Tumayo si Kyle at lumapit kay Hilda. Napatingala naman si Hilda sa kanya. "K-Kyle, huwag mo akong ikulong," muling pagmamakaawa ni Hilda. Napabuntong-hininga si Kyle. "Manang Linda, pakipasok na sila dito," utos ni Kyle kay Manang Linda. Umalis ulit si Manang Linda at lumabas ng bahay. Pansin naman ni Kyle ang pagtataka sa mukha nina Mildred, Hilda at Arnold. "Sir," pagtawag ni Manang Linda. Napalingon si Kyle kay Manang Linda na may kasamang mga pulis. Napangisi si Kyle. "Welcome to my house," pag-anyaya ni Kyle sa mga pulis. Narinig ni Kyle ang paghagulgol ni Hilda. "KYLE! AYOKO, KYLE! PARANG AWA MO NA!" pagmamakaawa na naman ni Hilda. Ngunit, hindi nakinig si Kyle kay Hilda. "Manang Linda, pakisamahan ang mga pulis papunta sa kwarto ni Hilda upang ma-search nila," utos muli ni Kyle kay Manang Linda. Sinamahan naman ni Manang Linda ang mga pulis sa kwarto ni Hilda upang maghanap ng ebidensya at makakapagpatunay na may ninakaw si Hilda kay Kyle. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang mga pulis na may dala na mga gamit. "Mr. Montero, ito ang mga nakita sa kwarto ni Miss Hilda," wika ng pulis habang inilalapag ang mga nakuha sa kwarto ni Hilda. "Ang cellphone ko!" gulat na sabi ni Mildred. Napatingin si Kyle sa lamesa kung nasaan ang cellphone. Naalala nga ni Kyle na iyon ang cellphone na ginagamit ni Mildred. Mariin na nakatingin si Kyle kay Hilda. Awa? Hindi siya naawa dahil para sa kanya ay kung ano ang dapat sa may kasalanan ay dapat lang na makulong ito. "Paano napunta sa iyo ang cellphone ni Mildred?" walang emosyon na tanong ni Kyle. Hindi makasagot si Hilda sa kanya. Tumingin ulit si Kyle sa lamesa at napansin niya ang alahas na napaka-importante sa kanya. Talagang hinding-hindi niya mapapatawad si Hilda. "Ngayon ay malinaw na sa akin," saad ni Kyle. "K-Kyle..." ani Hilda. "Dakpin niyo na sila," utos ni Kyle sa mga pulis. Hindi na tiningnan ni Kyle si Hilda. Tanging sinasabi lang ni Hilda sa kanya ay ang pagmamakaawa nito. Pero may nakalimutan si Kyle at lumingon kina Hilda at Arnold na hawak ng mga pulis. "Hilda, tama na ang pagdadrama mo... Hindi ka naman magtatagal sa loob ng kulungan." "Buntis ako, Kyle!" wika ni Hilda. "Ano naman ngayon? Eh di magkasama na kayo ni Arnold... Hindi ka naman excempted kahit buntis ka... Kapag kasalanan ay kasalanan. Oh baka naman gusto mo pa magpa-demanding at dapat maganda ang kulungan mo?" sarkastikong sabi ni Kyle kay Hilda. Napabuntong-hininga si Kyle at muling nagsalita. "Oh sige, kahit hindi mo sabihin ay pagbibigyan kita. Gusto mo ng de-aircon na kulungan? Magpapagawa ako para sa iyo lang." "Sige na ho at dalhin niyo na 'yan," saad pa ni Kyle sa mga pulis. Pinagmasdan lang ni Kyle ang paglabas ng mga pulis kina Hilda at Arnold. Matapos iyon ay humarap siya kay Mildred at niyakap ang dalaga. "So, okay na? Baka naman---" Hindi naituloy ni Kyle ang sasabihin nang itulak siya ng mahina ni Mildred. Pansin niya ang magkasalubong na kilay nito. "Anong problema?" takang tanong ni Kyle. "Hindi lang kita maintindihan. Kanina napakaseryoso mo... Tapos ngayon parang wala lang sa iyo ang nangyari..." Natawa naman si Kyle dahil ang totoo ay alam niya na--- na si Hilda at Arnold talaga ang may pakana. Matapos na halughugin ni Kyle ang buong kwarto niya noon noong isang araw ay pina-imbestigahan niya kaagad. If you have a power, you can do anything, ika nga. Kaya naman ay pinagplanuhan ni Kyle ang lahat. Kung kaya man na umarte ang taong kaharap ni Kyle ay kaya niya rin. But it was like so epic. Gusto na niyang matawa kanina pero gusto niya na manggaling mismo sa bibig ni Hilda ang lahat. At nang makita ni Kyle ang pinaka-importanteng alahas niya ay natuwa siya at hindi ito naibenta o naisangla ni Hilda. Dahil ang alahas na iyon ay galing sa kanyang ina na pumanaw na. Itinago niya ang alahas na iyon kung sa darating na panahon na talagang nahanap niya na ang talagang makakasama habang buhay ay saka niya lang ito ibibigay sa taong mahal niya. "Bakit natawa ka?" pagtataka naman ni Mildred kay Kyle. "It was all my plan. Actually, alam ko na talaga. Magmula nang pumunta ako sa probinsya mo. Kaso ang lahat ng plano ko ay nag-iba. Dapat kasi dadalhin na kita agad. Kunwari na galit ako sa iyo. Kaso hindi ko matiis na yakapin ka. Well, kanina pa ko nagtitiis kaso ang tagal ng drama ni Hilda," mahabang paliwanag ni Kyle. "At syempre, nagpapasalamat ako kay Manang Linda." Sabay tingin ni Kyle kay Manang Linda. "Maraming salamat, Manang Linda. "Walang anuman, Sir," saad ni Manang Linda. "Kyle na lang po, Manang Linda. Para ko na ho kayong nanay," wika ni Kyle. Tumingin si Kyle kay Mildred. "Ano? Okay na? Pwede na ba natin ituloy ang dapat na maituloy?" mapang-asar na sabi niya. Hindi na hinintay pa ni Kyle na magsalita si Mildred at dinala niya ito sa kwarto niya. Pagpasok nila sa kwarto agad siniil ni Kyle ng halik si Mildred. Ngunit, biglang itinulak siya ng mahina ni Mildred. "S-Sandali," pagpigil ni Mildred. "Bakit na naman?" pagtimping tanong ni Kyle. "Ano kasi... Hindi ako marunong... W-Wala akong karanasan." Napangiti si Kyle at binuhat si Mildred na parang bata. Napayakap naman sa kanya si Mildred. Dinala niya si Mildred sa higaan niya at ma-ingat na inihiga niya ang dalaga. At umibabaw siya. Hinaplos-haplos niya ang buhok ni Mildred habang nakatingin siya sa mga mata nito. "I don't care if you don't have an experience. Matututo ka rin naman... Parang sa trabaho, hindi mo alam sa una pero pag natuto ka na at may kaalaman ka na... Ikaw na kusa ang gagawa at kokontrol sa gagawin mo." Napansin ni Kyle na pinipigilan ni Mildred na matawa ito. "Tumawa ka na... Huwag mo nang pigilan... Sounds cheesy, right? Well, ngayon ko lang ito naranasan dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal. At dahil sa iyo 'yon." "Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mildred. "Hindi ka naniniwala?" natatawang sabi ni Kyle. "Ngayon papatunayan ko sa iyo--- ipaparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Akmang hahalikan na ni Kyle si Mildred nang makarinig siya ng katok. Sino naman itong istorbo?, reklamo ni Kyle sa kanyang isip.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
iioiiii
27/09
0happy
13/03
0nice story 😀
26/02
0Tingnan Lahat