Kabanata-X "Binabati kita Estella!" wika naman ni Paloma sa tuwa A-ako ang nasa unang ranggo. Paano nangyari yun. Rinig parin ang kanilang mga bulungan parang pumapaikot sila saakin at paulit ulit na tinatanong kung sino ako at bakit ako ang nangunguna Mayroong isang maginoo ang papalapit saakin gumilid naman lahat ang mga estudyante upang makadaan ang maginoong mambubutang sa eskuwelahang ito "Kamangha-manghang binibini. nais ko sanang makilala kung sino si Estella Valencia? Ikalala niyo ba? Ikaw?" wika niya habang tinuturo kami isa-isa. Isang pamilyar na lalaki. tama yung sukab na lalaki sa dormitoryo. "Binayaran niya lamang iyan para ano? Para siya'y makilala" wika nito na siyang pagtawa nilang lahat, pansin ko ang pagkainis ni Paloma, "Tiyak na natatakot siya ngayon at ako ang makakalaban niya o baka naman ang magulang niya ang magiging kalaban ko dahil takot lumaban" yabang niyang wika, tumawa muli ang mga estudyante sa kanyang paligid paalis na sana ako ng biglang "Nais mo siyang makilala?. Hindi mo ata nababatid na ang babaeng iyon. siya lang naman ang aking kaibigan. ito si Estella Valencia" sambit naman ni Paloma hinawakan niya ang aking dalawang balikat at ako'y kanyang hinarap sa mga estudyante kasama na si Juancho na mayabang niyang pakilala sa akin. Napatakip ulo nalang ako habang siya'y nag sasalita. Mas mabuti pa palang walang kaibigan. "Ikaw ba si Estella?" wika saakin ni Juancho habang ako'y tinitignan mula ulo hanggang paa Buong tapang akong humarap sakanya at sa mga estudyante "T-tama tama ang inyong narinig ako si Binibing Estella Valencia. may problema ba?" matapang kong wika habang tinitignan sila isa isa "Kay tapang na babae" ngisi ni Juancho habang pumapalakpak "sa tingin mo ganoon nalang iyon? Hahaha isang babae?" ngisi niya pa saakin lumapit ito at tinignan niya ako ng masama "Hinahamon kita!. Ng isang debate!" sambit niya pa sabay turo saakin nagulat ako at napatingin kay Paloma. Mapapalaban ata ako. "ikinalulugod kong makalaban ka sukab na lalaki" saad ko naman sabay hawak saaking beywang at matapang na sumang-ayon "Mag hunos-dili ka wala pang nananalo sa hamon niyang debate lalong lalo na ang mga babae" bulong saakin ni Paloma napatingin naman ako sa lalaking iyon na naka ngisi ngayon "kung gayon ako ang kanyang magiging katapat" bulong ka sabay ngisi "Kung hindi mo mamasamain Estella ay kilala lang naman ang aming pamilya sa mayayamang tao sa buong siyudad lalong lalo na ang aking mga obra. At mukhang bago ka palang dito hayaan mo't ipakilala ang aking sarili saiyo. Ako si Juancho Javier Alvarez isang sikat na doktor, manunulat, manunula at isang pintor ikaw?" pag mamayabang niya saakin habang nakangisi. Napa atras nalang ako ng kaunti. "Napa atras ata ang ating kalaban. Mukhang natatakot" pag mamayabang niya pa nakita ko naman ang kanyang napakalakas na halakhak pati ang mga estudyante ay tumatawa rin "hahaha, at sinong may pakealam kung gaano ka katanyag...ang tanong dito ay bakit ang dating nangunguna pumapangalawa na lang?" lakas loob kong sinabi at itinaas ang aking kilay natigil naman ang kanilang pag tatawanan ng marinig nila ang aking sinabi maging siya ay walang imik habang nakatingin. "Paloma! Ikaw ang umisip ng aming debate!" inis niyang wika habang tinuturo niya si paloma nabigla naman si Paloma at nag salita na ito "T-tungkol sa p-pag-ibig kung ano ang mas matimbang oras ba o tiwala?" mahinang saad niya pero batid ko na narinig ito ni Juancho ngumisi naman ito. "Kay dali naman, sige ikaw ng mauna Estella" wika niya sabay turo saakin "O-oras ang aking napili" wika ko sabay tingin kay Juancho "Mukhang gusto atang matalo ni Estella" saad niya sabay tawa "Sige ako na ang mauna" saad niya pa sabay lapit sa mga estudyante "Mahalaga ang pagtitiwala dahil doon palang masasabi mong walang katapusang pag mamahal ang meron ang isat isa kung merong pag titiwala. At ang pag-ibig ay nabubuo sa pagtitiwala kung walang pag titiwala walang pag-ibig. Aanhin mo ang panahon kung wala na kayong tiwala sa isa't isa?. Aanhin mo rin ang oras kung pagtalikod mo palang ay wala na ang pag ibig ninyong dalawa dahil lang sa walang tiwala?" pag sagot niya sumasang-ayon naman ang mga estudyante sa kanyang mga sinabi Nag hiyawan sila kay Juancho at sinisigaw ang kanyang pangalan. Tumingin siya saakin at sinenyasan na oras ko na "Naintindihan ko ang iyong daing ginoo. ngunit bakit ako nakukulangan sa pagtitiwala?. Bakit maraming magsing-irog ang nag hihiwalay dahil walang oras sa isa't isa?. kung sa oras na kailangan ay bakit wala siya sa aking tabi? Bakit sa oras na ako'y nangungulila ay wala siya?. Alam naman natin na ang pagtitiwala ang puno't dulo ng pag-ibig ngunit paano nga ba ito nagsisimula hindi bat sa mahabang panahon? Mahalaga ang oras kaysa sa tiwala dahil doon mo malalaman ang tunay na halaga ninyo sa isat isa. Hindi tulad ng pagtitiwala kung batid mo na hanggang tiwala lang ang kaya niyang gawin. O baka tiwala lang ito at hindi pag-ibig?" taas noo kong sinagot kitang kita ang kanilang mga reaksyon at kanilang mga hiyawan na may nanalo na at ako yun. Kita ang reaksyon din ni Juancho na bilib at gulat sa kanya binigyan ko siya nang tingin na kaya mo paba? "Napatunayan na ang pag titiwala ay mahalaga sa pag-ibig hindi lang sa sarili kundi saiyo. Kaya wala dapat tayong ikabahala. Ang dapat na ikabahala ay ang oras ng inyong pag sasama. may oras nga kayo ngunit hanggang saan?. May oras nga kayong kilalanin ang inyong mga sarili ngunit hanggang saan ang inyong tiwala? Wala!. Mahal mo nga ngunit may pag dududa. Madaling gumawa ng usapan Madaling gumawa ng kuwento ngunit sino sa inyong niloloko?. Naniniwala sa mga haka-haka ng walang pruweba. Anong tawag sa pag-ibig niyo puno ng pag dududa?" saad niya naman sabay tingin saakin at ngisi. Agad na lumakas ang hiyawan at lalong dumarami ang kanyang mga taga suporta napatingin naman saakin si Paloma na nanerbiyoso na baka ako ay mapahiya dahil nga sa dumarami na ang mga estudyante. "Hanggang saan ba ang pag titiwala? hanggang kailan ako mag titiwala? hanggang kailan niya ko bibigyan ng oras? kung kailan ba tapos na? Kung kailan wala na? Napatunayan na rin ang Oras ay mahalaga dahil hindi lang ito sa isang taong minamahal ngunit sa taong pinahahalagaan dahil hindi mo na iisipin ang alam mong wala siyang iniisip na iba, kundi ikaw lang. Hindi yung may tiwala nga ngunit hindi tapat sa kanyang pag-ibig. Ang akala mong ikaw na ang huli ngunit ikaw lang pala ay isa sa kanila" sambit ko sabay nag silakasan ang sigawan at mas lalo ring dumami ang aking taga-suporta. "Mas madaling sabihin na may tiwala ka ngunit hanggang saan? mas magandang sabihin na mahal mo siya pero para saan? Mas madali pang pag ibigin ang pusa at ang daga kaysa pag laanan siya ng oras." dagdag ko pa halata naman na sumuko na ito dahil itinaas niya na ang kanyang dalawang kamay senyas na tumalikdan at ayaw niya. Lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan dahil natalo ko ang pinaka matalino sa paaralang ito "Sinong panalo!" sigaw naman ni Paloma "Estella! Estella! Estella!" sigaw ng mga estudyante habang sila ay nag papalakpakan "Binabati kita Estella, hindi nga ako nag kamaing kaibiganin ka" ngiti saakin ni Paloma hindi ko naman ito masyadong madinig sa lakas ng kanilang hiyawan saaking ngalan Pansin ko namang wala na si Juancho lumingon-lingon ako upang hanapin siya umalis ako upang hanapin at kami'y mag usap nakita ko siyang magtungo sa isang silid-aklatan sumunod ako. Nakita ko siyang kumukha ng isang libro. Nag tago ako sa likod ng mga libro at isinara ng dahan-dahan ang pinto. Anong ginagawa niya rito. "Lumabas kana alam kong may tao riyan" wika niya habang siya ay nag babasa nagpakita naman ako at tumingin sakanya "anong ginagawa mo rito hahamunin mo ba uli akong mag debate?" wika niya pa sabay ngisi at baling uli sa librong kanyang binabasa "hindi" bitin kong sagot "Anong pakay mo?" sambit niya sabay papalapit saakin ilang metro ang pagitan namin ngayon lumayo naman ako sakanya. "Masama bang magbabasa rin ako" pag sisinungaling ko at aking kuha ang librong malapit saakin "sige" maikli niyang saad "Matagal-tagal din ng wala akong naging karibal sa ranggong iyon" wika niya habang naghahanap ng librong kanyang babasahin, "hindi ko akalaing isang binibini pala ang tatalo saakin" sambit niya napa silip naman ako kung anong ginagawa niya ngayon. "Mapag matyag din pala ang iyong mga mata hindi ka nga naiiba sa mga babae rito" saad niya sabay ngisi "Ganyan na ganyan ang aking naging kalaguyo noong araw" ngisi niya habang ako'y tinitignan "Siguro may nobyo ka na" sambit niya pa na ngayon nakaakbay saakin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
okkaayo
02/01/2024
0💗💗💗
01/01/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
28/08/2022
0Tingnan Lahat