Kabanata-XVI Hindi ko magawang kalimutan ang sinabi niyang iyon hindi dahil ang ina niya ay madre maari niya na sabihin ang nararamdaman niya o pwede rin namang sabihin... Peroo bakit ganoon. Nandito ako sa lilim ng puno magisang kumakain ng ilang tinapay na ibinili ko kanila lamang. Naisin ko mang makihalubilo sa iba ngunit mahirap na baka mapahamak at naimpluwensyahan lang ako, panay kasi ang mga babae rito ang kanilang pagsama sa ibang mga lalaki lalo na kay Lucian. Saglit naman akong nakaramdam ng kirot dahil marami-rami na ang nagkakagusto kay Lucian at siya ring paglayo namin sa isa't isa masaya naman akong lumalayo ito sa mga babae pero ang ilan pinapansin niya. "Naninibugho kaba binibini?" rinig kong bulong ng lalaki, humarap ako at si Juancho. Bigla siyang lumapit saakin, agad naman akong tumayo at itinakpan ang aking bibig gamit ang panyo. "T-tigilan mo nga yan. Hindi ako nagseselos" sambit ko sabay tinulak siya papalayo saakin. Narinig ko naman itong nagpipigil ng tawa. "Aba... Umamin ka nag seselos ka?" ngisi pa nito saakin at nag simula na nga itong tumawa "B-bahala ka na nga riyan" wika ko rito at nagsimula nang maglakad. "Hindi ko alam na ang isang kagaya mo kay rikit magalit!" sigaw nito saakin kahit malayo na ako ay rinig parin ang kanyang biro. Dumiretso ako sa silid-palikuran upang mag hilamos "kainis yun, anong akala niya saakin gusto ng nobyo. Manigas siya" bulong ko sa aking sarili, akin namang pinusana ang aking mukha at nagsimula ng humayo. "Siya ba yung bagong nobya ni Lorenzo?" rinig kong bulungan ng mga babae, agad silang nagsiayos ng napatingin ako sa kanila. "Ayan na si Lorenzo" sambit pa nila napatingin naman ako sa gawi ni Lorenzo na papalapit saakin. "Kamusta kana Estella?" wika nito saakin. akin namang itinaas ang aking kaliwang kilay at nagsalita "anong pinagsasabi mo sa mga estudyante rito? Pati ang iyong ina idinamay mo pa" kita ko namang nagpipigil itong tumawa "ayaw mo ba?" ngisi nito saakin. "Wag mo kong dinaramay sa kalokohan mo!" pag diriin ko rito na patuloy parin ang pag ngisi nito "hindi ka ba nahihiya na ikaw lang at ang iyong kapatid ang walang nobyo sa eskuwelahang ito?" sambit nito habang kanyang tinuturo ang mga babae't lalaki na magnobyo "hindi. hindi dahil nasa wastong taon na ako ay sasabay ako sa uso niyo?. hinding hindi ako makikisama sa inyo!" saad ko naman at nagsimulang umalis. "Dahil ba hindi ka natitipuhan ng iyong Lucian kaya ka nagkakaganyan?" rinig kong wika niya napatigil naman ako sa pag lalakad at lumapit sakanya "alam mo nasisiraan kana sa ulo.." tugon ko rito hindi ko na ito naituloy dahil nagsimula itong magsalita "dahil ba mas gusto mo ang walang may gusto sayo?" hinawakan niya ang aking mukha "o kaya naman kaibigan mo lang ako?" sambit pa nito, nagsimulang umakyat sa upuan at nagsitang muli. "Lorenzo naka inom ka" wika ko rito ngunit hindi nagpatinag at nag sasalita at mangiyak ngiyak. "Sobrang minahal kita ng higit pa sa iba,Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka" maiyak iyak niyang wika saakin parami-rami narin ang mga estudyante. "Bakit kailangan mangyari ito? Sobrang sakit" wika pa nito magsisimula na dapat akong mag salita ngunit tumalon ito at hinawakan ang dalawa kong braso "Kulang ba ako para sa puso mo!? O siguro hindi ako sapat para sayo?" sambit pa nito nagsimulang tumulo ang aking mga luha "Lorenzo nasasaktan ako" pagpupumiglas ko mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking braso "L-lorenzo" maluha kong wika sakanya "Hindi naman ako nawala! p-pero bakit. bakit hindi mo ako makita Estella!" pagsisigaw nito saakin at mas lalong humigpit ang kanyang pag kakahawak saakin "p-pasenya na" pagmakaawa ko, biglang may sumigaw na boses lalaki "Tigilan niyo yan!". "Nandiyan na ang Lucian mo." sambit nito saakin at mas lalong hinigpitan ang kanyang pag kakahawak at bigla niya akong hinalikan. Mabilis itong natigil at ako'y nakawala dahil may sumuntok sa kanyang mukha pagkita ko si Lucian. "Tayo na!" sigaw ni Lucian saakin at mabilis kaming umalis sa aming kalagyan. Agad kaming maghumagos sa pag takbo at madaling nagtago sa pinaka likuran ng silid-aklatan, agad naming isinara at kinandado ang pinto. Isang nakakabining katahimikan at tanging ang pag hinga lang namin ang aking naririnig. na ka ramdam ako ng kaba dahil nasa tabi ko si Lucian at baka maaring itanong niya ang nangyari kanina. "Pasensya na binibini" nagsimula magsalita ito, kahit na malayo kami sa isat isa ay rinig ko parin ang kanyang wika. "Hindi ko alam na may..." wika pa nito hindi ko na tinapos ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na ako "ayos lang naman ako, wag ka ng humingi nang tawad" akin namang tinignan ang aking aking braso at nagsisimula na itong maging pasa. "Hindi yan ang tinutukoy ko," sambit nito tumingin ako sa aking kaliwa kung saan siya nagtatago ngayon "Estella..." sambit niya at tumingin saakin ngunit hindi ko tumingin sakanya "Estella hindi ko alam pero nakikita kong naiiba ka sakanila, isang matapang na..." patuloy nito, tumingin ako sa gawi niya nakatingin parin ito saakin. "Anong ibig mong sabihin?" tugon ko rito bigla namang tumunog ang kampana na siyang hudyat na tapos na ang klase. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. "Estella! Iniibig kita" rinig kong wika niya napalingon naman ako ngumiti ito saakin at itinapat ang kanyang sumbrero sa kanyang dibdib "Sana ganoon ka rin" wika pa nito at sinimulan ko nang buksan ang pinto. Hindi ko na alam ang aking gagawin nang sabihin niya iyon saakin. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib, hindi na rin matigil ang tamis ng aking ngiti at tila may humahapos na sa aking mga tiyan. Agad din napalitan ang aking masaya sa aking labi ng maalala ko may trabaho pala akong pinasok. agad kong sinabi sa kaklase ni Natasha na hindi ko siya makakasama sa pag uwi dahil ako'y may trabaho. Nagmadaling akong naglakad palabas upang hindi rin ako makita ni Lorenzo at para narin maka pag trabaho sa bilang katiwala ng mga aklat. "P-pasensya na po" wika ko sa kay aling Meyling na nagbabasa ng Mi amor na libro. "Ayos lang, hindi ka pa naman huli" sambit nito kanya namang tinanggal ang kanyang salamit at itiniklop ang libro "Alam mo ba binibini....Ano nga uli ang pangalan mo?" sambit pa nito lumapit ako upang ilapag ang aking mga gamit "Estella po" tugon ko rito at tsaka umupo sa kaanyang tabi. "Alam mo nakita kita tatlong araw na ang nakalipas...muntikan ka ng mabundol ng karwahe tutulungan sana kita pero tinunggan ka ng iyong nobyo" pag salaysay nito ayaw ko mang pag usapan ang nangyari saakin pero malapit na saakin si Aling Meyling. "hindi ko po nobyo ang lalaking iyon Ginang Meyling" tugon ko rito napa tango ito ng makailang ulit kung "Gayon..maayos ka na ba?" pag tanong ni Ginang Meyling hindi ko na ito naisagot ng masipasok ang mga estudyante karamihan sa mga ito ay mga babae. "Meyling! Kamusta po meron na po bang Mi amor?" parehong tanong ng mga kababaihan dito sumagot naman si Aling Meyling "Meron na mga binibini" ngiti niyang sambit sa mga babae napatingin naman ako kay Ginang Meyling naka ngiti at kalmado lang ito. "Estella ipakita mo sa kanila ang mga libro" wika nito saakin napa tango naman ako at sinimulang ipakita ang librong Mi amor. Ang dating binasa kong limang pahina ay parang kumapal na. "Ito po" paglapag ko sa lamesa walang atubiling kinuha agad ng mga babae ang librong kanila ko lang inilagay. kay bilis naman. "Magkano po ito! Magkano po ito!?" pagtatanong nila napa ngiti ako at tumingin kay Aling Meyling sinenyasan na ako na ang bahala sa presyo. "Sampung piso" sagot ko napalitan naman ng katahimikan ang dating maingay napatingin sila sa isat isa at sa libro nagdadawang isip sila. Napa tawa naman ako "Bibilhin niyo ba?" pagtanong ko naman sa kanila ang ilan ay bumili ang iba naman ay humindi. Umalis na ang iba, pero ang ilan ay matapang na inilabas ang kanilang pera para lang maibili ang mga ito. Aanhin ko naman kasi ang kapirasong pilak sa librong sobrang sikat. Nang makauwi na sila ay agad akong tumawa bakit naman "ganoon ang pag presyo mo hija?" malungkot na tanong saakin ni Aling Meyling "pasenya na po. Ano po ba ang tunah na presyo nito?" tugon ko, bumali na ako sa aking inuupuan kanina at tumingin sa kanya. "Apat na piso lang iyon Estella" sambit niya agad na lumaki ang aking mata dahil apat na piso lang pala iyon. Isa na namang palpak ang aking ginawa. "Apat! Pasensya na po talaga" pag makaawa ko ngunit tumango ito at ngumiti "ano pang magagawa natin na ibigay na nila" tugon nito at kanyang hinawakan ang aking ulo. Gabi na ng maka uwi ako isinara narin ang tindahan ng mga libro kung saakin ano nag trabaho bumili narin ako ng aming baon para bukas. "Estella!" sigaw ng pamilyar na boses, si Juancho lumapit ito at nagsimulang mag salita "hindi ko alam na kay Aling Meyling ka nag trabaho" tumingin lang ako sakanya at nagsimula namang mag lakad pauwi. "Siguro ay nabasa mo na ang librong Mi amor ano?" tugon pa nito habang sinusundan akong mag lakad. "Alam mo ba mapusok ang librong iyon" pag salita pa nito nagtataka naman ako hindi pa naman iyon ang huli kong nabasa. Napahinto ako "Bakit? Gusto mo ba ng mapupusok na libro?" saad pa nito napatingin aki sakanya at itinaas ang aking kilay "Bakit?" ngisi nito
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
okkaayo
02/01/2024
0💗💗💗
01/01/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
28/08/2022
0Tingnan Lahat