Homepage/Galaxy In Your Eyes/
CHAPTER 18
"Ano, nasunod mo ba ang pinag-uutos ko sa'yo?" Boses ng isang lalaking nakatalikod na may kausap sa kanyang telepono.
"Opo, boss. Success ang plano, nahulog ang kotse nila sa bangin, siguro patay na ang mga hinayupak na 'yun." Boses ng isang lalaki naman na mukhang bantot ang sabi ng kausap niya sa telepono.
"Good job. Successfully sent na ang bayad ko sa'yo. Diretso ko nang hinulog sa account mo. Aasahan ko ang gawa mo." Isang hindi kilalang tao ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Phi-l-ip." Sofia is groaning because of the pain. Ang lalim ng mga sugat na natamo niya Sa mga kamay niya, paa, at masakit ang buong katawan niya.
She then held Philip's body, saying, Na parang wala pang malay. "Philip, she uttered palely.
Sino ba naman ang mag-aakala na nangyayari pa pala ang mga ganitong sitwasyon sa mga espesyal na araw ng isang tao? Bakit kaya sila ang naging target? Wala namang kasalanang nagawa ang dalawang 'to ah.
Sofia, are you okay?" Mahinang tinig ang narinig niya na sinabi ni Philip.
Agad niyang tinulungan ito upang maka-upo ng maayos.
Mabuti at buhay pa sila. Sadyang malakas sila kay Lord.
"Sa mga pelikula ko lang 'to nakikita ngayon nangyari na sa akin." Sofia's tone is low. Wala na siyang lakas upang makipag usap ng husto.
"Don't worry, I'll find out who's behind this at all costs." Sabay himas sa likod ng dalaaa na puno ng putik.
"Ang sugat mo mukhang malalim, kaya mo bang maglakad?" Totoong malalim ang mga sugat na natamo ni Philip. May batas sila na dapat lagi nilang uunahin ang mga sibilyan. Dagdag na lang ang points kay Sofia dahil napupusuan niya ito.
"Okay lang ako, magpapagamot nalang ako mamaya pagdating kong kampo." Paano na ngayon wala na silang kotse, paano sila uuwi?
"Saglit lang ha." Sabay hanap ni Sofia sa telepono niya. Alam niyang 'yun na lang ang tanging paraan para makauwi sila.
"Bakit, may hinahanap ka?" Tanong ni Philip ng pinipilit labanan ang sakit na nararamdaman. Ang lalaki talaga ng sugat niya at dumudugo. May sa balikat at sa bandang tuhod niya.
"Ang telepono ko, tatawag ako kay Carlos para madala kana sa ospital." Kawawa naman si Philip.
He's groaning, masakit eh syempre.
"Here, hindi ito masakit ha." Bumilin naman si Philip sa nakita.
Pinunit ni Sofia ang damit niya sa bandang puson at tinali ito sa sugat ni Philip para iwas hemorrhage.
"May nakita ka bang telepono dito kanina nong pinapasok mo ang mga gamit natin?" Kase hindi niya mahanap hanap kung saan na ang telepono siya. Sa pagkakatanda niya nilagay niya 'yun sa loob ng bag niya.
"Wala eh, hayaan mo na. Tulungan mo akong makatayo at hahanap tayo ng paraan para makalabas dito." Bangin pa naman at mag ala-syete na ng gabi siguro alalang alala na ang mga tao sa bahay nila Sofia.
"Dahan-dahan lang." Subaybay niya kay Philip. First time in her life, na naranasan niya ang ganitong sitwasyon at mabuti dahil bilang first timer naka survive.
"Pasensya kana ha at nadamay pa kita." Boses ni Philip na humihingi ng tawad. Pumunta sila sa kanang direksyon at doon banda may nakita silang ilaw.
"Anong nadamay?"
"Alam kong ako ang habol nila, nadamay ka lang. Sana hindi na kita dinala dito." Wait. . . Nagsisisi na ba siya? Bakas sa mga mata ni Sofia ang lungkot at the same time takot sa mga posible pang magyari.
"Philip, haharapin natin na magkasama ito." Stay strong, lang dapat eh.
"Anong nangyari sa inyo? Gabing gabi na at—" Nagulat si Auntie sa kanyang nakita. Mabuti na lang at may nakakita sa kanila.
"Magandang gabi po, may nag ambush mo kase sa amin. Itong kasama ko po malalim ang sugat niya, tulungan niyo po kami." Dali dali namang tinulungan ng medyo may edad na babae si Sofia na ilapag si Philip sa isang upuan.
"Kaya pala kanina may naririnig ako na putukan. Mabuti na lang at nakatakas kayo." Aniya nito habang pinupunasan ng maligamgam na tubig ang mga dugong nakapalibot sa paa at kamay ni Philip.
"May telepono po ba kayo Auntie, pwede bang makihiram muna ako may tatawagan lang ako." Mabuti naman at ang anak ng babae may telepono at agad naman nitong inabot kay Sofia.
May pinindot siya na mga numero at pagkatapos ng dalawang tunog may sumagot. Tumayo siya at nag distansya ng konti.
"Nasaan kana? Kanina pa ako tawag ng tawag bakit hindi mo sinasagot?" Narinig niya ang boses ni Carlos na napakalakas.
"Carlos may nag ambush sa amin,hindi ko kilala kung sino sino sila basta apat silang lahat at isa ang natamaan ni Philip." Paliwanag nito na nanginginig ang boses.
"Nasaan ka at pupuntahan ko kayo. Kasama mo pa rin ba si Philip?" Nag-aalala na tanong ni Carlos.
Agad niya namang sinabi ang mga naganap at mabuti na lang at kabisado ni Carlos ang lugar at agad silang nakuha ni Carlos at diniritso sa ospital para ipagamot ang mga sugat na natamo.
"Papunta na si tito Leandro."
"Carlos naman eh, hindi ka man lang nagsabi sa akin na sasabihin mo kay Daddy." Ay parang tanga eh, natural ama mo 'yan day syempre siya ang unang sasabihan ni Carlos.
"Magpasalamat ka nalang, ang dami mo pang reklamo." Ayan tuloy nabara ka.
Umupo naman ito sa kama na katabi ni Philip, nawalan siya nang malay.
"Nurse, kamusta po ang mga sugat niya?" Nag-aalala na tanong ni Sofia.
"Na disinfect ko na po ang mga sugat niya, magpapahinga muna siya para manumbalik ang lakas niya." Sabay kuha ng tray at umalis ng kwarto ang nurse. Si Carlos naman ay nasa labas may kausap na pulis.
"Pahamak ka talagang bata ka!" Kilala ni Sofia ang boses na 'yun. Boses ng daddy niya. Naramdaman na lang niya na may kumurot sa tagiliran niya.
"Daddy naman!" Pasigaw na sagot. Inambush na nga kinurot pa.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta ha? At may kasama ka pang lalaki?" Walang konsiderasyon talaga. Si Philip nagpapahinga tapos nag sesermunan sila.
"Dad..." Hindi niya siya nagpatuloy sa mga gusto niyang sabihin.
"Mula ngayon Sofia, may curfew kana at huwag na huwag kang aalis ng bahay na walang kasamang bodyguard naiintindihan mo?" Alam ko na yun daddy.
"Yes po, dad." Para siyang pusa na nasa gilid ng kama ng pasyente.
"Tara na at umuwi na tayo, ayokong magtagal ka pa rito!" Sabay hablot sa kamay ng dalagang anak. Magda-dahilan pa sana si Sofia, kaso wala na eh nandoon na hinablot na ng ama. Sapilitan na siyang umuwi.
"Pasok!"
"Daddy naman eh hindi na ako bata para ganituhin mo ako. Hindi man lang ako naka pagpasalamat sa kay Philip."
"Sinong Philip, ang lalaking 'yun? Sofia napahamak ka dahil sa kanya!" Hindi ko alam na si Carlos pala nasa likuran ng kotse.
"Kung hindi mo sana ako ginalit sa Cafe kahapon ede sana hindi ako na involve!" Akala niya papatalo ako ha.
"Pumasok kana at makauwi na tayo, ang daming naghihintay sa'yo sa bahay."
Pumasok na nga siya at nang makarating na sila sa mansion ang daming handa. Syempre birthday niya tapos ganito pa ang nangyari sa birthday girl.
"Carlos!" Sigaw na boses ni Marie. Itong si Marie talaga mukhang Carlos.
"Okay lang ako Marie, don't worry." Akma na sana niyang hawakan si Carlos nang nag dahilan ito.
"Marie umupo kana at makakain na tayo." Saway ni Maria. Ay walang pakialam teh?
"Nasaan na pala ang sinasabi mong maraming naghihintay, dad?" Nanatiling tahimik ang ama.
"Umupo kana at makakain kana. Pagkatapos, umakyat ka at magpahinga." Ayan na naman tayo eh. Pero syempre dahil sa nangyari dapat na doble ingat ang gagawin.
Pagkatapos kumain ay umakyat na agad si Sofia sa kwarto at nagpahinga. Ramdam na ramdam niya ang sagot at pagod sa katawan niya. Mabigat ang katawan niya na pinipilit lang niyang iangat para makita ng pamilya niya na okay lang siya.
"Hello, kamusta po si Patient 06?" Kausap niya sa telepono. "Pwede ko ba siyang makausap?" Nakisuyo naman si Sofia. It's Philip, siya yung Patient 06 na tinutukoy niya.
"I'm okay, don't worry. Nandito na sila Gary mga kasamahan ko, sila ang nagbabantay sa akin. Sabi daw ng nurse kanina dumating ang papa po ang dinala ka pauwi." Ramdam pa rin ang kahinaan sa boses niya.
"May curfew na ako. Basta salamat, magpagaling ka ha." Concerned, ka ba Sofia?
"Salamat naman, okay na 'yang curfew. At least sinisigurado ng daddy mo na safe ka. Di bale na, aakyat pa naman ako ng ligaw sa'yo." Namula ang mga pisngi niya. She bit her lip at Ngumiti.
"Sus, focus ka sa pagpapagaling mo at makita na kita." Tama ba 'yun?
"Sir, nandito si Sergeant, Tinig ng isang lalaki, it's Gary.
"Sge na papatayin ko na muna at nandito na si Sergeant." Sabay patay sa telepono.
Pagkatapos ay nagpahinga na si Sofia, who knows what will happen tomorrow? At least narinig niya ang boses ng lalaking minamahal niya bago siya matulog.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (28)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow great plot im so excited to read this completely
19/04/2022
0I like this story
23/11
0im so very happy
14/08/2024
0Tingnan Lahat