Kabanata-XI "Siguro may nobyo ka na" saad niya pa na ngayon nakaharap saakin. Nagulat ako sa kanyang sinabi at natulak ko siya nang malakas "p-pasenya na" wika ko sabay alis sa silid-aklatan. Sira ba siya. "Estella!!" sigaw ni Paloma na patakbo papalapit saakin "Sabay na tayo?may kasabay kaba?" pag tatanong niya saakin "m-may kasabay ako" wika ko sumang-ayon naman ito at tumango "sige mauuna na ko" saad niya sabay paalam. Hapon na nang makalabas na si Natasha at pumunta kami sa palengke malapit sa eskuwelahan upang bumili ng aming makakain dahil nga kami lang dalawa ang mag kasama. Bumili kami ng mga prutas at mga gulay bumuli narin kami ng mga kagamitan sa pagluluto. Nag hiwalay naman kami ngayon ni Natasha upang bumili naman ng ano mang nais namin. Maraming mga kababaihan ang nag kukumpol sa isang bilihan ng mga libro hindi ko batid ang kanilang pinag kakaguluhan baka naman may bagong bukas ang bilihan ng libro o baka naman may sikat na tao roon. ng pakunti-kunti na ang mga bumibili ay pumasok ako roon hindi lang tignan ang mga pinagkakaguluhan nila kundi nais ko rin bumili ng libro na mababasa ko kung ako ay may pang libang. "Magandang hapon binibini. Kung nais mong bumili ng Mi Amor na libro ay..naubusan na kami ineng" Wika saakin ng may ari ng librerya "hindi po ako bibili ng librong iyon iba po ang nais ko" saad ko naman sabay galang "ganoon ba. alam mo ba binibini ang daming may gustong bilhin yoon hindi na nga kinaya ng aking balakang sa dami nila" wika ni Aling Meyling sabay hawak sa kanyang balakang habang tumatawa ito "Wala po ba kayong kasamang mag trabaho?" pag tatanong ko kay Aling Meyling habang ako ay nag hahanap ng pwedeng bilhin "wala nga iha e. Pero kung nais mo pwede. gusto mo ba?" saad ni Aling Meyling sabay lapit saakin at hinawakan ang aking kamay kaya nabitawan ko ang librong hawak ko "s-sige po" sagot ko naman sabay ngiti bahagya "Salamat naman at meron na kong katuwang. Nais ko rin talaga ng may kasama wala na rin kasi ang aking mga anak. Lahat sila ay pumunta na sa kanilang ama sa ibang bansa" wika niya at lihim na pinunas ang kanyang luha "w-wag po kayong mag alala, sasamahan ko po kayo rito" pag saad ko sabay niyakap siya. Nag paalam na ko dahil mag gagabi na hinanap ko narin si Natasha upang makauwi na kami. Nakita ko naman itong may bitbit na mga tela at mga sinulid. "Akin na at tulungan kita, ang dami mo namang bumili" wika ko habang kinukuha ang ilan pang mga gamit. Wala nga pala kaming karwahe dapat pala hindi ko muna pinauwi. "Tulungan na kita riyan estella" rinig kong wika ng isang lalaki napatingin ako saaking likod at si Juancho. Nagulat naman ako dahil ang akala ko nakauwi na ito "Sumakay narin kayo sa aking karwahe" wika niya pa napa taas naman ako ng kilay. Mamaya may bayad pa yan e. "Sige po, salamat po" saad naman ni Natasha sabay ngiti nagulat naman ako dahil pumayag siya! Hindi kasi siya pumapayag ng ganoon lang. "H-hindi kaya nanamin ito" wika ko sabay buhat ng ibang gamit ang "sabi ng iyong kapatid" hindi niya na tinuloy ang kanyang sasabihin ng magsimula ng ipasok ni Natasha ang kanyang mga gamit at sumakay na. Hindi naman ako maka imik habang umaandar ang karwahe ni Juancho parang matagal na mag-kaibigan ang turingan nilang dalawa habang sila ay nag uusap. Lagi namang tumingin saakin si Juancho habang sila ay nag uusap lagi ko rin itinataas ang aking kilay. Nang makarating na kami tinutulangan niya rin kaming dalhin ito saaming dormitoryo. Ano ba siya kargador o katiwala. Naipasok na namin lahat at binigyan ko siya ng sampong piso at sinara kaagad ang pinto. Nakakahiya naman sa katiwala kung walang suweldong matatanggap. Nakahiga narin sa wakas sa aking kutson ipinikit ko naman ng dahan-dahan ang aking mata upang makapag pahinga na. "Ate Estella saan po ito ilalagay?" rinig ko namang wika niya habang ipinapakita ang gamit sa kusina. "Diyan mo muna ilagay at mag pahinga muna ako" saad ko naman sabay taklob saaking mukha. Hindi ko namalayan nakatulog ako bumangon ako habang humihikab "tulog-mantika pala ang iyong kapatid" isang pamilyar na tinig iminulat ko ang aking mga mata at si Juancho "magandang gabi ate" wika naman ni Natasha sabay ngiti kumakain sila ngayon ng puto bungbong. Inaaya naman nila ako kumain pero tumatanggi ako. hindi ba alam ni Natasha na mali ang mag patira rito ng isang lalaki . Tinawag ko naman si Natasha upang kaming dalawa ay mag-usap. "Natasha alam mo ba na maling mag-sama ang lalaki sa babae. Kaya paalisin mo na siya rito o sasabihin ko kina ina ang iginastos mo" pag bubulong ko sakanya habang siya ay pinapagalitan mag sasalita na nasa ito ngunit pinigilan ko "kung hindi mo gagawin baka bukas na bukas hindi ka na rito mag-aaral" pag bubulong ko pa at sinenyasan na gawin na ang kanyang parte. "P-pasensya na kuya Juancho ngunit nais na po naming matulog at gawin ang aming mga takdang-aralin" mahinhing wika ni Natasha habang tumitingin saakin "sige" maikli namang saad ni Juancho sabay bukas ng pinto at nag paalam. Ganoon lang? Kalagitnaan na ng gabi at may kumatok saaming pintuan binuksan ko ito ang may ari lang pala ng dormitoryo na si Feliza "Magandang hapon,pasensya na ha may nag padala kasi saakin ang inyong kutsero ipinapamigay raw ng iyong ina" wika niya sabay bigay saakin ng aking pusa na si Milan at ang isang liham hindi na ko nakapag pasalamat dahil umalis na ito kaagad Pinag mamasdan ko naman si Milan at Natasha habang sila ngayo'y natutulog hindi ko naman na pinaalis si Milan saakinh kama at hinayaan ko nalamg ito matulog doon at ako naman ay matulog dito sa sopa. Nagising ako sa ingay ng mga karwahe na ang ibig sabihin mag uumaga na agad akong nag luto ng aming makakain at hinanda ko narin ang aming gamit sa eskwela. Nag handa ako ng isang pandesal at ng palaman doon. Nang makarating na kami sa tarangkahan ng eskuwelahan panay ang hikab ko dahil nga kaunti lang ang tulog ko sabay narin ang pagod. Nang buksan na ito ng guwardiya ay agad ako pumunta sa silid-aklatan upang doon nalang mag paunang mag-aral para sa oras na makatulog ako sa eskuwela ay alam ko ang kanilang paksa ng pag-aaralan. Napatingin ako sa bintana tanaw dito ang mga atleta na nag eensayo at mga nagdidilig na mga hardinero "Maganda silang pag masdan hindi ba" rinig ko na tinig ni Lorenzo ang bago kong kaibigan "tama ka" saad ko naman sabay harap sa kanya nakita ko namang nariyan naka upo si Juancho hindi malayo sa kinauupuan ko. "Balita ko may bagong gawa ang librong Mi Amor" wika ni Lorenzo sabay upo malapit sa akin umupi naman ako at nag simulang mag basa "pasensya na hindi ko pa kasi ito nababasa at tiyak na hindi ko kayang bilhin yun hindi dahil mahal ito kundi laging ubusan ang librong yun" wika ko naman habang nag babasa "Hindi mo pa na basa yoon!?pambihira lahat kaya ng mga tao rito alam at binabasa yoon" saad niya sabay kuha ng librong aking binabasa "wala kasi akong interesado riyan lalong lalo na sa pag-ibig" pag sagot ko sabay kuha ng aking libro. "Ito muna ang iyong basahin" wika niya sabay kuha muli ng aking libro at ibinigay saakin ang isang pabg libro ang Mi Amor sinimulan ko naman itong buklatin ng mag salita si Juancho "Wag munang basahin hindi sila mag kakatuluyan" wika ni Juancho sabay kuha ng libro at hinagis ang libro nasalo naman ito ni Lorenzo "e limang kabanata palang naman ang librong meron ito" saad ni Lorenzo napatingin naman ako kay Juancho hindi naman siguro siya ang gumawa nito. "Bakit ikaw ba ang gumawa ng librong iyon para sabihin mong hindi sila nag katuluyan?" wika ko naman sabay tayo at hawak saaking bewang "Bakit masama bang sabihin ang aking opinyon?" pag sagot naman nito sabay sara ng pinto. Matapos ang kalahati ng eskuwela at oras na ng kainan kakatapos ko lang at sinimulan ko namang basahin ang librong Mi Amor na walang nakasulat kung sino ang taong gumawa nito kundi tatlong tuldok lang ang nakalagay. Unang pahina palang ay isang tula na agad ang bumungad. Mi Amor de la playa Ang pag ibig ay isang pag lalakbay sa isang malawak na karagatan. nandito tayo upang ako'y layagin ang kawalan. Walang makitang kapaitan, at walang siguradong kaguluhan dahil ang nais lang ay ang pagmasadan ang karagatan. Ngunit paano kung sa kalagitnaan ng karagatan ikaw ay lumisan. iniwan ang ating bangka at dinala ang sagwan na siyang kontrol ng ating pag sasamahan. Paano sisimulang hanapin ang aking sariling sagwan kung sa bangka saiyo'y naka laan. Paano hahanap ng dereksyon kung ang tanging liwanag nito'y nasira sa alon sa paglalayag. O mahal ko makita man ng bangkang bago nitong sagwan nais ko parin sana ang piling ng dating dalampasigan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
okkaayo
02/01/2024
0💗💗💗
01/01/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
28/08/2022
0Tingnan Lahat