CHAPTER 17

"Tara, let's eat," said Leandro.
"Daddy, gabi na wala pa si ate Sofia." Aniya ni Marie habang hinahablot ang upuan sa ilalim ng mesa.
"Don't worry, nagpaalam ang ate mo. She'll be back before nine p.m." Agad namang kumuha ng kanin si Leandro at nagsimula na silang kumain.
"Honey, nandito sila Carlos." Nauna na siyang kumain. Nakalimutan niya atang ininvite niya sila ni Carlos at Governor Alex.
"Hi, Carlos. Opo kayo, tito Alex." Pagbati ni Marie na ang ngiti ay abot hanggang tainga.
"Where's Sofia? Bakit hindi ko nakikita ang birthday girl?" Mungkahi ni Alex, habang nilapag ang dalang regalo para kay Sofia sa isang mesa.
"Uhm, nagsabi po si Sofia sa akin kanina na gagabihin daw po siya. May pinuntahan lang siyang lugar, babalik din yun." Basag ni Carlos sa usapan.
"Ah, kaya pala. Well, while waiting for her, let's talk about business, Muna Leandro." Alex uttered at inanyayahan naman siya ni Leandro na pumunta sa office.
Oh diba kahit birthday hindi nawawala ang business, gano'n ka importante ang business for them.
"Kamusta pala ang sinabi ko sa'yo?" Tanong ni Alex na dahan dahan namang umuupo sa isang sofa.
"Sa akin, okay naman na magtrabaho sila pero huwag lang magrereklamo." Dahan dahang kumuha nang baso ng tsaa si Leandro at inoffer kay Alex.
"Well, you know, Leandro, I'm preparing my men for a big battle. And I want to ask you some favor." Pa ahem ahem pa siya may favor pala.
"Sure, go ahead. Ayoko nang illegal." Umupo si Don Leandro opposite sa upuan ni Alex, and the two are both talking about business.
"Ang mga tauhan kase ni Commander Philip nasa akin na. Lilipat na sila sa akin, so kinakailangan ko ng pera mo. Pwede ka bang magbigay ng donasyon para sa ikabubuti ng ating bansa?" Ikabubuti daw pero nilalamon naman ang pera.
Natahimik si Leandro, kilala niya ang ugali ni Alex, makasarili, nakasunod sa pera, at iba't ibang paraan ang ginagamit sa pakikipaglaban para lang manalo.
"Well, I can donate, but hindi ko maipapangako na malaking pera ang ibibigay ko sa Gobyerno. Kung nabalitaan mo ang nangyari sa factory ko lately, tatlong machines ang nasira at tatlong linggo na ring walang trabaho ang iba kong mga trabahador kaya mababa ang kita at kulang ang ang ang gawa." Mabait siyang t siyang tao, maliban sa ugali niyang babaero. Feeling Muslim, hindi naman. Mabuti nalang at hindi siya pabaya sa mga anak niya kahit marami siyang babae.
"Hindi naman kita pipilitin na magbigay ng malaki, ang akin lang naman ay alalahanin mo ang usapan natin. Bibigay ka at susuporta ka sa Gobyerno sa ayaw at sa gusto mo." Mungkahi ni Gov. Alex. Sarap niya talagang sakalin puro pera pera. Mukhang pera, hay naku at mabuti nalang si Carlos ay hindi sumunod sa kanya maliban sa yapak niyang isang Military. By the way, speaking of Carlos, nasaan na nga ba siya?
Well, Carlos and Marie ay nandoon sa sofa nag-uusap. Oh alam niyu na, usap lang ha walang landian. Pero tingnan niyu itong si Marie lumalandi na. Malay ko ba kung ugali niya talaga ang mang akit ng lalaki.
"Saglit lang ha, kukuha lang ako ng tubig. Kanina pa kase ako nauuhaw eh." Tumayo si Carlos at handang lumakad papuntang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig nang biglang hinablot ni Marie ang kamay niya dahilan ng pagkababa niya at napasandal siya ngayon sa dibdib ni Marie.
"Ay pasensiya na, hindi ko sinasadya." Sabay kuha ni Carlos ang kamay niya sa hita ni Marie.
Uminit ang tainga ni Carlos sa nangyari. Matagal na siyang nagtitimpi sa babaeng kaharap niya. Nakita naman ni Maria ang nangyari at lumapit.
"May problema ba, ano ang nangyayari?" Tanong nito na parang may masamang balak.
Makikita mo sa mga mata ng mag-ina na nag uusap usap ang mga mata nila.
"Wala naman po tita ah nadulas lang po ako." Rason naman ni Carlos na may malamig na boses. "Saglit lang po tita ha, iinom lang ako ng tubig." Dumiretso siya sa refrigerator at doon kumuha ng tubig.
Kinurot naman ni Maria ang anak dahil sa sobrang katangahan nito. Pati si Carlos ipapahamak niya, mabuti nalang at hindi sila nakita ng ama dahil kung nakita sila, diretso sila pakasal. Ayaw na ayaw kase ni Leandro na may humahawak na lalaki sa mga anak niya kahit saglit lang.
Pero hindi niya alam na sa kay Marie lang siya nakatutok. Paano naman ang panganay niyang anak na si Sofia? Eh nong sila nga ni Carlos simula nong bata pa lang palagi nang nagsasama wala namang nagaganap.
"Wala pa si Sofia?" Biglang tanong ni Leandro na bumababa ng hagdan.
"Oh honey, tapos na pala kayo mag-usap. Wala pa siya eh mag aalas sais na ng gabi. Saan na ba ang babaeng 'yun." Sabi ni Maria sabay tawag sa mga katulong na mag handa na at kakain na sila. Well, uuna nalang sila kaysa sa birthday girl. Well, uso naman 'yan sa panahon ngayon.
"Carlos, pwede mo bang tawagan si Sofia?" Pakisuyo ng ama at si Carlos naman ay agad kinuha ang kanyang telepono.
Naka limang tawag na siya, pero ang telepono ni Sofia nag riring lang na nagriring walang sumasagot. Iba na ang pakiramdam niya sa mga nangyayari.
"Tito, Sofia is not answering. I called her already five times. Her phone is just ringing; no one's picking up." Nag panic na sila. Hindi naman ganito si Sofia kase, she always picks up her phone. Ang pinaka matagal niyang sagot ay pagkatapos ng tatlong ring. Unless she's busy, she's not that kind of girl. She always holds her phone beside her or inside her pocket.
"May sinabi ba siya kanina kung saan siya pupunta?" Leandro's trembling voice Hindi mawawala ang pag-aalala ng isang ama sa kanyang anak.
No, tito, but she's with someone kanina. I'll try calling him, too." Tumalikod ulit si Carlos at may pinipindot pindot na numero sa telepono niya.
Idinikit niya ang telepono sa tainga niya na parang naiinis. He's trying to contact Philip's phone number and send him and Sofia plenty of messages, but wala pa ring reply.
"Ano ang balita, na kontak mo ba?" His dad, Gov. Alex, asked.
"No, dad. Siguro mauna na muna ako. I'll trace them." Nagpa alam si Carlos at dali daling lumabas ng pinto. Pipigilan pa sana siya ni Marie, pero hindi natuloy.
"Baka pauwi na si Sofia o baka naka silent lang ang telepono niya." Sabi naman ni Gov. Alex.
Why is Carlos acting like that? Is he already having feelings for her?
Diretso paandar ng kotse niya at humarorot paalis ng mansion ni Don Leandro. Habang naiwan si Gov. Alex na nagpapakalma sa ama. Kapag nasa poder kase ni Leandro ang mga anak niya hindi siya sanay na umuuwi ito ng gabi.
Si Sofia kase ay sa mama niya sumama kaya hindi niya na ito nasubabayan ang paglaki ng anak hanggang sa nag trabaho ito sa ibang bansa.
"Philip, pwede mo na ba akong ihatid pauwi? It's already 6:45pm; I'm sure nag aalala na si Daddy." Pakiusap ni Sofia kay Philip habang inaayos ang suot niyang jacket. Gabi na at malamig, mag jacket para iwas sa sakit.
Okay, sge, let's go." Agad niya namang hinipo ang mga dala nila at ipinasok ito sa look ng kotse na dala niya.
"Pasok na." Sabay bukas ng passenger seat para makapasok si Sofia.
"Salamat. Diretso mo na ako hatid, pupunta pa kase sila ni Carlos sa baha—" Nany may bigla silang narinig na putukan.
"Sofia dapa!" Sigaw ni Philip at biglang isinara ang pinto ng kotse.
"Philip ano ang nangyayari?" Pag-alalang tanong ni Sofia na nakadapa.
"Diyan ka lang, huwag kang lalabas. Dapa ka lang, ako na ang bahala. Makinig ka, sa baba ng manobela may box na maliit, buksan mo at kunin ang baril at extrang bala. Ihulog mo sa bintana pagkatapos kong makuha. Siguradohin mong nakapada ka ha!" Agad namang sinunod ni Sofia ang sabi nito. Inihulog niya sa bintanan ng kotse ang baril at ang mga bala at agad naman itong nakuha ni Philip.
Tatlong sunod-sunod na putok ang narinig ni Sofia. Nakita niya sa side mirror ng kotse na tumayo si Philip, at nagpapaputok din nang biglang tinamaan ang side mirror ng kotse.
"Sofia dapa! Huwag kang lilingon, manatili kang nakadapa! Tayo ang target nila. Papasok na ako, huwag mong i-lock ang driver seat para madali akong makapasok." Pagkatapos ng tatlong putok na binigay ni Philip ay tumakbo ito papuntang driver seat at agad na pina andar ang kotse at umalis.
"Sofia, fasten your seatbelt! Kumapit ka!" Ang bilis ng kotse nila pero may dalawang tao sa isang kotse na humahabol sa kanila na patuloy nagpapa putok.
Bawat putok ay sumisigaw si Sofia sa takot na nararamdaman. Unang beses sa buhay niyang naka-encounter ng ganitong sitwasyon na parang dito na siya mamamatay at talagang sa araw pa ng kaarawan niya.
Natamaan ng bala ang isa sa mga goma ng kotse ni Philip at paduling duling ang sasakyan nila.
"Philip anong nangyayari?" Nanginginig na boses ni Sofia.
Philip unfastened his seat belt at Ang Manobela. Hindi pwedeng mamatay sila ni Sofia ng sabay.
"Open the door!" Lumipat siya sa passenger seat upang protektahan si Sofia.
"Dapa!" Huling salitang narinig ni Sofia kay Philip at nawalan ito ng malay.
Nahulog ang kotse nila sa bangin nang hindi sila nakakalabas, duguan ang dalawa, at nawalan ng malay. Hindi nila kilala kung sino ang mga taong humahabol sa kanila at gustong gusto silang ipatumba.

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im so excited to read this completely

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Joyaa Buti

    I like this story

    23/11

      0
  • avatar
    CJ Andales

    im so very happy

    14/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata