Homepage/I'm just his Maid/
Kabanata 17
Nang nasa opisina na si Kyle ay hindi mawala sa isip niya ang ginawa niya kay Mildred. Lumipas ang ilang linggo matapos kay Hilda ay hindi na nasundan ang pagtatalik niya sa iba pang mga babae.
Isa lang ang masasabi ni Kyle ngayon. Kaya niya nang magtimpi at maghintay.
Napatingin si Kyle sa pintuan nang may kumatok at bumukas din nito. Bumungad sa kanya ang kanyang sekretary na si Kristof.
"Sir, nandito po si Calvin," saad ni Kristof.
Napansin naman ni Kyle ang nasa likod ni Kristof na si Calvin. Una pa lang ay nagtaka siya nang makita niya kung sino ang Calvin na tinutukoy ni Kristof. At saka niya naalala ang nanliligaw kay Mildred.
Bahagyang napangisi si Kyle dahil alam niya kung anong sadya nito sa kanya.
"Papasukin mo siya," utos ni Kyle kay Kristof.
Pinagmamasdan lang ni Kyle sina Kristof at Calvin. At nang makapasok na si Calvin ay pinaupo muna ni Kyle ito.
"Hindi na papasok si Mildred," simpleng sabi ni Kyle habang nakatuon sa mga papeles.
"Bakit? Dahil gusto mo na sa iyo lang si Mildred?... Mr. Montero, step sister mo si Mildred. Kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay kapatid mo siya kahit na hindi mo siya kadugo."
Bahagyang napangisi si Kyle. "Hindi ko step sister si Mildred," prenteng sabi niya kay Calvin.
Kita ni Kyle ang pagsalubong ng noo ni Calvin.
"A-Anong sabi mo?"
"You heard me... Kailangan ko pa bang ulitin?" walang emosyon na sabi ni Kyle.
"Kaya pala ganyan ka kung umasta kay Mildred..."
Natawa ng bahagya si Kyle. "Ano? Susuko ka na?... Don't worry, hindi naman kita tatanggalin bilang empleyado ko dahil lang doon. Besides, may the best man win."
Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang sasabihin kay Calvin.
"Hindi porke't may kapangyarihan akong tanggalin ka sa trabaho ay gagawin ko na lang iyon dahil sa iisa lang ang gusto natin? Irerespeto ko kung sino ang pipiliin sa atin ni Mildred."
"Huh, paano ako mananalo kung nasa iisang bahay lang kayo nakatira," dahilan naman ni Calvin.
"Are you going to give up right now?"
"Hindi ako sumusuko pero kung ganito ang sitwasyon niyo ni Mildred at magkasama kayo sa iisang bahay at hindi na siya papasok simula ngayon... Ano sa tingin mo ang gagawin ko?"
Nagkibit-balikat si Kyle. "I don't know... Diskarte mo 'yan kung paano ang gagawin mo."
"Oo nga naman..." nasabi na lang ni Calvin.
"I feel like you're losing hope right now." Ngisi pa ni Kyle.
Akmang tatayo na si Calvin at mukhang susugurin si Kyle ay bigla itong natigilan.
"Sinasabi ko sa iyo na hindi ako susuko. Ang punto ko ay parang unfair lang na nasa poder mo siya," paglilinaw ni Calvin.
Tumayo na si Calvin sa pagkakaupo at naglakad na papunta sa pintuan.
Biglang nagtaka si Kyle nang huminto si Calvin at humarap sa kanya.
"Nakalimutan kong tanungin... Kung hindi mo step sister si Mildred... Ano siya sa buhay mo?"
"She is my maid," walang emosyon na sagot ni Kyle dito.
Ngunit, biglang napangisi si Kyle dahil hindi nagsalita si Calvin.
"What? Aatras ka dahil nalaman mo na isa lang siyang katulong?" paghamon niya kay Calvin.
Hindi siya sinagot ni Calvin bagkus ay lumabas na ito ng kanyang opisina.
Napangisi si Kyle sa itsura ni Calvin kanina. Hindi man niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Calvin ay gusto niyang malaman kung ano ang reaksyon nito nang malaman na isang katulong lang si Mildred.
***
PAULIT-ULIT sa isipan ni Calvin ang sinabi ni Kyle sa kanya. Nabigla siya sa sinabi ni Kyle at hindi alam ang sasabihin.
Inisip ni Calvin na wala sa itsura ni Mildred ang maging isang katulong dahil sa pananamit nito. Napa-iling na lang siya sa kanyang iniisip. Oo nga naman at pwedeng ayusan ni Kyle si Mildred. Pero hindi naman iyon importante sa kanya dahil tanggap niya naman talaga si Mildred.
Pagkabalik ni Calvin sa kanyang pwesto ay tinanong siya nina Ruby at Gerard kung bakit ang tanggal niya.
"Bakit kaya hindi pumasok si Mildred ngayon?" pagtataka ni Ruby.
Tumingin sa kanya si Ruby.
"Hoy, di ba nanliligaw ka kay Mildred? Baka naman may alam ka?"
"Hindi na siya papasok magmula ngayon," walang ganang sabi sagot ni Calvin kay Ruby.
"Eh?"
Kita ni Calvin ang pagkagulat sa mukha ni Ruby.
"Bakit? Anong problema? Dalawin natin siya after ng shift natin," saad pa ni Ruby.
Hindi sumagot si Calvin. Niyugyog naman naman siya ni Ruby.
"Hoy, anong problema mo? May problema ba kayo ni Mildred?"
Bigla naman sumingit si Gerard.
"Hindi ba obvious na malungkot siya kasi hindi na nga papasok si Mildred magmula ngayon... Anong gusto mo? Magsaya siya?" sarkastikong sabi ni Gerard.
"Parang baliw naman 'tong si Calvin... Uso dalawin si Mildred sa bahay niya," ani Ruby.
"Kaya nga," sang-ayon naman ni Gerard.
Ngunit, ang hindi rin nila alam ay may bagong empleyado ngayon.
"Ehem, Guys."
Napatingin sina Calvin kay Klyrene--- ang manager na may katabing babae na sa hindi 20's pa lang ang edad.
"You have a new workmate. She is Daphnie Ide. Please be nice to her," ani Klyrene at iginaya si Daphnie. "Sit beside with Ruby."
Hindi pinansin ni Calvin ang bagong katrabaho at itinuon niya na lang ang trabaho niya. Pero naramdaman niya na naupo na si Daphnie sa inuupuan ni Mildred noon.
"Hi Daphnie! I'm Ruby, he is Gerard and the one that in front of you is Calvin," pagpapakilala ni Ruby.
Rinig ni Calvin ang pagbati ni Gerard kay Daphnie. Pero siya ay busy pa rin sa kanyang ginagawa. Hanggang sa, naramdaman niya ang pagsipa ni Gerard sa paa niya. Kaya naman ay napalingon siya kay Gerard at sinamaan ng tingin ito. Ngunit, pinandilatan siya ng mata ni Gerard. Napatingin din siya kay Ruby na sumenyas din.
Napakunot-noo naman si Calvin at walang ganang binati si Daphnie. Matapos din iyon ay itinuon niya na naman ang sarili sa pagtatrabaho.
Rinig ni Calvin ang pagtuturo ni Ruby kay Daphnie. Ngunit, biglang tinawag si Ruby ni Klyrene at ipinasuyo sa kanya na siya muna ang bahala kay Daphnie kapag may hindi ito alam.
Tumango si Calvin bilang sagot.
"Ano... C-Calvin, pwede mo ba akong turuan?" wika ni Daphnie sa kanya.
Napabuntong-hininga si Calvin at pumunta sa pwesto ni Daphnie at tinuruan niya ito. At bigla niya rin naalala na ganitong-ganito rin ang nangyari noon sa kanila ni Mildred.
***
NAKABIHIS pang-alis si Hilda. Nagpaalam na rin siya kay Mildred na may pupuntahan lang siya saglit.
Nagtungo si Hilda sa ospital at nagpa-check-up. At sa kanyang pagkonsulta ay dito niya nalaman na buntis siya.
Matapos ang pag-uusap nila ng doctor ay lumabas na siya ng ospital. Ngayon ay nasa waiting shed na siya--- nakaupo habang tinitingnan ang cellphone niya. Hindi niya alam kung kokontakin niya ba si Arnold o hindi.
Dumating na ang bus at itinago na lang ni Hilda ang cellphone niya sa bag niya. Pumasok na siya sa loob ng bus at naupo sa bakanteng upuan. Bigla niya naman na nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya na lang ulit ito mula sa bag niya at tiningnan ito. Si Arnold ay tumatawag sa kanya.
Ilang araw nang hindi pinapansin ni Hilda ang text at tawag ni Arnold pero dahil sa kulit nito ay mapapasagot siya ngayon ng tawag.
"Hello?"
(Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko?)
Rinig ni Hilda ang pagkainis sa boses ni Arnold. Napabuntong-hininga siya. Sinabi niya kay Arnold na magkita sila sa isang fast food.
Pinatay na ni Hilda ang tawag at bumaba na siya ng bus. Nagtungo na siya sa fast food na pagkakakitaan nila ni Arnold.
Pagkarating ni Hilda sa fast food ay una siyang nakarating doon. Naupo na lang muna siya at hinintay na lang niya si Arnold.
Bumalik sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ng doctor kanina. Napahimas siya sa kanyang tiyan. May laman na ang kanyang tiyan. Gulong-gulo pa rin siya kung sasabihin niya ba kay Arnold. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito.
Hindi niya namalayan na nasa harap niya na si Arnold.
"Hilda, anong tinutunganga mo diyan?"
Nabalik si Hilda sa kanyang sarili at napatingin kay Arnold.
"Ha? Ano... W-Wala naman," nauutal na sabi niya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko sa iyo?" umpisa na naman ni Arnold sa kanya.
"Bakit? Nagsisisi ka na sa ginawa mo? Tandaan mo, isa ka rin sa nakinabang sa mga ninakaw mo kay Kyle," sumbat ni Arnold.
Tumingin si Hilda kay Arnold ng matalim.
"Bakit 'yan ang iniisip mo? Hindi mo man lang tanungin kung okay lang ba ako?"
"Hah, bakit mo naman nasabi 'yan? Alam kong okay ka lang at alam kong makakakuha ka pa kay Kyle," prenteng sabi ni Arnold.
"Hindi ka ba nag-order ng makakain natin man lang? Hindi ka ba nag-alala kung kumain na ba ako?" dagdag pa ni Arnold.
Natawa ng peke si Hilda.
"Ikaw?... Bakit pa? Ni hindi ka nga nag-alala sa akin. Mas inisip mo pa ang pera kaysa sa akin," sisi ni Hilda. Para silang batang nag-aaway.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na bakit pa ko mag-aalala kung makakalusot ka naman kay Kyle," hirit pa ni Arnold.
"Kyle... Kyle... Puro na lang iniisip mo ang makakuha ng kagamitan kay Kyle para may maisanla o maibenta ka! Hindi mo man lang inisip kami!" Pagtaas ng boses ni Hilda.
Nakakaagaw na sila ng atensyon ng ibang tao sa loob ng fast food at walang pakialam si Hilda kung marinig ng mga tao sa loob ang pinag-uusapan nila ni Arnold.
Biglang tumahimik naman si Arnold at kita ni Hilda ang panlalaki ng mata nito.
"K-Kami?"
Napahinga ng malalim si Hilda upang kumuha ng lakas.
"Buntis ako, Arnold."
"A-Ano?"
"Buntis ako," ulit ni Hilda.
Biglang natawa si Arnold na ikinapagtaka ni Hilda.
"Magagamit na natin 'yang bata kay Kyle."
"Anong pinagsasabi mo?!" naguguluhan na tanong ni Hilda.
"Sabihin mo na buntis ka at siya ang ama tapos bibigyan ka na niya ng pera."
Akala talaga ni Hilda ay nagbago na si Arnold. Noong una ay nag-iisip siya nang malaman niya na buntis siya. Inisip niya na bigyan ng pagkakataon ang relasyon nila ni Arnold at baka sakaling magbago ito. Ngunit, sa nakikita niya ngayon ay mukhang talagang pera lang ang nasa isip nito.
Tumayo na si Hilda. Binigyan niya ng masamang tingin si Arnold.
"Ang sama mo... Napakasama mo. Hindi ko alam na magagawa mo ito sa anak mo!"
Umalis na si Hilda at hindi na niya hinayaan na magsalita pa si Arnold. Ano pa't kung walang kwenta na rin man lang ang sasabihin nito sa kanya.
Nagsisisi si Hilda sa ginawa niya. Pero mas inisip niya kung paano niya palalakihin ang anak niya na mag-isa. Naalala niya ang sinabi ni Arnold kanina.
Hapon na ng makauwi si Hilda. Nakita niya ang sasakyan ni Kyle at pumasok na siya sa loob ng bahay.
Unang nakita ni Hilda nang makapasok sa loob ng bahay ay si Mildred na naghahanda ng pagkain.
"Si Sir Kyle?" tanong niya kay Mildred.
"N-Nasa kwarto niya, Ate Hilda," sagot naman ni Mildred sa kanya.
Umakyat na si Hilda sa kwarto ni Kyle. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ni Kyle ay huminga muna siya ng malalim at kumatok na. Pinagbuksan naman siya ni Kyle ng pinto. Nagulat pa nga si Kyle sa kanya.
"Hilda!"
"Pwede ba kong pumasok?" paghingi ni Hilda ng pahintulot kay Kyle.
Binuksan naman sa kanya ni Kyle ang pintuan ng malaki at pinapasok siya.
Pagkapasok ni Hilda at pagsara ng pinto ni Kyle--- saka naman sinabi ni Hilda kay Kyle na buntis siya.
"Ano?!"
Same goes with Kyle. Gano'n din ang reaksyon nito kagaya kay Arnold. Natawa na lang si Hilda sa loob-loob niya.
Para ito sa anak ko...
"Buntis ako, Kyle. At ikaw ang ama," pag-uulit ni Hilda.
"Sigurado ka bang sa akin 'yan?" paninigurado ni Kyle sa kanya.
Masakit man ang tanong sa kanya ni Kyle ay para sa kanya ay deserve niya iyon. Pero kailangan niyang umarte ngayon para makumbinse niya si Kyle na anak nito ang dinadala niya.
"Bakit ka ganyan?... Nawala lang ako saglit ay pinagdudahan mo na kung sa iyo ba ang bata na nasa sinapupunan ko... Ikaw lang naman ang kasama ko kapag nagtatalik. Dahil ba na isa akong mahirap at kung kani-kanino na lang ako pumapatol. Tingin mo ba sa akin ay mukhang pera?" pagda-drama ni Hilda.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (286)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
iioiiii
18d
0happy
13/03
0nice story 😀
26/02
0Tingnan Lahat