Kabanata 30

Nagising si Mildred sa sinag ng araw. Pagkamulat nang mata niya ay lumingon siya sa tabi niya, ngunit walang Kyle ang bumungad sa kanya.
Napabangon naman si Mildred sa pagkakahiga sa kama. Ngunit napansin niya ang isang magandang kahon sa may paanan niya. Kinuha niya ito. Galing ito kay Kyle.
Wear this dress and someone will pick you up around six in the evening. - Kyle
Binuksan ni Mildred ang kahon at tumambad sa kanya ang napakagandang dress na kulay pula. It was only a plain dress but it was elegant.
Tumingin si Mildred sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Kyle. It was 12 pm, late na siyang nagising. Marahil ay dala sa pagod kahapon.
Hindi siya makapaniwala na maayos na ang lahat. Napahinga siya ng maluwag na hindi nila nagawa kagabi iyon. Sinubukan niya lang na asarin si Kyle, ngunit, talo pa rin siya.
Buti na lang at marunong siyang magtimpi...
Biglang napahawak si Mildred sa kanyang tiyan nang kumulo ito. Bigla siyang nakaramdam ng gutom.
Bumangon na siya at lumabas ng kwarto ni Kyle. Nang makababa siya sa unang palapag ay may nakita siyang kasama ni Manang Linda na babae. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman ay hindi niya alam kung sino ito. Parang familiar sa kanya ang likod ng babae.
"Manang Linda," pagtawag ni Mildred kay Manang Linda.
Tumingin naman si Manang Linda sa kanya pati na rin ang babaeng nakatalikod. Nanlaki ang mata ni Mildred kung sino ang kanyang nakita.
"LILY!" masayang sabi ni Mildred at lumapit kay Lily.
"Mildred, kumusta ka na?" pagkukumusta ni Lily.
"Okay lang naman... Ano... Anong meron?" pagtataka ni Mildred.
"Ah, pinapunta ako ni Kyle dito para ayusan daw kita," sagot naman ni Lily.
Nahihiwagaan si Mildred kung anong meron ngayon.
"May okasyon ba? Wala naman kasing sinabi si Kyle."
Nagkatinginan naman sina Lily at Manang Linda.
"Hindi namin alam, Mildred... Ginagawa lang namin ang trabaho," saad naman ni Manang Linda.
"Gano'n ba. Hehe... Kain muna ako. Nagugutom kasi ako."
Kumain muna si Mildred habang sina Lily at Manang Linda naman ay nagkekwentuhan.
"Ano... Lily, ikaw din ba maghahatid sa akin sa pupuntahan ko?" natanong ni Mildred.
"Naku, hindi... Taga-ayos lang ako ngayong araw," wika ni Lily.
Lumipas ang ilang minuto at natapos na si Mildred kumain. Nagpahinga muna siya saglit dahil maaga pa naman.
Nagkwentuhan lang silang tatlo. Nalaman din ni Mildred na ikinwento ni Kyle kay Lily ang lahat nangyari. Sinabi sa kanya ni Lily na napakaswerte niya at siya ang napili ni Kyle.
SUMAPIT ang alas-kwatro ng hapon ay sinabihan na si Mildred ni Lily na maligo na siya at matapos din iyon ay aayusan na rin siya nito.
Isinuot na ni Mildred ang pulang plain na dress at suot ang open na sandals na may mataas na takong.
"Ulala~ So gorgeous!" manghang sabi Lily.
"Oo nga... Bagay sa kanya ang pinili ni Kyle," sang-ayon ni Manang Linda.
"So simple yet beautiful," muling sabi ni Lily. "Okay... Come here and sit... Aayusan na kita."
Lumapit naman si Mildred kay Lily at inayusan na siya.
Wala pang isang oras ay natapos na siyang make-up-an ni Lily. Light make-up lang ang nilagay sa kanya ni Lily upang makita ang natural beauty niya. At ang buhok niya na mahaba na may kulot sa dulo.
"Tada~ What do you think, Manang Linda?" tanong ni Lily kay Manang Linda habang pinagmamasdan si Mildred.
"Mas lalong gumanda ka, Mildred," masayang wika ni Manang Linda.
Na-curious naman si Mildred.
"I know... I know... Curious ka na, Mildred," ani Lily. "Manang Linda, ang mahiwagang salamin."
Kinuha naman ni Manang Linda ang di kalakihan na salamin at iniharap ang salamin kay Mildred.
Nang makita ni Mildred ang kanyang mukha ay hindi niya akalain na napakagaling ni Lily na pagandahin siya.
"Maraming salamat, Lily," pagpapasalamat ni Mildred kay Lily.
Beep---
Napahinto sila sa kanilang pag-uusap nang makarinig sila ng busina sa labas ng bahay. Nakatingin lang si Mildred kay Manang Linda na sumilip sa may bintana.
"Nandiyan na pala ang sasakyan mo," wika ni Manang Linda kay Mildred.
***
SA OPISINA ni Kyle, tinawag niya si Calvin upang pag-usapan ang tungkol kay Mildred.
"Anong kailangan mo?" walang emosyon na tanong ni Calvin.
"I would like to say sorry..."
"For what?" takang tanong ni Calvin.
"Do you remember what I said to you back then? Binabawi ko na iyon."
Napangisi si Calvin. "Such a weirdo."
"Well, yeah, I'm weird but... I want to tell you that we are okay now... I am going to propose to Mildred this evening."
"So? Bakit mo sinasabi 'yan? Are you inviting me?" sarkastikong sabi ni Calvin.
"Sort of."
Tumawa si Calvin. "We are not friends... Kaya huwag kang umastang feeling close."
"Look, I'm sorry... Alam kong naging g*go ako. And I don't want you and Mildred to be like this... Like stranger... Nang dahil sa iyo ay nagkaroon siya ng kaibigan."
"It's not because of me kung bakit siya nagkaroon ng kaibigan... Hindi ba't ikaw ang nagpasok kay Mildred sa opisina?"
"Yeah, pero kayo lang ang kaibigan ni Mildred dito... Okay, I want all of you will be there. Gusto ko na maging saksi kayo lahat sa pagpo-propose ko kay Mildred," saad ni Kyle.
Tumawa na naman si Calvin at ikinataka naman ni Kyle iyon.
"Bakit ka tumawa?" Sabay kunot-noo ni Kyle.
"Actually, I already moved on with Mildred."
"What?" Tila naguluhan si Kyle sa sinabi ni Calvin.
"Tanggap ko naman na wala akong panalo sa iyo... Pero kahit gano'n ay--- I still care about her. Hindi ko masabi kung siya ba ang swerte sa iyo o ikaw ang swerte sa kanya." Sabay tawa ni Calvin.
Napangiti si Kyle sa sinabi ni Calvin.
"I am lucky to have her... Kung hindi siya dumating sa buhay ko--- baka hanggang ngayon ay isa pa rin akong g*go," pahayag ni Kyle.
"Okay, ako na ang magdadala kay Mildred sa--- kung saan ka magpo-propose sa kanya."
Ngumiti ng bahagya si Kyle. "Hm, okay."
"Tsk, okay lang sa iyo?"
Napataas ng isang kilay si Kyle sa tanong ni Calvin. "Are you just--- pissing me off?"
"No... It's not my intention to piss you... Mabilis ka lang sumang-ayon na hindi ka man lang nabahala."
Natawa si Kyle sa sinabi ni Calvin. "Gaya ng sabi mo kanina, talo ka na. At tanggap mo na ako ang mahal ni Mildred. But if you do one mistake, I will never ever doubt to use my power against you."
"Chill! I want to live... At wala akong gagawin na masama kay Mildred."
Tumayo si Calvin. "Before I go, kapag sinaktan mo si Mildred ay ilalayo ko siya sa iyo."

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    17d

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata