EIGHT

PATULOY lang sa pagtipa sa Cellphone niya si Rona. Ayaw sagutin ni Aries ang mga tawag niya, nag-aalala nadin siya. Kagabi pa niya ito kinokontak pero ni sagutin ang tawag niya'y xi nito ginawa. Di niya alam kung nasira na naman ba ang Cellphone nito o ano.
Nang makarating siya sa bahay ng mga ito'y matagal na daw na umalis si Aries doon ika ng mga Kapitbahay.
Pinuntahan niya ang dating trabaho nito pero nasa Maynila na daw at susundan si Amanda.
Tinawagan din niya ang kaibigan pero nakigamit lang pala ito ng Telepono kung kaya't di na alam kung saan ito ngayon.
Wala na siyang magagawa pa kundi tawagan ang Nanay Bebang niya. Agad din naman nitong sinagot ang tawag. "Nay, diho ako makakauwi sa Bahay ng ilang araw."
"Sige lang, anak. Saan kaba pupunta?"
"Pupunta po akong Maynila, nay-"
"Ha? Bakit pabigla-bigla naman ata yan, Ronabel?"
"Kailangan ho talaga, nay. Dapat kopong makausap si Aries o dikaya'y si Amanda. Nag-aalala po ako, nay."
"Sige, kung buo na ang sa isip mo'y dina kita pipigilan. Nag-aalala din ako sa kaibigan mo. Mag-iingat ka nalang diyan."
"Sige ho, nay. Papatayin kona po. Baka maubusan ako ng Baterya."
"Sige, sige."
NAKATITIG lang si Benedict sa babaeng umiiyak, Parang pinipiga ang puso niya sa tuwing nakikita itong umiiyak kagaya nalang ng nadaanan niya ito noon sa Kalsada. Maulan noon kaya wala siyang pagpililian kundi ang dalhin at iuwi ito sa bahay niya.
Mabuti nalang talaga'y may bagay siyang inayos noon kung kaya't umuwi siya sa Maynila.
Sinabi sa kanya lahat ni Amanda, sinabi nito sa kanya ang tungkol sa batang pinagbubuntis nito na nakuha dahil nasagasaan ito. Ang pagtataksil ng asawa nito.
Nang marinig niya lahat ng iyon ay pinuntahan niya ang bahay nito at ng Asawa. Nakita niya ang Annulment Paper kaya pinpirmahan niya kay Amanda. Itinago niya si Amanda dahil ayaw niyang masaktan ulit ito.
Nakiusap ito sa kanya kanina na kailangan nitong makausap ang Kaibigan, pumayag din siya at nakigamit ng Cellphone sa kasambahay.
Gusto niya itong hangaan sa tapang nito habang kausap ang kaibigan. Matigas ang Boses nito pero pagbaba sa Cellphone ay iyak ito ng iyak saka nagtatakbo sa Pool. Pinabayaan nalang muna niya dahil baka gusto lang nitong mapag-isa.
Di ito puwedeng ganun nalang palagi. Sampung buwan na ang nakalipas, kailangan na nitong baguhin ang Sarili't personalidad para harapin ang bagong buhay.
PINAHID ni Aries ang Pawis na namumuo sa Noo niya. Nakatitig sa Kumpanyang pag-aaplayan niya.
Hinanap na niya ang Ate niya sa loob ng tatlong araw niya doon pero walang may kilalang Amanda Cruz. Napagdesisyon na niyang magtrabaho nalang muna.
Ngumiti siya sa mga nakasalubong. Madaming aplikante na pawang mga may kaya naman. Siya lang ata ang nakasuot ng Maong at T-shirt. Hindi pa kasi siya nakakabili ng mga damit Opisina dahil di naman siya sigurado kung matatanggap ba siya.
Pumila siya at tumabi sa mga naroroon. Di paman siya nakakatagal sa pila'y pinaalis na muna sila para mananghalian. Wala siyang Choice kundi ang pumunta sa Canteen sa ibaba.
"Aray-" Dahil sa mabilis na paglalakad pababa. Nakabunggo siya ng isang babae.
Buti nalang at agad niyang nahawakan ang Bewang nito kaya di nakaupo sa Sahig. Nang bitawan niya ito'y pinulot nito ang Folder nila na parehong nahulog.
"Sorry miss ah. Nagmamadali kasi ako eh."
"O-okay lang, nagmamadali din ako eh, kaya di kita napansing papalapit." Ibinigay nito sa kanya ang Folder.
Ngumiti lang siya saka iniabot rito ang kamay. "Aries nga pala." Tinanggap naman nito iyon.
"Thea."
"Empleyado kadin dito?"
"Well, yes. May kailangan lang ako sa Top Floor. Kailangan ko nang umalis, Aries. Nice to meet you." Anito saka nagmamadaling umakyat patungo sa ikalawang palapag. Kung saan naroroon ang Elevator. Sinundan nalang niya ng tingin ang magandang dalaga.
PALAKAD lakad si Thea sa Office niya. Pilit pinipigilan ang kakaibang tibok ng puso na umuusbong sa Estrangherong kakikilala lang. She tried calling Saddy para sabihin dito ang nararamdaman niya pero di niya ito makontak. Paniguradong busy ito.
Umupo siya sa Swivel chair niya saka nagtipa. Pero wala doon ang isip niya. Ang natatype niya tuloy roon ay ARIES ARIES lang.
Napasandal siya sa Upuan. She hated that kind of Feeling. Noong una siyang makaramdam noon ay nasaktan lang siya. Di na niya puwedeng isugal ulit ang puso niya. Sapat na ang isang Sakit.
Wala sa loob na ininom niya ang Tinimplang kape. Ang labas tuloy ay napaso siya. Agad rin naman siyang kumuha ng Tissue sabay abot sa Cellphone na tumutunog. It's her dad.
"Where are you, Althea?! Magkasama ba kayo ni Nick?"
She rolled her eyes. "Ofcourse not. Nasa Office ako, Dad. Puwede bang pagpahingahin mo muna ako sa pangalang yan?"
"Nakita ko siyang may kasamang babae. Kailangan mo siyang tawagan para mapabilis ang kasal niyo."
"Di puwede, Dad. Diko puwedeng ipilit sa kanya ang Kasal. Besides alam mong pareho naming di gusto ang isa't isa."
"You don't have to like him. Ang Kasal ang mahalaga, Thea. Kailangang maidikit sa iyo ang Apelyido niya para wala na tayong problema."
"I'll try, Dad." Walang gana niyang sabi sabay patay sa Cellphone niya. Nick was her Fiancee for half a month. Parehong parents lang nila ang may pakana niyon at pareho silang umayaw.
She hated her Father, for being manipulative. Lahat ng gusto nito'y dapat makuha. Hook or by Crook. At siya ang nahihirapan sa ginagawa nito.
Hindi naman sa di niya talaga gusto si Nick. Guwapo ito, matangkad, maputi. Pero nasaktan na siya nito noon. Ito ang First love niya, ang dahilan kung bakit takot na siyang masaktan ulit.
Dahil iyon sa isang babae. Mas pinili nito ang Probinsyanang iyon at sinaktan siya. Half a month she know. Nagpakasal ang babaeng iyon sa ibang lalaki. Sa oras na iyon ay nawala nadin ang pagmamahal niya kay Nick. Magkaibigan sila ni Nick ngayon, nagtatrabaho siya sa Kumpanya nito as his Secretary. Pero ayaw niyang binabanggit ng Papa niya ang pangalan nito. Why? Dahil kahit nasa bahay niya siya'y iyon palagi ang bukambibig nito. Her marriage with Nick.
Kahit ang Mommy niya'y walang nagawa doon. Takot ito sa Dad niya just like her.

Komento sa Aklat (48)

  • avatar
    AddatuCeisha

    I relate about this novel cause I experience a lot of what the girl experienced

    21/05/2025

      0
  • avatar
    Raniel Panglilingan Rejas

    Tap on a clip to paste it in the text box.Tap on a clip to paste it in the text box.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Welcome to Gboard clipboard, any t

    10/11/2024

      0
  • avatar
    jaysonrusty

    think

    28/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata