Kabanata 20

Pagkagising ni Mildred ay agad na bumangon na siya. Routine niya ulit ang maglinis sa umaga.
Pagkalabas ni Mildred nang kwarto niya ay may napansin siyang matandang babae na nakaupo sa sofa sa may sala. Naglakad lang siya hanggang sa napunta siya sa gawi ng matandang babae at binati ito. Matapos niyang batiin ang matanda ay dumiretso siya sa kusina, ngunit, napatigil siya saglit dahil nakita niya sa kusina sina Hilda at Kyle.
Si Hilda na abala sa paghanda ng pagkain. Samantalang si Kyle naman ay nag-aalmusal. Naglakad ulit siya na hindi na lang pinansin sina Hilda at Kyle. Kinuha niya na lang ang walis tambo at dust pan. Ngunit, nang akmang aalis na siya nang kusina ay tinawag siya ni Kyle. Agad na lumapit siya kay Kyle.
Pansin ni Mildred ang paglapag ni Kyle ng isang puting makapal na sobre.
"Here... Ito na ang sahod mo... Ito na rin ang huli sa bahay ko. After you clean the house--- you can leave anytime you want," casual na sabi ni Kyle.
"P-Po?!" Tila hindi naintindihan ni Mildred ang sinabi ni Kyle. At maaaring naguguluhan siya sa sinasabi nito.
Tinatanggal niya na ko?...
Hindi na nagtanong si Mildred bagkus ay kinuha niya ang envelope. Tiningnan niya ang nasa loob ng envelope. Hindi na siya nagulat na pera ito dahil sa tono pa lang ni Kyle kanina ay malamang na tanggal na nga siya bilang katulong nito.
"Maraming salamat, Sir... Huwag po kayong mag-alala. Aalis din po ako pagkatapos kong maglinis."
Matapos sabihin ni Mildred iyon ay umalis na siya ng kusina bitbit ang walis tambo at dustpan.
MAKALIPAS ang isang oras ay natapos na rin si Mildred na paglinis. Pagbalik niya sa kwarto niya at papasok na sana siya upang mag-impake ay nagulat siya nang makita niya ang eco bag niya sa labas ng kwarto. Napatingin naman siya sa may pintuan nang lumabas si Hilda.
Wala na si Kyle ngayong oras na ito at nasa trabaho na ito. At mukhang sa tingin ni Mildred ay lilitaw na naman ang pagiging mataray ni Hilda sa kanya.
"Ako na nag-impake ng mga damit mo... Nakakahiya kasi sa bagong katulong na matagal siyang maghihintay sa sala. Ang sakit din sa pwet na nakaupo lang siya doon magdamag habang hinihintay ka niya," mataray na pagkakasabi ni Hilda.
Hindi sumagot si Mildred kay Hilda. Kinuha niya na lang ang echo bag at akmang aalis na talaga siya ng bahay tutal nasa eco bag na lahat ng damit niya. Ngunit, bigla na naman na nagsalita si Hilda.
"Alam mo, Mildred, alam mo ba kung bakit tinanggal ka na ni Kyle?"
"Hindi ko na kailangan ang dahilan," walang ganang sabi ni Mildred. Tumalikod na siya kay Hilda upang maglakad na papunta sa main door, ngunit, nagulat siya nang maramdaman niya ang kamay ni Hilda sa buhok niya.
"BASTOS KANG BABAE KA!" sigaw ni Hilda habang sinasabunutan si Mildred.
Napaupo si Mildred sa sahig habang hawak niya ang kamay ni Hilda na nakasabunot sa kanya. Sobrang sakit ng pagkakasabunot sa kanya ni Hilda na feeling niya ay matatanggal na ang buhok niya sa anit niya.
"BWISET KA! MAY GANA KA NANG GUMANYAN! SINABI KO TALAGA KAY KYLE NA TANGGALIN KA DAHIL AYOKONG MAKITA KA... AYOKONG PAGLIHIAN KITA! AT SA TUWING NAKIKITA KITA AY NAIINIS AKO!"
"A-ARAY! T-T-TAMA NA! AALIS NA NGA AKO! A-ANO PA BANG GUSTO MONG MANGYARI?!... ALAM KO NAMAN NA AYAW MO NA KO SIMULA PA LANG..." nahihirapan na sabi ni Mildred.
"OO! UMALIS KA NA AT MAGPAKALAYO-LAYO! AYOKO NANG MAKITA 'YANG PAGMUMUKHA MO! AT PLEASE LANG, HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA PA KAY KYLE!"
Puwersahan na inalis ni Mildred ang kamay ni Hilda na nakasabunot sa kanyang buhok. Humarap siya kay Hilda na umiiyak.
"O-Oo... H-Hinding-hindi na ako magpapakita sa inyo!" paninindigan ni Mildred.
Nanginginig ang mga tuhod ni Mildred nang tumayo siya. Sobrang namanhid ang katawan niya at ang mata niya na namamaga na. Kinuha niya ang eco bag at walang paa-paalam kay Hilda, at umalis na siya ng bahay ni Kyle.
Dali-daling lumabas si Mildred ng Subdivision. Makahanap naman siya ng taxi na masasakyan niya.
"Manong sa terminal ng bus po," saad ni Mildred sa Manong Driver.
Iyak ng iyak si Mildred sa loob ng taxi. Ano pa bang magagawa niya kundi ang umuwi na lang sa pamilya niya.
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating siya ng terminal ng bus. Hindi naman siya nahirapan na makahanap ng bus papunta sa kanyang probinsya.
***
SA OPISINA ni Kyle, nakaupo lang siya sa kanyang swivel chair. Paano nga ba humatong sa pagpapaalis niya kay Mildred?
Nang gabing iyon nang lumabas sila ni Hilda ay panay ang reklamo ni Hilda sa kanya. Laging binabanggit sa kanya si Mildred--- na obvious naman na ayaw ni Hilda kay Mildred.
Ibinigay niya ang sahod ni Mildred kanina at hindi lang sahod kundi ay sinobrahan niya pa. Para iyon sa pamilya ni Mildred bilang tulong niya na rin.
Nakakalungkot man sa parte niya na hindi niya naipaglaban si Mildred. Pero iyon lang ang tanging magagawa niya sa ngayon.
Naalala ni Kyle ang pagtrato ni Hilda kay Mildred. At sa pananalita ni Hilda na sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ni Mildred ay halatang ayaw nito sa dalaga.
"Nakaalis na kaya siya?"
Kinuha ni Kyle ang cellphone niya sa may lamesa niya. Tinawagan niya si Mildred, ngunit, hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Sunod naman na tinawagan niya ay si Hilda--- sinagot naman nito ang tawag niya.
(K-Kyle? Ba't napatawag ka?)
"Itatanong ko lang kung nakaalis na si Mildred," casual na tanong ni Kyle.
(Ah, o-oo... Umalis na siya...)
"Ah okay." At ibinaba na ni Kyle ang tawag.
Agad na tumayo si Kyle mula sa pagkakaupo at madaling lumabas ng opisina. Naninikip ang dibdib niya at gusto niyang pigilan si Mildred. Hindi niya kayang mawala sa paningin niya si Mildred. Para siyang adik na si Mildred lang ang hinahanap niya.
Napag-isip-isip niya na rin na ang nasa sinapupunan lang ni Hilda ang magkakaroon ng koneksyon nilang dalawa at walang pagmamahal. Pwede niyang gawin na suportahan na lang si Hilda at si Mildred talaga ang pakakasalan niya.
"F*ck! Sagutin mo ang tawag ko, Mildred," inis na sabi ni Kyle.
Ibinalik ni Kyle ang cellphone sa bulsa ng kanyang slocks.
Nasa parking area na siya at hinihintay niya ang pagsagot ni Mildred sa kanyang tawag kanina, ngunit, wala pa rin kaya naman ay pinaandar niya na ang sasakyan niya at pumunta sa mga terminal ng bus. Hindi niya alam kung saan na terminal na bus pumunta si Mildred.
Paspas ang kanyang pagmamaneho at sa bawat terminal ng bus ay tinitingnan niya kung nakasakay na ba si Mildred ng bus. At sa huling terminal na bus na pinuntahan niya at akmang ipaparada niya ang sasakyan niya ay siya naman ang kita niya kay Mildred na nakasakay na sa bus. At ang sinasakyan ng dalaga ng bus ay paalis na.
Bumaba ng sasakyan si Kyle at hinabol ang bus na sinasakyan ni Mildred, ngunit, ang dulo ng bus na lang niya ang naabutan. Napahinto siya sa pagtakbo.
Malalim ang kanyang paghinga dala ng kanyang mabilis na pagtakbo. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa pagtakbo at isama na rin ang kanyang nararamdaman na hinanakit nang hindi niya naabutan si Mildred upang pigilan ito.
Bumalik si Kyle sa kanyang sasakyan at dumiretso na lang ulit siya ng opisina. Wala sa sariling naglalakad siya pabalik sa kanyang opisina. Parang nawalan siya ng isang bahagi sa kanyang katawan.
Nakaupo lang siya sa kanyang swivel chair at muling nag-isip. Biglang sumagi ang mukha ni Mildred sa kanyang isipan. Kita niya ang lungkot sa mukha ng dalaga kanina.
Maybe, it's the best for us...
Siguro ay mas mabuti muna ang ginawa niya.
MAKALIPAS ang ilang oras. Matapos ang trabaho niya ay umuwi agad siya ng bahay. Nag-hire siya ng katulong na sa kanya lang magre-report ang matanda kung ano ang mga ganap kay Hilda tuwing wala siya sa bahay.
Nang makarating si Kyle ng bahay ay agad na sinalubong siya ni Hilda.
"Tamang-tama at kakatapos lang ni Manang Linda magluto," masayang wika ni Hilda sa kanya.
Umangkla pa sa kanya si Hilda habang sila ay papasok ng bahay. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay napatingin siya sa gawi ng kusina. Nanlaki ang mata niya nang makita niya si Mildred na naglalapag ng ulam sa lamesa. Ngunit, sa kanilang pagpunta sa kusina ay naging si Manang Linda na ito.
"Magandang gabi, Sir," bati ni Manang Linda kay Kyle
Binati din ni Kyle si Manang Linda habang siya ay nakaupo na. Napansin niya na aalis na si Manang Linda ng kusina kaya naman ay agad na pinigilan niya ito.
"Manang, sabay na po kayo sa amin kumain," pagyaya ni Kyle sa matanda.
Bago sumagot si Manang Linda ay mabilis na tumingin ito sa gawi ni Hilda at ibinalik din ang tingin kay Kyle.
"Naku, busog pa ako. Nag-merienda kasi ako kanina. Hehe," dahilan ng matanda.
"Ah gano'n ho ba?" nasabi na lang ni Kyle. Gusto niyang isabay ang matanda sa kanila ni Hilda. Dahil ayaw niya ang presensiya ni Hilda.
Kumain na lang silang dalawa ni Hilda. Tahimik lang si Kyle at ayaw niyang kausapin si Hilda. Kung magtatanong lang si Hilda ay saka lang siya sasagot.
"Bukas pala check-up ko..." panimula ni Hilda.
"Hm," tanging tugon lang ni Kyle at pinagpatuloy ang pagkain.
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Alam mo naman na may pasok ako bukas," dahilan ni Kyle.
"Ikaw naman ang may-ari ng kumpanya... Mare-resched mo naman iyong meeting at gagawin mo."
Napakuyom ng kamao si Kyle. Walang emosyon na tumingin siya kay Hilda.
"Mas importante ang meeting ko at gagawin ko sa opisina... Kaya mo naman mag-isa. Bibigyan na lang kita ng pamasahe."
Hindi nagsalita si Hilda at yumuko na lang.
"Oo nga naman... Saglit lang naman magpa-check-up. Hehe." Tumayo si Hilda. "Pasensiya ka na. Nawalan na ko ng ganang kumain."
Ano na naman ang drama ni Hilda?...
Napabuntong-hininga si Kyle. Pinuntahan niya si Hilda sa kwarto nito. Kumatok siya sa pintuan nito.
"Hilda."
Walang sagot siya na nakuha. Kumatok ulit siya.
"Hilda, buksan mo ang pi---"
Napatigil si Kyle sa pagkatok at narinig niya na umiiyak si Hilda sa loob ng kwarto nito.
"Okay, bukas lang. Dahil sa mga susunod na araw ay busy na ko."
Matapos sabihin ni Kyle iyon ay umalis na siya sa tapat ng kwarto ni Hilda. Pumunta na siya sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Matapos din iyon ay naghilamos at nagsipilyo na siya.
Nang wala na siyang gagawin lahat-lahat ay dumiretso na siya sa kanyang higaan. Ipinikit niya ang kanyang mata, ngunit, iminulat niya ang mata niya dahil hindi talaga siya makatulog. Hindi talaga siya tinatamaan ng antok. Paulit-ulit din na sumasagi sa isipan niya si Mildred sakay ng bus kanina.
Napabangon si Kyle ng kama. Sa tabi ng kama niya na side table na parang drawer ay kinuha niya doon ang isang bote ng gamot. Binuksan niya ang takip ng bote ng gamot at mula sa loob ng bote ay kinuha niya ang isang tablet at inilunok ito.
Ilang minuto ang lumipas ay napapansin na ni Kyle ang unti-unting pagpikit ng kanyang mata.
"Kyle..."
Narinig ni Kyle ang mahinang boses ni Mildred. Walang siyang makita. Itim ang paligid. Paikot-ikot ang kanyang pagtingin sa paligid. Pero halos itim ang paligid.
"Kyle."
Muling pagbanggit ng mahina ni Mildred ng pangalan ni Kyle.
"Mildred, nasaan ka?"
Nagbago ang paligid. Nasa terminal siya ng bus.
Nandito ulit ako?...
Napatingin si Kyle sa bus at nakita niya si Mildred na sakay dito. Hindi pa umaalis ang bus. Tumakbo si Kyle sa bus at pumasok. Hinanap niya si Mildred at pinuntahan ito kung saan ito nakaupo.
Hindi siya napansin ni Mildred at nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Pero tumingin din sa kanya si Mildred, marahil ay napansin siya na nakatayo malapit sa pwesto ng dalaga.
"Kyle? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa opisina ka?" malumanay na sabi ni Mildred.
Hindi sinagot ni Kyle si Mildred. Imbes na sagutin niya si Mildred ay kinuha niya ang kamay nito at hinila niya palabas ang dalaga sa bus.
"A-Ano ba, Kyle!" Pagpigil ni Mildred.
Nang makalabas sila ng bus ay saka lang nagsalita si Kyle. Hindi niya pa rin tinatanggal sa paghawak ng kamay ni Mildred.
"Mahal kita, Mildred. Sorry kung nasabi ko ang masasakit sa iyo no'n. Hindi ko alam ang gagawin ko... Pero ikaw ang mahal ko..."
Nakita ni Kyle ang pag-alis ni Mildred ng kamay niya sa kamay nito.
"Mahal kita pero tama lang na sinabi mo sa akin iyon. Ayoko na... Nasaktan na ko."
Pagkatapos sabihin ni Mildred iyon ay iniwan na nito si Kyle at pumasok na muli sa bus.
Hahabulin na sana ni Kyle si Mildred, ngunit, biglang umandar na ang bus.
Napamulat ng mata si Kyle. Hingal na hingal siya at pinagpapawisan. Napasapo siya sa kanyang noo.
Sh*t! Panaginip lang...

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    27/09

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata