Kabanata 19

Abala si Calvin sa kanyang trabaho. Lumipas ang ilang araw ay iginugol niya lang ang sarili niya sa trabaho. At sa bagong empleyado na si Daphnie ay naging close na silang dalawa. Lagi silang tinutukso nina Ruby at Gerard, ngunit, hindi pinapatulan ni Calvin ang mga biro ng dalawa.
Ngayon ay tinuturuan ni Calvin si Daphnie. Biglang bumulong si Daphnie sa kanya.
"Si Sir Kyle," mahinang sabi ni Daphnie.
Napatingin naman si Calvin sa gawi ni Kyle.
"Come to my office," saad ni Kyle sa kanya.
Napatingin si Calvin kina Ruby at Gerard. Walang magawa si Calvin kundi ang sumunod kay Kyle.
Nang nasa loob na si Calvin ay naupo na siya at hinihintay niya na lang ang sasabihin ni Kyle. Pero napansin niya na tila may bumabagabag kay Kyle.
"Ehem..."
Bigla naman napatingin sa kanya si Kyle.
"Oh sorry," paumanhin ni Kyle. "It's not about work... It's about Mildred."
Nang marinig ni Calvin ang pangalan ni Mildred ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.
"Bakit? Anong nangyari kay Mildred?" puno ng pag-aalala na tanong ni Calvin.
"Nothing happened to her... She confessed to me... But..."
Alam naman ni Calvin na si Kyle ang pinili ni Mildred. Naalala niya noon ang sinabi ni Mildred nang araw na 'yon...
Sa bahay ni Kyle, nagpaalam na sina Calvin, Ruby at Gerard. Inihatid sila ni Mildred hanggang gate. Nakasakay na sina Ruby at Gerard sa sasakyan. Bubuksan na ni Calvin ang pintuan ng driver's seat nang tawagin siya ni Mildred.
"Calvin..."
Napaharap si Calvin kay Mildred.
"Hm? Ano 'yon, Mildred?" tanong naman ni Calvin.
Pansin ni Calvin ang malungkot na mukha ni Mildred.
"Bakit? Anong problema?" sunod na tanong ni Calvin.
"Pasensiya ka na, Calvin. May... Mayroon akong napupusuan," anito.
Napahinga ng malalim si Calvin. Hindi niya sinisisi si Mildred sa pagpayag ng dalaga sa kanya na ligawan ito. At least, he tried his best. Kahit hindi sabihin ni Mildred sa kanya kung sino ang lalaking napupusuan nito ay alam niya naman na si Kyle iyon. Ano pa nga ba siya kung ikumpara siya kay Kyle?
"Sus, okay lang. We can be friends naman... Well, I hope na maging happy ka for him," pilit na sabi ni Calvin.
"Pasensiya ka na talaga," paumanhin pa ulit ni Mildred.
"No worries... Um, we have to go," paalam ni Calvin.
Sa pagbalik-tanaw ni Calvin sa oras na iyon ay natanggap niya naman na. Pero ang hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang sabihin sa kanya ni Kyle ang tungkol sa pag-confess ni Mildred dito. Para ipamukha sa kanya na hindi siya ang pinili? Para naman na mapang-asar ito sa kanya.
"Kung iyan lang ang sasabihin mo sa akin ay hindi ako interesado... Alam ko na... Na ikaw ang pinili ni Mildred."
Napabuntong-hininga si Calvin at ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Ano pa bang gusto mong mangyari? Ipamukha sa akin at ipagyabang na nanalo ka?"
Matamang na seryosong nakatingin lang sa kanya si Kyle.
"Look, I didn't said that to her that I like her too... Becasue..." Napatigil na naman si Kyle sa pagsasalita na tila hirap sabihin ang susunod na salita.
"Ano? Bakit hindi mo masabi? Dahil ano? Ah, gaya ng sabi mo... Isang katulong si Mildred. Kaya nang malaman mo na nililigawan ko siya ay gusto mo ng challenge? Ganyan na ba ka-boring 'yang buhay mo? Sabagay sa pagkain, kulang ang sangkap kung walang spice," mahabang pahayag ni Calvin.
Pero hindi pa siya tumigil na magsalita. "Sana hindi na lang si Mildred ang pinaglaruan mo... Mali, sana hindi mo ito ginagawa sa mga babae... I don't know your background but--- please... Just please stop playing with women."
Para sa kanya na ang isang Mr. Kyle Monteroy ay magkakagusto lang sa isang katulong? Imposible iyon dahil sa mukha at kisig ng pangangatawan ay lahat ng babae ay bibigay sa kanya. Kaya no wonder na pati si Mildred ay pinatulan niya.
Kung may masamang karanasan si Kyle noon ay dapat na hindi ito in-apply sa iba pang tao.
"Are you done?" walang emosyon na sabi ni Kyle.
"I'm done," simpleng sagot ni Calvin.
"You know, Mr. Calvin... I'm not yet done talking but you cut my line..."
Napakunot-noo si Calvin at nakinig na sa sasabihin ni Kyle.
"Yeah... I admit that I have been an assh*le... Douchebag... Pervert... What else? Hmm... A bastard... I played with them. Oh, used them to release my libido... What can I do? I'm just a man---"
Sumingit si Calvin. "You're a jerk."
Natawa naman ng bahagya si Kyle sa kanya nang sabihin niya iyon.
"I forgot that one... And yes I'm a jerk... I love playing with them 'back then'," may diin na sabi ni Kyle na dalawang huling salita sa huli.
Huminga ng malalim si Kyle at ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Until, I met Mildred... Everthing's change... When I first saw her, it was like, it was the first time I liked a girl."
Napansin ni Calvin ang pag-amo ng mukha ni Kyle at parang kaibigan lang siya nito na nagkekwento sa kanya.
"What is your point, Mr. Montero?" tanong ni Calvin na mukhang naiinip na.
"Gusto ko lang sabihin na... I failed to protect her... Noong sinabi niya na gusto niya ko ay hindi ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Instead, naging masama ako... Masama ang mga nabitawan kong salita sa kanya. Ginawa ko 'yon dahil may problema ako. And you're right... I am a jerk--- at biglang dumating ang karma ko gayon na ngayon ay nagmahal na ko ng tunay... Even if, ni-reject ka ni Mildred. I know that she can learn to love you back... I know you are a good person, Calvin. That is why I chose you to protect her," mahabang litanya ni Kyle.
Naintindihan naman ni Calvin ang punto ni Kyle. Kung ano man ang problema ni Kyle ay wala na siyang pakialam doon. Ang tanging gusto lang na mangyari para sa kanya ni Kyle ay ang protektahan si Mildred. Dahil alam niya rin kung gaano kainosente si Mildred.
"I'll accept it... Kung ano man ang problema mo ay sana maging okay na," wika ni Calvin.
Tumango naman si Kyle sa kanya at nagpasalamat.
***
NASA labas pa rin si Hilda habang kausap niya si Arnold. Nagtataka siya na para bang kung magtanong si Arnold ay alam nito na nasabi niya na kay Kyle ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Malakas ang kutob niya na may sinabi si Mildred kay Arnold. Ang bilis pa naman uminit ang dugo niya kay Mildred ngayon. Paano na lang kaya kung nalaman ni Mildred na si Arnold ang ama ng pinagbubuntis niya?
Hindi ko hahayaan na malaman ni Kyle ang totoo...
"Paano ba 'yan... Huwag mong kakalimutan ang napag-usapan natin. Kung hindi ay ako na mismo ang magsasabi kay Kyle tungkol diyan sa bata." Sabay turo ni Arnold sa tiyan ni Hilda.
Akmang sasakay na si Arnold ng tricycle nang pigilan ni Hilda ito.
"May sinabi ba si Mildred sa iyo?"
"Wala... Bakit mo naman naitanong? Tsk," ani Arnold nang makasakay ng tricycle.
"Wala naman... Sige, umalis ka na. At huwag ka ng magpapakita dito."
Nang makaalis na si Arnold ay pumasok na si Hilda sa loob ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok niya nang bahay ay nadatnan niyang inilalabas ni Mildred ang pinamili nito sa plastic. Nilapitan niya si Mildred. Hindi niya alam kung bakit nag-iinit ang ulo niya kay Mildred.
"May sinabi ka ba kay Arnold?" mataray na tanong ni Hilda kay Mildred.
Biglang napatingin naman sa kanya si Mildred na may takot sa mukha nito.
"W-Wala, Ate," nauutal na sagot ni Mildred.
Matagal na nakatitig lang si Hilda kay Mildred. Gusto niyang saktan si Mildred, ngunit, pinipigilan niya ang sarili niya.
Agad din na umiwas ng tingin si Hilda na biglang sumagi sa isip niya na baka paglihian niya pa ito kung sakali. Ayaw niyang mangyari iyon.
Iniripan ni Hilda si Mildred at dumiretso na siya sa kwarto niya. Sa kwarto niya, nahiga lang siya at iniisip ang pinag-usapan nila kanina ni Arnold. Ano nga ba dapat niyang gawin? Susundin niya si Arnold o hindi?
Mayroon na siyang plano para sa kanya lang ng anak niya. Pero mukhang hindi siya magtatagumpay sa plano niya kung nakapaligid si Arnold.
Bakit ngayon ay pinagtatabuyan niya na si Arnold? Simple lang. Wala na talagang pag-asa na magbago si Arnold. Gugustuhin niyang mamuhay ang anak niya ng marangya kung si Kyle ang gagawin niyang ama ng dinadala niya.
Unti-unti nang nararamdaman ni Hilda ang antok. Ipinikit na niya mata at natulog na siya.
***
SA KUSINA, abala si Mildred sa paghihiwa ng sibuyas. Malalim ang kanyang iniisip. Gusto niyang sabihin kay Kyle na hindi ito ang ama ng dinadala ni Hilda. Pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Kyle.
Sa kanyang pag-iisip ay biglang napatigil siya sa paghihiwa. Biglang napaangat ang kanyang ulo at nanlaki ang mata niya nang makita niya sa harapan niya si Kyle. Bigla siyang napabitaw sa kutsilyo at napalayo.
Gaano katagal na siya nasa harapan ko?...
"I-Ikaw pala... N-Nakauwi ka na pala," nauutal na sabi ni Mildred.
Bigla siyang napakunot-noo dahil bakit nagsalita siya at kinausap niya si Kyle. Iniiwasan niya na ito.
"Si Hilda?" seryosong tanong ni Kyle sa kanya.
Nagbago ang tono ng boses nito bigla na ikinataka ni Mildred. Kanina lang ay kinukulit pa siya nito na makipag-usap sa kanya.
"N-Nasa kwarto niya," sagot ni Mildred habang nakayuko.
"I see... Well, I have an important to tell you... Pero mamaya ko na sasabihin sa iyo. Finish that first," casual na sabi ni Kyle.
Hindi na sumagot si Mildred at sinundan niya lang ng tingin ang binata habang ito ay papaakyat sa pangalawang palapag.
Bigla naman kinabahan si Mildred. Dahil lang bitin na lang ang sasabihin sa kanya. Pansin din niya na nag-iba talaga si Kyle.
Ipinagpatuloy na lang ni Mildred ang kanyang ginagawa.
LUMIPAS ang ilang minuto ay natapos na ni Mildred ang pagluluto. Nakahanda na ang lahat ng kakainin nila.
"Anong ulam?" masungit na tanong ni Hilda.
Napatingin naman si Mildred kay Hilda na nasa kusina na rin.
"Um... Nilagang baka, Ate," mahinang sagot ni Mildred.
"Wala ng iba?" tanong muli ni Hilda na tinitingnan ang lamesa kung may iba pa bang ulam.
"I-Ito lang naluto ko," kinakabahan na sabi ni Mildred.
Umirap si Hilda. "Sana man lang tinanong mo ako kung ano gusto kong kainin. Alam m naman na buntis ako."
Parang amo na talagang umasta na si Hilda kay Mildred. Dahil lang sa buntis ito ay tila ito na ang susundin ni Mildred?
"What's the problem here?"
Narinig ni Mildred ang malaki at mababang boses ni Kyle. Tanging nakayuko lang siya. Para tuloy na aping-api siya sa pamamahay ni Kyle.
"Hindi ko gusto ang niluto ni Mildred..." ani Hilda.
Nanlaki ang mata ni Mildred at napatingin siya kay Hilda na lumapit kay Kyle at umangkla sa braso nito.
"Sa labas na lang tayo kumain... Hindi ko talaga gusto ang pagkain na niluto ni Mildred," may inis sa boses ni Hilda.
Napayuko ulit si Mildred. Tanging nakatayo lang siya sa isang sulok at hinihintay ang utos ni Kyle. Para sa kanya ay si Kyle lang ang susundin niya.
"Okay," sang-ayon ni Kyle. "Mildred, ikaw na lang ang kumain niyan. Sa labas na kami kakain."
Nang marinig ni Mildred iyon ay nakaramdaman siya ng kirot sa puso niya. Ngayon ay naramdaman niya na ang tunay na katulong.
"S-Sige po," tanging sagot ni Mildred habang hindi siya nakatingin kina Kyle at Hilda. Narinig niya na lang ang mga yabag ng mga ito na umalis na sa kusina.
Napaupo si Mildred sa upuan at tiningnan ang nakahandang pagkain. Matamlay na sumandok siya ng kanin at ulam. At nagsimula nang kumain.
Gusto na niyang umalis bilang katulong kay Kyle at magpakalayo-layo, ngunit, kailangan niyang maghanap ng isa pang trabaho. Siguro ay kailangan niya munang umuwi ng probinsya ulit.
Pero paano ang gagawin niya?
Matapos kumain si Mildred ay iniligpit at nahugasan na niya ang pinaggamitan niya kanina sa pagkain. Dumiretso na rin siya sa kanyang kwarto. Nakaupo lang siya sa kama malapit sa side table. Nakatingin siya sa kanyang cellphone. Tinitingnan ang kanyang orasan. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sina Kyle at Hilda.

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    13d

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata