Bumangon si Kyle at pumunta sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa kanya si Manang Linda. "Ano iyon, Manang Linda?" "Kakain na," sabi ni Manang Linda na may malawak na ngiti sa labi nito. Napangiti ng bahagya si Kyle. "Um, sige, Manang Linda at susunod na kami." Isinara ni Kyle ang pinto at humarap kay Mildred. "Sino iyon?" tanong naman ni Mildred na nakaupo sa dulo ng kama. "Si Manang Linda... Kakain muna tayo," malungkot na sabi ni Kyle. Lumapit sa kanya si Mildred at binigyan siya ng isang halik sa pisngi. "Ang lungkot mo... Pero okay lang 'yan. Kaya mo pa naman, 'di ba?" asar ni Mildred sa kanya. Hindi naman papatalo si Kyle. "Nang-aasar ka na ngayon? Pwes, maghintay ka mamaya at hindi kita papatulugin mamaya," ganting asar ni Kyle. Natawa na lang si Mildred sa kanya at lumabas na sila ng kwarto, at kumain. MAKALIPAS ang ilang minuto, natapos na silang kumain. Pumunta si Kyle sa banyo upang ihanda ang kanyang sarili mamaya. Samantalang si Mildred naman ay tumulong kay Manang Linda sa kusina. Nang matapos na maligo si Kyle at pumunta sa kanyang kwarto ay naabutan niya si Mildred na nakaupo sa gilid ng kama niya. Napatingin sa kanya, ngunit, nag-iwas din ng tingin si Mildred dahil tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang katawan. Natatawang lumapit si Kyle kay Mildred at naupo sa tabi nito. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ni Mildred. "Bakit hindi ka pa maligo?" malambing sabi ni Kyle. "Uuwi na ko," simpleng sabi ni Mildred. Nagulat naman si Kyle at nag-decide itong umuwi. "Bakit ka uuwi?" "Syempre, bahay ko 'yon," pilosopong sabi ni Mildred. "Nagpaalam lang ako kina Inay at Itay na uuwi din kaagad ako ngayon." "Isa pa, wala rin akong damit dito," dagdag pa ni Mildred. "Sabihin mo na bukas ka na lang uuwi. Ihahatid naman kita... Isuot mo na lang ang damit ko." "Wala naman akong panloob," dahilan pa ni Mildred. "Um, labhan mo na lang tapos bukas mo na lang suotin..." Lumapit si Kyle kay Mildred. Itinapat niya ang bibig niya sa tainga ng dalaga. "Ako lang naman nakakaalam," bulong ni Kyle. Lumayo naman si Mildred na tila kinilabutan sa sinabi ni Kyle. "Ang dami mong dahilan," natatawang sabi ni Mildred. "Ikaw din ang daming dahilan... Natatakot ka ba?" asar ni Kyle. "Sabi ko naman sa iyo na sa una lang ay masakit... Pero kapag tumagal na ay hindi mo na mararamdaman ang sakit--- puro sarap na." Napasimangot si Mildred. "H-Hindi pa ko handa." Napabuntong-hininga si Kyle. "Maligo ka na at pwede mo pang mapag-isipan 'yan." "Ewan ko sa iyo," masungit na sabi ni Mildred at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman si Kyle sa kanyang kwarto. Kung hindi pa umalis si Mildred sa kwarto niya ay baka hindi na talaga siya makapagtimpi. At nararamdaman niya rin na unti-unti nang nabubuhay ang kanyang alaga. Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang kumalma. Nagbihis na si Kyle. Tanging suot niya lang ang white t-shirt at grey na jogging pants. Nakahiga siya sa kama habang nagbabasa ng libro. Lumipas na ang isang oras ay hindi pa pumapasok si Mildred sa kanyang kwarto. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya ng banyo at kumatok, ngunit, walang sumagot mula sa loob ng banyo. Kaya naman ay pinihit niya na ang doorknob at sumilip. Pagkasilip niya ay wala siyang nakitang Mildred. Kaya naman ay bumaba si Kyle sa unang palapag para hanapin si Mildred, ngunit, wala siyang makita. Naisip naman niyang pumunta sa kwarto ni Manang Linda. Kumatok si Kyle at pinagbuksan naman kaagad siya ni Manang Linda ng pinto. "Oh Kyle, bakit?" "Si Mildred po?" "Nandito si Mildred. Pinahiram ko ng damit," ani Manang Linda. Nawala ang kaba ni Kyle nang malaman niya na nandito lang si Mildred sa kwarto ni Manang Linda. "Tapos na po ba siya magbihis?" muling tanong ni Kyle. "Ah oo." Nakita ni Kyle si Mildred na sumilip. At lumabas din naman agad ito sa kwarto ni Manang Linda. "Salamat po, Manang Linda," pagpapasalamat ni Mildred sa matanda. "Walang anuman," tugon ni Manang Linda. "Sige po, Manang Linda. Akyat na kami sa kwarto namin," pagpaalam ni Kyle. Habang papunta sila sa kwarto ay kinakausap niya si Mildred. "Kanina pa kita hinihintay sa kwarto," parang batang sabi ni Kyle. "Nang hiram ako ng damit kay Manang Linda." "Sabi ko naman sa iyo na papahiramin kita ng damit," kulit ni Kyle. "Eh mas mabuting kay Manang Linda na ko manghiram... Baka ibang damit ang ipasuot mo sa akin." "Wala kang tiwala sa akin?" Nakarating na sila ng kwarto at pumasok. "Hmm... Mayroon naman kaso ngayon wala..." Sabay tawa ni Mildred. "Huh?" tanging nasabi na lang ni Kyle. "Basta," natatawa pa ring sabi ni Mildred. "Tara na at matulog na tayo." Naunang nahiga si Mildred sa kabilang side ng kama at si Kyle naman sa kabila din. Pero nagtataka si Kyle kung bakit naglagay si Mildred ng unan sa pagitan nila. "Bakit may unan?" pagtataka ni Kyle. "Baka gapangan mo..." "Can't believe this..." Sabay alis ni Kyle ng unan sa pagitan nila. Pansin naman niya ang pagtaranta ni Mildred. "B-Bakit mo tinatanggal?" kinakabahan na tanong ni Mildred. "Sagabal," tipid na sagot ni Kyle at lumapit kay Mildred. "Matutulog lang tayo ngayon. So don't think too much," dagdag pa ni Kyle. Tumalikod si Mildred sa kanya. Siya naman ay niyakap si Mildred habang ito ay nakatalikod sa kanya. "Iyong kamay mo," reklamo ni Mildred. "Wala naman ginawa kamay ko... Hinimas ko lang tiyan mo--- kasi balang araw, magkakaroon din ng laman 'yan," banat ni Kyle. Walang narinig si Kyle na reaksyon o sagot man lang kay Mildred. Tulog na kaya siya?... "Mildred," pagbanggit ni Kyle sa pangalan ni Mildred. Ngunit, walang sagot siya na natanggap mula sa dalaga. Ini-angat ni Kyle ang ulo niya upang silipin ang mukha ni Mildred at nakita niyang mahimbing itong natutulog. At ngayon, hindi makatulog si Kyle. Kaninang sabi niya lang na matutulog lang sila ay siya naman itong hindi makatulog. Inalis ni Kyle ang kamay niya sa tiyan ni Mildred at umusog palayo kay Mildred. Akala niya ay makakatulog na siya kahit yakap lang si Mildred, ngunit, mukhang hindi dahil sa mas lalong nabubuhay niyang diwa kapag siya ay nadikit kay Mildred. Kaya naman ay minabuti ni Kyle na dumistansya muna kay Mildred. Calm down, Kyle... You need to control your libido...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
iioiiii
27/09
0happy
13/03
0nice story 😀
26/02
0Tingnan Lahat