Kabanata 32

Nasaksihan ni Calvin ang pag-propose ni Kyle kay Mildred.
"Siya ba iyong gusto mo?"
Napalingon si Calvin kay Daphnie nang ito ay magsalita. Hindi niya sinagot ito.
"Sorry," ani Daphnie.
"Bakit ka nag-so-sorry?" takang tanong naman ni Calvin.
"Hindi ka pa nakaka-move-on."
"You think so?" wika ni Calvin.
"By your look... I can see it."
"Tsk... You jealous?" pag-iiba ni Calvin. Alam niya na may gusto sa kanya si Daphnie.
"H-Hindi 'no," mabilis na pagtanggi ni Daphnie.
Kahit na hindi masyadong naaninag ni Calvin ang mukha ni Daphnie ay pansin niya ang pag-iwas ng tingin nito sa kanya.
Natawa si Calvin sa tinuring nito. Pansin niya ang cute na mukha nito.
So cute...
"Don't deny it... Kahit hindi mo sabihin... Alam ko naman," mahangin na sabi ni Calvin.
"Ang kapal ha," natatawang saad ni Daphnie.
"By the way, you look good on that dress," puri ni Calvin kay Daphnie.
"Thank you," sagot naman ni Daphnie.
Sa kanilang pag-uusap ay biglang sumingit si Ruby.
"Guys, let's dance," pagyaya ni Ruby sa kanila.
"No thanks," sabay na sabi nina Calvin at Daphnie.
"Ang KJ niyo naman... Dali na." Pagpupumilit ni Ruby at hinihila na sina Calvin at Daphnie.
At dahil sa kulit ni Ruby ay naisama na sila sa sumasayaw.
"Oh, di ba! Ang saya!" sabi ni Ruby habang sumasayaw. "Hoy! Sumayaw naman kayo."
Biglang nagbago ang tugtog. Naging romantic ang tugtog
"Oh my gosh! I need a partner!" tarantang sabi ni Ruby habang naghahanap ng ka-partner. "Gerard! Yoohoo~ Dali, sayaw tayo."
Nagkatinginan sina Calvin at Daphnie. Naisip na lang na isayaw ni Calvin si Daphnie, tutal, nasa gitna na sila.
"Pwede ba kitang maisayaw?" pag-anyaya ni Calvin kay Daphnie. At sabay lahad niya ng kamay niya.
Tila nag-iisip pa si Daphnie.
"Hindi na pinag-iisipan ang tanong ko... Simpleng oo o hindi lang ang isasagot mo," natatawang sabi ni Calvin. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nj Daphnie at kinuha niya na ang kamay nito.
"O-Oy!" pagsuway ni Daphnie.
Hinawakan na ni Calvin ang isang kamay ni Daphnie. Samantalang ang isang kamay naman niya ay nasa bewang ni Daphnie. Hinapit niya pa ang dalaga sa kanya at ngayon ay magkalapit na sila.
"Alam mo, hindi naman masama kung mag-date tayo," out of the blue na sabi ni Calvin.
"At bakit naman?"
"Gusto mo ko, gusto rin kita. Why not, hindi ba?" prenteng saad ni Calvin.
"G-Gusto mo ko?" Hindi makapaniwalang sabi ni Daphnie.
"Ha? Ano? Wala naman akong sinabing gano'n," pagsinungaling ni Calvin.
Nagulat si Calvin nang biglang tumingala sa kanya si Daphnie. Kita niya ang maamong mukha ng dalaga. Ngunit, magkasalubong ang mga kilay nito dala ng sinabi ni Calvin.
Pinagmasdan ni Calvin ang mata, ilong at labi ni Daphnie. At salabi ay hindi niya inaalis ang tingin sa labi ng dalaga.
Binigyan ni Calvin ng mabilis na halik sa labi ni Daphnie--- na ikinagulat naman ng dalaga.
Ngumiti si Calvin at mukhang hindi pa nagpo-process sa isip ni Daphnie ang ginawa niya. Kaya naman ay binigyan niya ng isa pang halik ang dalaga. Ngunit, inisip ni Calvin na mukhang ginagawa lang ni Daphnie iyon para halikan niya ulit ito.
Napataas ang isang kilay ni Calvin. "Sobra na 'yang pag-iisip mo... Baka naman nagkukunwari ka na... Aba, nawili ka naman," asar niya dito.
"Baliw. Hindi 'no... Baka ikaw diyan." Sabay yuko ni Daphnie na mukhang nahihiya.
"Bakit yumuko ka?"
"Eh kasi maraming tao dito na kilala tayo. Hinalikan mo ko dito," nahihiyang sabi ni Daphnie na nakayuko pa rin.
"Oh sige. Aalis na tayo dito... Pero papayag ka ba na mag-date tayo?"
Ini-angat na naman ni Daphnie ang ulo. "Pero gusto mo nga ako?"
Pinipigilan ni Calvin na matawa na naman siya.
"Hindi ba kita gusto kung hahalikan kita?"
Napangiti sila sa isa't isa. Niyakap siya ni Daphnie at niyakap niya rin ito pabalik.
***
LUMABAS ng sasakyan si Kyle. At sa kanyang paglabas sa kanyang sasakyan ay saka rin ang paglabas ng driver's seat at punta sa backseat ng sasakyan upang buksan ito. Lumabas mula sa backseat ang matandang lalaki na may tungkod.
"Dad, what brings you here?" walang emosyon na tanong ni Kyle.
"Nabalitaan ko na nagpa-party ka for what? Para mag-propose sa isang babae na hindi ko kilala? Hindi mo man lang sinabi sa akin?" ani ng ama ni Kyle.
"Bakit pa?! It's my business and not yours... Bakit? Pag nalaman mo ba... Pipigilan mo ko? At hahanap ka ng babae na nasa lebel natin?" wika ni Kyle.
"Well, no... I don't mind as long as you did your job in my company." Napabuntong-hininga ang ama ni Kyle. "Hanggang ngayon ba ay galit ka sa akin?"
Hindi sumagot si Kyle. Hindi mawawala sa nararamdaman niya ang galit sa nangyari noon.
"I'm happy that you found your love," pagbati ng ama ni Kyle, ngunit, malungkot ang mukha nito.
"Thanks," tanging sagot ni Kyle.
Biglang napatingin si Kyle sa lumabas sa backseat ng sasakyan ng ama niya.
Mas lalong sumama ang awra ni Kyle nang makita niya ang pinakaayaw niyang tao.
"Bakit kasama mo 'yang babae na 'yan?!" galit na sabi ni Kyle.
"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Olivia?!" Tukoy ng ama ni Kyle sa babaeng lumabas sa backseat ng sasakyan.
Si Olivia ang step mother ni Kyle. Ito ang babaeng nang-akit sa kanyang ama. At hindi lang iyon, pati sa kamuwang-muwang niya noon ay natuto siya sa makamundong bagay.
Takot si Kyle noon sabihin sa kanyang ama ang tungkol sa namamagitan sa kanya at kay Olivia.
"K-Kyle, a-anak," umpisa ni Olivia.
"Anak? Hindi kita nanay... Simula nang dumating ka sa amin! Akala ko ay napakabuti mo... Inisa-isa mo kami! Lahat ng kahinaan namin! Nagpakalayo-layo ako dahil na-realize ko na mali ang ginagawa ko! Pero ano?! Ano nangyari sa akin nang panahon na iyon?! Nang dahil sa iyo para akong adik sa kakahanap ng aaliw sa akin!" mahabang litanya ni Kyle.
"Kyle! Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?! Kasalanan ko lahat!" pag-aako ng ama ni Kyle sa sarili nito.
Natawa si Kyle sa pag-aako ng kasalanan ng ama. "Wala kang alam!"
"Kung wala akong alam, ipaintindi mo sa akin ang lahat!" ani ng ama ni Kyle.
"K-Kyle, huwag..." Pagpigil ni Olivia kay Kyle.
Pero napangisi si Kyle dahil mukhang pilit na itatago na lang ni Olivia ang kasalanan nito sa ama ni Kyle.
"Huwag?... Bakit huwag?" walang emosyon na sabi ni Kyle kay Olivia.
"Olivia, ano ito?!" galit na tanong ng ama ni Kyle kay Olivia.
Hindi sumagot si Olivia.
"Ayaw mo talaga sabihin?" paghamon ni Kyle kay Olivia.
Ngumisi si Kyle at dahil nauubos na ang pasensya niya kay Olivia ay siya na mismo ang magsisiwalat ng nakaraan nila ni Olivia.
"Si Olivia---"
"OO! KASALANAN KO KUNG BAKIT KA NAGING GANITO!" saad ni Olivia. Tumingin ito sa ama ni Kyle. "KASALANAN KO DAHIL TINURUAN KO SIYA---"

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    27/09

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata