Nagulat si Hilda sa kanyang nakita. Kahit na hindi maliwanag ang ilaw ay kita niya ang ginagawa ni Kyle sa babae. Napansin niya rin na hindi ito ang babaeng nakita niya kanina. Lumayo si Hilda sa nakaawang na pinto. Bumalik na siya sa kwarto niya at nahiga sa kama niya. Mulat na mulat ang mata niya at mukhang hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog. Anong oras na ba?... Napatingin si Hilda sa nakasabit na orasan sa dingding ng kwarto niya. Alas-kwatro na ng umaga. Paano pa siya makakatulog? Gayon na hindi maalis sa isipan niya ang nakita niya kanina. Nagtalukbong ng kumot si Hilda at ipinikit ang kanyang mata at nagbabakasakaling makatulog muli siya. Ngunit, napamulat muli ng mata si Hilda at tinanggal sa pagkakatalukbong ng kumot sa ulo niya. Nanginginig ang kanyang katawan at uminit ang kanyang pakiramdam. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Napabangon si Hilda nang maramdaman niyang basa ang kanyang panty. Binuksan niya ang lampshade. At dahil naka-daster si Hilda ay madali niyang tinanggal ang panty niya. Inisip niya na baka mayroon na siya ngayon. Ngunit, nang makita niya ang panty niya ay wala naman. Kaya naman ay kumuha siya sa drawer ng bagong panty at sinuot ito. Bumalik si Hilda sa kama niya at nahiga. Ngunit, naramdaman niya na naman ang pagkabasa ng panty niya. Nairita siya at napabangon muli. "Ano ba ito?!" iritang sabi niya sa sarili niya. Tinanggal niyang muli ang panty niya at kumuha ulit ng bago. Hindi na talaga makatulog si Hilda at hinintay niya na lang na mag-alas-singko. Para makalinis na siya ng bahay at para maaga niyang matapos na rin agad. Hindi na muling nagpalit si Hilda ng panty at baka maubusan pa siya ng panty at mapapalaba pa siya ng de-oras kung magpapalit muli siya. Bumangon ulit si Hilda at lumabas na siya ng kwarto niya. Sumilip muna siya baka sakaling maagang lumabas sina Kyle, ngunit wala at nagtungo na siya ng kusina upang kunin ang walis tambo at dustpan, at nagsimula na siyang maglinis. Hindi rin nagtagal ay alas-sais nang matapos si Hilda na maglinis. At napagtanto niya na hindi pa lumalabas sina Kyle. Pero wala na siyang pakialam kung anong oras lalabas ng kwarto sina Kyle. Dumiretso na si Hilda ng banyo at naligo. Sa kanyang pagligo ay hindi pa rin nawawala ang malagkit na bagay sa kanyang kweba. Naiinis na naman siya at hindi niya alam kung bakit ganito maka-react ang kanyang katawan. Bigla na naman sumagi sa isip ni Hilda ang nakita niya kanina sa kwarto ni Kyle. Ah ayoko na... Kinuha ni Hilda ang tuwalya niya at ibinalot niya ang tuwalya sa kanyang katawan. Lumabas siya ng banyo at dahil malapit ang banyo sa hagdan ay napatingala siya nang pababa si Kyle at nakabihis na ito ng formal attire. Biglang napahigpit siya ng hawak sa tuwalya niyang nakabalot sa kanyang hubad na katawan. Ito na naman... Naramdaman ni Hilda ang pagdaloy na naman na nagmumula sa kanyang kweba. Napatingin naman sa kanya si Kyle. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Napalunok ng laway si Hilda habang papalapit sa kanya si Kyle. Hindi siya makatingin sa binata at tila nabato na siya sa kanyang kinatatayuan. Nang maramdaman na ni Hilda si Kyle sa kanyang harapan ay binati niya ito. "M-Magandang umaga po, Sir," kinakabahan na pagbati ni Hilda. Tanging nakatingin lang siya sa paanan ni Kyle. "Good morning," pagbati din ni Kyle sa kanya na malalim ang boses nito. "A-Akala ko po ay mamaya pa kayo---" Hindi na naituloy ni Hilda ang sasabihin nang magsalita si Kyle. "Kayo?" "Ah, akala ko po may kasama kayo... Baka guni-guni ko lang. Hehe," dahilan ni Hilda. Ngunit, napansin ni Hilda ang saglit na pagngisi ni Kyle. Tama ba ang tingin niya na ngumisi ito? Hindi pa rin makatingin si Hilda kay Kyle. Napansin niya ang isang paa ni Kyle na umabante at siya naman ay napaatras. Naiilang si Hilda at sa pag-abante ni Kyle ay siya pa rin ay paatras ng paatras. Hanggang sa maramdaman niya malamig na dingding. Napaangat ng ulo si Hilda at sa kanyang pag-angat ng ulo ay nanlaki ang mata niya nang malapit ang mukha ni Kyle sa kanya. "May nakita ka?" tanong ni Kyle. Walang ekpresyon ang nakikita si Hilda kay Kyle. Kaya naman ay napa-iwas siya ng tingin. "So, may nakita ka nga." Naramdaman ni Hilda ang pagdistansya ni Kyle sa kanya. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kanyang tuwalya. Napatingin na siya kay Kyle. "We will talk about that later... Kapag nakauwi na ko mamaya." Umalis na sa harapan niya si Kyle at nabato lang siya sa kanyang kinatatayuan. But at the same time, nanginginig ang kanyang buong katawan. Ano ang pag-uusapan namin mamaya?... SUMAPIT ang gabi, umusbong ang sobrang kaba sa dibdib ni Hilda nang marinig niya ang sasakyan ni Kyle. Magmula sa sala ay mabilis na pumasok si Hilda sa kanyang kwarto. Inilapat niya lang ang tainga niya sa pinto upang pakinggan sa labas ang pagpasok ni Kyle sa loob ng bahay. Biglang napalayo si Hilda sa pinto nang marinig niya ang pagkatok ni Kyle sa pintuan niya. "Hilda." Hindi sumagot si Hilda at para isipin ni Kyle na tulog na siya. Wala na siyang narinig na kasunod na katok ni Kyle sa pintuan niya. Nakahinga ng maluwag si Hilda. Ngunit, naalala niya na magbubuhos pala muna siya bago siya matulog. Naupo na lang si Hilda sa gilid ng kama at nakatingin sa orasan na nasa dingding. Hindi rin naman nagtagal at hindi na makatiis si Hilda ay gusto na niyang lumabas ng kwarto at dumiretso ng banyo. Tumayo na si Hilda at naglakad papunta sa pinto. Dahan-dahan na pinihit ni Hilda ang doorknob at dahan-dahan din na binuksan ang pinto. Sumilip muna si Hilda at tiningnan kung nandoon ba si Kyle sa sala, ngunit, wala siyang nakita. At dahil walang nakita si Hilda na kahit anino ni Kyle ay agad na dumiretso na siya ng banyo at nagbuhos na.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
iioiiii
11d
0happy
13/03
0nice story 😀
26/02
0Tingnan Lahat