Kabanata 27

Kinaumagahan, maagang nagising si Mildred upang maghanda ng almusal nila. Nang maihanda na niya lahat ay hinihintay niya na lang na lumabas si Kyle sa kwarto ng ama niya.
Nakita na ni Mildred na lumabas si Kyle sa kwarto ng ama niya. Pansin niya na hirap itong maglakad at himas-himas naman nito ang balakang.
"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Mildred kay Kyle.
Tumango naman si Kyle sa kanya bilang sagot.
"Talaga?" natatawang sabi ni Mildred at hinawakan niya ang tagiliran ni Kyle.
"A-Aray!" Daing ni Kyle.
Natawa naman si Mildred. "Kumain muna tayo at hihilutin ko 'yang likod mo."
"Likod lang?" protesta ni Kyle, ngunit may nakalolokong ngiti sa labi nito.
"Syempre, likod mo masakit... Ano ba gusto mo?"
"Gusto ko sana buong katawan ko."
Tila nag-init ang mukha ni Mildred at napa-iwas ng tingin kay Kyle.
Jusko, ano ba itong naiisip ko...
"Oh, ba't natahimik ka na?"
Hindi pa rin tumingin si Mildred kay Kyle.
"Namumula 'yang mukha mo... May sakit ka ba?"
Akmang ilalagay ni Kyle ang kamay nito sa kanyang noo pero naka-iwas siya agad.
"K-Kumain na tayo at nang mamasehihin kita mamaya... Para makaalis na tayo mamaya," nasabi na lang ni Mildred.
Akala ni Mildred ay kaya niyang makipag-asaran kay Kyle, ngunit, hindi.
Natapos nang kumain sila at natapos na rin na hilutin ni Mildred ang likod ni Kyle ay umalis din sila agad.
Habang nasa biyahe sila ay tahimik lang si Mildred.
"By the way, that was good," wika ni Kyle.
"Ang alin?" pagtataka naman ni Mildred.
"Iyong paghilot mo sa likod ko... Pero sa susunod buong katawan ko na hilutin mo," may pang-asar sa labi ni Kyle.
"Ewan ko sa iyo," natatawang sabi ni Mildred.
LUMIPAS ang ilang oras at nakarating na si Mildred sa bahay ni Kyle. Kinakabahan si Mildred dahil alam niya na nasa loob si Hilda ng bahay ni Kyle.
Nagulat si Mildred nang hawakan ang kanyang kamay ni Kyle. Napatingin naman siya kay Kyle.
"Bakit?"
"Wala naman," tanging sagot ni Mildred.
"Let's go."
Bumaba na sila ng sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng bahay ay nakita ni Mildred ang pagkagulat sa mukha ni Hilda.
"A-Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito, Kyle?" gulat na sabi ni Hilda.
"Well, I thought that we should talk... All of us--- who will be the culprit in my house," litanya ni Kyle.
"K-Kyle, sinabi ko na sa iyo na si Mildred iyon. Pero bakit mo siya dinala dito? Dapat ipinakulong mo siya," ani Hilda.
"Wala akong ebidensiya, Hilda. Maski ikaw ay walang ebidrnsiya," saad ni Kyle.
Nakikinig lang si Mildred. Tila tumiklop ang kanyang dila at natatakot na magsalita. Sa tuwing nakikita niya si Hilda ay takot ang nararamdaman niya. Hindi man siya sinaktan nito pero baka ngayon ay magawa nitong saktan siya kung sinabi niya ang totoo.
Ding-Dong---
Nakarinig sila ng doorbell sa labas.
"I forgot... I also invited Arnold... Isn't it great, Hilda?" mapang-asar na sabi ni Kyle kay Hilda.
"Manang Linda, papasukin mo iyong taong nasa labas," utos ni Kyle sa matanda.
"O-Opo, Sir," tugon ni Manang Linda at mabilis na naglakad palabas ng bahay.
***
NANG KUMPLETO na sila, kasama si Arnold. Tanging si Kyle lang ang nasa single couch at sina Mildred, Hilda at Arnold ay magkakatabi sa mahabang sofa. Nag-umpisa na si Kyle magtanong na animo'y isang imbestigador.
"So, nandito na tayo lahat-lahat... Siguro naman aamin na sa inyo kung sino talaga ang nagnakaw sa pamamahay ko. Oh no, let me rephrase it--- Wala pa lang aamin sa inyo kung may magnakaw nga..."
Tumingin si Kyle kay Hilda. "May kinalaman ka ba?"
"Wala akong kinalaman, Kyle. Maniwala ka sa akin... Totoo lahat ng sinabi ko sa iyo," giit ni Hilda.
"Ikaw, Mildred, may relasyon ba kayo ni Arnold?"
Nakita ni Kyle ang pagkagulat sa mukha ni Mildred.
"Sinabi ko na sa iyo na wala kaming relasyon," may inis sa tono na sagot ni Mildred.
Tumingin naman si Kyle kay Arnold.
"Arnold, noong araw na iyon... Lahat ba ng sinabi mo ay totoo?"
Ngunit, biglang sumingit si Hilda.
"Kyle, ano ba ito?! Sinungaling 'yang si Arnold!" pag-hi-histerical ni Hilda.
"Shut up, Hilda... It's not your turn yet," walang emosyon na sabi ni Kyle kay Hilda.
Natahimik naman si Hilda.
Nagsalita naman si Arnold. "Oo... Aminado ako sa nagawa kong kasalanan. Inutusan ko si Hilda na magnakaw. Hindi lang ako ang nakinabang kundi na rin si Hilda... At nang malaman ko na buntis si Hi---"
Hindi natapos ni Arnold ang sasabihin nang magsalita na naman si Hilda.
"Tama na, Kyle maaawa ka sa anak mo! Maselan ang pinagbubuntis ko. Ayokong mawala ang anak natin, Kyle!" histerical ni Hilda.
"HILDA! TAMA NA! DAHIL SA GINAWA KO NA GAMITIN ANG ANAK NATIN KAY KYLE--- AY MALING-MALI IYON NA NAGAWA KO!" Pahayag ni Arnold.
"HA! IMPOSIBLENG NAKOKONSENSYA KA NA, ARNOLD! BAKIT?! SINASABI MO LANG ITO DAHIL HINDI KA KASAMA SA PLANO KO!" ganting sabi ni Hilda.
Napansin ni Kyle ang pagkagulat sa mukha ni Hilda na mismong nanggaling din sa bibig nito na may plano ito talaga.
"Anong plano, Hilda?" tanong ni Kyle na may matalim na tingin kay Hilda.
"K-Kyle..." nauutal na sabi ni Hilda.
Muling nagtanong si Kyle. "Akin ba 'yang bata na dinadala mo?"
"Kyle, p-pasensiya ka na... A-Ayoko naman sanang gawin iyon sa iyo kaso... Nang malaman ko na buntis ako ay walang pakialam si Arnold sa amin. Tanging pera lang ang iniisip niya." This time, umiiyak na si Hilda.
"K-Kaya naisipan ko na ikaw na lang ang maging ama ng bata. N-Naisip ko iyon kasi gaganda ang buhay ng anak ko sa iyo," dagdag pa ni Hilda.
Napakuyom ng kamay si Kyle. Hindi niya akalain na sa tagal ni Hilda sa pamamahay niya ay ganito ang ginawa sa kanya.
"Kailan pa?! Kailan mo pa ko ninanakawan?!" galit na sabi ni Kyle.
"K-Kyle, ngayon ko lang ito nagawa. Maniwala ka sa akin... Nang dumating si Mildred ay nagplano si Arnold. H-Hindi ko magawa iyon sa iyo noon dahil walang mapagbibintangan kung walang iba pang katulong sa bahay. P-Pero nang dumating si Mildred ay doon--- K-Kyle, please... Parang awa mo na, huwag mo akong ikulong," hagulgol ni Hilda.

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    27/09

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata