Third person point of view Hindi parin makapaniwala si Val at Leo ng makarating sila sa mundo ng elementary ang mundo ng mga diwata , babaylan at engkanto at ang mga bathala sa taas Ang akala nila ay nasa libro lang ang mga iyon nakikta ngunit ng makita nila ito ay naniniwala na sila ang nasa libro ay pwede ren magkatotoo " Ang magandang gawin ngayon ay ang puntahan si Babaylan Diwa". Ani ni Miana habang naglalakad Panay tingin si Leo sa paligid habang si Val naman ay sinusundan si Miana . Napatigil sila sa paglalakad ng biglang may tumatakbong dalaga papalapit sakanila " Tabi!". Sigaw neto sa kanila at hindi inaasahan na natabing neto ang dibdib ni Val at sabay silang napahiga sa lapag Para bang tumigil ang paligid at nakatingin lamang sila sa isat isa . Tumayo ang dalaga at marahas na sinampal si Val . Walang nagsalira pagkatapos iyon gawin ng dalaga mga huni nalang ng ibon ang kanilang naririnig sa paligid Bro are you hurt?". Lumapit si Leo kay Val at tinitigan ito sa mukha habang nagpipigil ng tawa Sinabi naman sya ni Miana kaya napatahimik sya at umiwas ng tingin ng makita nyang masamang nakatingin si Leo sakanya " Ano bang problema mo miss?!". Napahawak si Val sa kanyang mukha na pulang pula na ngayon sa lakas ng sampal ng dalaga Hindi naman nakasalita ang dalaga sa sinabi nya May mga guwardya naman ang tumatakbo tungo sa direksyon nila kaya napilitan silang tumakbo at tumago " Sino ang mga yon?" . Hinihingal na sambit ni Leo habang nakatago sa damuhan Pati ang dalaga ay tumago narin upang hindi sya mahanap ng taga bantay , lumingon sya sa paligid at tinignan kung nandoon paba ang mga guwardya . Ng makita nyang wala na ang mga ito lumabas na sya sa kaniyang pinagtataguan ganon ren si Miana , Leo at Val Aalis na sana sila ng biglang higitin ng dalaga ang kamay ni Val " Kailangan nyo akong tulungan !". Dahan dahan na tinanggal ni Val ang kamay ng dalaga at tinitigan ito ng masama " Pagkatapos mo akong sampalin , magtatanong ka kung pwede kaba namin tulungan?". Inayos ni Vak ang kanyang salamin at naniningkit ang matang tumingin sa dalaga Hindi naman makasalita ang dalaga at napayuko nalang sa hiya . " Pasensya na munit kailangan nyo talaga akong tulungan ". Seryosong tinitigan ng dalaga silang lahat at napatigil ang tingin neto kay Miana . " Ikaw si Miana hindi ba?". Lumapit ito kay Miana at nagtataka naman napatingin sakanya si Miana " Paano mo nalaman ang pangalan ko?". Tanong ni Miana " Hindi na mahalaga iyon , alam ko kung nasaan si Babaylan Diwa ". Sambit ng dalaga na nagpatigil kay Marikit " Isasama natin sya". Nagsimulang maglakad si Marikit kaya sinundan nila sya Magrereklamo na sana si Val ngunit alam nyang mas kailangan nilang pag tuunan ng pansin ang paghahanap kay Grayson at Odessa kaya wala syang nagawa at sumunod nalang sa kanila Ilang oras na silang naglalakad habang nangunguna naman ang dalaga sa paglalakad at sinusundan nila sya . Ng mapatigil ito ay napatigil ren sila Meron maliit na kubo at meron isang babae na nasa labas habang naghahalo sa palayok Pumunta sila dito at pumasok sa maliit na bahay " Babaylan Diwa?". Pagtawag ni Miana kay Babaylan diwa na maingat na nag hahalo ngunit nabitawan neto ang panghalo at takang lumingon kay Miana Lumaki ang mata ng matanda at patakbo naman yumakap si Miana kay Babaylan Diwa na gumanti ren ng yakap sakanya "Anong ginagawa nyo dito? ". Pinapasok sila ni Babaylan Diwa sa maliit na kubo naguguluhan man kung paanong nakapunta sila dito kasama narin sila Val at Leo pero alam nyang si Miana ang dahilan kung bakit nakapasok sila Val at Leo sa mundo nila " Nandito kami para iligtas si Odessa at Grayson babaylan Diwa". Ani Ni Miana at taka naman tumingin sakanya si Babaylan Diwa . Malakas ang kutob nya na nasa panganib ang kanyang kaibigan at kailangan nya itong maligtas bago mahuli ang lahat " Nasa kulungan si Odessa , ang kailangan natin gawin ngayon ay ang palayain sya . Ngunit bakit nyo kasama ang prinsesa?". Lumingon naman sa gawin ni Babaylan Diwa ang prinsesa at ngumiti ng tipid samantalang hindi naman nakapagsalita si Val , Leo at Miana sapagkat naloko sila ng prinsesa " Ano , isa kang prinsesa?!". Gulat na saad nilang tatlo habang himdi makapaniwalang nakatingin ngayon sa prinsesa na nakangisi " Oo at ayaw koren matuloy ang kasal namin ng prinsepe , ayaw kong maikasal sa taong hindi ko gusto at isa pa alam kong may iba ng gusto ang prinsepe ". Hindi naman makasalita si Miana Leo at Val alam nilang posibleng may alam ang prinsesa sa mga nangyayare " Kung ganon kailangan na natin kumilos para hindi matuloy ang kasal nyo ". Sabi ni Babaylan Diwa at tumayo . Sabay sabay naman tumango ang Prinsesa , Leo Val at si Miana Ipinaliwanag ni Babaylan Diwa ang plano . Mamayang gabi ay pasimple silang pupunta ng palasyo at itatakas si Odessa habang mananatili naman doom si Grayson dahil mga guwardya na nagbabantay sa labas ng kwarto neto . Samantala pagsapit ng umaga ang mismong kasal ng prinsesa at prinsepe , papalayain ang mga bihag dahil alam ni Babaylan Diwa na bigtima lang sila sa kasuklaman ng Reyna Sa mismong kasal ay may magkakagulo ngunit dahil din don mabubunyag ang totoong kulay ng Reyna. Katulad nga ng plano pumuslit sila sa palasyo ng gabi at hinanap ang selda ni Odessa . naawa naman sila ng makita ang dalaga na naka upo habang yakap yakap ang kanyang sarili at animo'y malalin ang iniisip . " Odessa". pagtawag ni Miana dito . Dahan dahan naman napatingin si Odessa sakanya at lumuluhang lumapit kay Miana na nasasaktan ng makita ang kaibigan na lumuluha ngayon sa kanyang harapan " itataas ka namin dito ganun ren ang mga bihag".Binuksan ni Miana ang pintuan ng kulungan at tinulungan si Odessa na lumabas habang si Val naman at Leo tinutulungan ang ibang bihag na makawala sa kulungan mabuti nalang at napatulog ni Babaylan Diwa ang mga guwardya sa paligid kaya maayos nilang nagawa ang plano matapis nilang utakas si Odessa at ang mga bihag ay pukunta sila sa Babaylan Diwa at doon nag pulong " bukas ng umaga ay ikakasal ang prinsesa at Prinsepe, doon kayo papasok sa eksena at guguluhin ang kanilang kasal ". Sambit ni Babaylan Diwa at isa isang tinignan ang mga bihag Ang iba ay umiiyak pa at nagpasalamat kay Babaylan Diwa sa nagawa netong pagtakas sakanila . Umayon ren sila sa plano ni Babaylan Diwa at nagpahinga para may lakas sila sa gagawin nila bukas . Kinaumagahan , masayang naghahanda ang mga tao para sa kasal ng prinsesa at prinsesa na may ngiti sa labi at masaya dahil magaganap na ang nakasaad sa propesiya ngunit si Grayson lamang ang hindi masaya . Nakatingin lang sya sa kanilang lahat habang nakasimangot at naghahanap ng paraan upang makaalis sa lugar nayon ngunit alam nya na kahot anong gawen nya wala ring saysay sa sinabi ng Reyna Kaya netong patayin si Odessa at iyon ang alas ng Reyna laban sakanya kaya naman mapipilitan syang pakasalan ang Prinsesa kahit pa ayaw naman nya Matapos ang preperasyon , tumunog ang kampan hudyat na magsisimula na ang kasalan Gamit ang karwahe , dinala sya ng kanyang mga tagabantay sa isang hardin at don nya nakita ang mga bisita na nakatingin sakanya Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay nagpakita na ang babaeng ikakasal suot ang belo habang may hawak na kulay puting rosas Walang nararamdaman si Grayson sa kanyang mapapangasawa , ni hindi sya nagagandahan dito maliban kay Odessa ay wala nasyang gustong iba pa Habang naglalakad ang dalaga binigyan nya ang lahat ng plastik na ngiti na parang masaya sya ngunit hinihintay nya ang pagsugod nila Odessa " Itigil ang kasal!". Napalingon sya kay Odessa sa sigaw neto . Kasama neto ang mga bihag na nakawala na at si Babaylan Diwa na nasa likuran pati naren si Val , Leo at Miana Nagulat ang mga bisita pati naren si Grayson Napangiti naman ang prinsesa dahil sa wakas ay nakarating narin sila
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
🤍🤍
18/07/2024
0nice stories
09/06/2024
0maganda
07/05/2024
0Tingnan Lahat