logo text

minagandang kabanata : Dormitoryo

Kabanata-VIII
Papasikat na ang araw ngunit mulat parin ang mata ko ilang oras lang akong nakatulog sa pag iisip sa mga nakakahiyang ginawa ko at sa paaralang aking papasukan. Aking binukasan ang aking bintana at natatanaw ang ang mga hardinero, guwardiya at mga kasambahay sa labas habang ginagawa nila ang kani-kanilang mga trabaho.
Mahimbing namang natutulog si Milan sa kanyang higaan naaninag ko naman ang aking sarili sa salamin ng aking bintana isang magulong buhok at mga muta sa aking mata ang aking naaninag.
Naghilamos ako at nagsipilyo pag-harap ko nakita ko muli ang aking sarili sa salamin nakatitig lang ako saaking sarili. handa na ba ako iwan ang silid na ito.
"Señora Estella" boses babae na nababatid ko isa sa mga kasambahay naman kumakatok ito "sandali lang po"saad ko sabay punas ng aking mukha "Señora" saad niya pa siguro ay hindi niya ko narinig bubuksan ko na sana ang pinto bumungad nga saakin ang kasambahay namin may hawak itong isang papel parang isang liham.
"Isang sulat po" saad niya sabay bigay saakin ng isang liham na parang pamilyar saakin may dalawang rosas isang puti at pulang rosas "sino po ang nag bigay?" pag tatanong ko pag sisigurado lang. "Si Ginoong Fabian po señora" wika niya sabay ngiti ng bahagya "s-sige po,salamat po" saad ko naman sabay ngiti. Isinara ko naman ng dahan-dahan ang pinto hanggang sa umalis na siya.
Bakit siya ngumiti siguro binasa niya na ito o baka naman sa gulo ng buhok ko. Hindi naman ako tumugon sa liham bakit nag sulat ulit siya. babasahin ko ba.
Binuksan ko ang liham bumungad agad saakin ang isang pang pulang rosas sa loob isang sariwang bulaklak
tinanggal ko ito at binasa ang liham.
Isang nakakatakot na liham at mahangin na liham.
Minamahal kong Estella
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi ka parin tumutugon mahal ko may problema ba natatakot ka rin ba.
Wag ka sanang matakot dahil kasama mo ko sa hirap at ginhawa binibini. Hanggang ngayon hinihintay ko paring bumaba ang bituwing katulad mo hinihintay ang salitang ako rin ang nais mo.
Kahit kagaya ka man ng buwan at minsan natatabunan ka ng mga ulap ngunit liwanag ng ganda mo'y aking natatanaw.
Wag mo sana ako bigyan ng ilan pang mga dahilan upang patuloy kitang mahalin.
Walang imik kong tiniklop ito habang naka tulala anong ibig niyang sabihin wala naman akong ginawa para bigayan siya ng mutibo. Mabuti na yoon hindi naman na ko rito mag-aaral mamaya-maya lang ay aalis kami ni Natasha upang ilista ang aming mga pangalan upang makapag aral na roon.
Katatapos lang naming mag-umagahan at tama nga ako mamaya-maya lang ay aalis kami ni Natasha upang ilista ang aming mga pangalan at upang mag hanap narin ng dormitoryong aming matutuluyan habang kami roon mag-aaral.
Magtutulog na muli ako ng kaunting minuto upang ang aking lakas ay ilaan ko mamaya sa aming biyahe. Maari ko kayang isama si Milan sa maynila hindi naman siya ganoon ka kulit. Bahala na
Nagising ako sa lakas nang pag katok sa pinto bumangon ako upang buksan ito "a-ate Estella tayo na po" mahinhing wika saakin ni Natasha isang bihis na bihis at balot na balot siya ngayon. hindi ba siya naiinitan sa suot na yan.
Nagulat ako dahil bigla itong humahawak sa kanyang dibdib, wala naman itong sakit
"Ayos ka lang?, napapansin ko rin ang labis mong paghawak sa dibdib mo, may problema ba?" pagtatanong ko, ngumiti lang ito saakin at sinenyasan akong ayos lang siya
" sige, sandali lang at ako'y mag bibihis muna, sandali lang ha" Pag saad ko habang sinesenyasan na mag-antay isinara ko na agad ang pinto at nag simulang mag ayos.ilang oras rin ang inabot ko sa pag bibihis siguro ay lantay na rosas na yung babae na yun dahil sa tagal kong mag bihis.
"Pasensya na, tayo na!"wika ko sabay ngiti bahagya "tayo na" mahinang saad niya.
Habang kami ay nag bibiyahe kita sa mga mata ni Natasha ang tuwa at pananabik siguro dahil hindi siya lumalabas sa kanyang silid laging pagbuburda at pag didisenyo ang lagi niya inaatupag.
Dalawang oras na makarating kami sa maynila ibinaba na kami sa tapat ng eskuwelahang aming papasukan maraming mga estudyante at marami ring mga karwaheng nag paparada napatingin ako sa eskuwelahang ito maganda ang pag kakaukit nito maganda rin ang mga pananim
"Ate estella tayo na po" wika saakin ni Natasha na nauna nang mag lakad nag lakad naman ako habang naka titig parin sa eskuwelahang ito napa isip ako wag nalang kaya pero kailangan.
"Ate Estella!" sigaw saakin ni Natasha habang tinuturo ang isang karwaheng papalapit saakin huminto ito at mayroong isang lalaki ang agad na bumaba sa karwahe.
"Nasaktan ka ba binibini?" isang maginoong nag salita sa harap ko halata sa kanyang mukha ang pag- aalala "ate Estella ayos ka lang ba" pag mamahaling lapit saakin ni Natasha habang nag-aalala rin saakin at hinawakan niya ang aking kamay "Estella" mahinang wika ng isang lalaki ngunit rinig namin ito napatingin naman ako sakanya "ayos lang ako,salamat sa pag-aalala" saad ko sakanya sabay ngiti at habang pinapakalma ito.
Napatingin naman ako sa lalaking kaharap namin"Pasensya na binibini"
Wika niya at ibinaba ang kanyang sumbrero at gumalang. Kita sa kanyang pananamit na isa isang mayamang tao pati ang kanyang karwahe ay masasabi mong ilang dolyar nila ito binili.
"Gaya ng iyong narinig ayos lang ako. hindi naman ako natamaan" saad ko sabay pag-galang din at nag paalam na.
Mag kahiwalay kami ngayon ni Natasha. Sa ikalawang palapag siya at ako naman ay sa ikatlong palapag.
Grabi ang aking mga kasabayan napaka ayos ng kanilang mga pananamit may sariling taga bitbit at mukhang mayayamang tao.
Mayroong tatlong babae ang nag titinginan at bubulungan na batid ko na ako ang kanilang tinuturingan ngunit gaano man ang kanilang panlalait hindi ko nalang sila pinansin.
Nag salita na ang isang propesor sa aming harapan "Buenos Dias estudiante ihanda niyo na ang inyong mga sarili at tayo'y mag sisimula na ng ating pagsusulit" saad ng isang lalaking propesor habang kami ay inaanyayahang pumasok sa isang malawak at malaking silid.
Napaka daming mga estudyante ang naka upo ngayon sa kani-kanilang mga upuan.Nagyon ay nag sisimula na kami ng isang pagsusulit kung saan sinusubukan kung hanggang saan ang aming mga talino malalaman din doon kung anong pangkat ka nabibilang kung sa mga hanay ng matatalino o sa katamtamang talino
Hindi naman ganoong kahirap dahil ang kalahati ng mga tanong ay patungkol sa kalikasan at ekonomiya lagi kasing ganyan ang mga tanong sa balagtasan kaya madali na ito saakin
May isa ng nakapagpasa ng kanyang pagsusulit at grabi ang kanyang pag-mamalaki sa kanyang sarili na siya ang makakakuha ng mataas n marka ng dahil lang sa nauna siya.
Natapos narin ako sa aking pag susulit at pinasa ko na ito rinig ko ulit ang pag bubulungan nila ngunit malakas na ito
"Ewan ko na lang kung makakapasa  siya" pag paparinig ng isang babae sa kanyang mga kasama napatingin naman ako sakanila mula ulo hanggang paa at ngumiti
"May sira ata sa ulo" bulong nanaman ng isa tinalikuran at hindi nalang sila pinansin alam ko namang walang magagawa ang pakikipag away sa isa ng talunan.
Nag salita ng muli ang propesor
"Mga binibini at ginoo bukas na bukas ay malalaman na ninyo ang inyong mga pangkat, ihanda niyo na rin ang inyong mga sarili dahil bukas din ay mag sisimula na tayong mag umpisa sa pag-aaral" pag sisigaw ng prosesor upang aming marinig.bukas na agad
Agad na kaming umalis at hinihintay na lang si Natasha.agad rin nag labasan ang mga estudyante at pumasok na sa kani-kanilang mga karwahe upang umuwi.
"Hinihintay mo rin ba ang iyong karwahe?" wika ng isang lalaki sa kanan ko lalaking muntikan na kong mabunggo kanina
"T-tama ka" mahinang saad ko naman sabay sabay buklat ng aking pamaypay "hindi pa pala ako nakipag kilala ako nga pala si Lorenzo" wika niya na siyang kinagulat ko ang iniibig ni Leonor kay liit ng mundo at natagpuan ko rin siya maari ko ng asarin ang binibining iyon hihihi.
"Ikina gagalak kitang makilala.ako naman si" hindi ko na natapos nang masalita na ito "Estella! tama Estella" saad niya sabay ngiti "tama estella" saad ko naman sabay tawa bahagya
"Ate Estella" mahinhing wika ni Natasha na papalapit saamin "tayo na?" wika ko naman sabay ngiti at nag paalam narin kay Lorenzo
"Binibini mayroon na pong napili ang iyong ama upang  na inyong  matutuluyan dito sa maynila" wika ni Mang Ben ang aming kutsero "Mabuti po" saad ko naman sabay pasok sa karwahe pumasok narin si Natasha.
Kaunting biyahe lang at kami'y nakarating malapit nga tulad ng isinabi ni Mang Ben salamin ialng minuto lang kung sa katunayan ay kaya na naming lakarin ito.
"Dito na po tayo mga binibini" wika naman niya sabay turo sa isang magandang bahay-panuluyan kaaya-ayang tignan masasabing isang babae ang nag mamayari nito dahil sa mabulaklak ang paligid.
Pumasok na kami sa loob gaya nga ng aking sinabi isang babae ang nag mamay-ari nito hindi  nga ako nag kakamali
"Buenos Dias señoras" wika ng isang kagalang galang na babae ngumiti naman kami sa kanya "kay gaganda pala ng mga babaeng ito kung nais niyong tumira rito ay may isang bakanteng magandang silid para sainyo" wika pa niya sabay ngiti habang tinuturo ang isang silid sa itaas
"Salamat po" saad ko sabay galang nang paakyat na kami sa ikalawang palapag rinig ang isang babaeng umiiyak sa ikatlong palapag.
"Mahal mo ba talaga ako Juancho!"  siya ng isang babae sa lalaking si Juancho wala namang imik ang lalaki
"O isa lang ako sakanila ha!" sigaw niya pa. Bumaba ang isang lalaki at tumingin saakin ng ilang minuto bago siya bumaba.

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Tata Tambor Abong

    okkaayo

    02/01/2024

      0
  • avatar
    Micaela De Asis

    💗💗💗

    01/01/2024

      0
  • avatar
    Zoe

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    28/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata