logo text

minagandang kabanata: Unang pagkikita

Kabanata-I
Masayang gaganapin sa bahay nila Donya Maria Santiago ang malaking selebrayon para sa kaarawan ng pinsan ni Estella na si Leonor ang bunsong anak nila ni Donya Maria at Don Rafael ang Tiya at Tiyo ni Estella, kilalang pamilya ang Santiago sa pinakamalaking ambag sa Maynila at pinagkakatiwalang kaalyado ng mga politiko dahil isa ang ama ni Leonor sa nagtatanggol sa lugar na Maynila.
Isa rin ang pamilya Valencia, ang pamilya nila Estella sa nagtatanggol at isa ring napakayamang pamilya sa lugar ng Maynila na siyang pagkamatalik ng dalawang pamilya, ngunit mas pinili ng pamilyang Valencia manirahan sa kawit. dahil sa  kapatid nitong si Mang krimen.
Sa kabilang dako, hindi makasasama si Estella sa selebrasyong gaganapin ng pamilyang Santiago sa kaarawan ni Leonor, dahil hindi pa na tatapos ni Estella ang lilok niyang regalo na ibibigay sa pinsan niyang si Leonor.
"Paano ba ito?" wika ni Estella habang madaling tinatapos ang lilok na hugis ng mukha ni Leonor "ate Estella sasama ka po ba?" mahinhing tanong ni Natasha "matatapos na ako" ngiting sambit naman niya rito, habang ito'y naglilok,
"Mukhang mahuhuli na tayo Estella" pagtutuloy pa ni Natasha, "mas mabuti pang mahuling may regalo kaysa wala" pagtugon naman ni Estella sabay ngisi nito,
habang patuloy sa paglililok si Estella napansin ni Natasha ang ilang mga gawa ni Estella mga lilok,malilit na pigurin at mga pintang ginawa niya namangha ito,
"ate ikaw ba ang naggawa ng mga ito?" pagtanong ni Natasha habang hawak-hawak ang isang pigurin na hugis tao, "a iyan ba oo bakit?" ngiting sagot ni Estella habang patuloy parib itong naglililok, ilang minuto pa ang nakalipas
"Ayon! natapos narin" masayang wika ni Estella habang itinaas ang kanyang gawang lilok "Ika'y maghanda at tayo'y aalis na" patuloy niya habang inaayos ang kanyang sarili "ate kanina pa akong nakaayos" sagot naman ni Natasha "sige sige tayo na" tugon naman ni Estella agad silang nagsakay sa karwahe ng kanyang amang Don Franciano.
Tahimik silang nagbiyahe papunta roon sa kanilang Tiya Maria, tanging i ingay lang ng karwahe ang tanging bumibigay nang ingay sa kanila,
"A-ate masaya bang maglilok?" pagtanong ni Natasha habang ito'y nakadungaw sa bintana "Masaya, bakit?" balik na tanong ni Estella napatingin naman si Estella sa gawi ni Natasha na ngayo'y hinahawakan ang lilok na gawa niya
"hindi ka ba natutuwa sa pagtatahi mo?," tanong muli ni Estella, "kung hindi mo natitipuhan ang ibinigay saiyo siguro'y subukan mo uling gamitin ang mga kakayahan mo baka sakaling magustuhan mo rin iyon muli" dagdag pa ni Estella sabay hawak sa kanyang balikat at ngumiti, hindi na nakasagot si Natasha dahil sila na nga'y nakarating at unang lumabas si Estella at huling lumabas si Natasha
"Magandang hapon po Donya Maria" ngiting sabi ni Estella sa kanyang tiya na kasama ngayon ng kanyang ina "M-magandang hapon din sayo Estella at.... Natasha?" ngiting sagot sa kanya ni Donya maria "kay laki mo na,naalala ko kay liit mo pa noon" patuloy niya habang inaanyayahang pumasok at umupo sa kanilang silya
"doon muna kami ng iyong Donya Maria sa kanyang hardin,at kami'y may mahalagang pag-uusapan" ngiti ni Donya Celeste ang kanilang ina, "wag kayong aalis" tuloy niya pa na siyang tango naming lahat sabay buklat ng kanyang pamaypay at nag lakad na sila ni Donya Maria.
Payapang nakaupo si Estella sa may sulok, ang kanyang mga kapatid na si Natasha at Joselito ay nakipagkaibigan sa mga kaedaran nila.
Habang abala ang iba inilibot ni Estella ang lugar, sa hardin ay na napapagiliran ng mga rosas na matatagpuan iyon sa gilid ng Hacienda de Santiago Natatanaw dito ang mga magagandang ilog na kanila ring sakop na nagsisilbing pahingaan. Ang kanya namang mga ibang kapatid ay sumama sa mga nakatatatandang kapatid ni Leonor na si Jacinto at Antonio upang mag kabayo at silang tatlo ang naiwan sa hardin.
"masaya ako na muli kayong dumalaw dito kahit pa tatlong taon na ang huli niyong pagpunta" panimula ni Leonor na nakatingin sa mga ulap sabay tingin naman si estella
"pasenya na marami lang kaming ginagawa" pagsagot ni Estella kita naman sa mukha na kinakabahan si Leonor na baka pag tawanan siya ni Estella sa oras na sabihin niyang may manliligaw siya,
"Maaari bang ikaw nalang mag sulat para saakin ako'y hindi gaanong bihasa sa pag tugon ng mga liham" sabay bigay ng liham sa kanya gulat namang tumingin si Estella at kinuha ang liham
"hindi rin ako kagalingan ngunit  mapagkakatiwalaan mo ko" ngiti ni Estella at nag simulang kunin ang pluma at tinta ni Leonor.  
Nagsimulang basahin ang isang liham na ibinigay ni Leonor kinakabahan si Leonor na baka hindi kayang tugunan  ni Estella dahil nakahahalina ang liham na ginawa ng kanyang manliligaw samantala, maka ilang tango naman si Estella at namamangaha sa husay ito at ganda ng pag kakagawa dito. Napapansin din na Estella na mahusay ang lalaki na gumamit ng mabubulaklak na salita na animo'y bihasa na ito.
Napa buga siya nang malalim mag sisimula na dapat siyang mag salita nang nagsalita ang nakababatang kapatid ni Leonor "mahusay yan si ate Estella siya nga ang nanalo noong nag balagtasan siya at kinalaban ang aming mahusay na pambato sa aming iskuwelahan" pagmamayabang sabi ni Maliya na pitong taong gulang sabay ngiti na siyang tingin nilang dalawa sakanya
"Maliya itikom mo nga ang iyong bibig usapan ito ng matatanda kaya gumalang ka" mahinang bulong ni Leonor sa kanyang kapatid "p-pasenya na po" sagot niya at kita sa mga mukha niya ang pag hingi ng tawad ni Maliya.
"Saang lalawigan siya naroroon?" tanong ni Estella habang binabasang muli ang liham kaylangan niya ng ilan pang impormasyon upang makagawa na siya ng kanyang isusulat.
"Siya ay nasa maynila" tugon naman ni Leonor na pilit tinatakpan ang kanyang mga ngiti at siyang pag tigil ni Estella sa kanyang ginagawa "nag aaral siya ngayon sa sikat na paaralan mula roon at kilala siya na matinik sa babae" tuloy niya sabay paypay sa kanyang sarili
"Mukhang natinik ka ate" pangaaasar ni Maliya "ikaw talaga" ngisi ni Leonor sabay habol nito sa kanyang kapatid na tumatakbo ngayon habang si Estella nag iisip kung ano ang maaari niyang itutugon doon.
Nagsimulang isaw-saw ni Estella ang plumang gamit ni Leonor at ang nag simulang isulat ang panagalan ng lalaking taga maynila na nag palambot ng puso ni Leonor.
Matapos ang dalawangput minutong pag bobolahan walang hingang natapos ni Estella sa kanyang ginagawang liham sa lalaking iyon. Manghang mangha namang binabasa nila Leonor at Maliya ang liham na ginawa ni Estella para sa manliligaw niya.
"Sabi ko naman po sayo ate mahusay yan si ate Estella" payabang nanamang niyang sabi at nagtawanan sila ngiting nag papasalamat nagyon si Leonor kay Estella "wag mo nang ipamayabang Maliya alam ko na yan...
ako pa" mayabang sabi ni Estella habang ngiti siyang kumakaway na animo'y isa siyang nanalo ng isang paligsahan
"maari mo nang halikan ang iyong kasintahan" dagdag pa nito habang at tawa nilang lahat.
Minahal kong Lorenzo
Ikinatutuwa kong ika'y may paghanga sa simpleng katulad ko kahit pa'y kisap mata lang tayo nagkita,masaya ako sa iyong itinuring na akoy binibini na ninais mong makapiling ngutin
nagtatanong din ang aking sarili kung tunay ba ang iyong pag hanga sakin?At kung sumasagi rin ba sa iyong isipan na kung ano ang mangyayari satin kung sa simpleng pag kilala natin sa ay nababatid kong kulang.
Nais ko sana na makilala ka pa nang mabuti upang pangamba ko'y mawala, batid ko rin na napakalabong makilala natin ang ating sarili kung sa liham lang tayo nagkikilala.ngunit handa akong lakbayin ang karagatan upang marating sa iyong pinaroroonan dahil ibig kitang makilala.
"salamat Estella" saad niya at niyakap ito "wala iyon maliit na bagay" pagsagot niya at bumitaw sa pag kakayakap at hindi namalayan ni Leonor na may nakaligtaan itong pupuntahan.
"naku! kailangan ko nga palang pumunta sa kaarawan ng aking kaibigan" pagkakataranta niya at kanya namang napatakip ang kanyang bibig naalala niya rin na kailangang may regalo itong ibibigay "s-samahan kita?"pag saad ni Estella
Narating nila bayan.agad namang bumaba si Leonor upang mag hanap ng pwede niyang iregalo sa kaibigan niyang si Clara isang magandang babae na kahit sino ay makikilala siya dahil sa tanyag nang kanilang apelyidong Da Silva dahil ang kanyang ama ay kilalang gobernador at ang kanyang ina naman kilala sa pag papatakbo sa isang sikat na damitan dito di lang yun karamihan sa kanilang mga ninuno ay inialay ang kanilang sarili para sa bayan.
Habang abala si Leonor sa pag pili ng kanyang ireregalo nag punta si Estella sa di kalayuang museo na malapit mula roon.
tinawid ni Estella ang lahat marating lamang niya ang museong iyon nang biglang may nag mamadaling kalesa na papalapit sa kanya hindi alam ni estella kung ano ang gagawin na pa istatwa na lamang ito roon at ipinikit ang mata ng biglang
may humawak sa kanyang kamay
Parang tumigil ang pag ikot ng mundo kasabay din ng malamig na ihip ng hangin. Ilang minutong walang kurap na nag titigan ang aming mga mata na siyang pag lakas nang pagtibok ng aking puso biglang natauhan ako ng masalita ito
"ayos kalang ba binibini?"

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Tata Tambor Abong

    okkaayo

    02/01/2024

      0
  • avatar
    Micaela De Asis

    💗💗💗

    01/01/2024

      0
  • avatar
    Zoe

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    28/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata