Nasa kwarto si Hilda. Hawak niya ang cellphone ni Mildred. Natagpuan ni Manang Linda ang cellphone at ibinigay ito sa kanya. Nababasa ni Hilda ang mga dating text nina Kyle at Mildred noong panahon na umalis siya saglit at nagpakasaya kasama si Arnold. Nalaman niya na habang wala siya sa bahay ay ginawang empleyado ni Kyle si Mildred sa kumpanya nito. Inis ang naramdaman niya nang mabasa niya iyon sa cellphone ni Mildred. Tapos ngayon na mensahe ni Kyle kay Mildred. Mukhang napansin ni Hilda na may gusto si Kyle kay Mildred at kanina ay napilitan lang sabihan ng masasakit na salita ang dalaga. Ano ba ang dapat gawin ni Hilda upang makuha niya ang loob ni Kyle? Ngayon na wala na si Mildred? Bzz--- Nag-vibrate ang cellphone ni Mildred. Binuksan ni Hilda ang message at si Kyle ang nag-text ulit. Ang daming text ni Kyle na gusto nitong makita si Mildred at may sasabihin ito. Pinipigilan din ni Kyle na umalis muna si Mildred. Nagtataka si Hilda kung bakit pinipigilan ni Kyle si Mildred na huwag munang umalis. Ano bang balak mo kay Mildred, Kyle?... Lumabas ng kwarto si Hilda at pumunta sa kwarto ni Manang Linda. Kumatok siya at pinagbuksan din naman siya ni Manang Linda ng pinto. "Hilda, may kailangan ka?" tanong ni Manang Linda. "May sasabihin lang ako, Manang Linda... Iyong mga nalaman mo kanina ay huwag mong ipagsasabi kay Kyle." Napakamot ng ulo si Manang Linda at sumang-ayon na lang. Matapos makipag-usap ni Hilda kay Manang Linda ay pumunta naman siya sa kusina upang maghanda ng kakainin ni Kyle. Ngunit, napatingin siya sa hagdanan nang makita niyang pababa si Kyle at nakasuot na ito ng formal attire. "Good morning... Mag-breakfast ka muna," wika ni Hilda. "Sa labas na ko kakain..." Napatingin na lang si Hilda kay Kyle na diretso lang lumabas ng bahay habang ito hindi nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Hilda. Siguro nga na tinamaan si Kyle kay Mildred. Sa tagal na kasama niya si Kyle at sa mayroon na namamagitan sa kanila noon ay wala man lang siyang narinig na pag-confess ni Kyle sa kanya. Tanging ang namamagitan lang sa kanila ay l*bog at walang pagmamahal. Pero nang dumating si Mildred at ilang linggo pa lang ito ay hindi niya aakalain na mahuhulog si Kyle sa dalaga. Natawa ng mapait si Hilda nang maisip niya iyon. Oo nga naman at mas bata sa kanya si Mildred ng ilang taon. May nangyari na ba sa kanilang dalawa?... Kaya ba gusto niya si Mildred dahil mas magaling siya kaysa sa akin?... Ang daming katanungan ang nasa isip ni Hilda ngayon. Naalala niya noon na isang inosenteng babae rin siya nang mamasukan kay Kyle. At naalala niya na ito ang kumuha ng kanyang iniingatan na perlas. [Flashback] Ding-Dong--- Pag-doorbell ni Hilda ay walang lumalabas sa bahay ng pagtatrabaho niya. Sa isip niya na sa laki ng bahay ay baka hindi ito narinig ang pag-doorbell niya. Kaya naman ay muli niyang inulit ang pag-doorbell. This time, sunud-sunod na ang kanyang pag-doorbell. May lumabas ng bahay. Unang nakita ni Hilda ang babaeng lumabas kasunod ang lalaking gwapo. Tumabi si Hilda upang bigyan ng daan palabas ng gate ang babae. Naisip niya na baka itong dalawa ang magiging amo niya. Pagkalabas ng babae ay babatiin sana ni Hilda ito ngunit nagdiretso ito ng lakad. "Anong kailangan mo?" masungit na pag-approach ng lalaki kay Hilda. Bigla naman nataranta si Hilda at napabati siya kaagad sa lalaki. "Magandang umaga po," mabilis na pagbati ni Hilda. "Ito po ba ang bahay ni Sir Kyle Montero?" Tumango naman ang lalaki kay Hilda. "I am... Come in." Pinapasok naman si Hilda ni Kyle sa bahay nito. Namangha siya sa mga nakikita niyang kagamitan sa loob ng bahay ni Kyle. "Take your seat first and we will discuss about your duties and also your salary," saad ni Kyle. Naupo naman si Hilda sa mahabang sofa. Inilibot niya pa rin ang paningin niya sa loob ng bahay ni Kyle. Kinakabahan din siya at the same time dahil baka nakakatakot ang magiging amo niya. "Here." Napatingin naman si Hilda sa lamesa nang inilapag na ni Kyle ang tasa na may laman na mainit na kape at sandwish. "So where you from, Miss?" tanong ni Kyle habang paupo ito sa single couch. "I'm Hilda Cunanan po... Galing po ako sa Giginto," pagpapakilala ni Hilda. "Oh okay." Nagtanong pa si Kyle sa kanya at sinagot naman niya lahat ng tinatanong nito sa kanya. "Okay... Since you know your duty. I will leave now. And I have work today." Sabay tayo ni Kyle. "Sir, ano pong oras ng uwi mo? Para po makapagluto ako?" habol na tanong ni Hilda. "I'll be late. So don't wait for me... I have to go." At umalis na si Kyle. Napansin ni Hilda na ang sungit ng magiging amo niya. Kaya naman naisip niya kung may nagawa ba siya na hindi maganda. Kinuha na lang ni Hilda ang sandwich at kinain ito. *** MATAPOS kumain si Hilda ay nakalinis na rin siya lahat-lahat. Sa laki ng bahay ni Kyle ay naisip niya na siguro ay kahit anong yaman nito ay malungkot naman ang buhay nito dahil mag-isa lang itong nakatira. Sumapit ang gabi, natapos na siyang kumain ng hapunan ay dumiretso na siya ng kwarto niya at natulog na. Napamulat nang mata si Hilda nang makaramdam siya ng pagtawag ng kalikasan. Madaling lumabas ng kwarto si Hilda at dumiretso sa banyo. Nang matapos na si Hilda na bumanyo ay akmang papasok na siya ng kwarto niya nang makarinig siya ng kalabog sa pangalawang palapag. At dahil sa curious siya ay naisipan niyang umakyat sa pangalawang palapag. Dahan-dahan at maingat na naglakad siya papunta sa pangalawang palapag. Hindi lang ang ingay ng bagay ang naririnig niya kundi ang ungol ng isang babae. Napansin ni Hilda ang nakaawang na pinto at may kaunting sinag ng ilaw sa kwartong iyon. Malakas anv kabog ng dibdib ni Hilda nang siya ay papalapit ng papalapit sa kwartong iyon. "Mm... Ah..." Muling ungol na nagmumula sa kwartong may kaunting sinag ng ilaw. Nang makalapit na si Hilda sa kwartong iyon ay napahinga siya ng malalim at sumilip sa nakaawang na pinto.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
iioiiii
27/09
0happy
13/03
0nice story 😀
26/02
0Tingnan Lahat