan ni Lucifer" .Nag aalang sambit ni Babaylan Diwa kaya walang nagawa sila kundi tumakbo nalang at pumuntang kakahuyan "Saan kayo pupunta?". Sambit ng tatay ni Grayson n nagpatigil sakanila sa pagtakbo " Dad ? , Bakit mo ako niloko?". Lumuluhang sambit ni Grayson . Hindi nya matanggap na ang tinuturing nyang ama ay nagawa syang lokohin " Hindi kita anak! , at kailan man hindi kita magiging anak !". Ngumisi ito sakanya at humalakhak Natahimik ang paligid sa sinabi ng kanyang ama Pati si Val at Leo napatahimik ren . Hindi nila akalain na ang tatay ni Grayson na tahimik at strikto ay ganito ang inaakto sakanila " Ano pang hinihintay nyo? Sugudin nyo na sila mga t*nga!". Isa isang nagsugudan ang mga kalaban kila Grayson Nakipag sapakan naman si Leo at Val sakanila napatumba naman nila ito ng walang hirap ngunit meron pang kalaban na paparating " Odessa , Grayson kami na bahala dito , tumakbo na kayo " . Sambit ni Val habang hinihingal at inaantay na sumugod ang kalaban " Ano?! , Hindi ko kayo iiwan dito". Sigaw ni Grayson ngunit ngumiti lang si Val sakanya " Hindi kami mamamatay ni Leo ,Kayo ang pakay nila kaya kailangan nyo ng umalis dito . Wag kayong mag alala alam ni Miana ang daan pabalik sa mundo natin".Ani ni Val habang si Grayson naman ay hindi makasalita at napatingin nalang sa kanyang kaibigan " P*kyu ka pre , umalis kana dito kayang kaya namin to ni Val ". Sambit ni Leo at tinulak si Grayson . Kumurba naman ang maliit na ngiti sa mukha ni Grayson at hinatak si Odessa paalis Tumakbo sila Odessa ng tumakbo at walang lingunan sa kanilang likod hanggang napatigil sila sa isang tunog ng baril " Hindi kayo makakaalis dito ng buhay!". Sigaw ni Lucifer, ang tatay ni Grayson Nagtago naman sila Odessa at Grayson sa isng damuhan habang ang kanilang puso ay hindi mapalagay sapangkat kapag nahanap sila ni Lucifer ay papatayin sila neto " Asan na kayo~". Kumakanta netong sambit habang tinitignan ang bawat madaanan nyang puno at posibleng mataguan Hindi naman makasalita si Grayson at Odessa pinakiramdaman nila ang paligid ngunit hindi na nil pa narinig ang boses ni Lucifer " Nandyan lang pala kayo nagtatago" . Lumabas ang nakakatakot na mukha ni Lucifer at tinutuk ang baril kay Grayson Napataas naman ang kamay ni Grayson sa ginawa ni Lucifer at hindi makausal ng salita tila ba ayaw gulaw ng katawan nya " Labas". Dahan dahan lumabas si Grayson sa pinagtataguaan nya ganun ren si Odessa . Pareho silang nakataas ang kamay . " Kahit kailan ba hindi mo ako tinuring na anak mo?" . Walang emosyon syang tumingin kay Lucifer. Bagamat alam nyang kalaban si Lucifer totoong tinuring nya itong ama kahit pa hindi sya neto totoong anak . " Bakit mo pa ako tinatanong? Oo , hindi kita tinuturing na anak ko at kailan man hindi kita mamahalin na parang isa kong anak at kung totoong ama nga kita hindi kita tututukan ng baril ngayon" . " Bakit mo toh ginagawa?". Walang habas na naglakad si Grayson papunta kay Lucifer " Para mapasakin ang trono". Simpleng saad neto at binaril ang lupa para matigil si Grayson sa paglalakad " Alam ba toh ni Mommy?". " Hindi , dapat nga magpasalamat ka panga sakanya dahil sya ang may sabi sakin na wag kang patayin dahil itinuturing ka nyang anak ". wala pang segundo ay naagaw ni Grayson ang baril sakanyang ama . Nagulat si Odessa sa bilis ng galaw ni Grayson nag agawan sila sa baril at dahil aa sobrang bilis ng galaw ni Grayson nakuha neto ang baril sakanyang ama at tinutukan ito ng baril hindi naman makasalita si Lucifer at tinaas nalang ang kanyang dalawang kamay sa sobrang takot na iputok ni Grayson ang baril nya sa kanyang ama " Nandon si Lucifer , sugod!" . Napatingin si Odessa sa mga taong kanilang iniligtas sa selda itinaas neto ang kanolang mga armas at pinalibutan asi Lucifer samantalang nakahabol nasila Val at Miana pati naren si Leo na may sugat sa labi " Babaylan Diwa , aalis napo kami maraming salamat pi sa lahat". Umiiyak na sambit ni Odessa at ngumiti naman sakanya si Babaylan Diwa at sumenyas na umalis na sila dahil sya na ang bahala sa lahat sabay sabay silang pumasok sa portal at umalis na pagkalabas nila sa portal at pagkapunta sa party ay nandon na ang mga pulis at inenterview sila hindi naman nagsalita ang kanyang ina at himingin ng pasensya sa lahat ng nagawa ni Lucifer, pinatawad nya naman ito at naging buo sila uli 9 years later.... " mama pwede nyo ba samin sabihin kung paano kayo nag kakilala ni Papa?". Sambit ni Loisa , ngumiti ito ng malapad at nakita ang bungi bungi netong ngipin " mmm nagkakilala kami sa daan baby". Sambit ng isang lalakeng nasa 26 years old na habang nakahawak sa balikat ng kanyang asawa na si Odessa " paano pong sa daan , Papa?". Bigla ay nacurios ang maliit na batang si Loisa kung paanong nagkakilala ang kanyang ama at Ina " Mmm mahabang story baby , look kailangan monang matulog oh". tumatawang sambit ni Grayson habang kinumutan ang paslit na batang si Loisa " mmm isa nalang tanong Papa". sambit ng bata at umupo sa kami " okay , pero matutulog kana pagkatapos ah?". tumango ang paslit " totoo poba ang mga diwata daddy at ang mahiwagang mundo?". nagkatinginan naman sila Odessa at tumawa ng mahina " Oo baby , minsan pumupunta sila dito para sa isang misyon ". nakangiting sambit ni Grayson " Now go to sleep" pinahiga neto ang bata at marahan na hinimas ang buhok neto
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
🤍🤍
18/07/2024
0nice stories
09/06/2024
0maganda
07/05/2024
0Tingnan Lahat