Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na ito. Ms. Selena's words? O ang takot na nararamdaman ko habang naiisip ang puwedeng mangyari sa kaniya sa oras na pabayaan ko na siya kay Keira? I looked at the card key that I'm holding, this was actually given by Ms. Selena, hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob ng unit niya o mananatili nalang ako rito sa labas at hihintayin kung kailan niya balak na lumabas sa kaniyang unit. What should I do? This is torture. Baka sa oras na makita ko siya ay biglang umurong ang sistema ko sa balak kong pag-alis. Kung hindi lang sana komplekado ang lahat ay mas gugustuhin kong manatili nalang dito, but things aren't that easy, we need to risk some things in order for us to be safe. Muli akong napabuntong-hininga at ini-swipe ang card sa pintuan ng kaniyang unit. Para akong uubusan ng hininga nang bumukas na ito. I thought the day that he walked out would be the last day na makikita ko siya, but I was wrong. Bumungad sa akin ang tahimik na living room nang nakapasok ako nang tuluyan. Nakatabingi ang sofa, at ang ilang mga unan ay nasa lapag. Basag din ang flower vase malapit sa isang glass table kaharap ng flat screen TV. I roamed my eyes to search for him, pero hindi ko siya nakita. Pumunta ako ng kusina at napansin ang iilang mga pinagkainan sa lababo. Where is he? Umakyat ako ng hagdanan, nagbabakasakaling makikita ko siya sa ibang parte ng kaniyang unit. Hanggang sa napansin ko ang maliit na siwang ng isang pintuan. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan, habang unti-unti akong naglalakad papalapit sa siwang ng pintuan. Nakakabingi ang katahimikan, ultimo yabag ng aking sapatos ay hindi ko marinig dahil sa sobrang ingat ko sa paggalaw. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pintuan, hindi ko makita ang buong silid kaya nagdesisyon ako na buksan na lamang ito. Napalunok ako, naghahanda sa maaari kong madatnan. Isang kwarto ang bumungad sa akin, at gaya nang nadatnan ko sa living room ay medyo magulo rin dito. The bed sheets are in mess, the drawers are half open, parang hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-ayos ng unit niya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto at nadismaya nang hindi ko siya nakita. Ms. Selena told me that he's here, that's why I came here pero mukhang wala siya rito. O baka nasabi ni Ms. Selena na pupunta ako rito kaya habang hindi pa ako nakakarating ay umalis na siya para hindi na kami mag-abot pa. I smiled bitterly. I can't blame him, if he chose not to see me anymore. After all, ako ang nagtulak sa kaniya na lumayo na, that we can't make this out if we were together. Siguro nga, ang araw na tumalikod siya sa akin ay ang huli na naming pagkikita. Sana pala hindi na ako umasa. He's mad, sana inasahan ko na iyon. Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad papalabas ng kuwarto. “Why are you here?” Halos mapapitlag ako sa aking kinatatayuan nang nakarinig ako ng malalim na boses sa aking likod. I can't be wrong, It's his voice. Napalunok ako at dahan-dahang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan nang bumungad sa akin si Zero, wearing only his towel while the waters are still dripping on his chiseled chest coming from his wet hair. His cold expression gives me the uncomfortable feeling. Parang may kung ano ang tumusok sa aking puso nang napansin ko ang mga pasa niya sa mukha, ang mga sugat niya sa braso at ang malaking benda na nakapulupot sa kaniyang tiyan. Seeing him in this state...fucking hurts. “W-what happened to you?” Pinilit kong kumalma pero hindi ko magawa, gayong parang naka-magnet na ang mga mata niya sa akin. “Business,” wika niya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. Naglakad siya papunta sa kaniyang closet at naghanap doon ng masu-suot. Napalunok ako, naghahanap ng susunod na sasabihin. “A-are you okay?” Napahinto siya sa kalagitnaan ng paghahanap niya ng damit at napabaling sa aking direksyon. Natuod ako sa aking kinatatayuan nang nagsimula siyang maglakad papalapit sa aking direksyon. “Why do you care? You're going to leave right? Then go.” Para akong sinasaksak sa mga salitang binitawan niya. Akala ko madali ang umalis dahil alam kong hindi ako ang maiiwanan, but hearing those words came from him, that he wanted me to go, leaving him behind...it fucking hurts. “I'm worried.” Nakakaramdam ako ng pananakit ng lalamunan, at alam ko kung para saan iyon. Napatawa siya nang pagak sa aking sinabi na parang hindi siya makapaniwala, nakangising bumaling siya sa akin. “Umalis ka na,” wika niya at muling bumalik sa kaniyang walk in closet at naghanap doon ng maisusuot. “Then what? Continue turtoring yourself? Huh, Zero?” Napailing-iling siya sa aking sinabi. “This has nothing to do with you, Cypher,” wika niya nang hindi tumitingin sa aking direksyon. “Then leave the organization,” sa sinabi kong iyon ay napatiim siya ng bagang. Matalim siyang tumingin at naglakad papalapit sa akin. Nagulat nalang ako nang madali niya akong naisandal sa pader habang ang isa niyang braso ay nakatukod sa kanan kong bahagi. Mahigpit ang hawak niya sa kanan kong braso, pero tama lang para hindi ako masaktan. “And do you think that I would obey you? Huh?” his words are like daggers, throwing into my direction. It hit me. Sino nga ba naman ako para sundin niya? I'm just...I don't know. Ano nga ba ako sa kaniya, at ano nga ba siya para sa akin? All I know is we both love each other, pero pakiramdam ko wala ni isa sa aming dalawa ang puwedeng angkinin ang isa't isa. I just hate seeing him in this state. Bahagya kong itinaas ang kamay ko upang hawakan ang mga pasa at maliliit na sugat niya sa mukha. Bahagya siyang napapikit nang mariin dahil doon. “Masakit ba?” Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko upang alisin iyon sa kaniyang mukha. “Leave, Cypher,” nagmamakaawa niyang wika, pero gusto kong matawa dahil kahit na yata subukan kong umalis ay hindi ko magagawa dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko. “Your sister told me everything.” Nakuha ko ang atensyon niya sa aking sinabi. “I may not know everything, but I know that you're just doing it on purpose, Zero. I can't seeing you like this. Was it because of me?” “I said this has nothing to do with you,” mabilis niyang wika, pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Alam niya sa sarili niya na protektado ang pamilya niya kahit wala ang organisasyon na iyon, pero bakit ayaw niya pa rin na umalis?
“Zero, stop this. They can't turtore you just because of—” “You.” Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Parang binuhusan ako ng mainit na tubig sa kaniyang sinabi, kahit na iisang salita lang naman iyon. “Damn. Didn't I tell I always have reasons?” matiim niyang wika sa akin, na kulang nalang ay suntukin niya ang pader sa aking gilid. “Me? You're doing this for me?” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Bakit? Para saan? Kaya kong protektahan ang sarili ko, Zero. Iyan ang mga salitang gusto kong ibato sa kaniya, pero hindi iyon lumabas sa aking bibig. Napapikit siya nang mariin at pagmulat ay mariing tumitig sa akin. “Leave.” “Answer me!” Magkasalubong ang kilay na tumingin siya sa akin. May halong galit ang kaniyang mga tingin pero hindi ako nagpatinag doon. “What for? You're going to leave me anyway. Now baby, tell me.... What for? Ni hindi ko nga narinig sa 'yo kung bakit ka nagkaka-ganito. You're always playing with my feelings. There were times when you care about me, but after that you would leave...leaving me behind, Cypher.” Ang mga luhang kanina ko pa gustong itago at kimkimin sa harapan niya ay tuluyan ng bumagsak. Parang dinala ako ng mga sinabi niya sa realidad. Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman niya sa akin, hindi ko alam na nasasaktan ko siya sa hindi ko sinasadyang paraan. Zero's been a womanizer, pero hindi ko maipagkakaila na totoo ang mga bagay na pinapakita niya sa akin. Am I that heartless? All I know is that I want him to be safe. Hindi ko kayang umalis nang payapa hangga't ang ganitong klase ng kalupitan sa kaniya ang palaging sasagi sa isip ko. Ayaw kong iwanan siya sa gitna ng paghihirap, sa gitna ng nag-aagaw na liwanag at kadiliman. Bahagya siyang napamaang sa mga luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi nakatakas sakin ang mahina niyang pagmumura at ang mabilis niyang paglayo sa akin at pagtalikod. Napasinghap ako. That's it? Hindi ko ba talaga siya makukumbinsi? Ganito na lang ba? Matapos kong marinig ang mga katagang sinabi niya ay parang napanghinaan na ako ng loob. I feel like I don't deserve him anymore, he who's been caring for me while I did was to...hurt him. “I-I love you,” maliit na boses kong wika, pero tingin ko ay narinig niya iyon dahil bahagya siyang napahinto. This was the first time that I've said those words to him, kahit kailan ay hindi ako naging vocal pagdating sa nararamdaman ko, lalong-lalo na sa kaniya. “Matagal ko nang gustong sabihin, but I don't know how. There, I said it. Sounds corny but fuck, that's what I'm feeling for you. But maybe words wouldn't be enough to fill those hurtful things that I did to you, and I am sorry.” Napalingon na siya sa akin matapos kong sabihin iyon, hindi ko mabasa ang kung ano man ang nasa isip niya dahil naghalu-halo na iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako para bahagyang kumalma ang aking sistema. “Aalis na ako.” Tumalikod na ako sa kaniya at mabilis na naglakad patungo sa pintuan, pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay may kamay na agad na humablot sa aking braso at marahas akong isinandal sa pader hanggang biglaan niya nalang akong inatake ng halik. Nagulat ako sa ginagawa, ngunit kalaunan ay nakahuma din. I firmly closed my eyes when he started kissing me hungrily, I kissed him back. Para akong mapapaso sa init ng mga halik niya. He bit my lower lip as I tasted my own blood, pero hindi ko iyon ininda dahil habang tumatagal ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya. His tongue asked for an entrance so I did let him. Ang kamay niya ay nagsisimula nang gumapang sa ilalim ng aking damit. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang batok at tinanggap ang bawat halik niya. Napaliyad ako nang maglandas ito sa aking panga, pababa sa aking leeg. “Fuck. I wanna hear it again. Tell me more, baby,” he said between our kisses. Hinapit niya ang aking baywang dahilan para mas mapalapit pa ako lalo sa kaniya. “ I love you,” matapos ko iyong sabihin ay napahinto siya sa paghalik at bahagyang tumingin sa akin. “Then don't leave. I'll do anything, just don't leave. Aalis ako sa organisasyon kung gusto mo. Just don't leave me, please baby.” He planted me a lot of kisses on my lips kaya hindi ko nagawang makapagsalita. Hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya gayong masyado akong nalulunod sa kaniyang ginagawa. “Zero—” “Shh.” He stopped me using his deep kisses. “You're mine. Mine alone.” He cupped my face as he stared at me. “Hindi ako aalis.” Kumunot ang kaniyang noo na parang hindi naniniwala sa aking sinabi. “I want an assurance.” Napakagat ako sa aking labi at napa-iwas sa kaniya ng tingin. Paano ba? Hindi ako makapagdesisyon. Pilit niyang hinu-huli ang aking tingin, pero pilit ko itong iniiwasan. Hanggang sa muli na naman niya akong sinunggaban ng halik. “I want you.” Bahagya akong nakiliti nang hinalikan niya ang aking tainga. Hindi ko alam, pero pagdating sa kaniya ay hindi ako natatakot sa maaaring mangyari sa aming dalawa ngayon. After this...damn. I'm really too bad at goodbyes. I stopped from kissing him and gazed at him intently. “Then own me.” I've never been this happy in my entire life. Giving myself to the person I love. I did not regret every moment that I've spent with him. Gusto ko mang dagdagan pa ang mga oras na kasama ko siya A hindi ko alam kung paano. Mahirap maipit sa dalawang sitwasyon na alam mong hindi mo kayang talikuran, ngunit para makapili ka sa dalawa ay kailangan mong bitawan ang isa, para sa ikaka-ayos ng lahat. Napalingon ako sa malaking glass window na bahagyang natatabingan ng kurtina. Bahagya ko nang nasisilayan ang papalitaw na araw, seeing the sun shines brighter than my future makes me want to stay like this. I looked at Zero who's peacefully sleeping beside me, nakaunan ako sa kaniyang braso habang yakap-yakap ko siya. I smiled seeing his expression looked very peaceful, parang walang kahit ano‘ng problemang pinagda-daanaan. His bruises are still visible on his face, pero mas lalo lamang iyong nagpa-guwapo sa kaniya. I can't stand seeing him like this, kung susuko ako para lang lumaban siya, walang magandang mangyayari. So why don't we fight together? I'll fight for him, kahit pa dumating ang oras na susunugin na ang kaluluwa ko sa empyerno, hinding-hindi ko siya bibitawan. I was wrong remembering those days that I've ignored his feelings, kung sana naamin ko kaagad, mas mahabang oras sana ang pananatili ko sa tabi niya. Now we've both ended up suffering, pero sisiguraduhin ko na matatapos din ang lahat ng ito, not now but sooner or later. “I love you. I'll be back...I promise. I'll comeback for you.” I kissed him on his lips before got of the bed. Kinuha ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig, at maingat na nagbihis upang hindi ko siya maisturbo sa pagtulog. Napabuntong hininga na lamang ako nang napatingin ako sa aking relo. Halos kalahating oras na lamang ay aalis na ang eroplanong sasakyan namin kaya nagmadali na akong umalis sa lugar. I maybe going to leave him, but I'll take his heart with me, and the promise that I've made. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko pagdating namin sa Japan, all I want is to end this. Walang mangyayari kung hindi ako kikilos, at tatapusin ko ang bagay na aking nasimulan. And whatever might happens, babalik ako. At ang pagbabalik na iyon ay hindi na para magtago, kung hindi ang hudyat na tapos na ang lahat. I'll end everything that are toxic. I'll bury them in hell. —TO BE CONTINUED— -- Author's Note, BOOK 2: Bury In Hell
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat