Kabanata 18

Hindi alam ni Kyle ang isasagot niya kay Hilda. Hindi lang siya makapaniwala na nabuntis niya ito. Alam niya na laging safe sila kung magtalik ni Hilda.
"P-Paano? Imposble..."
"Naalala mo iyong isang gabi na inilabas mo sa loob ko no'n? Akala ko ay safe ako no'n," saad ni Hilda.
Pilit man inaalala ni Kyle ang nakaraan, ngunit, wala talaga siyang maalala na may ganoon nga na nangyari.
"Kyle, magsalita ka naman. Ayokong lumaking walang ama ang anak ko," pagmamakaawa sa kanya ni Hilda.
"P-Paanong hindi ako makapagsalita... Nabigla ako sa sinabi mo," nasabi na lang ni Kyle.
Hindi talaga mag-sink-in sa isip ni Kyle ang sinabi ni Hilda sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Walang makakalabas nitong sitwasyon mo. Kahit kay Mildred ay huwag mong ipagsabi," utos ni Kyle kay Hilda.
Lumabas si Kyle ng kwarto niya. Bumaba siya ng hagdan niya. Ngunit, napatigil siya nang makita niya sa sala sina Mildred, Calvin at isang babae at lalaki na kasama pa nila.
Napansin niyang tumayo si Mildred. Naalala ni Kyle na si Calvin lang ang nakakaalam ang tungkol sa kanila ni Mildred.
"Ano---"
Naudlot ang sasabihin ni Mildred nang magsalita si Kyle.
"Hi, I know na nabigla kayo." Tumingin saglit si Kyle kay Calvin at ibinalik ulit ang tingin sa iba pang kasama ni Calvin. "Si Mildred ay step sister ko."
Kita ni Kyle ang pagkagulat sa mukha ng mga kasama pa ni Calvin.
Pero biglang nagsalita si Mildred.
"Um, aalis na rin sila," singit ni Mildred.
"Ay, o-oo, Sir. Alis na rin po kami," sabi ng isang babae.
Tumango naman si Kyle.
"Okay, ingat kayo."
Pumunta si Kyle ng kusina at doon ay nanatili na lang siya. Malalim pa rin ang kanyang iniisip. Magiging ama na siya, and yet he doesn't love the mother of his baby.
Ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayon na nagdududa pa rin siya kung siya ba talaga ang ama ng dinadala ni Hilda.
Napapailing si Kyle sa mga kahibangan na naiisip niya. Hindi niya malalaman ang lahat kung hindi pa naipanganak ni Hilda ang bata.
"K-Klye."
Napatingin si Kyle kay Mildred. Pero bigla niya rin na iniwas ang paningin niya sa dalaga at kunwaring kumuha ng baso at tubig sa refrigerator.
"Oh, nakauwi na ba sila?"
"N-Nakauwi na sila," sagot naman ni Mildred na nakatayo lang sa isang sulok.
"May sasabihin ka pa ba?" malamig na sabi ni Kyle.
"Um, nakapagdesisyon na ako... Ikaw ang pinili ko," out of no where na sabi ni Mildred. "Gusto kita, Kyle."
Napansin ni Kyle si Hilda na nasa likod ni Mildred. Hindi naman naramdaman ni Mildred sa likod.
It was really hard for Kyle to think what is the best decision he make. He really liked Mildred. However, he is in a situation that he got pregnant Hilda.
Hindi pa alam ni Kyle ang tunay na ugali ni Hilda. Maraming posibilidad na kapag narinig ni Hilda ang sagot niya kay Mildred ay maaaring ipagkalat nito na nabuntis niya si Hilda.
Advance man mag-isip si Kyle pero parang negosyo lang 'yan na iniisip ang magiging posibilidad. Kumbaga, there is a Plan A, Plan B and so on.
"Ah, 'yon ba? I was just joking around. Masyado ka kasing halata na gusto mo ko. As if magkakagusto ako sa iyo?" taas noo na sabi ni Kyle.
Napansin niyang yumuko si Mildred. Gusto niyang lapitan ang dalaga at humingi ng tawad sa mga sinabi dito. Gusto niyang yakapin si Mildred, ngunit, kailangan niyang pigilan ang sarili niya at maging matigas sa harap nito.
"Actually, si Hilda... Kami talaga ni Hilda at magkakaroon na kami ng anak. And that was my mistake makes fun with you."
Mabigat sa pakiramdam ni Kyle ang mga sinasabi niya kay Mildred na hindi naman talaga totoo.
"I hope you can be smart by choosing a decent guy. Don't look at their lifestyle and also with their handsome face."
Matapos sabihin ni Kyle iyon ay umalis na siya ng kusina.
***
NAGSIPAGBAGSAKAN na ang mga luha ni Mildred na kanina pa niya pinipigilan. Sobrang nasaktan siya sa sinabi ni Kyle. Alam niya naman na unang magkakagusto talaga kay Kyle ang gwapong mukha nito. Pero nahulog na talaga siya kay Kyle dahil sa ilang beses na pagtulong ng binata sa kanya. Pero hindi niya alam na pagdating sa pag-ibig ay mapaglaro si Kyle.
Kaya naman ay biglang sumagi sa isip niya noong unang nalaman niya na si Kyle iyon. Ang akala niya na walang namamagitan kina Hilda at Kyle ay mayroon pala.
Kung sakaling ang halik lang noon nila ay maaaring humigit pa at maaaring maibigay niya ang iniingatan kay Kyle. Buti na lang at hindi niya nagawa iyon.
Babalik na si Mildred sa kanyang kwarto. Nang pagtalikod niya ay nakita niya sa likod niya si Hilda.
"A-Ate Hilda."
Natawa ng peke si Mildred habang pinunasan ang pisngi niya na may luha.
"H-Huwag mong isipin ang sinabi ko."
Nakayuko lang si Mildred at ayaw niyang makita ang mukha ni Hilda. Nahihiya siya at hinayaan niyang magpadala siya kay Kyle at nahulog sa patibong binata.
Naramdaman ni Mildred ang paglapit sa kanya ni Hilda.
"Mildred."
Ang boses noon na pagkataray ni Hilda sa kanya ay nagbago.
"Halika na sa kwarto mo."
Iginaya siya ni Hilda at dinala sa kwarto niya. Hindi umalis si Hilda sa kwarto ni Mildred--- ay naupo sa tabi ni Mildred at inalo.
Narinig ni Mildred ang pagbuntong-hininga ni Hilda.
"Pasensiya ka na... Iyong totoo ay may namamagitan sa amin ni Kyle... Ang totoo niyan ay kumuha talaga kami ng isa pang katulong at ikaw nga iyon... Para magawa namin ni Kyle ang lahat... Makapunta sa ibang bansa--- mag-travel... Hindi ko alam na ganoon ang gagawin niya sa iyo. Parehas man tayong katulong sa pamamahay na ito. Pero kapwa katulong din niya ang tutulong sa kanya," mahabang litanya ni Hilda.
Muling napabuntong-hininga si Hilda at ipinagpatuloy ang sasabihin. Habang si Mildred ay nakikinig lang.
"Pero dapat... Kung inakit ka niya... Sana naman ay huwag kang mahulog sa kanya. Gaya nga ng sabi ni Kyle. Maging matalino ka."
Pagkasabi ni Hilda sa kanya iyon ay umalis na ito.
Naguluhan si Mildred sa sinabi ni Hilda. Humingi ng pasensiya si Hilda pero parang kasalanan pa ni Mildred na nahulog siya kay Kyle?
KINABUKASAN, maagang naglinis si Mildred. Gusto niyang umalis na sa bahay ni Kyle, ngunit, naalala niya na wala pa siyang matutuluyan na iba. Hindi pa sapat ang pera na nasa kanya ngayon dahil nagpadala siya ng pera sa magulang niya.
Pero bigla din binawi ni Mildred ang nasa isip niya na--- para naman siyang bitter kung dahil lang doon ay aalis siya.
Natapos na lahat-lahat si Mildred sa paglilinis ay iyon pa rin ang nasa isip niya.
Sabihin ko na kaya sa agency na hanapan na ko ng ibang papasukan ko...
Pero paano ang gagawin ko? Ano ang irarason ko?...
Sa pag-iisip ni Mildred ay bigla niyang nakita si Kyle. Bigla siyang nataranta at bigla siyang pumasok sa kwarto niya.
Biglang may kumatok sa pintuan niya.
"Mildred, pwede ba tayong mag-usap?"
Biglang narinig ni Mildred ang boses ni Kyle sa labas ng pintuan niya. Bakit nag-iba ang tono ng boses ng binata? Bakit naging malumanay ito magsalita ngayon?
Hindi pinagbuksan ni Mildred si Kyle ng pinto. Bagkus ay ni-lock pa niya ito na makakasigurado siya na hindi makakapasok si Kyle.
"Mildred, sorry sa nasabi ko. Hindi ito iyong oras na sasabihin ko sa iyo ito... Kaya sana ay pagbuksan mo ko ng pinto at papasukin nang sabihin ko sa iyo ang totoo," muling salita pa ni Kyle.
Nang marinig ni Mildred iyon ay pinag-iisipan niya kung pagbubuksan niya ba ng pinto si Kyle. Tangin nakatingin lang siya sa doorknob. Itinaas niya na ang kamay niya at nakahawak na siya sa doorknob niya. Hindi pa rin siya makapagdesisyon. Natatakot siya na baka pinaglalaruan na naman siya ni Kyle at baka pagbukas niya ng pinto ay baka kasama pala ni Kyle si Hilda.
Negatibo man ang iniisip ni Mildred ay nadala na siya sa sinabi ni Kyle.
Kailangan kong maging wais...
Ibinawi na ni Mildred ang kamay niya at pumunta siya sa kama, at naupo sa dulo ng kama.
Hindi nagtagal ay napalingon si Mildred nang may kumatok na naman sa pintuan niya.
"Mildred..."
Boses ito ni Hilda. Agad na tumayo si Mildred at naglakad papunta sa pintuan at pinagbuksan niya ito ng pinto. Pagbukas niya ng pinto ay buti na lang at si Hilda lang ito at hindi kasama si Kyle.
"Ate Hilda, may kailangan ka?"
May inabot na papel sa kanya si Hilda. Kinuha naman niya ito.
"Bumili ka sa palengke na para sa lulutuin ko," utos ni Hilda.
Tumango naman si Mildred. Tama na ang pampapantasya niya at tanging ang ipinunta niya sa Maynila ay ang magtrabaho talaga.
"Sige, Ate. Alis na ako," paalam ni Mildred at lumabas na siya ng kwarto niya.
Sa paglabas ni Mildred ay wala naman siyang nakitang maski anino ni Kyle. Naisip niya na baka ay pumasok na si Kyle.
Lumabas si Mildred ng bahay na may dalang bayong. Naglakad lang siya hanggang sa makalabas siya ng subdivision at naghintay ng masasakyan papunta sa palengke.
Ngunit, sa paghihintay ni Mildred ng masasakyan niya ay biglang dumating si Arnold.
"Saan ang punta mo, Mildred?" tanong ni Arnold.
"Sa palengke," sagot naman ni Mildred.
"Tara na," yaya ni Arnold.
Napangiti si Mildred at nagpasalamat siya kay Arnold, at sumakay na siya ng tricycle.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na sina Mildred at Arnold sa palengke. Sinamahan pa si Mildred ni Arnold na mamalengke. Lubos ang pasasalamat niya kay Arnold dahil sa tulong nito sa kanya.
Lumipas pa ang ilang oras ay natapos na silang mamalengke. Pero bago sila umuwi ay niyaya si Mildred ni Arnold na kumain. Tumanggi si Mildred, ngunit, makulit si Arnold at gusto talaga siyang ilibre ng binata.
Kumain lang sila sa karinderya. At sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay nagsalita si Arnold.
"Bakit parang malungkot ka, Mildred?" umpisa ni Arnold.
"H-Huh? Um... Hindi ah," tugon naman ni Mildred habang iwas ang tingin kay Arnold.
"Ito naman, parang hindi tayo magkaibigan," ani Arnold.
Nakayuko pa rin si Mildred habang nilalaro niya ang pagkain niya.
"Si Ate Hilda... Buntis," nasabi ni Mildred."
"Talaga? Wow! Congrats sa kanya at magiging ina na siya," masayang wika ni Arnold.
Biglang napaisip si Mildred na nasabi niya kay Arnold ang tungkol kay Hilda.
"Naku, Naku, Kalimutan mo na ang sinabi ko," pagbawi ni Mildred.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagsasabi ang nalaman ko."
"Kalimutan mo na lang," ulit pa ni Mildred.
Buti na lang at hindi na nagtanong pa si Arnold kay Mildred. At niyaya na ni Arnold si Mildred na umuwi.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ni Kyle. Bumaba na si Mildred nang tricycle habang si Arnold ay ibinababa ang mga pinamili.
"Salamat, Arnold," pagpapasalamat ni Mildred.
"Wala iyon... Nandito ako para handang tumulong." Sabay kindat ni Arnold.
Natawa naman si Mildred sa ginawa ni Arnold.
"Mildred---"
Napalingon si Mildred nang marinig niya si Hilda.
"Ate Hilda, tinulu---" Hindi na natapos ni Mildred ang sasabihin niya.
"Ipasok mo na 'yan sa loob," utos ni Hilda sa kanya.
Sa boses pa lang ni Hilda ay naging masungit ito. Kaya naman ay sinunod na lang ni Mildred si Hilda.
Isang buhatan ang ginawa ni Mildred upang ipasok ang lahat ng pinamili niya. Inilagay niya ang lahat ng pinamili niya sa kusina.
Biglang naalala ni Mildred na magbayad kay Arnold. Kahit na tinatanggihan na kunin ni Arnold ang bayad niya ay nagpupumilit pa rin si Mildred na ibigay ang bayad.
Lumabas si Mildred nang bahay. Ngunit, nagtaka siya na wala na sila Hilda at Arnold sa harap ng pinto. Tanging ang tricycle lang ni Arnold ang nandoon.
Naglakad si Mildred papunta sa gate, ngunit, natigilan siya nang marinig niya ang boses nina Hilda at Arnold na mukhang nag-aaway. Nagtago siya sa gilid ng gate.
"Bakit ka nandito?" inis na tanong ni Hilda kay Arnold.
"Syempre, hinatid ko si Mildred," prenteng sabi naman ni Arnold.
"Imposible... Anong pakay mo talaga ngayon?" ani Hilda.
Narinig ni Mildred ang pagtawa ni Arnold. Isang tawa na mapang-asar.
"Nasabi mo na ba kay Kyle?" wika ni Arnold.
Sa pakikinig ni Mildred ay nagtaka siya kung ano iyon. Maigi pa siyang nakinig.
"Oh, hindi ka na makapagsalita diyan. Kanina ang tapang mo... Iyang hindi mo pagsagot ay maaaring nasabi mo nga sa kanya... Buti naman at sinunod mo ko," saad ni Arnold.
"Alang-ala sa bata, Arnold. Inisip mo ang pera, hindi ba?! Pwes, papanindigan kong si Kyle ang magiging ama nito. At hindi sa walang kwentang katulad mo," wika ni Hilda.
Sa mga narinig ni Mildred sa pag-uusap nina Hilda at Arnold ay nagulat siya.
Si Arnold ang ama?

Komento sa Aklat (286)

  • avatar
    LegartoJohn Micheal

    iioiiii

    19d

      0
  • avatar
    Arnel

    happy

    13/03

      0
  • avatar
    Ro Da

    nice story 😀

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata